FILIPINO 11 - Q2 - Mod6 - Komunikasyon

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
[email protected]

Filipino 11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Filipino

Kahulugan ng Diskorsal at Pagbuo

ng Kritikal na Sanaysay Kaugnay ng
Iba’t Ibang Paraan Gamit ng Wika

Ikalawang Markahan
Ikaanim na Linggo
Modyul 6
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga
salita at paraan ng pagsasalita,
2. Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan
ng paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural
sa Pilipinas.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit
ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit
ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.

2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan
ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin
ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong
natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos

makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman
at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin .
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang pangkalahatang
natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa kanyang pinag-aaralang
modyul.

2
Aralin
Kahulugan ng Kakayahang
1 Diskorsal

Inaasahan

Sa pagtatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga
salita at paraan ng pagsasalita.

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Piliin at isulat sa

isang kuwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Kahusayan ng isang indibiduwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba’t ibang teksto

gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksyunal at iba pang pagsulat
komunikasyon.
A. kakayahang tekstuwal C. panuntunan sa kumbersasyon
B. kakayahang retorikal D. panuntunan sa pakikipagtalastasan

2. Tumutukoy sa kahusayan ng isang indibiduwal na makibahagi sa isang

kumbersasyon.
A. kakayahang Retorikal C. komplemento ng pandiwa
B. paglalahad ng Kataga D. pagpapahaba ng komplemento

3. Ang pagkain na binalot para sa frontliners ay dinala ng mga nagmamalasakit na

Pilipino. Ang halimbawang pangungusap na may salungguhit ay masasabing
___________.
A. Komplementong tagatanggap C. Kompletong tagasuri
B. Komplementong tagaganap D. Kompletong tagapagbigay

4. Ang naka-highlight na pang-ukol na ginamit sa pangungusap bilang tatlo ay

nagpapakita ng ___________.
A. Komplementong tagatanggap C, Komplementong tagapagpalaganap
B. Komplementong tagatingin D. Komplementong tagaganap

5. Gumagamit ng katagang dahil sa o kay. Isinasaad nito ang panghalili sa kilos.

A. Komplementong sanhi C. Komplementong paglalahad
B. Komplementong bunga D. Komplementong pangangatuwiran

Balik-Tanaw

Panuto: Halina at magbalik-tanaw tayo sa mga dati mong kaalaman. Sikaping

sagutin ang mga tanong sa bawat bilang. Piliin at isulat sa kwaderno ang titik
ng wastong sagot.

3
1. Ang kakayahang sosyolingwistiko ay pagbibigay-pansin sa ugnayan ng ____ at
_____.
A. salita at gawi
B. wika at lipunan
C. modelo at teorya
D. mensahe at kapwa

2. Hindi mabubuo ang isang sosyalisasyon kung walang _________.

A. diskurso
B. mensahe
C. ugnayan
D. wika

3. Ang modelo ni Dell Hymes sa epektibong komunikasyon

A. Listening C. Reading
B. Writing D. Speaking

4. Kapag ang isang tao ay may kakayahang manipulahin ang gamit ng wika upang
umayon sa hinihingi ng sitwasyon ng pakikipagtalastasan, siya ay may
kakayahang _____.
A. sosyolinggwistiko C. polyglot
B. linggwistika D. multilingual

5. ___________ naman ang tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng

pagpaparating ng mensahe ng isang tao sa kanyang kapwa upang siya ay
lubusang maunawaan.
A. Diskurso C. Ugnayan
B. Lingwistika D. Multilingual

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Mahalaga na mahubog sa isang mag-aaral ang kasanayan sa

pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng pagpapahayag ng
ideya tungkol sa isang paksa. Ang kasanayang ito ay tunay na makatutulong sa
mga mag-aaral na mas maging epektibo sa larang na kanilang napili. Ang isang
mag-aaral na may taglay na kahusayan sa ganitong uri ng kasanayan ay
maituturing na biyaya. Ang araling ito ay higit na makatutulong sa iyo na
maunawaan, makapagpahayag ng opinyon at malayang makapagbigay ng mga
pananaw tungkol sa mga isyung kinakaharap ng ating bansa o maging ng iba
pang aspekto.

