Komunikasyon q1 WK 2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Senior High School

Pangalan: Petsa:
Baitang/Strand: Iskor:

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Unang Kwarter – Modyul 2
Mga Konseptong Pangwika

https://tinycards.duolingo.com/decks/2zG8bNmS/diskurso-at-
komunikasyon

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Manaoag National High School Senior High School

1
ALAMIN

Panimulang Ideya

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang


makukuhang kaalaman sa bawat aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti
na masagot ang mga gawaing inihanda sa bawat yugto ng pagkatuto.
Tiyak na magugustuhan mo ang mga konseptong pangwika.
Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa
buhay ng tao? Ngunit dahil lagi na natin itong ginagamit, hindi natin
gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito.Natural na lamang sa atin ito
tulad ng ating paghinga at paglakad.
Sa araling ito, ang iyong kaalaman at pagkamalikhain ay
hihimukin. Ang dating kaalaman ay mauugnay mo rin dito. Pati na rin
ang karanasang pansarili ay maari mong pagkunan ng iyong mga
kasagutan.
Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong
makakaya mong sagutin ito. Kaya mo to! Hand ka na ba? Simulan mo
na.

MODYUL 2

Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo

Markahan: Una Linggo: Pangalawang


Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras

Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, tatalakayin ang kahalagahan ng wika bilang


instrumento ng komunikasyon. Ang mga kasanayang matutunan dito ay
makatutulong nang malaki upang ihanda ka sa mga gawaing may
kinalaman sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon.
2
Nilalaman ng Modyul

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang mga konseptong


pangwika. Makatutulong ito sa iyo upang madagdagan ang iyong
karanasan, kaalaman, at kamulatan sa mga kaalamang pandaigdig nang
sa gayo’y mapakinabangan ito ng iyong komunidad at lipunan.

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay


matatamo mo ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
a. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na
sitwasyong pang komunikasyon sa telebisyon (Halimbawa:
Tonight with Arnold Clavio, State of the Nation, Mareng
Winnie,Word of the Lourd (http://lourddeveyra.blogspot.com)
F11PD – Ib – 86;
b. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman,
pananaw, at mga karanasan F11PS – Ib – 86.

PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang


pampagkatuto ay binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang
tuklasin na magbibigay ng maikling pagsasanay kaugnay sa paksa sa
bawat aralin at sa kasanayang pampagkatutong dapat malinang.
Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong
pangwika. Makikita sa bahaging pagyamanin ang mga mahahalagang
kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa
aralin.Tinatasa sa isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga layuning
pampagkatuto sa bawat aralin at kung sapat na ang mga kaalamang
natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing
magpapaigting ng mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki ang
maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-
pakinabang ang pag- aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin
sa paggamit sa aralin.

3
1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang Pagtataya na susukat
sa iyong dating kaalaman.
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung
marami kang mali huwag kang mag- alala. Tutulungan kang
linawin ito habang sinusuri mo ang paksang nakapaloob dito.
3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang
mga kaugnayang gawain. Mababasa mo kung paano ito
gagawin.
4. Sagutin mo ang panghuling pagtataya sa kabuuan kung “Gaano
ka kahusay at kung paano mo inunawa ang bawat aralin ?” kunin
mong muli sa iyong guro ang susi ng pagwawasto. Maging
matapat ka sa pagwawasto.
5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at
ingatang hindi masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang
papel o notbuk.

Monolingguwalismo, Bilingguwalismo at Multilingguwalismo

“Kung ang isang indibiduwal ay bihasa sa paggamit ng iba’t


ibang wika, maaari siyang ituring na isang poliglot”
-Clyne (2014)

https://www.google.com/search?q=wika+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwjvzqb_hrvpAhWKG6YKHXweBcEQ2-
cCegQIABAA&oq=wika+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCABQ06wiWNyxImCE0SJoAHAAeACAAckBiAGVB
pIBBTAuNC4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=9ELBXu-
EKIq3mAX8vJSIDA&bih=676&biw=1517#imgrc=Zt3P_1GQyRcwp

4
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat
aytem.Isulat lamang ang titk o letra ng mapipili mong sagot
sa hiwalay na papel o notbuk.

