Ikalawang Panahunang Pagsusulit Sa Filipino IV
Ikalawang Panahunang Pagsusulit Sa Filipino IV
Ikalawang Panahunang Pagsusulit Sa Filipino IV
_______7. Kinuha ni Dino ang salumpuwit at ibinigay sa kaniyang Lolo Ambo. Ano ang kahulugan ng salitang
may salungguhit?
A. salamin B. payong C. tsinelas D. upuan
_______8. Pag-uwi mula sa paaralan diretso na si Ramon sa computer shop para mag-facebook at inaabot
siya ng hatinggabi. Ano ang susunod na mangyayari sa sitwasyon?
A. Mahuhuli siya sa pagpasok sa paaralan.
B. Maaga siyang magigising kinabukasan.
C. Matutulungan niya sa gawaing bahay ang kanyang ina.
D. Makakapanood siya ng paborito niyang palabas
_______9. Ang langaw ay maituturing na pinakamapanganib na insekto sa buong daigdig. Ang dalawa nitong
pakpak at anim na mabalahibong paa ay nakapagdadala ng mikrobyo na nagdudulot ng maraming sakit.
Kumakain ito ng kahit na anong bagay na nabubulok. Daan-daan kung mangitlog ito sa mga basura at dumi.
At sa oras ng kaniyang paglipad at pagdapo kung saansaan, tiyak ang dala niyang sakit sa mga tao. Ano ang
paksa ng teksto?
A. Ang Langaw
B. Mikrobyo
C. Basura at dumi
D. Sakit
_______10. Si Nenita ay ___________ ng ginataan mamaya. Anong panahunan ng pandiwa ang angkop
sa pangungusap?
A. nagluto
B. nagluluto
C. magluluto
D. pagluluto
______11. Sssshh! Huwag kayong maingay kasi _________ nang mahimbing ang sanggol sa duyan.
Anong panahunan ng pandiwa ang angkop sa pangungusap?
A. tulog
B. natulog
C. natutulog
D. matutulog
_______12. Ito ang dahilan o paliwanag kung bakit nangyari ang isang pangyayari.Ginagamitan ito ng
hudyat na dahil sa, sapagkat at palibhasa.
A. Bunga B. Pang-uri C. Pandiwa D. Sanhi
_______13. Ito ay naglalahad ng resulta o kinalabasan ng isang pangyayari. Ginagamitan ito ng hudyat na
kaya, kaya nga, bung anito at tuloy.
A. Bunga B. Pang-uri C. Pandiwa D. Sanhi
________14. Kahit mahirap ang buhay ay pinagbubutihan ni Lanny ang kaniyang pag-aaral. Ano ang
resulta ng pangyayari?
A. Nagtitinda ng gulay sa palengke si Lanny
B. Nakapagtapos ng pag-aaral si Lanny
C. Tumigil ng pag-aaral si Lanny
D. Nag-aalaga ng kapatid si Lanny
Basahin ng mabuti ang maikling kuwento.
Naabot na Pangarap
Ni Ma. Theresa I. Cortez
Pinanganak si Che noong 1995 sa Mediatrix Hospital, Lungsod Iriga. Nagsimula siyang pumasok sa Iriga
Central School taong 1999. Dahil hilig niya ang pagsasayaw at pag- awit, nagsimula siyang magsanay
noong 2003 at nakapagtapos siya sa elementarya noong 2006 na nakakuha ng parangal na Best in
Performing Arts. Ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Sekondarya hanggang kolehiyo bilang iskolar sa
isang pribadong paaralan. Hindi nagtagal, nakapagtapos siya sa kursong Bachelor of Secondary Education
Major in MAPEH noong 2014. Nagsimula siyang magturo taong 2018 sa isang pampublikong paaralan sa
Lungsod ng Iriga.