KAKAYAHANG DISKORSAL
Ito ay ang kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak na wika.

KARANIWANG URI NG KAKAYAHANG DISKORSAL

1. Kakayahang Tekstuwal
Kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba’t ibang teksto
gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksyunal, transkripsyon at iba pang
pasulat na komunikasyon.
4
2. Kakayahang Retorikal
Tumutukoy naman sa kahusayan ng isang indibidwal na makibahagi sa
kumbersasyon. Kakayahang unawain ang iba’t ibang tagapagsalita at makapagbigay
ng mga pananaw o opinyon.

PANUNTUNAN SA PAKIKIPAGTALASTASAN
1. Pagkilala sa pagpapalitan ng pagpapahayag
2. Pakikiisa

PANUNTUNAN SA KUMBERSASYON
 KANTIDAD- Gawing impormatibo ang ibibigay na impormasyon ayon sa
hinihingi ng pag-uusap, hindi lubhang kaunti o madamdaming
impormasyon.
 KALIDAD- Sikaping maging tapat sa mga pahayag, iwasang magsabi ng
mga kasinungalingan o ng anumang walang sapat na katibayan
 RELASYON- Tiyaking angkop at mahalaga ang sasabihin
 PARAAN- Tiyaking maayos, malinaw at hindi lubhang mahaba ang
sasabihin.

PAGPAPAHABA SA PANGUNGUSAP
1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga
Napahahaba ang pangungusap sa pamamagitan ng mga katagang gaya ng pa,
ba, naman, nga, pala at iba pa.
Halimbawa: May ulam.
May ulam pa./May ulam ba?/ May ulam pa ba?

2. Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring

Napahahaba ang pangungusap sa pamamagitan ng mga panuring na na at ng
Halimbawa: Siya ay anak
Siya ay anak na babae
Siya ay anak na bunsong babae

3. Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento

Komplemento, bahagi ng panaguri na nagbibigay-kahulugan sa pandiwa.

URI NG KOMPLEMENTO NG PANDIWA

A. Komplementong Tagaganap
Isinasaad dito ang gumagawa ng kilos, pinangungunahan ng panandang ng, ni,
at panghalip.
Halimbawa:
Ibinalot ni Jay ang mga tirang pagkain.
Ibinalot niya ang mga tirang pagkain.
Ibinalot ng kanyang kaibigan ang mga tirang pagkain

B. Komplementong Tagatanggap
Isinasaad kung sino ang nakikinabang sa kilos ng pang-ukol na para sa, para
kay at para kina.
5
Halimbawa:
Naghanda ng regalo si Thea para sa kanyang kapatid.
Bumili ng laruan si Bryan para kay Jave.

C. Komplementong Sanhi
Isinasaad ang sanhi sa paggawa ng kilos. Ginagamit ang dahil sa/kay bilang
panghalili nito.
Halimbawa:
Nabaon sa utang si Delia dahil sa pagkakakulong sa sugal
Dahil kay Alvin, naparusahan si Michelle

D. Komplementong Layon
Isinasaad ng ng ang mga bagay na ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
Regular na umiinom ng gamot ang aking lola.
Naglalako ng turon si Aling Pising tuwing hapon

E. Komplementong Kagamitan
Isinasaad ang instrumentong ginagamit upang maisakatuparan ang kilos sa
pamamagitan ng ng at mga panghalili nito.
Halimbawa:
Sa pamamagitan ng internet, napapabilis ang pagkuha ng impormasyon.

