KPWKP - Q2 - Week 4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Komunikasyon at

Pananaliksik sa
Wika at Kulturang
Filipino
(KPWKP)

Ikalawang
Markahan

WEEK 4

1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Ikalawang Markahan–Modyul 7:
Pagsusuri ng mga Teksto Gámit ang Social Media

Napakalaki ang naitutulong ng social media sa mga tao ngayon, dahil dito napapadali ang
mga nais nating sabihin sa ating kaibigan at mahal sa búhay lalo na kung sila ay nása
malalayong lugar. Pinapadali nitó ang pagtanggap at pagpapakalat ng balita. Dahil sa
patuloy at aktibong paggamit ng mga Filipino sa iba’t ibang social networking sites,
tinagurian ang Pilipinas na Social Media Capital of the World noong taóng 2015.

Bukod sa pamamaraan ng estilo ng pagsusulat sa social media, mapapansin din dito ang
pagiging iresponsable sa pagpapakalat nang maling impormasyon o balita, maging ang
hindi maingat na pagbibigay ng mga pahayag at komentong walang sapat na batayan.

Dahil sa social media, maraming mga bágong salita ang umusbong at nauso na patuloy
na ginagamit at tinatangkilik ng mga tao katulad ng mga wika ng mga beki o tinatawag
na gay lingo, jejemon ang tinatawag na Millennial Word.

Ngunit dahil sa social media, maraming kabataan ang nagagawang baguhin ang wika sa
pamamagitan ng pagpapaikli, pinaghahalo ang Ingles at Filipino, pagbabago ng spelling
at pagbabago ng termino, kahulugan ng mga salita, pinaghalo-halong numero, mga
simbolo, mga magkasamang malalaki at maliliit na letra.

Halimbawa:
1. Pagpapaikli at pagkakaltas ng mga salita sa txt

Always A Pleasure- AAP


God Bless You-GBU

2. Pinaghahalo ang Ingles at Filipino

d 2 na me MuZtaH
Wr u na?

3. Pinaghahalo-halong numero, malalaki at maliliit na titik

aQcKuHh iT2h
iMiszqcKyuH

2
WRITTEN WORKS#6

Pagsasanay A (10 PTS)


Panuto: Suriin ang maikling pag-uusap o diyalogo ng mga kabataan. Basahin at
unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Bata 1: EyoW PfoUwhsZ!
Bata 2: OhwKiEe lAngh naeManN dHEar
Bata 1: nHakAkAtwAh nmAhn
Bata 2: oU NgHa pFhou
Bata 1: N4i!n+1nD!h4n nY0oHw Pfu0H b4nGzZ 5!n4$4b!
kOwhH???
Bata 2: saKeht sA uLowh mgIng jHejhEmowN
Tanong.
1. Angkop ba ang pagkakagamit ng wika? Pangatwiranan.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. Ano kayâ ang mangyayari kung sa ganitong paraan magsasalita ang lahat ng mga
Filipino? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman at kaisahan ng ideya 3
Gámit ng Balarila 2
Kabuuan 5

