Summative Test Filipino 4 - Q1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 4

KUWARTER 1

Pangalan:__________________________________________Baitang at Seksyon: IV-__________________

I - Basahin ang kuwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong.


NASA HULI ANG PAGSISI
Si Pedro ay ang tipo na hindi mahilig lumabas ng silid. Pagkatapos ng kanyang klase ay diretso na siyang
umuuwi sa kanilang bahay. Isang araw, natanaw niya sa kanilang bintana ang mga batang naglalaro sa labas ng
kanilang bahay.Inggit na inggit siya habang tinatanaw ang mga batang nagkakasayahan sabay pagpapasahan
ng bola sa isa’t-isa. Nais man niyang maglaro, tali siya sa mga gawaing pampaaralan dahil sa pangaral ng
kanyang mga magulang na mag-aral muna mabago maglaro.
Isang hapon, hindi niya natiis ang labis na pagkasabik sa paglalaro.Iniwan niya ang kanyang takdang-
aralin at lumabas para maglaro.Sa sobrang tuwa nakalimutan niyang gawin ang kanyang takdang-aralin.Umuwi
siya na hapong-hapo at dahil sa kapaguran, di man lang niya nagawang magpalit ng damit pantulog.
Kinabukasan, hindi namalayan ni Pedro na pumasok siya na walang mga takdang–aralin. Nang tinawag
siya ng kanyang guro, wala siyang naisagot.Walang imik siya sa klase dahil sa nangyari.Hiyang-hiya siya sa
sarili.
“Pangako ko, tatapusin ko muna ang gawain ko sa klase bago akomaglaro”, sumbat niya sa sarili
pagkatapos niyang hindi masagot ang tanong ng guro.

1. Sino ang batang hindi mahilig lumabas ng silid?


a.Paul b. Pedro c. Pepe d. wala sa nabanggit
2. Ano ang natanaw niya sa kanilang bintana?
a.mga batang naglalaro c. mga batang sumasayaw
b. mga batang nagbabasa d. batang pasaway
3. Bakit hindi magawa ni Pedro ang paglalaro sa labas?
a. Dahil pinagbawalan ng magulang
b. Dahil pinagagawa siya ng takdang-aralin
c. Dahil maraming utos ang kanyang mga magulang.
d. wala sa nabanggit
4. Ano ang ginawa ni Pedro para siya makapaglaro?
a.Ipinagawa sa iba ang takdang-aralin.
b. Naglaro muna bago tinapos ang takdang-aralin.
c.Tinapos ang takdang-aralin.
d. wala sa nabanggit
5. Ano ang ipinangako niya sa sarili?
a. Gagawin ang takdang-aralin habang naglalaro.
b.Tatapusin muna ang laro bago ang takdang-aralin
c.Tatapusin muna ang takdang-aralin bago makipaglaro.
d. wala sa nabanggit

II. Panuto: Sagutin ang bawat bilang. Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.
6. Ito ay tumutukoy sa mga panauhin ng kuwento.
A. wakas B. tauhan C. tagpuan D. langkapan
7. Ito ang pinakahuling bahagi ng banghay at nakasaad dito ang magiging resulta o katapusan ng isang
pangyayari.
A. panimula B. wakas C. kasukdulan D. tagpuan
8. Dito ipinakilala ang mga tauhan at tagpuan ng isang kuwento bilang introduksiyon ng kuwento.
A. panimula B. wakas C. kasukdulan D. tagpuan
9. Tinatakakay dito ang mabigat na pangyayari o problema na kakaharapin ng tauhan.
A. panimula B. wakas C. kasukdulan D. tagpuan
10. Ito ay tumutukoy kung saan nangyari ang kuwento.
A. wakas B. tauhan C. tagpuan d. wala sa nabanggit

II - Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang titik na nagbibigay ng tamang
kahulugan ng mga salitang may salungguhit.