1. Ano ang pagkakaiba ng Monolingguwalismo and Monolingguwal?


a. Pareho lang sila
b. Ang Monolingguwalismo ay para sa bansa at ang
Monolingguwal ay para sa tao
c. Ang Monolingguwal ay para sa bata at ang
Monolingguwalismo ay para sa matanda
d. Wala sa nabanggit

2. Kapag Si Joe nagsasalita ng Ingles at Tagalog higit na maiging


gamitin ang Filipino sa usaping ito, siya ba ay isang
Monolingguwal?
a. Oo c. Pareho lang
b. Hindi d. Tama

3. Ano ang Bilingguwalismo?


a. Ito ay ang tawag sa paggamit ng maraming lenggwahe o wika
b. Ito ay ang tawag sa paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika
c. Ito ay ang tawag sa paggamit ng wika
d. Ito ay ang tawag sa wika

4. Ano ang Bilingguwal?


a. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng dalawang
wika o dayalekto
b. Ang tawag sa taong may kakayahang magsalita
c. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng wika o
dayalekto
d. Ang tawag sa dalawang wika o dayalekto

5
5. Ang isang tao ay masasabi nating bilingguwal kung may
kakayahan itong gumamit ng dalawang wika o dayalekto nang may
____?
a. kaalaman c. kasipagan
b. kahusayan d. kababawan

6. Ano ang Multilingguwalismo?


a. Kakayahang makapagsalita ng higit sa isang wika
b. Kakayahang makapagsalita ng isang wika
c. Kakayahan ng isang indibidwal na gumamit ng dalawang wika
d. Kakayahang makapagsalita ng higit sa dalawang wika

7. Sinong bayani Pilipino ang may kakayahang magsalita ng iba't


ibang lengguwahe?
a. Emilio Aguinaldo c. Andres Bonifacio
b. Apolinario Mabini d. Dr. Jose Rizal

8. Ano ang salin sa wikang Filipino ng "what an extravagant dress you're


wearing!"?
a. "O kay gara ng iyong kasuotan!"
b. "O kay ganda ng iyong kasuotan!"
c. "O kay galing ng iyong kasuotan!"
d. "O kay grande ng iyong kasuotan!

9. Ano ang madalas gamitin na lingguwahe nating mga Pilipino sa


kasalukuyan?
a. Bisaya at Espanyol c. Filipino at Espanyol
b. Tagalog at Bisaya d. Ingles at Filipino

10. Ano ang tagalog sa Filipino ang "oyster"?


a. taluba c. talaba
b. kangkong d. taho

6
ARALIN 2

Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, at
Multilingguwalismo

Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa unang wika, pangalawang wika at


iba pa.

Sa puntong ito, subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan


bilang paghahanda sa gawaing may kinalaman sa unang wika.

https://www.google.com/search?q=nagsasalita+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwicgpvxjbvpAhUKUpQKHd_ND6MQ2-
cCegQIABAA&oq=nagsasalita+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQDFAAWABg1cgjaABwAHgAgAEAiAEAkgEAmAEAqgELZ3dz
LXdpei1pbWc&sclient=img&ei=LkrB XpyzCYqk0QTfm7-
YCg&bih=730&biw=1517#imgrc=x1Pc5UefZo47pM&imgdii=Jk03NSMCxU_2NM

7
TUKLASIN

Gawain 1
Panuto: Ano-anong wika ba ang sinasalita at nauunawaan mo?
Subukang ipahayag ang reaksyon o sasabihin mo sa larawang
nakita. Isulat ang iyong ideya hinggil sa konsepto sa ibaba:

1. Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng sumusunod:


• Unang wika
• Ikalawang wika
• Ikatlong wika

2. Maituturing mo bang monolingguwal, bilingguwal o multilingguwal ka?


__________________________________________________________

3. Ipaliwanag ang iyong sagot sa bilang 2 sa pamamagitan ng


pagpuno ng mga linya sa ibaba:

Masasabi kong ako ay dahil


__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

A. SURIIN
Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa
kapwa ay isang katangiang unique o natatangi lamang sa tao. Ayon kay
Chomsky (1965), ang pagkamalikhain ng wika ay makikita sa
kakayahan ng tao lamang at wala sa ibang nilalang tulad ng mga hayop.
Ang unang wika ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at
unang itinuro sa isang tao. Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon ng
eksposyur sa iba pang wika sa kanyang paligid na maaring magmula sa
telebisyon o sa iba pang taong nakapaligid sa kanya. Ito na ngayon ang
kanyang pangalawang wika. Sa pagdaan ng panahon, lalong lumalawak
ang mundo ng bata. Dumarami pa ang taong nakasasalamuha niya,
gayundin ang mga lugar na kanyang nararating.

