Modyul 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

MODYUL NO.

1
MODULE IN PAGBASA AT PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA.

1. BATAS PANGWIKA.

Sinumang hindi sumunod sa batas na pinaiiral ng lipunan at sa batas ng maylikha ng sanglibutan


ay tuluyang igugupo sa kasamaan.
ANONYMOUS.

SA MALAWAK NA KONSEPTO ,ANG BATAS AY AGHAM NG MGA ALITUNTUNIN SA


MORALIDAD NA NAKASALIG SA KATUTUBONG PANGANGATWIRAN NG TAO. ITO ANG
NASUSUNOD SA KANYANG KILOS UPANG MAGAMPANAN ANG INDIBIDWAL AT
PANLIPUNANG MGA PANGNGAILANGAN NA SA KALIKASAN AY KATUTUBONG KAPWA
MAIPALAGANAP AT MAY KATARUNGAN. SA MADALING SALITA ITO ANG MGA
ALITUNTUNING NARARAPAT SUNDIN UPANG MAISAAYOS
ANG PAG-UUGNAYAN NG MGA TAO SA LIPUNAN. NAHAHATI ANG BATAS SA DALAWANG
SANGAY. BATAS DIBINO AT BATAS NG TAO.

BATAS DIBINO- ay ang diyos mismo ang syang gumawa at nagtakda nito.
BATAS NG TAO -ito yaong inilagda ng tao upang maging panuntunan nya sa pakikipag-kapwa.

ANG PAGBUBUKLOD NG ISANG BANSA AY NAKASALALAY SA MGA TAONG MARUNONG


SUMUNOD SA BATAS. NA PINAIIRAL NG MGA TAONG NANINIRAHAN SA IISANG
KOMUNIDAD.

ANG BATAS NA NAGIGING SANDIGAN NG PAGKATUTO NG TAO UPANG MAMUHAY SYANG


MATIWASAY SA LIPUNAN.. KAAKIBAT NG MGA PAGPAPATUPAD NITO AY ANG PAGGAMIT
NG WIKA UPANG LALO PA ITONG UNAWAIN AT ISABUHAY.

ANG PAG-UNLAD NG ISANG BAYAN AY NAKASALALAY SA PAGPAPA-UNLAD NG SARILING


WIKA. ANG WIKA AT BAYAN AY LAGING MAGKAKAMBAL.. HINDI MAIIHIWALAY ANG WIKA
SA BAYAN, LAGIITONG KAKABIT ANG BAWAT ISA.. WALANG MAUNLAD NA BAYAN KUNG
WALANG WIKA AT WALANG MAAYOS NA BATAS KUNG WALA ANG WIKA.

NAPAKAHALAGA NG WIKA SA KARUNUNGANG PANTAO., AT ANG KARUNUNGANG


PANTAO AY NAPAKAHALAGA SA BUHAY NG TAO. ANG PAGKAKAROON NG WIKA’Y ISANG
KATANGIAN IKINAIBA NG TAO SA IBA PANG NILIKHA NG DIYOS. MAY WIKA SYANG
KASANGKAPAN SA SA KANYANG LIPUNANG PINAMAMAYAHIHAN NG KATWIRAN AT
GANTIHANG PAKINABANG.

MALAKI ANG PANINIWALA NG YUMAONG PANGULONG FERDINAND E. MARCOS NA ANG


WIKA AY ISANG MAHALAGANG TULAY UPANG BUKLURIN NG PAGKAKAISA ANG ATING
BAYAN AT NANG SA GAYON AY MARATING NATIN ANG TUGATOG NG PANGARAP NA
KAUNLARAN. KASAGANAAN AT KATATAGAN. ITO ANG SIMULAIN NG BAGONG LIPUNAN
AT DITO NAKATUON ANG LAHAT NG HAKBANG,KILOS AT PUNYAGI NG ATING
PAMAHALAANWIKANG.. ANG PANINIWALANG ITO AY SYANG SUSI UPANG
MAGTAGUMPAY ANG MGA MAMAMAYANG MAY IISANG LAYUNIN AT ADHIKAIN UPANG
PAG-ISAHIN ANG DIWA NG PAGKAMAKA-BAYAN. SUSOG SA SALIGANG BATAS NG
PILIPINAS 1987 HINGGIL SA WIKA ARTIKULO 14-SEK.6 NASASAAD TUNGKOL SA WIKA.