4. Pagpapahaba sa pamamagitan ng Pagtatambal

Napagtatambal ang dalawang payak na pangungusap sa pamamagitan ng mga
pangatnig na at ngunit, datapwat, subalit, saka, at iba pa. Ang mabubuong
pangungusap ay tinatawag na tambalang pangungusap.
Halimbawa:
Nagtatrabaho sa pabrika ang kanyang tatay at nagtitinda sa palengke
ang kanyang nanay.
Matagal siyang mag-aral ng aralin subalit tiyak naming matataas ang
kanyang marka sa mga pagsusulit.

Gawain 1

Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba mula sa isang balita online sa philstar.com.
Pagkatapos, ibigay at ipaliwanag ang iyong pananaw sa damdamin o saloobin
ng taong nagsasalita sa kanyang mga pahayag.

Dry run bago buksan ang klase sa Agosto hirit ni Win

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2020 - 12:00am
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/07/12/2027389/dry-
run-bago-buksan-ang-klase-sa-agosto-hirit-ni-win

6
Dry run bago buksan ang klase sa Agosto hirit ni Win

MANILA, Philippines — Upang makita ang mga posibleng maging problema, iginiit
ni Sen. Sherwin Gatchalian sa mga local government units (LGUs) na magsagawa
ng dry run ng kanilang bersiyon ng Learning Continuity Plan (LCP) ng Department
of Education (DepEd) bago buksan ang klase sa Agosto 24.

Sinabi ni Gatchalian na habang nakatakdang magsagawa ang DepEd ng dry run sa

distance learning sa unang linggo ng Agosto, matutukoy naman sa mga dry run ng
LGU ang mga posibleng maging problema at solusyon upang gumanda ang
implementasyon ng localized LCP.

Anya, ang mga dry runs ng mga LGUs ay dapat nakadisenyo sa kung ano ang
pinakagustong paraan na gagamitin sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga
estudyante sa mga nasasakupan nilang lugar.

Sinabi rin ni Gatchalian na mas maraming mag-aaral ang gusto ng modular

learning dahil sa problema sa koneksiyon ng wi-fi.

Inihalimbawa ni Gatchalian ang Navotas na namamahagi ng mga kahon na

naglalaman ng textbooks, self-learning modules, activity sheets, at school supplies.

Kabilang sa alternatibong paraan ng pag-aaral sa ilalim ng LCP ang modular

learning o paggamit ng mga printed at digital modules, online learning, at paggamit
ng radyo at telebisyon.

Ayon sa DepEd, 7.2 milyong estudyante ang nais gumamit ng modular learning,
television at radio-based instruction samantalang 2 milyon ang gusto ng online
learning.

Dapat aniyang masiguro na matututo ang mga mag-aaral at mananatili silang

ligtas sa gitna ng kasalukuyang pandemya.

Mga Pahayag ni Sen. Sherwin Gatchalian

1. “… dapat masiguro na matututo ang mga mag-aaral at mananatili silang
ligtas sa gitna ng kasalukuyang pandemya.”
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

2. “… ang mga dry runs ng mga LGUs ay dapat naka-disenyo sa kung ano ang
pinaka-gustong paraan na gagamitin sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng m
estudyante sa mga nasasakupan nilang lugar.”
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

3. “ … mas maraming mag-aaral ang gusto ng modular learning dahil sa problema sa

koneksiyon ng wi-fi.”

7
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

20 15 10 5
Makabuluhan at Tama lamang na Hindi sapat ang Hindi nakasunod sa
malinaw ang nailahad ang paliwanag sa hinihingi ng
paglalahad ng mga pananaw sa hinihingi inilahad na gawain.
impormasyon sa ng gawain pananaw,
nabuong paliwanag. nagtataglay
lamang ng ilang
kipil na
impormasyon

Gawain
2
Panuto: Suriing mabuti ang usapan ng mga persona sa loob ng tula sa ibaba. Bigyang
pansin ang paraan ng kanilang konbersasyon. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong sa ilalim nito.
Usapang Ina at Anak
Ni: Merlinda C. Bobis

“inang, napakaiksi ng inyong biyahe

mula kama hanggang kalan.”

“ay, anak, tinatawid ko sa mundo,

ikaw at ang tatang.”