3
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Ikalawang Markahan–Modyul 8: Wika sa Konteksto ng Radyo at Telebisyon
Basahin at unawaing mabuti ang kaban ng kaalaman at humanda sa pagsagot sa susunod
na bahagi.
Mga Angkop na Salita Ayon sa Konteksto sa mga Balita sa Radyo at Telebisyon
Sa makabagong henerasyon, mababatid natin ang mga epekto ng makabagong
teknolohiya sa ating wika at kultura. Dahil sa malikhaing pag–iisip at pananaliksik,
nakatutuklas ang mga tao ng mga bagong kaalaman tungkol sa teknolohiya tulad ng
“social media”.
Ang wika ay nagbabago sa kadahilanang ang kinagisnang wika ng mga tao sa panahon
ngayon ay nakaayon sa moderno at makabagong panahon. Bawat panahon at
pagkakataon ay nagagamit at napapaunlad ang wikang Filipino. Kabilang dito, ang
paggamit ng mga pinausong lengguwahe tulad ng jejemon at gay lingo. Pero kung
papansinin natin ang mga kabataan ngayon ay mas tinatangkilik nila ang mga sikát na
sikát na mga salita ngayon na alam na alam nila. In na in sila kapag ito ang kanilang
ginagamit sa pakikipag-usap para makasabay sa uso.
Sa panahon ngayon, kung ano ang trending ay siya namang tatangkilikin at
pagpipiyestahan ng mga tao. Sa broadcasting ay mas kapani-paniwala ang paggamit ng
mga salita sa pagbabalita kung ito’y binibigyan ng búhay ng mga tagapagdaloy at
tagapagtaguyod ng programa, sa pagbabalita rin sa radyo ay kinakailangang maging
maingat sa paggamit ng mga salita sapagkat nakasalalay sa pagbibitaw ng mga ito ang
mas kapani-paniwalang impormasyon na inihahatid sa mga tagapakinig. Minsan nama’y
nagiging kontrobersiyal ito kapag mali–mali ang mga pahayag at pangungusap na
ginagamit.
Sa pag-usbong ng makabagong henerasyon ay marami na ring pagbabago sa pamumuhay
ng mga Filipino. Naging madali sa atin ang makasagap ng impormasyon sa pamamagitan
ng mga social networking sites, text message, mass media, newspaper, at marami pang
iba. Halimbawa na lámang ang pagkaroon ng impormasyon ukol sa mga nangyayaring
karahasan, kalamidad, at iba pang nangyayari sa ating bansa. Dahilan nga sa laganap na
ang iba’t ibang uri ng media mabilis táyong magkaroon ng komunikasyon sa ibang tao sa
loob at labas ng bansa. Nagiging kapani–paniwala ang pamamahayag na ginagamit sa
balita sa radyo at telebisyon kung maayos din ang paraan ng pagkakagamit nito.
Sanggunian:
(https://obienbangahonbalug.wordpress.com/2016/09/23/ang-epekto-ng-teknolohiya-sa-ating-wika-at-kultura/)
4
Pagsasanay B (5pts)
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang dapat pag-ingatan sa pagbabalita sa radyo at telebisyon?
a. gamit ng salita c. katayuan ng tao
b. anyo ng balita d. pangalang binabanggit

2. Paanong paraan napapaunlad ng panahon ang wikang Filipino?


a. pagpapalit ng kahulugan ng salita c. pag-usbong ng bagong wika
b. pagpapakalat ng mga balita sa mundo d. pagkakaroon ng bagong mananakop

3. Ano ang makabagong gamit ng tao sa larangan ng pakikipag-ugnayan sa tao?


a. telebisyon c. social media
b. pahayagan d. panayam

4. Ano ang nangyayari sa isyu kapag nagkamali ng gamit ng salita sa pagbabalita


a. nag-aalsa ang tao c. pagkakaisa ng tao
b. kontrobersiyal d. intriga

5. Saan mas pinaniniwalaan ang gámit ng salita sa pagpapahayag?


a. sa kilalang tao c. sa kakilala
b. sa pagbabalita d. sa usapan

Pagsasanay C (15pts)
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Sagutin ang sumusunod na
pahayag na batay sa iyong natutuhan bilang kabuoan sa pinag-aralang aralin. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Wikang naka-alinsunod sa 1987 Konstitusyon na ginagamit nang nakararami sa


Pilipinas.
a. Filipino c. Jejemon
b. Bekimon Filipino d. Chavacano

2. Ebolusyon ng dáting “swardspeak” na matagal nang kilala.


a. Alpabeto c. Bekimon
b. Baybayin d. Jejemon

5
3. Nagiging kapani-paniwala ang mga ginagamit na salita sa pagbabalita kung ito’y
binibigyang-búhay ng tagapagbalita.
a. Pagtatala c. Pagsulat
b. Pagsasalaysay d. Broadcasting