ANG WIKANG PAMBANSA NG PILIPINAS AY FILIPINO. SAMANTALANG NILILINANG ITO AY


DAPAT NA PAYABUNGIN AT PAGYAMANIN PA SA SALIG SA UMIIRAL NA WIKA SA
PILIPINAS AT SA IBA PANG WIKA.

ALINSUNOD SA MGA TADHANA NG BATAS AT SANG-AYON SA NARARAPAT NA IPASYA


NG KONGRESO, DAPAT NA MAGSAGAWA NG MGA HAKBANGIN ANG PAMAHALAAN
UPANG IBUNSOD AT PUSPUSANG ITAGUYOD ANG PAGGAMIT NG FILIPINO BILANG
MIDYUM NG OPIS-
YAL NA KOMUNIKASYON AT BILANG WIKA NG PAGTUTURO SA SISTEMANG PANG
EDUKASYON.

UPANG MAGING MALINAW KUN ANO ANG DESKRIPSYON NG FILIPINO BILANG WIKANG
PAMBANSA AY BIGYAN NATIN NG TUON ANG IBINIGAY NG KOMISYON SA WIKANG
FILIPINO (KWF) BATAY SA RESOLUSYON 96-1.GANITO ANG BATAYANG DESKRIPSYON
NG FILIPINOS.

ANG FILIPINO AY ANG KATUTUBONG WIKA NA GINAGAMIT SA BUONG PILIPINAS BILANG


WIKA NG KOMUNIKASYON NG MGA ETNIKONG GRUPO. KATULAD NG MGA IBA PANG
WIKANG BUHAY. ANG FILIPINO AY DUMARAAN SA PROSESO NG PAGLINANG SA
PAMAMAGITAN NG PAN-HIHIRAM SA MGA WIKA SA PILIPNAS AT SA MGA DI-
KATUTUBONG WIKA AT EBOLUSYON NG
IBA’T-IBANG BARAYTI NG WIKA PARA SA IBA’T IBANG SALIGANG SOSYAL AT PARA SA
MGA PAKSA NA TALAKAYAN AT SKOLARLING NA PAGPAPAHAYG.

MALINAW NA NAKASAAD SA ATING BATAS NA ANG PAMBANSANG WIKA NATIN AY


TATAWAGING FILIPINO AT ITO’Y PATULOY NA PAYAYABUNGIN SALIG SA UMIIRAL NA
WIKA SA PILIPINAS AT SA IBA PANG WIKA. UPANG MAGING TAHASAN ITONG
MAISAKATUPARAN MARAPAT NA IGALANG NATIN AT IBIGAY ANG PAGKILALA
KONSTITUSYONG ATING PINAGTIBAY ITO ANG MAGIGING SIMULA NG PAG-UNLAD NG
ISANG WIKANG PANLAHAT AT DAPAT NATING
SUNDIN BILANG ISANG BATAS.
Aralin 2
ANG PAG-UNLAD NG WIKA
‘….Inyong nalimutan na habang pinananatili ang sariling wika,napangangalagaan ang kaligtasan ng
kanyang Kalayaan”.
Dr.Jose Rizal.