“inang, nanunuyo na ang inyong mga matang

hindi marahil nasipingan ng diwa.”

“anak, ako ang nagluluwal

ng binhi ng isip.”

“inang, araw-araw yata

ay umiikli ang inyong dila.”

“anak, anak, ang mga labi ko’y hitik

sa mga salitang napipi ng halik.”

“inang, hindi tadyang

ang hinugot kay adan—
puso.”

Sagutin:

1. Sa paraan ng pagpapahayag ng ina sa kaniyang anak, ano ang mahihinuha sa

pinagdadaanan ng ina sa kaniyang buhay? Patunayan.

8
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

2. Anong uri ng ina ang nasa akda? Patunayan.

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

3. Anong uri ng anak ang nasa akda? Patunayan.

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

20 15 10 5
Makabuluhan at nasuring Sapat ang mga Sapat lamang na Hindi nakasunod sa
Mabuti ang katugunan sa impormasyon bilang sagutin ang mga hinihinging
mga tanong sa nabuong katugunan sa mga katanungan sa nabuong katugunan sa mga
sagot/paliwanag. tanong subalit hindi paliwanag. tanong ang nabuong
napatunayang mabuti sagot/paliwanag.
ang sagot sa mga
tanong.

Tandaan

Ang diskorsal ay ang kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang

tiyak na wika. Ayon kay Savignon (2007), ang kakayahang diskorsal ay tumutuon
hindi sa interpretasyon ng mga indibidwal na pangungusap kundi sa koneksyon
ng magkakasunod ng mga pangungusap tungo sa makabuluhang kabuuan.

Malahagang makapagpahayag ng saloobin gamit ang nakasanayang wika.

Higit na mauunawaan ang damdamin ng isang indibidwal kung may sapat siyang
kaalaman sa wikang kanyang ginagamit.

Pag-alam sa Natutuhan

Panuto: Pagbati sa pagtatapos para sa unang gawain. Bilang pagsukat sa iyong

natutuhan, sagutin nang buong katapatan ang sumunod na pahayag:
Nalaman ko na__________________________________________.
Kaya naman_____________________________________________.
Upang___________________________________________________.
9
Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang maikling teksto sa ibaba. Pagkatapos,

batay rito sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Piliin at isulat sa
kwaderno ang titik ng tamang sagot.

Sadyang Mahirap Talaga

Sa panahon ngayon, mahirap makihalubilo sa napakaraming tao. Hindi mo
alam kung kailan, saan, at paano ka makasisiguro na ligtas kang makauuwi sa
pamilya mo. Maraming beses ko ng tinangkang lumabas ng bahay pero dahil sa work
from home ako ngayon kahit paano ay naiibsan nang kaunti ang takot na maaaring
idulot ng nakahahawang sakit na ito.
Tanging pag-iingat ang kinakailangang gawin sa oras na itapak mo ang iyong
mga paa sa labas ng iyong bahay. Ilang beses nating naririnig sa mga kinauukulan na
kung walang importanteng bagay na gagawin ay hangga’t maaari ‘wag na lamang
lumabas. May mga iilan lang talaga na sobrang pasaway at sarili lang nila ang kanilang
iniisip. Batid ko na marami sa mga Pilipino ang sadyang napipilitan lamang lumabas
sapagkat kinakailangan ng kanilang trabaho pero batid ko rin na kung sila lang ang
masusunod ay mas nanaisin pa rin nilang manatili na lamang sa bahay.
Kailangang mag-ingat hindi lang para sa ating sarili lalo na para sa mga
miyembro ng ating pamilya. Kailangan ng ibayong pag-iingat. Iyon nga lamang,
sadyang mahirap lang talaga.
Mga Tanong:

1. Sa pahayag ng may akdang, “Maraming beses ko ng tinangkang lumabas ng

bahay pero dahil work from home ako ngayon kahit paano ay naiibsan nang
kaunti ang takot na maaaring idulot ng nakahahawang sakit na ito.”
mahihinuhang ang nagsasalita ay_______.
A. iniiisip ang kaligtasan ng kaniyang pamilya
B. mas matimbang ang trabaho sa bahay kaysa sa labas
C. iniintindi ang maaaring maging epekto ng paglabas niya ng bahay
D. mas nauunawaan niya ang mga taong nagtatrabaho sa labas ng bahay

2. Sa paraan ng pagsasalita ng may akda, masasabing siya ay______.

A. may takot sa Diyos
B. maingat sa kanyang sarili
C. maaasahan sa lahat ng uri ng sakuna
D. may karunugan para sa sariling kaligtasan

3. “Kailangang mag-ingat hindi lang para sa ating sarili higit sa lahat, para sa mga
miyembro ng ating pamilya.” Sa pahayag na ito, ang katangian ng may akda
ay_____.
A. maunawain
B. mapagbigay
C. maalalahanin
D. mapagmahal sa pamilya

4. Ang pahayag na, “Maraming beses ko ng tinangka na lumabas ng bahay.” ay

nagpapakita na siya ay_____.
A. may galit
10
B. may takot
C. may tapang
D. may pag-aalinlangan

5. Ang lahat ay mahalaga sa pakikipagkumbersasyon maliban sa______.

A. makapagbahagi ng makabuluhang impormasyon
B. makapagbigay ng karunungan sa harap ng mga kausap
C. makilala ang iyong kahusayan sa isang partikular na larang
D. maipakilala sa lahat ang iyong kahinaan at kalakasan bilang isang tao.

6. Isa sa panuntunan sa kumbersasyon na nagpapakita ng pagiging matapat sa mga

pahayag ay_______.
A. kalidad C. paraan
B. kantidad D. relasyon

7. Ang pagtitiyak na hindi lubhang mahaba ang sasabihin, may katiyakan, malinaw
at maayos ay tumutukoy sa ______.
A. paraan C. relasyon
B. pangungusap D. ugnayan

8. Ang binasang akda ay nagbibigay ng impormasyon ukol sa paraan ng pakikipag-

usap ito ay nagpapakita ng______
A. kantidad C. kalidad
B. paraan D. relasyon

9. Ang pang-ukol na ginamit sa unang pangungusap ng huling talata ay nagpapakita

ng ______.
A. Komplementong tagatanggap C. Komplementong tagapagpalawak
B. Komplementong tagatingin D. Komplementong tagaganap

10. Gumagamit ng katagang dahil sa o kay sa pangungusap sapagkat isinasaad nito

ang panghalili sa kilos. Ito ay _____.
A. Komplementong sanhi C. Komplementong paglalahad
B. Komplementong bunga D. Komplementong pangangatuwiran

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Panuto: Magnilay ka sa iyong sarili batay sa tinalakay na aralin, sagutin ang tanong
nang matapat.
1. Ano- ano nahubog sa iyong kaisipan matapos mong mapag-aralan ang ating
aralin kaugnay sa kakayahang diskorsal?

___________________________________________________________________

____________________.

11
Aralin Pagbuo ng Kritikal na Sanaysay
Kaugnay ng Iba’t Ibang Paraan
2 ng Paggamit ng Wika

Inaasahan
Sa pagtatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan
ng paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa
Pilipinas.

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Piliin at isulat sa kwaderno
ang titik ng tamang sagot.
1. Ang sanaysay ay isang uri ng ______.
A. bugtong C. liriko
B. epiko D. tuluyan
2. Ang sumusunod ay katangian ng sanaysay maliban sa______.
A. naglalahad ng kuro-kuro C. naglalahad ng simulain
B. naglalahad ng damdamin D. naglalahad ng reaksyon