11. Nahulog ang batang si Arche sa imburnal.


A. panatag B. kanal C. batya D. ingkong

12. Isang lolo ang nagkukuwento ng mga pangyayari.


A. ingkong B. maburak C. batya D. magkasing-irog

III - Panuto: Basahin ang kuwento. Pagsunud-sunurin ang mga larawan batay sa nabasang kuwento. Ilagay ang
numero 1 - 6. Isulat sa bilog ang iyong kasagutan.

Ang Ulirang Bata


Nagulantang ang lahat sa lakas ng iyak ni Pipo. Sa mga oras na iyon, namatay ang pinakamamahal
niyang ina. Hindi niya mailarawan ang sakit ng mawalan ng isang ina. Si Pipo ay mag-isang itinaguyod ng
kanyang ama na si Lukas, isang karpintero. Maaga pa lamang ay kailangan na niyang umalis ng bahay
upang maghanap-buhay para sa kaniyang pamilya.
Isang araw habang pauwi si Pipo galing sa paaralan, nakasalubong niya si Tatay Lukas na may hila-
hilang kambing. Ang mga kambing na iyon ay mula kay Tata Pedro. Ipinagkatiwala ni Tata Pedro ang mga
kambing upang alagaan at paramihin ni Tatay Lukas. Lubos ang kasiyahan ni Pipo nang makita ang mga
kambing. Alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kanila kapag ito ay naibenta.
Si Pipo ay tumulong sa pagpapastol sa mga kambing tuwing araw ng Sabado at Linggo. Kahit
pagtawanan siya ng ibang bata, balewala ito sa kaniya. Hindi nagtagal, agad naibenta ang mga inalagaan
nilang kambing at nakatulong ito sa gastusin nila. Nakabili si Pipo ng kanyang mga gamit kagaya ng tsinelas
at gamit pang-eskwela.
Lumaking responsible at ulirang anak si Pipo. Ramdam niya ang hirap ng buhay kaya naman lalo siyang
nagsumikap upang matulungan ang kanyang ama para maitaguyod siya sa kanyang pag-aaral. Hindi niya
ikinahiyang magpastol ng kambing kahit siya ay binata na. Nag-aral siya nang mabuti upang masuklian ang
pagsasakripisiyo ng kanyang ama.

16
13 14 15

17 18 19 20
21. Si Jemerson at ako ay magbibigay ng donasyon sa mga apektado ng Bulkang Taal. _____ ay bibili ng
pagkain at magbibigay ng mga lumang damit.
A. Kami B. Tayo C. Ikaw D. Sila

22. Pupunta sina Kim, Kieth, Myla, at Roda sa Mall. _________ ay manonood ng sine.
A. Kami B. Ikaw C. Ako D. Sila

23. _________ ang gustong sumama sa pamimili ng mga gamit at pagkaing ihahatid sa Batangas?
A. Ano-ano B. Saan C. Sino-sino D. Kailan

Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at MALI naman kung hindi.
__________24. Ang natatanging kuwento ay isinulat upang magpabatid, maglahad, at magpalawak ng isang
balita, impormasyon at makatotohanang pangyayari.
__________25. Isinusulat ang natatanging kuwento sa paraang kawili-wili upang lalong makahikayat sa
mambabasa.
__________26. Ang yaman ng tao ay ang dapat lamang na isaalang- alang upang makasulat ng isang kuwento.
__________27. Upang makasulat ng kuwento tungkol sa isang natatanging tao sa pamayanan kinakailangang
may katangi-tangi siyang katangian.
__________28. Walang magandang maidudulot ang pagsusulat ng kuwento.

Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salita sa Hanay A. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
_____29. sumisilay A. kaparusahan
_____30. humpay B. sumilip
_____31. pugay C. kalsada
_____32. krimen D. pagbati
_____33. lansangan E. walang pahinga

Tukuyin ang bawat pares ng mga salita kung ito’y magkasingkahulugan o magkasalungat. Isulat ang
kasagutan sa patlang na nakalaan. Lagyan ng tsek () kung ang mga salita ay magkasingkahulugan at ekis
( X ) naman kung ito ay magkasalungat.