Ang wika ay isang handog na taglay ng tao mula sa pagsilang. Batay kay Edward Sapir ,ang wika ay
isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,damdamin at mithiin.Ito ay
eksklusibong pag-aari ng tao na siya lamang ang may kakayahang makagamit.walang kaalamang
naibabahagi nang hindi gumagamit ng wika.Wika ang syang instrument upang maipahayag ang kanyang
kaalaman at iniisip sa paraang pasalita at pasulat.
Sa pasalita naibabahagi ang kaalaman at karanasan ng isang tao na maaaring kapulutan ng isang
aral na syang magiging inspirasyon niya upang muli syang magpatuloy sa kanyang pakikibahagi sa kanyang
kapwa.Ang wika ang nagiging daluyan bilang tagapamagitan ng pagpapalitang-diwa. Sa pagging mulat sa
pag-iisip ng iba ay napapayaman ng ating diwa.Nang dahil sa paggamit ng wika nagiging posible para sa
lahat ng magsalita at magsulat.Dahil sa pagiging mulat niya sa pangyayari sa paligid ay Malaya niya itong
naitatala.Sa paglipas ng panahon hindi na kailangan pang hanapin ang nagsasalita bagkus sinasangguni na
lamang ang mga tala.Ito ang hudyat upang posible tayong makapasok sa komplikadong talakayan gamit
ang wika.
Sa kasalukuyan,unti-unti nang nagbabago ang pamamaraan ng mga tao sa pagpapaganap ng
kaalaman. Natuto na syang gumamit ng mga makabagong teknolohiya upang mas madali at epektibong
maipahatid ang kaalamang nais niyang ibahagi sa lipunan. Sa tulong ng mga makabagong kagamitan tulad
radio,telebisyon at internet ay mabilis nating naipahahatid ang mga pangyayari sa loob at labas ng atng
bansa.Maging sa karatig bansa ay mas mabilis nating nlalaman ang kalagayan nito at mabilis itong
nalalaman dahil sa tulong ng makabagong teknolohiya.
Ang pagkakaroon ng wikang Pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan
at nagbibgay tulong sap ag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Ang sariling wika ay mahalaga at
kinakailangan ng isang bansa.Ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat
mamamayan.
Ang tunay na wika ay binibigkas at isinusulat ng bayan.Hindi ito ipinapagamit kanino pa man
dahil sa sariling interes lamang. Ayon sa mga pilosopo ng Frunkfurt school,sa larangan ng dominasyon,
ang wika ay nagsisilbing instrument ng pagkontrol sa kamay ng mga maykapangyarihan,instrument ng
pakikibagay,pag-iwas, at pagtutol sa panig ng mga biktima ng may kapangyarihan.Ang wika ay dapat
maging buhay, makatotohanan at may repleksyon ng mga tunay na kagaganapang nagbabago dahil sa
mga karanasan at pangangailangan ng mga taong gumagamit nito.
Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkkintindhan.
Ang wikang filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago. Gumagamit na din
tayo ng iba’t ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng ating wika,ilang halimbawa
ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na
nagpepresenta sa isang salita o tumatayo bilang kapalit ng salita. Sumunod na halimbawa ay ang
pagpapalit ng mga arkayk na salita,sa pamamagitan nito pinapalitan ng mga makabagong salita ang mga
salita na ginagamit noong unang panahon upang mas madaling gamitin at mas magandang bigkasin at
pakinggan.At ang pinaka-uso sa panahon ngayon ay ang paggamit ng mga balbal na salita,ito ang
pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit ng mga kabataan at mga bakla.Ang mga mag-
aaral sa urban ay gumagamit ng iba’t ibang pagpapalawak ng bokabularyo na nakakaapekto din sa kanilang
pamumuhay maging sa lipunan at ekonomiya.
WIKANG FILIPINO MULA ALIBATA HANGGANG TEXT MESSAGING.
Batay sa teorya Aram Noam Chomsky[1928] lahat ng mga tao ay may Language Acquisition Dvice
[LAD] idinagdag nya na “everyone is born with some sort of universal grammar in their brains….basic rules
which are similar across all languages.” Ang sinaunang balarila na nakabatay sa baybayin ay may
pamantayan ding sinusunod.Iyon nga lamang,hindi ito lumaganap dahil sa kolonisasyon ng kastila sa ating
bansa.kung kaya’t pagtatangkaang muling pag-aralan ang baybayin sa kasalukuyan, ang iniisip ng marami
na mahirap itong maunawaan ay isa itong kasinungalingan.kahit ang mga pre-schooler sa kasalukuyan ay
matututo nito kung agad tuturuan.kung kaya ang pagkatuto ng wikang filipino gamit ang alibata ay isang
ambisyon sa tingin ng iba ay hindi practical subalit posible.Hindi magiging lubos ang pagkakaroon natin
ng sariling pagkakakilanlan sa wika kung muli nat ing bubuhayin ang alibata.kahit si Dr.Jose Rizal sa El
Felibusterismo ay ginamit si Simoun na nagpahayag ng mensaheng :” anong lahi kayo sa kinabukasan?
Isang bayang walang kaluluwa,bayang walang Kalayaan na lahat nang bagay ay hiram ultimong ang
kasalanan at kabiguan.”?
Marami na ang tangkang buhayin ang alibata. Ayon kay Bayani Mendoza De Leon,ang makabayang
si Aurelio Alvero na kilala rin sa tawag na Magtanggol Asa( ppinatay sya ng mga hapon dahil sa kanyang
sinulat} at ang kasamang si Jose Sevilla ang bumuo noong 1940 ng Salitikan ng Wikang Pambansa.Noon
naming 1972 ,ang skultor na si Guillermo Tolentino ay naglimbag ng kanyang aklat na baybayin,a syllabary.
Noon namang 1978 si Ricardo Mendoza sa kanyang aklat na pinadaling Pag-aaral
ngkatutubong Abakadang Pilipino ay nagpaliwanag na dapat isama sa kurikulum ng edukasyon ng
pilipinas ang pag-aaral ng alibata upang ang kasalukuyang filipino ay malinawan sa kanyang pagkatao.
Idinagdag pa ni De leon na sa isang artikulong” Bathala and Our baybayin” na kasama sa
pablikasyon ng Union Espiritista Cristiana de Filipinas,Inc.binigyang linaw ni Guillermo Tolentino ang
bawat karakter sa alibata. Hal.Bathala kung saan ang ba ay ay sumisimbulo sa pangalang babae.ang La
ay sa lalake.Ang mga guro ay nagsisikap na ituro ito sa paaralan at maging sa internet ay may website na
nagpapaliwanag sa epektibong paggamit ng alibata.Hinggil naman sa text messaging may malaking
pagkakatulad ang proseso ng paggamit nang salita sa cellphone at ang pagbabaybay gamit ang alibata.sa
cp.ang pagpapantig at pagpapaikli ng salita.Hal. kung itatayp ang pupunta ako sa bahay kapag pinaikli ay
Ppunta ako s bhay. Malinaw na ang texting at ang paggamit ng alibata ay nakabatay sa konsepto ng
pagpapantig. Pwede rin ang taglis.Punta me s haus.
Kung talagang susuriin ay hindi naman talaga bago ang texting ayon kay Dr. Isagani
Cruz.ipinaliwanag niya na ang proseso ng texting ay walang pinagkaiba sa speed wring noon pa mang
panahon sa England. Ang nabago lang ay ang teknolohiya ng paggamit ng speedwriting sa cellphone.
Kaugnay ng mga natalakay tungkol sa ating wika mapapansin na ang ating ay nagsimulang tawagin