3.Ang essay ay nagmula sa salitang Pranses na “essayer” na

nangangahulugang _____.
A. sumubok C. sumama
B. sumalo D. sukatin

4. Sa Pilipinas, ang salitang sanaysay ay nilikha ni _______.

A. Alejandro G. Abadilla C. Efipanio Delos Santos
B. Severino Reyes D. Pascual Poblete

5. Ang sanaysay ay naiiba sa iba pang uri ng pagsulat sapagkat ito ay_______.
A. naglalantad ng sariling personalidad
B. kinapupulutan ng makabuluhang kaalaman
C. nakasalig sa mga iba’t ibang uri ng babasahing teksto
D. naghahango ng katotohanan mula sa tunay na pangyayari

Balik-Tanaw

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat sa isang

kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Isa sa panuntunan sa kumbersasyon na nagpapakita ng pagiging matapat sa mga

pahayag ay_______.

12
A. kalidad C. paraan
B. kantidad D. relasyon

2. Ang pagtitiyak na hindi lubhang mahaba ang sasabihin, may katiyakan, malinaw
at maayos ay______.
A. paraan C. relasyon
B. pangungusap D. ugnayan

3. Ang binasang akda ay nagbibigay ng impormasyon ayon sa paraan ng

pakikipag-usap, ito ay nagpapakita ng ______.
A. kantidad C. kalidad
B. paraan D. relasyon

4. Ang pang-ukol sa pangungusap na ito, “Naglalako ng turon si Aling Pising tuwing

hapon.” ay nagpapakita ng _____.
A. Komplementong tagatanggap C. Komplementong tagapagpalaganap
B. Komplementong layon D. Komplementong tagaganap

5. Gumagamit ng katagang dahil sa o kay sa pangungusap dahil sa isinasaad nito

ang panghalili sa kilos.
A. Komplementong sanhi C. Komplementong paglalahad
B. Komplementong bunga D. Komplementong pangangatuwiran

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Mahalaga na mahubog sa isang mag-aaral ang kahusayan sa kasanayan

sa pagsulat ng sanaysay. Ang mga gawaing nakakahalubilo sa pang-araw-araw
na buhay ay masasasabing sapat na upang makabuo ng isang kuwento sa
pamamagitan ng pagsulat ng makabuluhang sanaysay. Bilang isang mag-aaral
ano ang interes mo sa buhay? Ano ang nais mong isulat? Gagabayan ka ng
araling ito para sa mas makabuluhang pagbuo ng kritikal na sanaysay na
mapapakinabangan mo partikular sa iyong larang.

Pagbuo ng Kritikal na Sanaysay

Isang uri ng tuluyan ang sanaysay na naglalahad ng kuro-kuro, damdamin,
kaisipan, saloobin, reaksiyon at iba pa ng awtor tungkol sa isang paksa sa alinmang
larangan o kaalaman maging pampulitika, panlipunan, pang-edukasyon,
panrelihiyon, pang-araw-araw na gawain at iba pa.
Nagmula sa salitang Pranses na “essayer” na nangangahulugang sumubok.
Sa Pilipinas, ang salitang sanaysay ay nilikha ni Alejandro G. Abadilla mula sa
pariralang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Pinagdugtong
niya ang salitang “sanay” at ang “say” na huling pantig ng salitang pagsasalaysay.
Naiiba ang sanaysay sa iba pang uri ng paglalahad sapagkat ito ay sariling paglalantad
ng personalidad, indibiduwalidad, estilo at paraan ng pagsulat, saloobin, kuro-kuro,
kaisipan at damdamin ng sumulat. Ito’y magaang, malaya at personal na pagtalakay
ng awtor sa anumang paksang nais niyang talakayin na parang ang kaniyang kausap
o kaharap ay ang mga mambabasa. Nagbibigay ang awtor ng sanaysay ng mga
sariwang kabatiran sa buhay at higit na mabuting pagkaunawa sa ating sarili at sa
ibang tao. Nilalayong magbigay-kaalaman o magdulot ng aliw sa mga mambabasa. Sa
13
pagiging kritikal na pagsulat ng sanaysay, isinasaalang-alang ang kaisahan ng tono,
maayos na pagkakabuo, matalinong pagpapakahulugan, tema, nilalaman, anyo,
estruktura, wika at estilo.

