Demonstration Content
Demonstration Content
Demonstration Content
Uri ng Panghalip
1. Panao – ginagamit ito na panghalili sa ngalan ng tao. Maari ring tukuyin kung ito ay isahan,
dalawahan, o maramihan.
Halimbawa. Ako ay nagpapasalamat sa napagtagumpayang pagsubok.
Sila ang aking gabay sa paglaki.
PANDIWA
Ang Pandiwa
Ayon sa kahulugan pansemantika, ang pandiwa ay nagpapakilos o nagbibigay buhay sa
isang lipon ng mga salita. Samantala sa pananaw na istruktural, ang pandiwa ay makikilala sa
pamamagitan ng mga impleksyon sa iba’t ibang aspekto ayon sa uri ng kilos na isinasaad.
Halimbawa:
• Nagtatag ng bagong samhan ang mga empleyado.
• Magluluto ng kakanin ang kanyang tiyahin para sa fiesta.
KAGANAPAN NG PANDIWA
Kaganapan ang nagbibigay ng ganap na kahulugan sa pandiwa. Binubuo ito ng 7 uri ng
kaganapang pandiwa.
PANG-ABAY
Tulad ng pang-uri, ang pang-abay ay salitang panuring. Subalit kaiba sa pang-uri, ito ay
nagbibigay ng turing sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay, samantalang ang pang-uri ay nagbibigay
turing o naglalarawan ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Talagang masarap magluto si nanay Rosita. (pang-uri)
Tunay na magmahal ang asawang si Ely kay Helen. (pang-uri) Kahapon
nagpasyang lumusob sa Edsa ang mga raliyista(pandiwa) Maya-maya
biglang nabuwal ang ale na ikinabigla ng lahat(pandiwa) Totoong
lubhang mapagparaya si Santino (pang-abay)
• Mapapansing sa unang dalawang pangungusap, ang naitimang salita ay isang pang-abay at ang
bibibigyang-turing ay ang mga salitang nakasalungguhit na dili iba kundi pang-uri.
• Sa ikalawang grupo naman ng mga pangungusap, ang naitimang mga salita ay pang-abay na
nagbibigay turing sa mga salitang pandiwa.
• Samantalang ang panghuling pangungusap naman ay pang-abay ang naitimang salita at ang
nakasalungguhit na salita ay isang pang-abay.
Maaring ang mga pang-abay ay mabubuo sa pamamagitan ng mga kataga, o ingklitik o mga
salita o dili kaya ay parirala. Binubuo ito ng iba’t ibang uri ng pang-abay.
Uri Ng Pang-Abay
1. Pang-abay na kataga o Ingklitik – ito ay mga katagang lagging sumusunod sa unang salita
at kayariang kinabibilangan.
Halimbawa:
Nakarating na ba ang mga bagaheng biyaheng Bohol? Napakatulin
kasi ang kanyang pagpapatakbo kaya’t nadisgrasya. Magkabalikan
pa kaya ang magsing-irog?
Malubha na ang kanyang kalagayan sa ngayon.
Gusto ko sanang ipaalam ang kanyang malubhang karamdaman.
2. Pang-abay na Pamanahon – nagsasaad ng panahon o kailan naganap ang kilos na taglay ng
pandiwa. Sumasagot sa tanong na KAILAN.
Halimbawa:
Simula sa araw na ito, ikaw ay isa nang ganap na lingcod ng Diyos.
Tuwing sasapit ang kanyang kaarawan, nagpapakain siya ng mga pulubi sa kalye.
3. Pang-abay na Panlunan – ito’y tumutukoy sa pook na pinangyarihan ng kilos ng pandiwa.
Sumasagot sa tanong na SAAN.
Halimbawa:
Nasa hapag kainan na ang mga babaunin mong mga prutas. Sa
isang restawran kami magtatagpo ng aking mga kaibigan.