bilang wikang Pambansa na batay sa tagalog.Salitang Pilipino naman ang nagging katawagan upang
maiwasan na mahabang katawagan na wikang Pambansa.
Filipinoang nagging katawagan batay sa Saligang batas na umiral sa taong 1987 bilang
modernisasyon ng wikang Pambansa Ang pagpapayaman ng wikang Filipino ay tungkulin lahat ng
mamamayang Pilipino,dapat na ito ay gamitin,linangin at maging bukas sa lahat ng pagbabago.Ang
Tagalog,Pilipino at Filipino ay hindi magkakaibang wika.ito ay tinatawag na baryasyon na “Mutually
Intelligible” na kabilang sa iisang wika.
Ayon sa KOMISYON SA WIKANG FILIPINO, (KWF) ang filipino ay uri ng salita na sinasalita sa buong
metro manila.ito ay katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo.tanggapin natin nang maluwag sa ating kalooban ang pagbabagong nagaganap dahil ito
ang hinihngi ng panahon.ituring natin ito na isang yaman at hind imaging pabigat sa ating local na wika
upang mabigyan ng edukasyon ang ating lipunan at mapaangat natin ito.Ang FILIPINO ay Lingua
Franca ng ating bansa.
Ang pagkakaiba ng Tagalog ,Pilipino at Filipino. Bilang paglilinaw tunghayan natin ang pagkakaiba
ng mga ito.
TAGALOG.Ito ay naging BATAYAN ng wikang Pambansa noong 1987 sa bisa ng kautusang
tagapagpaganapblg.134 na hanggang sa ngayon ay pinagkakamalian bilang wikang Pambansa.ito ang
sinasalitang wika ng etnikong grupo sa bansa.isang diyalekto sa Pilipinas at sianasalita ng mga tao sa
lalawigan ng QUEZON,Bulakan,Batangas,Rizal, Laguna,Marinduque,Mindoro,Cavite,Nueva Ecija,Puerto
Prinsesa at ang buong Metro Manila.
PILIPINO.Balikan natin ang taong1959 kung saan itinagubilin ni kalihim Jose Romero sa bisa ng
kautusang Pangkagawaran bilang 7 kailan ma’t tutukuyin ang wikang Pambansa,ang salitang Pilipino ang
gagamitin.ito ay NAKABATAY SA WIKANG TAGALOG.Mono language lamang na maituturing.
FILIPINO Ito ay ay tinawag upang makasabay ang bansa sa modernisasyon sa pamamagitan
pangintelektwalisadong paggamit ng wikang filipino.tayo ay mga Pilipino at ang ating pambansang wika
ay filipino .ito ang Lingua Franca ng Pilipinas. Ito ang dala ng modernisasyon.patuloy itong kumakatawan
sa wikang dinamiko. TUWIRANG PANGHIHIRAM NG WIKA SA MGA UMUUNLAD NA BANSA lalo na sa pag-
unlad at paggamit ng mga bagong teknolohiya.
ISTANDARDISASYON NG WIKANG FILIPINO.ayon kay Paz Belves (1995) may dalawang standard ang
wika.ito ay ang Wika at dayalekto.
MODERNISASYON ayon kay Almario (1997) sa kanyang sanaysay “ Mulang tagalog hanggang
filipino”sa pangalang filipino kinakatawan niyon ang pambansang kaakuhan sa lloob ng kasalukuyang siglo
at naging kompleksidad ng kamulatang makabansa mula sa pinag-ugatan nitong konsepto ng katagalugan
ni Andres Bonifacio.kailangan itong magamit bilang wikang panturo sa lahat ng kolehiyo at unibersidad at
maging sa mataas at mababang paaralan.
INTELEKTWALISASYON ng WIKANG FILIPINO. Ayon kay Catacataca at Espiritu ito ay hangaring
ganap na magamit bilang wika ng pagkatuto at skolarling na talakayan at daluyan ng karunungan
ang Filipino.ito ang pinaka mahalagang bahagi dito naka paloob ang tunguhing intelektwalisasyon.
BASAHING MABUTI AT UNAWAIN PARA SA PAG-UNLAD NG ATING WIKANG FILIPINO.ENJOY
READING.GOD BLESS ALL. RDG.2020.
ARALIN 3
TUNGKULING PANGWIKA

