Dlp-Week-17-Nobyembre-22-26-2021-Komunikasyon at Pananaliksik

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ARELLANO UNIVERSITY

APOLINARIO MABINI CAMPUS


SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
S.Y. 2021-2022

BANGHAY-ARALIN SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

I. Paksang Aralin: MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS


II. Layunin: Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggan at nabasang pahayag mula sa
mga panayam at balita sa radio at telebisyon(F11PN-IIa-88)
 Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa blog, social media posts
at iba pa(F11PB-IIa-96)

III. Sanggunian: Pintig Senior High School : Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino ni Servillano T. Marquez Jr., PhD ; Sibs Publishing House, internet

IV. Kagamitan : Powerpoint Presentation, video lesson

V. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng liban
4. Pagbabalik-Aral

B. Pagganyak

Panuto: Pagbigkas ng ilan sa mga sikat na hugot lines mula sa mga sikat na personalidad sa larangan ng
media.Isaalang-alang ang angkop na damdamin sa pagbigkas. Ipaliwanag ang aral na natutuhan dito at
tukuyin ang iba’t ibang paggamit ng wika mula sa mga linyang binanggit.

ARTISTA NA ‘YAN
C. Paglalahad
MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS

Hindi mapasusubalian na malaki ang papel na ginagampanan ng wikang Filipino sa pagbuo ng


isang pambansang identidad 0 kaakuhan ng Pilipinas, lalo na sa napapanahong konsepto ng
globalisasyon at integrasyon ng ASEAN. Mahalagang mabuo muna ang identidad ng isang bansa
bago ito lumahok sa proseso ng globalisasyon at intergrasyon. Kung hindi, malamang mapailalim
ito sa mga higit na makapangyarihang wika at kulturang nananaig ngayon sa pandaigdigang
lipunan.
Sinasabing sa kalagayang pangwika, pangkultura, at pang-ekonomiya ng Pilipinas sa
kasalukuyan, mahihirapan pa tayong makapantay sa ibang malalaking bansa. Upang higit nating
maunawaan ang papel na gagampanan at pati na rin ang mga Suliraning kinahaharap ng wikang
Filipino sa pagbubuo ng pambansang kamalayan, talakayin natin ang mga piling sitwasyong
pangwika sa ating bansa.
A.Nangingibabaw ang pagsususog sa pambansang wikang
tinaguriang “Filipino”. Ang pagsususog sa ingles ay “change for the better”. Tinalakay dito na ang
pagsususog sa ating wika ay hindimaiiwasan at dahil dito ang mga tao ngayong ay
pinagdedebatehan ang usapin ito
upang mailinaw ang linya ng paghahati’t paglilinaw.

B. Ang mga interbensiyong nangingibabaw sa ikatlo at ika-apat na talata ay angmga usapin ukol
sa pagtatalo tungkol sa mga mahahalagang usapin sa pulitika atekonomiya. Ang kumakatawan
dito ay ang ating pambansang wika. Natalakay dito angkahalagahan ng wika sa pagkakaisa,
halimbawa nito ay ang nangyari sa bansang Indiana kung saan nauwi ito sa patayan. Ang Ingles,
ang wikang kolonisador at sakasalukoyan ang wikang globalisasyon, kung ito ay ating gagamitin
magkakaunawaanba tayo? Natitiyak ba natin kung tama nga ba ang mga translation o
pagsasaling atingnababasa o naririnig? O ito ay karagdagan lamang sa bagay na higit na
magpapagulosa pakikipagtalasasan. Sa panahon ni Quezon muling nabuhay at tila isang
mabangisna hayop na uhaw sa dugo at ang solusiyon lang dito ay kung magkakaroon tayo
ngkapangyarihan o ang tinatawag na soberanya. Sa kasalukoyan wala itong resulba
sakadahilanan an gating estado at pamayanan ay naghihirap.

C. Ang ibig sabihin ng interpetasyon ni Karl Marx tungkol sa wika ay; ang wika aymay sariling
halaga. Sa madaling sabi ang wika ay kaakibat ng kasaganahan,nakadepende ito sa kasaysayan
ng wika at kunektado narin ito sa kasaysayan ngbayan.

D. Sa kasaysayan Pilipinas tayo ay nasakop ng tatlong malalakas na lahi; espanyol,amerikano at


ang mga hapones. Mula sa baybayin napunta ito sa wikang espanyol,natuto rin tayo sa wikang
Ingles at naging masmatibay at napalawig ang ating literaturanoong tayo ay nasakop ng mga
hapones. Mula sa kanilang tradisyon atpananampalataya; ang katoliko. Ang colonial mentality na
nakuha natin sa mgaamerikano , ang carb mentality na nakuha rin natin sa mga espanyol. Ang
mga ito aynagsilbing katayuan at pondasyon ng wika sa kasalukuyan, ebidensiya lamang ito
naang ating wika ay hindi basta basta mabubuwag, hindi rin ito basta basta mamamatay at
ang wika natin ay higit na nakatatak sa ating puso’t isipan.

*Pagpapanood ng isang pahayag mula sa panayam at balita sa radio at telebisyon


“PAANO ANG PAMUMUHAY NOONG MARTIAL LAW?”

D. Paglalapat

Mga gabay na tanong:

1. Tukuyin ang iba’t ibang paggamit ng wika sa napanood o napakinggang panayam mula sa telebisyon na may
pamagat na “Paano ang Pamumuhay Noong Martial Law?”
_________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________.

2. Ibigay ang pagkakaiba at pagkakapare-pareho ng pamumuhay noon base sa napanood na panayam sa


kasalukuyang panahon.
_________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________.

3. Bilang isang mag-aaral na kabilang sa Strand na_____,paano lubos na nakatulong sa iyo ang mga sitwasyong
pangwika sa telebisyon at radio?
_________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________.

E. Pagtataya

ARELLANO UNIVERSITY
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
S.Y. 2020-2021
Unang Semestre
Ikalawang markahan
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

Pangalan: ____________________________________ Petsa: Nobyembre 9, 2021


Guro: ___________________________________________ Pangkat at Strand: __________________

(MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS)

A. Pakinggan o panooring muli ang panayam. Itala ang mahahalagang konseptong nabuo sa isip mo
hinggil sa sinasabing pamumuhay noon sa ating bansa. Pagkatapos, pag-isahin ang lahat ng nabuo sa
iyong isip sa isang pangkalahatang konseptong pangwika.

KONSEPTONG NABUO

B. Pananaw Ko,Ipaglalaban Ko
1. Bilang isang mag-aaral ,gaano kahalaga sa iyo na mayroon kang sapat na kaalaman hinggil sa
mga sitwasyong pangwika sa Pilipinas?
2. Paano mo ito maiuugnay sa iyong napiling Strand o kurso?
3. Paano ito lubos na nakatulong sa pagpapayaman ng Strand na iyong kinabibilangan?

4. Mangalap ng halimbawa ng iba’t ibang paggamit ng wika sa mga pahayag mula sa mga
blog,social media post, at iba pa.Tukuyin ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nasabing pahayag.
___________________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________.
Ipinasa nina:

Bb. Charity Matining


Bb. Jhobelle Dumlao
Bb. Jheza Imperial
G. Ramil Ordinario
Bb. Ashlee Magistrado
Gng. Roselle Funtenilla

Mga Guro sa Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika at Kulturang Pilipino

You might also like