4. Pang-abay na Pamaraan – nagpapahayag kung gaano ginanap sa kilos ng pandiwa at sumasagot
sa tanong na PAANO.
Halimbawa:
Padabog na sumasagot ang batang gusgusin sa tanong ng ale.
Dahan-dahang inilapag ng tindera ang kanyang mga paninda.
5. Pang-abay na Panggaano – ito ay nagsasaad ng panukat o timbang. Tumutukoy sa dami o
bilang. Sumasagot sa tanong na GAANO.
Halimbawa:
Napakarami ng mga tumatangkilik sa teleseryeng BUDOY. Tumaas
ang timbang niya ng apat na libra.
6. Pang-abay na Pang-agam – ito ay nagbabadya ng walang katiyakan sa pagganap ng kilos ng
pandiwa. Nagpapahayag ng agam-agam.
Halimbawa:
Tila nanlalamig ang kanyang buong katawan at anumang sandali’y mabubuwal siya.
Marahil nakapag-isip-isip na silang umiwas sa kanilang masamang bisyo upang bumuti
ang kanilang katayuan sa buhay.
7. Pang-abay na Panang-ayon – ito ay nagsasaad ng panang-ayon.
Halimbawa:
Totoong matulungin ang kanyang anak na si Karen.
Sadyang palaban at traydor ang kanyang mga kalaban sa pulitika.
8. Pang-abay na Pananggi – ito ay nagsasaad ng pagtanggi o di-pangsang-ayon.
Halimbawa:
Hindi ko hahayaang lapastanganin ako ng taong iyan.
Ayaw paawat ng daldalerang babae sa kanyang kangangawa.
ANG PANG-UGNAY
Ang Pang-ugnay ay ginagamit na pag-uugnay ng mga salita, parirala, o pangungusap.
Binubuo ito ng pangatnig, pang-angkop, at pang-uukol.
URI NG PANG-UGNAY
1. Pangatnig – ito ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa mga salita sa kapwa salita, salitang
kaisipan sa kapwa kaisipan. Ito ay may anim na uri ng mga nakalahad sa ibaba.
a. Pamukod – tumutukoy sa pamimili, pagtangi, pag-aalinlangan, pagtanggi sa isa o sa iba,
sa dalawa o mahigit pang bagay o kaisipan.
Halimbawa:
Ni sa pangarap ni sa panaginip ay hindi siya nag-iisip ng masama.
Ang tunay na kaibigan ay walang pag-iimbot, sa gitna man ng kahirapan o
kasaganaan.
b. Paninsay o panalungat – may salungatang nagaganap. Ginagamit ng mga salitang ngunit,
bagamat, habang, kahit, datapwat, subalit, atbp.
Halimbawa:
Sasama raw siya kahit masama ang loob.
Darating daw siya bagamat masama ang pakiramdam.
Patuloy ang talakayan habang nagkakainan.
c. Panubali – kung may pag-aalinlangan o pagbabakasakali, ang ginagamit ay kung, pag, sana,
baka, pagka, kapag, sakali.
Halimbawa:
Lalong hihirap ang iyong buhay kung pababayaan mong nakatiwangwang ang
iyong lupa.
Pinamihasa mo ang iyong anak sa karangyaan baka magsisi ka pagdating ng
araw.
d. Pananhi – ginagamit kung ang mga kadahilanan ay inilalahad kung tumutugon sa
katanungang “baki” ang mga ito ay dahil, sapagkat, palibhasa, kasi, kandungan, atbp.
Halimbawa:
Sumama ang kanyang pakiramdam dahil sa kinain niyang hilaw na mangga.
Lumayas ang anak niya kasi sobra niyang pinagmalupitan.
Maghihirap ka ngayon sa buhay kundangan kasi wala kang inatupag kundi sugal.
e. Panlinaw – kung ang mga sinabi na ay pinaliliwanagan pa ang ginagamit ay: samakatwid,
kaya, gayunman, kung gayon, alalaon baga, alalaon sana, atbp.