Ayon kay James Dee Valentine, Ang wika ang pinaka pagkain ng ating
utak..
Ang wika ay isang penomenong pumapaloob at umiiral sa loob ng lipunan at may angking
kakayahang makaimpluwesya, magdikta, magturo, tumulong
,kumontrol,manakot,pumatay, magpaligaya at lumikha ng isang realidad sa kanyang
ispesipikong kakayahan. Ang wika ay humuhubog ng ating pandaigdigang
pananaw. Kung titingnan ang wika bilang isang ideolohiya, maaaring magkaroon ng
iba’t ibang pakahulugan,pagtingin,pag-unawa at karanasan dahil may kanya-kanyang
posisyon at papel ang indibidwal sa lipunang kanyang ginagalawan at kinabibilangan.
Ang wika ang ugat ng pakikipagtalastasan,ito ang kabuuan ng kaisipan ng
lipunang lumikha nito. Ang wika ay salamin ng kanyang katauhan.Ito ang behikulo
ng paghahatid ng kanyang ideya o palagay sa tulong nang mga salita na maaaring
pasalita o pasulat.
Malaki ang tungkuling ginagampanan ng wika sa buhay ng tao. aAyon kay
Archibald A.Hill, sa kanyang papel na What is Language? Ang wika ang pangunahin
at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao..Napakahalagang Gawain
ng tao ang kakayahang gumamit ng wika. Ang wika ay gamit sa pakikipag-ugnayan sa
kanyang kapwa.Ito ang instrumenting nag-uugnay sa kakilala,kaibigan at kasamahan.
Sa aklat ni Paz Belbez et.al (2003) ay tinukoy ang ilang tungkuling
pangwika. Gaya ng mga sumusunod:
1. Gampanan ang mga obligasyong sosyal.
2. Kakayahang makipagpalitan ng kabatiran.
3. Makaimpluwesya ng kapwa.
4. Tumugaon sa pang araw-araw na pangangailangan
5. Tungkuling pangkatauhan.
Batay sa chart na ginawa ni GORDON WELLS ipinakita ang tungkulin ng wika sa tao.
imik! Sabi.
Tungkulin ng Komunikasyon Gawi ng Pagsasalita
Pakikipagusap, paguutos,
pagmumungkahi, Pagpupungyagi,
pagtanggi, pagbibigay – bahala
A. Pagkontrol sa kilos o gawi ng iba Pakikiusap:
Pwedeng tumahimik ka
Pag-uutos:
Hoy!, tumahimik ka nga!
Pagmumungkahi:
Baka gusto mong tumahimik
Pagbibigay – bahala:
Kapag hindi ka tumahimik, isasama kita sa
5% na dapat kong ibagsak sa klaseng ito
Pagtanggi:
Ayoko nang tumahimik
Pagpupunyagi:
Tumahimik ka na sabi !
Pakikiramay, pagpuri, pagsang-ayon,
paglibak, paninisi, pagsalungat

