Panimulang Pananaliksik

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

•+

PANIMULANG
PANANALIKSIK UKOL
SA IBA’T IBANG ANYO
NG SINING AT DISENYO

Jerry De Leon Taay


Teacher II
KONSEPTONG KAALAMAN

3K
>Kahulugan
>Kalikasan
>Katangian
Upangmagabayan sa pag- unawa
ukol sa kahulugan, kalakasan, at
katangian ng akademikong sulatin
kaugnay ng mga kursosa sining at
disenyo, mahalagang bigyang linaw
muna ang pagpapakahulugan sa
sining at iugnay sa mga
mahahalagang konseptong
magpapalutang sa esensiya nito.
KAHULUGAN
Maituturing na isang larangan ng
karunungan ang sining at disenyo.
Mayamang bukal ito na napagkukuhaan
at pagdadaluyan ng ibat ibang paksa na
maaring ilahad, ilarawan, isalaysay, at
bigyan ng panghihikayat upang bigyan
ng karapatang pagpapahalaga
KALIKASAN

 Mahalagang maging sangkap sa pagpapaliwanag


ng kaalaman ang tinutukoy ni Bisa (1992) na
mabisang pagpapahayag.
Ang epektibong pagpapahayag ay kaugnay ng
kasiningan at kabisaan gamit ang diskurso ng
pagsulat.
Tungkulin at Responsibilidad
ng Mananaliksik
Tulad ng anumang Gawain, ang
pananaliksik ay isang Malaki at
mabigat na responsibilidad. May
mga katangian, paghpapahalaga at
konsiderasyonng dapat malaman at
mabigyan ng halaga ng
mananaliksik
Ang Mananaliksik sa
Larangan ng Pananaliksik
Malaki ang papel mo bilang
mananaliksik sa paggawa ng
pananaliksik. Nakasalalay sa iyo ang
kredibilidad ng iyong gagawin/
ginawa.
Mga Dapat na Isaalang-alang sa Paghahanda
ng Akademikong Pagsulat

1. Katangian ng Mananaliksik/Manunulat

Marapat lamang na angkinin ng kahit sinumang


manunulat o mananaliksik ang sumusunod na
mga katangian, lalo sa paghahanda ng kritikal
na mga dokumento at artikulo:
a. Matiyaga – walang katapusan ang
paghahanap ng mahahalagang mga datos
na makatutulong sa kaniyang sulatin, ito
man ay sa lehitimong mga personalidad,
institusyon at mga nakalimbag na materyal.
b. Sistematiko – may tamang pag-iiskedyul
at pagsasaayos ng mga appointment sa
kakapanayamin at/o pupuntahang mga
lugar. Mahalaga ang tamang
pagbabalangkas ng oras sa pananaliksik.
c. Maingat – mahigpit na isinasaalang-alang
ang balidasyon ng facts o datos ng
pananaliksik, kredibilidad ng mga
pinaghanguan ng detalye (kung ito ba ay
mapagkakatiwalaan at eksperto na sa
partikular na larang/disiplina), may
pagtitimbang sa mga panig ng pagsisiyasat o
walang biased pagdating sa paglalahad ng
detalye, higit sa lahat ay ang malinaw na
paglalahad ng motibo, kongklusyon, puna,
rekomendasyon sa isinagawang pananaliksik.
d. Kritikal – hindi lahat ng nakalap na datos ay
isinasama sa pananaliksik. Mainam na maging
mapanuri ang mananaliksik kung ang nakuhang
datos ba ay napapanahon, may relevance o
kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik, may
kabuluhan sa susunod pang mga mananaliksik,
at higit sa lahat mapakikinabangan ng sinumang
nag-aaral ng partikular na larang. Hindi lamang
basta-basta tumatanggap ng mga datos,
manapa’y sinusuri, sinisiyasat, at pinaglilimiang
mabuti ang kabuluhan ng mga nakalap na datos.
Mahusay siya sa pag-aayaw-ayaw ng mga detalye
e. Matapat – walang itinatagong
pagkilala sa mga orihinal na ideya
mula sa pinaghanguang mga datos.
Hindi inaangkin ng manunulat na
ang kaniyang mga nakuhang datos
ay pagmamay-ari niya at may iba
nang personalidad/institusyon ang
nagmamay-ari na nito.
f. Analistikal- sa mga datos at
interpretasyon ng iba ukol sa paksa
at mga kaugnay na paksa.