8
Dito’y may ibang bagong wika pa uli siyang naririnig o nakikilala
na kalaunay natutuhan niya at nagagamit sa pakikipagtalastasan sa mga
taong nasa kanyang paligid. Ang wikang ito ang kanyang magiging
ikatlong wika.

- Sipi mula kay A. Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino:Phoenix,Inc ,2016 p.26-27

Gawain 2
A. Sa pamamagitan ng linguistic profile sagutin ang hinihingi ng
salitang nakasulat sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa
hiwalay na papel o notbuk.

Linguistic Profile

Pangalawang
wikang sinasalita

Unang wikang Ibang wikang


sinasalita AKO sinasalita

B. Sa paanong paraan nakatutulong sa iyo ang pagkatuto mo sa iba


pang wika maliban sa iyong unang wika?

___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

9
B. PAGYAMANIN

Monolingguwalismo, Bilinguwalismo at Multilingguwalismo

Monolingguwalismo

Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng paggamit ng


iisang wika sa isang bansa tulad ng mga bansang England, Pransya,
South Korea at Hapon. Iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa
lahat ng larangan o asignatura. May iisang wika ding umiiral bilang
wika ng edukasyon, wika ng komersyo, wika ng negosyo, at wika ng
pakikipagtalastasan sa pang araw-araw na buhay.

Bilingguwalismo

Maituturing mo ba ang sarili mo na bilingguwal? Bakit? Anong


pagkakahulugan ang maibibigay mo para sa salitang bilingguwalismo?
Binibigyan ng pagpapakahulugan ni Leonard Bloomfield (1935) –
isang Amerikanong lingguwista. Ang bilingguwalismo ay ang paggamit
o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ang
kanyang katutubong wika. Pahayag naman ni John Macnamara (1967) –
isa pa ring lingguwista “Ang bilingguwal ay isang taong may sapat na
kakayahan sa isa sa apat na markong kasanayang pangwikang
kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa
pang wika maliban sa kanyang unang wika”. Tulad kay Uriel Weinreich
(1953) – isang lingguwistang Polish-American, sinasabing ang paggamit
ng dalawang wika nang magkasalitaan ay matatawag na bilingguwalismo
at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal.

Bilingguwalismo sa Wikang Panturo

Makikita sa Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973


ang probisyon para sa bilingguwal o pagkakaroon ng dalawang wikang
panturo sa mga paaralan at wikang opisyal na iiral sa lahat ng mga
pormal na transaksiyon sa pamahalan man o sa kalakalan.

10
Multilingguwalismo

Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon tayong


mahigit 150 wika at wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang
monilingguwal. Karamihan sa ating mga Pilipino ay nakakapagsalita at
nakakaunawa ng Filipino, Ingles, at isa o higit pang wikang katutubo o
wikang kinagisnan. Mother Tongue Based-Multilingual Education
(MTB-MLE). Ipinatupad ng Deped ang K to 12 Curriculum ang
paggamit ng unang wika bilang panturo partikular sa kindergarten at
Grades 1,2, at 3. Mas epektibo ang pagkatuto ng bata kung ang unang
wika ang gagamitin sa kanilang pag-aaral. Base sa pananaliksik nina
Ducher at Tucker (1977), napatunayan nila ang bisa ng unang wika
bilang wikang panturo sa mga unang taon sa pag-aaral. Mahalaga ang
unang wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawa ng
paksang aralin, at bilang matibay na pundasyon sa pagkatuto ng
pangalawang wika. Walong (8) Wikang Panturo sa unang taon ng
MTE_MLE - Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Ilokano, Bikol,
Cebuano, Hiligaynon, at Waray. Wikang Panturo MTE-MLE -Tausug,
Maguindanaoan, Meranao at Waray. Wikang Panturo MTE-MLE
pagkalipas ng isang taon may labing siyam na ang wikang ginagamit ng
MTB-MLE -Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon ,Kinaray-a ,Yakan
,Surigaonon. Samantalang Filipino at Ingles ang gagamiting wikang
panturo sa mas mataas na antas ng elementarya, gayundin sa sekundarya
at sa kolehiyo. Sabi nga ni Pangulong Benigno Aquino III “We should
become tri-lingual as a country. Learn English well and connect to the
world. Learn Filipino well and connect to our country. Retain your
dialect and connect to your heritage.”