Pakikiramay:
Nakikiramay po ako
Pagpuri:
Ang husay mo ‘the
Pagsang-ayon sa pahayag:
Tama ka!
Pagsalungat:
B. Pagbabahagi ng damdamin
Hindi totoo yan wala na talaga syang
Balak pag-aralin tayo.

PAGLIBAK:
Kala mo ang galin-galing nya,wala
namang sinabi.

PANINISI:
Kung hindi mo inaway si Tita,di sana may
nagpapa-aral pa sa atin ngayon.
C. Pagbibigay o Pagkuha ng
impormasyon
D. Pagpapanatili sa Pakikipagkapwa
at pagkakaroon ng interaksyon sa
kapwa.
E. Pangangarap / paglikha
ARALIN 4
PAGPAPLANONG PANGWIKA
“ Walang bansa ang nagiging Malaya at maunlad na hindi gumagamit ng
sariling wika.”
Pres. Manuel Luis Quezon.

A ng wika ay may kakayahang tumugon sa hamon nang nagbabagong


panahon. Taglay nito ang katangiang dinamiko.Nagbabago ito batay sa kahingian ng
moderni- sasyon sa usapin ng pagpapaunlad ng wika,ortograpiya o paggamit.
Batay sa konstitusyon ng Pilipinas 1987, mahalagang probisyon ang pag-
unlad o debelopment ng wikang Pambansa. Ang kahalagahan ng paglinang at tungkulin
nito ay nakasalalay sa komisyon ng wikang Pambansa (KWF) na maisakatuparan ang
layunin nito.Nilikha ang komisyon ng wikang filipino sa bisa ng sek.14 ng Rebublik Act
No.7104 na nagsasaad ng mga sumusunod:
A. Magbalangkas ng mga patakaran,mga plano at mga programa upang
matiyak ang higit pang pagpapaunlad,pagpapayaman,pagpapalaganap at
preserbasyon ng filipino at iba pang wika sa Pilipinas.
B. Magsagawa o makipagkontrata ukol sa pananaliksik at iba pang pag-aaral
upang isulong ebulosyon,pagpapa-unlad,pagpapayaman at istandarddisasyon ng
filipino at iba pang wika sa pilipinas.
Sa pagkakabuo ng KWF, nagkaroon ng sandigan ang pagsasagawa ng
pagpapla- nong pangwika tungo sa binabanggit sa kautusang pagpapaunlad,
pagpapalaganap at pagpapanatili ng wikang filipino at iba pang mga wika.
Ayon sa isang lingwistika ,pagpaplanong pangwika ang tawag sa pormal at
organisadong paghahanap atpaghahanay ng iba’t ibang kalutasan sa mga
namamayaning suliraning pangwika. Tinatanggap ito bilang akademikong disiplina na
ang pa- ngunahing layunin ay ang paghahanap ng mga solusyon na daraan sa iba’t
ibang proseso. Nitong mga nakaraang panahon, nasaksihan natin kung paano ang
pag- paplanong pangwika ay naging isang interes na pampulitika,lalo na ang mga
bansa na dumanas ng pagkakolonya ng ibang mas makapangyarihang bansa.
Mahihinuhang kailangan ang malapit na pakikipag-ugnayan ng KWF sa iba’t—ibang
sector ng lipunan, particular sa mga maituturing na makapangyarihan.Kabi—lang sa
kumokontrol na pangwikang domeyn ay pamahalaan ,lehilatura, hudisyal, kalakalan,
komersyo, industriya,agham at teknolohiya,mga propesyon, midya at edukasyon sa
lahat ng antas (Sibayan sa brigham at Castillo,1999)
Ayon kay Almario(2008) Punong komisyoner (2013) ng KWF, mas mabuting magsimula
sa itaas ,pababa. Ang mga aksyon ay nararapat na magmula kolehiyo o unibersidad.At
inilahad nya rin na may suliranin sa nabanggit na domeyn.Ang mga ito ay ang pagtang-
gap at pagpapatanggap. Hindi nagtitiwala ang karamihan at hindi sila naniniwalang
kai- ilangan ang filipino sa kapakanan ng larangan ng lalong mataas na Edukasyon
(HEI)
Sinabi ni Sibayan sa brigman at Castillo(1999) na upang magtagumpay ang hak- bang
sa programang pagpapaunlad ng filipino bilang bahagi ng pagpaplanong pangwik-
magmumula ang pagkilos sa mga iskolar sa pamamagitan ng pagsusulat sa filipino at
sa mga institusyon sa kolehiyo na hinihikayat lalo ang paggamit ng wikang filipino.
Kaugnay nito kung ang wika ay ginagamit lamang sa loob ng silid-aralan at hindi—
aktibong sinusuportahan at pinahahalagahan ng mga nasa paligid nito,Ang pag-unlad
ng wika at motibasyon sa pag-unlad ng wika ay bababa.Patunay ito na ang usa- pin ng
institusyunal ng pagpaplanong pangwika sa mga HEI ay hindi lamang nakatuon bilang
midyum ng pagtuturo,kaagapay nito ang malawakang paggamit at pagsuporta
sa loob ng institusyon.
Inilahad in Eastman(1982) sa aklat ni Arrogante et.al. kaugnay sa paraan ng pgpili ng
wika,may sampung kategorya kung saan maaaring makapamili ng isang wika na
sasailalim sa istandardisasyon.
1. Indingenous Language-wikang sinasalita ng mga sinaunang tao na nakapani—
rahan sa isang lugar.
2. Lingua Franca –Wikang gamitin ng mga taong may magkaibang unang wika na
may tiyak na layunin sa paggamit.
3. Mother Tongue—Wikang naakwayr mula sa pagkbata.
4. National Language—Wikang ginagamit sa politika,sosyal at kultural na pagka—
kakilanlan.
5. Official Language –Wikang ginagamit sa transaksyong pampamahalaan.
6. Pidgin—Nabuo sa pamamagitan ng paghalu-halo ng wika.wikang kadalasang
ginagamit ng mga taong may magkaibang pinagmulang wika.
7. Regional Language—Komong wika na ginagamit ng mga taong may
magka- ibang wikang pinagmulan na naninirahan sa isang particular na lugar.
8. Second Language –Wikang natutunan bilang karagdagan sa unang wika.
9. Vernacular Language –Wika ng isang sosyal na grupo na nadomina ng ibang
wika.
10. World Language—Wikang ginagamit sa malawak na saklaw ng mundo.