Halimbawa:
Makahulugan at makabuluhan ang kasaysayan samakatwid, ang palasak nating kawikaan:
“Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan”.
Maginhawa sana an gaming buhay kaya lamang a tinamaan ng bagyo an gaming
pananim.
f. Panapos – ginagamit ang pangatnig na ito kung nagpapahayag ng layon sa pagababadya ng
nalalapit na pagwawakas sa pagsasalita tulad ng upang, nang, sa wakas.
Halimbawa:
Mahalaga ang pangaral ng mga magulang nang hindi malihis patutunguhan..
Ako’y kanyang tinutulungan upang maging kapaki-pakinabang sa aking bayan.
2. Pang-ukol – tinatawag na “preposisyon”. Ito ay tumutukoy sa mga katagang iniuugnay sa lugar,
direksyon, at kinauukulan na sinusundan ng pang-abay na panlunan tulad ng “ng”, “sa”, “ayon sa”,
“alinsunod sa”, “tungkol sa”, “hingil sa”.
3. Pang-angkop – tinatawag ding “linker”. Ito ay katagang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan.
Halimbawa:
Ang maamong mukha ng dalaga nakakabighani.
Para sa matatag na ekonomiya ng bansa, kailangan maging malaki anng produksyon.
Ang dahong malunggay ay nagbibigay sustansysa sa ating katawan.
PANGUNGUSAP
A. Ang Parirala
Ito’y lipon ng mga salitang walang paksa o panaguri. Nagagamit ito na bahagi ng pananalita.
Halimbawa:
a. dahil sa kapabayaan
b. para sa akin
c. para kay Marco
d. gamot na walang bias
e. tungkol sa pagtatapon
f. magkawanggawa sa iba
g. hinggil sa patubig
h. pagtitipon ng takip
i. tahanang bato
j. pagsasayang ng oras
Kayarian ng Parirala
1. Pariralang pang-ukol
Pinangungunahan ito ng pang-ukol na sinusundan ng layon nitong pangngalan o panghalip (para
sa, para kay, ukol sa, ukol kay, ayon sa, ayon kay, laban sa, laban kay, ng, sa, hinggil sa, hinggil kay,
alinsunod sa).
Halimbawa:
a. Ang pagkamatay ng bata ay dahil sa kapabayaan.
b. Tungkol sa pagtatapon ng basura ang sanhi ng pag-aaway ng magkapitbahay.
2. Pariralang Pangngalang-diwa
Ito ay binubuo ng pangngalang-diwa at layon nito.
Halimbawa:
a. Ang pagluluto ng suman ang hanapbuhay niya.
b. Ang hindi pag-inom ng gamot ang ikinamatay niya.
3. Pariralang Pawatas
Binubuo ito ng pawatas na pandiwa at ng layon nito.
Halimbawa:
a. Ang kumain nang tama ay makabubuti sa kalusugan.
b. Ang pag-aaral nang maayos ay makatutulong sa pagkakamit ng mataas na marka.
4. Parirala sa anyo ng Pandiwa
Binubuo ito ng pandiwa sa alinmang aspekto at layon nito.
Halimbawa:
a. Ang tagapayo nila ay naglilinis ng silid.
b. Ang mag-anak na kambal ay kaibigan ko.
Sugnay
Lipon ito ng mga salita na may paksa at panaguri subalit maaring hindi buo ang diwa
nito.
1. Makapag-iisa
Nagtataglay ito ng buong diwa. Tinatawag din itong payak na pangungusap o malayang pangungusap na
may paksa at panaguri at may buong diwa kaya tinatawag na sugnay na makapag-iisa.