- - Sipi mula kay A. Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino:Phoenix, Inc ,2016 p.29-33

11
Gawain 3

Panuto: Basahin ang pahayag at sagutin ang sumusunod na mga tanong


batay sa bawat ilustrasyon sa sagutang papel o notbuk.

https://www.slideshare.net/icgamatero/ang-sarili-natingwika

12
C.ISAGAWA

https://www.slideshare.net/icgamatero/ang-sarili-natingwika

Gawain 4

Panuto: Punan ang patlang ng mga salita o parirala na bubuo sa mga


sumusunod na pangungusap. (Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa
sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan F11PS – Ib – 86)

1. Sa Pilipinas ang opisyal na wikang ginagamit ay _______________.


2. Mahalaga ang Ingles sa OFW dahil___________________________.
3. Mahalaga na marami kang wikang alam dahil __________________.
4. Ang Filipino, Ingles at ang mga lokal na dayalekto ay____________.
5. Ang mga natutuhan ko sa modyul na ito ay ang mga sumusunod:




13
Ang pagiging dalubhasa sa maraming wika ng isang tao ay may
malaking tulong upang mas lalong magkakaintindihan. Ang
kakayahan ng isang taong makapagsalita ng maraming wika ay
malaking ambag upang maisulong ang higit na pagkakaunawaan.
Nakatutulong ang isang taong multilingual sa pamamagitan ng mga
sumusunod: Una, kapag hindi naiintindihan ng ibang taong kakilala
niya ang lingguwahe ng kanyang kausap ay maaari niyang ipaliwanag
ang sinasabi ng kausap nito. Ikalawa, nagagamit ito sa pag-aaral
(English, Filipino) at nagiging daan upang mapaunlad ang kanyang
sarili at maaaring maging daan upang makatulong siya sa pag-unlad
ng bansa. Ikatlo, nagkakaroon ng higit na malawak na oportunidad
ang isang multilingguwal sa maraming larangan kabilang na ang
pagtatrabaho.Ikaapat, maaaring marating o makilala ng isang
multilingguwal ang kultura at kinagisnang lugar/ bansa ng
natututunang pangalawa o pangatlong wika.

TAYAHIN
HULING PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat
aytem. Isulat lamang ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa
hiwalay na papel o notbuk.

1. Ano ang pagkakaiba ng Monolingguwalismo and Monolingguwal?


a. Pareho lang sila
b. Ang Monolingguwalismo ay para sa bansa at ang Monolingguwal
ay para sa tao
c. Ang Monolingguwal ay para sa bata at ang Monolingguwalismo
ay para sa matanda
d. Wala sa nabanggit

14
2. Kapag Si Joe nagsasalita ng Ingles at Tagalog, siya ba ay isang
Monolingguwal?
a. Oo c. Pareho lang
b. Hindi d. Tama

3. Ano ang Bilingguwalismo?


a. Ito ay ang tawag sa paggamit ng maraming lenggwahe o wika
b. Ito ay ang tawag sa paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika
c. Ito ay ang tawag sa paggamit ng wika
d. Ito ay ang tawag sa wika

4. Ano ang Bilingguwal?


a. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng dalawang wika
o dayalekto
b. Ang tawag sa taong may kakayahang magsalita
c. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng wika o
dayalekto
d. Ang tawag sa dalawang wika o dayalekto

5. Ang isang tao ay masasabi nating bilingguwal kung may kakayahan


itong gumamit ng dalawang wika o dayalekto nang
may_____________?
a. kaalaman c. kahusayan
b. katatasan d. kababawan

6. Ano ang Multilingguwalismo?


a. Kakayahang makapagsalita ng higit sa isang wika
b. Kakayahang makapagsalita ng isang wika
c. Kakayahan ng isang indibidwal na gumamit ng dalawang wika
d. Kakayahang makapagsalita ng higit sa dalawang wika

7. Sinong bayani nating mga Pilipino ang may kakayahang magsalita ng


iba't ibang lengguwahe?
a. Emilio Aguinaldo c. Andres Bonifacio
b. Apolinario Mabini d. Dr. Jose Rizal

15
8. Ano ang salin sa wikang Filipino ng "what an extravagant dress you're
wearing!"?
a. "O kay gara ng iyong kasuotan!"
b. "O kay ganda ng iyong kasuotan!"
c. "O kay galing ng iyong kasuotan!"
d. "O kay grande ng iyong kasuotan!

9. Ano ang madalas gamitin na lingguwahe nating mga Pilipino sa


kasalukuyan?
a. Bisaya at Espanyol c. Filipino at Espanyol
b. Tagalog at Bisaya d. Ingles at Filipino

10. Ano ang tagalog ng "oyster"?


a. taluba c. talaba
b. kangkong d. taho

16

You might also like