Hal. Analitikal ka kung malinaw


mong Nakita na ang isyu ng rape ay
may ibat ibang dimension-pisikal,
moral, ekonomiko, sosyal at
political.
g. Maparaan—sa pagkuha ng datos
na hindi madaling kunin at nag-iisip
ng sariling paraan para makuha ang
mga ito.
2. Etika at Responsibilidad ng
Mananaliksik/Manunulat

Sa kahit na anong sitwasyon, marapat


lamang na isaalang-alang ng kahit na
sinuman ang “kagandahang-asal” at
“wastong pag-iral” sa pakikitungo sa kapwa.
Ganito rin sa pagsulat at pananaliksik.
Narito ang mga etika at responsibilidad ng
mananaliksik/manunulat:
a. Kilalanin na ang mga ideyang
inilagay sa pananaliksik/pagsulat ay
hindi nanggaling sa iyo o may orihinal ng
nagmamay-ari ng mga ito.
b. Huwag basta-basta kumuha ng mga
datos ng walang permiso sa mga
mapagkakatiwalaang tao/institusyon.
Lumiham, tumawag sa telepono o mobile,
mag-email at ayusin ang iskedyul bago
ang itinakdang panayam.
c. Magpokus lamang sa paksa ng interbyu.
Iwasang langkapan ng personal at negatibong
pagsipat ang mga obserbasyon.
d. Pagtiyagaang daanan ang proseso ng
pagsulat. Huwag manipulahin ang mga datos at
pagsikapang kunin ang mga detalye sa tamang
panahon at pagkakataon.
e. Huwag na huwag dayain ang mga
impormasyon. Masusukat dito ang integridad at
kredibilidad ng mismong gumagawa ng
pananaliksik. Maging obhetibo sa lahat ng
pagkakataon.
3. Pag-iwas sa Plagiarism:
Krimen sa Akademikong Pagsulat

Isang kalapastanganan sa
akademikong pagsulat ang pagkopya
ng mga konsepto at ideya, pagsipi ng
mga orihinal na gawa nang walang
pagkilala at/o paghingi ng pahintulot
sa tunay na mga may-akda.
Plagiarism ang tawag dito. Paano maiiwasan
ang plagiarism?
a. Lagi’t lagi, isama ang pangalan ng
awtor/institusyon at petsa ng pagkakasulat
ng mga dokumento.
b. Iwasan ang maya’t mayang pagsipi sa
mismong pahayag (verbatim). May iba’t ibang
uri ng pagtatala (buod o presi, halaw, mula
active patungong passive voice, at marami
pang iba). Muli, kilalanin at isama ang
pangalan ng awtor at petsa ng
pagkakasulat/pagkakalathala ng datos o
ideya.
Ibat-Ibang uri ng Plagarism
1. Tahasang pag-angkin sa gawa ng iba

2. Pagkopya sa ilang bahagi ng akda nang may


kaunting pagbabago sa ayos ng pangungusap at
hindi kinilala ang awtor.
3. Pang-aangkin at/o paggaya sa pamgat ng iba
KATANGIAN
P I L I AT PINO
Tulad ng isang sining na pili at pino,
kailangang taglay ng akademikong sulatin sa
sining at disenyo ang mga katangiang ito.
Pinipili ng isang manunulat ang mga
paksang may kaugnayan sa sining at disenyo
na kapupulutan, kasanayan, at
kapangyarihan.
MAY GAMIT AT PAKINABANG

• W a l a n g saysay ang isinulat na


akademikong sulatin sa sining at disenyo kung
walang magbabasa nito. Upang ito ay
mapansin at bigyan ng oras ng mga
mambabasa, marapat na ito ay maigting na
kauganayan sa makukuhang pakinabang ng
MAY GAMIT AT
PAKINABANG
• A n g akademikong sulatin sa sining at disenyo ay may
hatid na benepisyo.

•Bukod sa usapin ng saya, diskuwento, at gamit ng sining


at disenyo; naghahatid ito ng kamalayan na bibigyan ng
kaalaman, kasanayan, at pagsasakapangyarihan sa isang
mambabasa.

You might also like