1. Ang matanda ay abala sa gawaing-bahay.
2. Bumaha ng luha nang mamamatay an glider ng barangay.
3. Dumating ang panauhin ng aking kapatid.
4. Kumakain sila nang mahulog ang bata.
5. Ang mga babae ay naglilinis sa kalsada.
2. Di-makapag-iisa
Hindi ito nagtataglay ng buong diwa. Ito ang dahilan kung bakit mayroon tayong hugnayan at langkapang
pangungusap. Ito’y pinangungunahan ng pang-ugnay at pangatnig.
1. Hindi ako maghihirap kung magsusumikap ako sa buhay.
2. Nagluluto ang nanay ng ulam habang may nagbanggaan.
3. Kumakanta ang magkakaibigan samantalang nakikinig ang ilan.
4. Sila ay naglalaba habang nagluluto.
5. Matagumpay ang kanilang paligsahan bagaman hindi gaanong napaghandaan.
Pangungusap
Ito’y binubuo ng isang salita o lipon nito na nagpapahayag ng buong diwa. Ginagamit itong
kasangkapan sa isang sulatin na kailangan sa pagbuo ng talata tungo sa isang komposisyon.
Dalawang bahagi ng Pangungusap
1. Paksa – ito ang pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa pangungusap.
Pinangungunahan ito ng mga pananda tulad ng: ang, ang mga, si, at sina.
Ang paksa ay maaring:
A. Pangalan
Halimbawa:
a. Ang bata ay naglalaro kasama ng iba.
b. Sina Joy at Mario ay tumakas at nagtanan.
B. Panghalip
Halimbawa:
a. Tayo ay dapat na magkaisa para sa ikauunlad ng lahat.
b. Kami ay magkasama sa parke kagabi.
C. Pang-uri
Halimbawa:
a. Pinalakpakan ang magagaling sa klase.
b. Ang mga matatalino ay pinarangalan.
D. Pang-abay
Halimbawa:
a. Magagaling ang nasa hulihan ng bulwagan.
b. Ang nasa harapan ang pinalad.
E. Pandiwa
Halimbawa:
a. Ang mga nag-iingay na pangkat ay pinarurusahan.
b. Ang umuusal ng panalangin ay matanda na.
F. Magkapanuring
Halimbawa:
a. Paluhod na naglalakad ang matanda.
b. Magaling makisama ang mga probinsyano.
G. Pariralang Pang-ukol
Halimbawa:
a. Ihiwalay mo ang para kay Juan.
b. Ang para sa kanya ay ipamigay mo sa iba.
2. Panaguri – ito ay ang nagsasabi tungkol sa paksa. Ang panaguri ay maaring:
A. Pangngalan
Halimbawa:
a. Ang aking kapatid na doctor ay nagkawanggwa.
b. Ang aming kapitbahay ay manggagamot.
B. Panghalip
Halimbawa:
a. Ang nagwagi sa patimpalak ay sila.
b. Ang pinagbasa ng guro ay kami
C. Pang-uri
Halimbawa:
a. Mababait ang aking mga kamag-aaral.
b. Ang mga dumating ay matulungin.
D. Pang-abay
Halimbawa:
a. Ngayon n’yo na simulant ang proyekto.
b. Ipagdiriwang nila ang kaarawan ko mamayang gabi.
E. Pandiwa
Halimbawa:
a. Madalas mangumpisal ang matandang iyan.
b. Ang nagpakasal ay matanda na.
F. Pariralang Pang-ukol
Halimbawa:
a. Tungkol sa malaria ang ikinamatay ng matanda.
b. Ang ikinamatay niya ay dahil sa malalang sakit.
G. Magkapanuring
Halimbawa:
a. Mahusay magkunwari ang batang iyan.
b. Magaling mangatwiran ang matatalinong mag-aaral.
Ayos ng Pangungusap
May dalawang ayos ng pangungusap. Ito ay ang karaniwan at di-karaniwang ayos.
1. Karaniwang Ayos ng Pangungusap
Dito, nauuna ang panaguri kaysa paksa. Hindi ito ginagamitan ng ay.