4. Ito ay dapat isaalang-alang ng isang tagapakinig ng mga pahayag sa radyo at


telebisyon.
a. Makabuo ng isang maayos na kuro-kuro
b. May malawak na pananaw o pag-unawa
c. May paninindigan sa isyung pinakikinggan
d. Pinapakinggan nang mabuti ang nilalaman ng napakinggang balita sa radyo bago
magbigay nang maayos na opinyon o kuro-kuro

5. Bakit kinakailangang maging mapanuri sa mga salitang ginagamit sa mga balita sa


radyo at telebisyon?
a. Makaiwas sa mga mali sa gramatika
b. Maiwasan ang di tuwirang pagbibigay ng opinyon
c. Para maging bukás ang isipan sa pagsusuri sa nilalaman ng mga balita bago
humusga sa isyung pinag-uusapan at maiwasan ang kumakalat na fake news
d. Upang maging alisto sa mga nangyayari sa paligid

6. Ano ang ginagamit na media na kailangang makinig nang husto para maintindihan
ang sinasabi nang hindi nakikitang nagbabalita?
a. telebisyon c. pahayagan
b. radyo d. cell phone

7. Paano mapapaunlad ng mga balita sa radyo at telebisyon ang wikang Filipino?


a. pagpapalit ng kahulugan ng salita
b. paggamit ng wikang kaiba
c. pagpapakalat ng mga balita sa mundo
d. paglikha ng wikang magagamit

8. Aling media ang maimpluwensiya sa madla na makapagpapakilala ng wikang


posibleng magamit sa araw-araw?
a. telebisyon c. radyo
b. microphone d. headphone

6
9. Saan bahagi ng balita madalas sabihin ang mga salitang “nagbabagang balita” na
maririnig sa broadcaster?
a. panimula ng balita c. pagtatapos ng balita
b. kalagitnaan ng balita d. bawat bágong paksa

10. Saan mas pinaniniwalaan ang gamit ng salita sa pagpapahayag?


a. sa usapan c. sa pagbabalita
b. sa kakilala d. sa kilalang tao

11. Kung madalas mabanggit ang pagbabago-bago ng wika mula sa nakaraan


hanggang sa kasalukuyan, ano ang pangunahing paksa ng balita?
a. limot na wika c. kasalukuyang wika
b. ebolusyon ng wika d. modernong wika

12. Alin ang pinag-iingatan sa pagsisiwalat ng balita sa radio at telebisyon?


a. pagsasalita ng broadcaster c. taong may kaugnayan
b. nilalaman ng balita d. gámit ng salita

13. Ano ang ipinahihiwatig kapag ang mga narinig na salita sa balita ay agad-agad
itong nagagamit?
a. matatag ang balita c. maimpluwensiya ang balita
b. mahusay ang balita d. maayos ang balita

14. Alin sa mga salita ang maaring marinig sa nagbabalita kung ang paksa ay sa
corona virus?
a. look out c. buy bust
b. quarantine d. hashtag

15. Ano ang naitutulong ng paggamit ng angkop na wika sa pagbabalita sa radyo o


telebisyon?
a. nagbibigay ng palaisipan c. maganda sa pandinig
b. magulo ang usapin d. madaling maunawaan

7
PERFORMANCE TASK #3
(15pts)

Itinuturing nang malaki ang impluwensiya ng social media sa kasalukuyang panahon


lalong-lalo na ang telebisyon.

Panuto: Sagutin ang mga tanong para sa mas malawak mong kaalaman sa aralin. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Para sa iyo, pangatwiranan ang impluwensiya ng mass media sa paggamit ng wika ng


tao sa lipunan.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Ang telebisyon ba at radyo ay isang matinding pangangailangan ng tao sa pagkuha ng


mga impormasyon sa araw-araw? Bakit?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Paano nakapag-aambag ang balita sa telebisyon o radyo sa wastong gámit ng salita sa


pang-araw-araw na pakikisalamuha ng tao sa kapwa?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman at kaisahan ng ideya 3
Gámit ng Balarila 2
Kabuuan 5

You might also like