Sa panahon na naghahanap ng identidad ang bawat institusyong akademiko ay may


magagawa ang wikang Pambansa. Sa kabilang dako,ang mga HEI ay may
magagawa para sa wikang Pambansa.
Ang usaping pagpaplanong na higit ang pagkiling sa filipino ay matagal ng paksa ng
debate sa akademikong larangan. Sa pangunguna ng KWF katulong ng ibang sector at
institusyong pang edukasyon , naipapatupad ang ang mga patakarang pangwika.Ito ay
mula sa polisiyang bilinggwal 1974 at 1987 hanggang sa Mother Tongue Based
Mul- tiliggwal Language Education ng 2009. Pinatutunayan nito ang aktibong pagtupad
sa mga hakbang ng pagpaplanong pangwika.
Sa ganap na pagpaplanong pangwika,kailangang humarap ang wikang Pambansa sa
laban ng Ingles sa pakikiayon ng wikang filipino sa mga wikang bernakular at tunggalian
sa paglinang nito. Mapanghamon ang ingles lalo’t idinidkit dto ang taguring
internasyunal na wika at wika ng globalisasyon. Sa kabilang panig,sa pahayag ni Miclat
sa Constantino 2005),hindi naman nababatay sa kaalaman sa ingles globalisasyon.
Binanggit niya ang mga kaunlaran ng mga bansang hindi gumagamit ng ingles tulad ng
South Korea, Japan ,Israel, Malaysia, Vietnam, India, China at Thailand. Kasama rin
Germany, France, Chechoslovakia at marami pang ibang bansa sa Europa.
Inilahad ng kartilya ng wikang filipino bilang wika ng edukasyon/ Primer on the filipino
language as language of education (2004) ng pambansang komite sa wika at salin na
pambansang komisyon para sa kultura at sining.(NCCA) ang paliwanag ng iskolar sa
wika at globalisasyon.Sa kasalukuyan sabay-sabay na pinauunlad ang
pandaigdigan na wika,rehiyunal na wika o wika na nagsisilbing Lingua Franca ng
magkakalapit na bansa .Hindi lamang sa ingles nakatuon.
Kaya,lilitaw naman ang hamon kung kakayanin naman ng wikang filipino na magtungo
at makinabang sa globalisasyon(Miclat sa Contantino,2005). Tinugunan ito ni Almario
sa Zapra(2008) ng estratehiyang gamitin ay ang wikang pambansa sa lahat ng sector
ng kapangyarihan sa lipunan sa ika-21 ng siglo. Maisagawa sa pamamagitan ng
tinawag niyang simulating purista.Nangngahulugan itong hindi lamang isang paraan
ang gamitin kundi maluwag iba’t ibang paraan ng pagpapaunlad ng wika.Tulad ng
pagsasalin at ebalwasyon.
Inilarawan ni Salazar (2000) na may sistemang closed circuit ang pangkat ng taong
nag-uusap lamang sa sarili at sa isa’t isa.Sa ganitong kalagayan, ang lipunan at kultura
ng bansa ay may pantay pantay na pananaw kung gumagammit ng mga kon- septo at
ugali na alam ng lahat ang kahulugan.Nangyayari lamang ito kung taglay ang iisang
koda o wika.
Bilang tugon sa hamong ito,nagmungkahi si Guillermo (http/kyotore view,cseas.kyoto-
u.ac.jp/ issue 2 // article_247.html) ng repormulasyon ng konseptong bumubuo sa
pagpaplanong pangwika. Sinabi nyang dapat na magsilbing pangunahing batayan ng
nagkakaisang diskurso ang paggamit ng pambansang wika bilang midyum ng
komunikasyon sa pilipinas. Kailangan ding mapaunlad ang komunikasyon at pagsasa
lin upang maging produktibo ang interaksyon sa pagitan ng filipino at ingles.

You might also like