Halimbawa:
a. Ang pagkakawanggawa ang kanilang gawin ng may kaya sa buhay.
b. Nagkakasiyahan ang mga makabagong kabataan.
2. Di-karaniwang Ayos ng Pangungusap
Dito, nauuna ang paksa kaysa sa panaguri. Ginagamitan ito ng ay.
Halimbawa:
a. Ang mga guro ay abala sa ginagawalang pulong.
b. Ang mga nagwagi sa palatuntunan ay magagaling sumayaw.
Gamit ng ay sa di-karaniwang pangungusap
Ang ay ginagamit bilang pantulong kapag ang sumusunod dito ay salitang
nagpapakita ng kilos o pandiwa.
Halimbawa:
a. Si Pedro ay kumakain ng sariwang pitas na gulay.
b. Ang kanyang in ay naglilinis ng bakurang tuwing umaga.
Dahil sa sumusunod sa ay ay pandiwang kumakain at naglilinis, kaya ang gamit ng ay ay pantulong.
Nagiging pangawil o pangawing ang gamit ng ay sa loob ng pangungusap kapag ang sumusunod ditto ay
pang-uri, panghalip, pangngalan, at pang-abay.
Halimbawa:
A. Ang sumusunod ay pang-uri:
a. Ang dumaan kanina ay maganda.
b. Ang kanyang ina ay pinakamayaman sa lungsod.
B. Ang sumusunod ay panghalip:
a. Ang kinausap ko ay sila.
b. Ang nangunguna sa klase ay siya.
C. Ang sumusunod ay pangngalan:
a. Ang hinahanap ng matanda ay bata.
b. Tiyak na ang nagmamay-ari nito ay lalaki.
D. Ang sumusunod ay pang-abay:
a. Ang matangdang naglalakad ay biglang nadapa.
b. Ang babaeng pinatay ay ditto natagpuan.
Kayarian ng pangungusap
1. Payak na Pangungusap
Tinatawag itong malayang pangungusap. Ito ay binubuo ng paksa at panaguri.
Halimbawa:
a. Si Pedro ay kumain ng suman.
b. Ang pangulo ay nagalit sa pagpapabaya ng mga manggawa.
2. Tambalang Pangungusap
Binubuo ito ng dalawang payak na pangungusap na pinagtambal ng pangatnig na: at, sa, o, pero,
ngunit, subalit, o dapatwa’t, kaya.dapatwa’t, kaya.
Halimbawa:
a. Ipinagkanulo ni nana yang aking panganay na kapatid sa kasintahan nito kaya nagalit
ang aming ama.
b. Ang pamilya Marasigan ay nagsumikap makabangon sa buhay pero ang pamilya
pintakasi ay umaasa na lang sa pagkakawanggawa ng iba.
3. Hugnayang Pangungusap
Binubuo ito ng isang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di-makapag-iisa. Upang
makabuo ng hugnayang pangungusap, ang dalawang sugnay na ito ay ginagamitan ng pangatnig na :
dahil, kung , kapag, nang, sapagkat, upang, habang, samantala, at iba pa.
Halimbawa:
a. Natutulog ang matanda sa kwarto nang biglang sumiklab ang apoy sa kusina.
b. Nagsisimula pa lamang kumagat ang dilim nang magkagulo sa katabing barangay.
4. Langkapang Pangungusap
Binubuo ito ng tambalang pangungusap at isa o higit pang sugnay na di makapag-iisa.
Ginagamitan din ito ng pangatnig.
Halimbawa:
a. Maraming mamamayan sa probinsya ng Tacloban at Leyte ang apektado ng bagyong
Yolanda samantalang sa Cagayan de Oro ay apektado lamang ng sobrang baha sanhi ng malakas
na buhos ng ulan na dala ng bagyo.
b. Si Joy ay naglilinis ng silid habang si Sonia ay naglalaba sa ilog nang biglang bumuhos
ang malakas na ulan.