______ 34. marumi - malinis

______ 35. magiliw - masungit

______ 36. marikit - maganda

______ 37. malinis - dalisay

______ 38. Mataas – matayog

______ 39. Mainit – malamig

______ 40. Mayaman – mahirap

Lagyan ng O kung ang pahayag ay opinion at R kung ang pahayag ay reaksyon.

_____ 41. Ang sakit na ito ay nagmula sa tinatawag na coronavirus. Batay sa narinig kong balita, hindi lamang
tao ang maaaring mahawaan nito kundi pati na rin ang mga hayop.

_____42. Oo. At saka mayroon pa. Malalaman mong nahawaan ka na nito kung nakaranas ka ng mga sintomas
tulad na lamang ng mataas na lagnat, pag-ubo, hirap sa paghinga at marami pang iba.

_____43. Alam mo ba ang bagong balita ngayon sa TV at Radyo? Ito ay ang mabilis na pagdami ng kaso ng mga
taong nahawaan ng nakamamatay na sakit.

_____44. Mukhang nakakatakot naman yata.


_____45. Sa aking palagay, mas maganda siguro kung sumunod tayo sa mga utos ng awtoridad nang sa ganun
ay maprotektahan tayo laban sa dulot ng virus.

Piliin ang pinakaangkop na sagot.


46. Ibinalita sa radyo na bawal lumabas ng bahay dahil sa kumakalat na virus na nagdudulot ng sakit. Ano ang
gagawin mo?

A. Makikinig sa babala na hindi lalabas ng bahay.


B. Hindi susunod at isasawalang bahala lamang ito.
C. Lalabas ng bahay at pupunta kahit saan.
D. Lalabas ng bahay at makikipag-usap sa kapit-bahay.

47. Inutusan ka ng nakatatanda mong kapatid na pumunta sa palengke. Ngunit, ang sabi sa balita ay bawal ang
mga menor de edad na lumabas ng bahay. Ano ang gagawin mo?
A. Susundin ang utos ng nakatatandang kapatid.
B. Hindi susunod sa utos ng kapatid at magpapaliwanag na bawal lumabas dahil ipinag-uutos ito ng gobyerno.
C. Magpalaboy-laboy sa labas ng kalye kahit ipinagbabawal.
D. Susundin ang kapatid dahil pagkakataon na para lumabas ng bahay.

48. Nakita mong nag-iinuman sa kalye ang iyong mga kapitbahay. Alam mong ipinagbabawal ito. Ano ang
sasabihin mo?
A. Pagsabihan na bawal mag-inuman dahil kung hindi ay malalagot sila sa batas ng pamayanan.
B. Hindi na lamang ito papansinin.
C. Tatawagin ang Tatay at pagsasabihan na makipag-inuman sa kapitbahay.
D. Makiki-usisa sa mga nag-iinuman.

49. Kailangang dalhin ni MJ ang kanyang bunsong kapatid sa ospital dahil sa mataas nitong lagnat. Subalit
walang ibang magdadala dahil nagtatrabaho ang kanyang mga magulang. Ano ang iyong gagawin?
A. Hihingi ng tulong sa mga kapitbahay na dalhin ang kanyang kapatid sa ospital.
B. Hihintayin ang mga magulang na dumating bago ito dalhin sa ospital.
C. Hahayaan na lamang dahil mamaya’t maya’y gagaling naman ito.
D. Hindi ko na pakikialaman dahil bawal ang lumabas ng bahay.

50. Isang umaga ay nakasalubong ni Mabel ang kanyang kaibigan na si Namnam na nasa labas at naglalaro.
Hindi alam ng kanyang kaibigan na bawal lumabas dahil wala silang telebisyon o radyo. Ano ang dapat mong
sabihin?

A. Namnam, diyan ka lang sa labas at maglaro.

B. Tawagin mo ang iba nating kasamahan at maglaro tayo ng tumbang preso.


C. Alam mo bang pinagbabawalan lumabas ang sinuman sa kani-kanilang bahay dahil sa kumakalat na sakit?
Kailangan nating pumasok sa loob.
D. Lalabas ako at makikipaglaro.

You might also like