Gawain 1

Panuto: Sumulat ng makabuluhang sanaysay na hindi lalagpas sa sampung pangu-

ngusap batay sa paksa na nasa ibaba. Isulat sa kwaderno ang sagot.

Sa patuloy na pag-unlad ng wika, sa patuloy na pagyabong nito, bunga ng

pakikisalamuha ng mga katutubo sa mga dayuhan-mananakop o kaibigan na may
naiibang kultura - ang wikang ginagamit na kasangkapan sa pakikipamuhay ay
yumaman sa salita. Paano mapapanatili o bubuhayin ang mga wikang katutubo sa
ating bansa?

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
20 15 10 5
Siksik sa mga Kumpleto sa Taglay ang Hindi nakasunod sa
makabuluhang impormasyon ang ilangmpormasyon sa hinihinging
impormasyon ang nabuong paliwanag. nabuong paliwanag. impormasyon ang
nabuong paliwanag nabuong paliwanag.

Gawain 2

Panuto: Pumili ng isang paksa sa ibaba na nais mong isulat. Batay rito, lumikha ng
sanaysay sa loob ng sampung pangungusap lamang. Isulat sa kwaderno
ang sagot.
Mga paksa:
1. Kahalagahan ng Paggamit ng Nakagisnang Wika
2. Ang Papel ng Wika sa Umuusbong na Media at Iba’t Ibang Teknolohiya
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

14

Siksik sa mga Kumpleto sa Taglay ang ilang Hindi nakasunod

makabuluhang impormasyon ang impormasyon sa sa hinihinging
impormasyon ang nabuong nabuong impormasyon ang
nabuong paliwanag. paliwanag. nabuong
paliwanag paliwanag.

Tandaan

Iba ang sanaysay sa iba pang uri ng paglalahad sapagkat ito ay sariling
paglalantad ng personalidad, indibidwalidad, estilo at paraan ng pagsulat,
saloobin, kuro-kuro, kaisipan at damdamin ng sumulat. Ito’y magaan, malaya at
personal na pagtalakay ng awtor anumang paksang nais niyang talakayin na
parang ang kaniyang kausap o kaharap ay ang mga mambabasa. Nagbibigay ang
awtor ng sanaysay ng mga sariwang kabatiran sa buhay at higit na mabuting
pagkaunawa sa ating sarili at sa ibang tao. Nilalayong magbigay-kaalaman o
magdulot ng aliw sa mga mambabasa. Sa pagiging kritikal na pagsulat ng
sanaysay, isinasaalang-alang ang kaisahan ng tono, maayos na pagkakabuo,
matalinong pagpapakahulugan, tema at nilalaman, anyo at estruktura at wika at
estilo.

Pag-alam sa Natutuhan

Panuto: Pagbati sa pagtatapos sa gawain. Sa bahaging ito, upang matasa mo ang

iyong natutuhan, kumpletuhin nang buong katapatan ang sumunod na
putol na mga pahayag.

Nalaman ko na___________________________

Kaya naman_____________________________

Upang____________________________.

15
Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga katanungan. Piliin at

isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Ang sanaysay ay isang uri ng ______.

A. bugtong C. liriko
B. epiko D. tuluyan

2. Ang sumusunod ay katangian ng sanaysay maliban sa ______.

A. naglalahad ng kuro-kuro C. naglalahad ng simulain
B. naglalahad ng damdamin D. naglalahad ng reaksyon

3. Ang essay ay nagmula sa salitang Pranses na “essayer” na nanganga-

hulugang _____.
A. sumubok C. sumama
B. sumalo D. sukatin

4. Sa Pilipinas, ang salitang sanaysay ay nilikha ni _______.

A. Alejandro G. Abadilla C. Efipano Delos Santos
B. Severino Reyes D. Pascual Poblete

5. Ang sanaysay ay naiba sa iba pang uri ng pagsulat sapagkat ito ay _______.
A. naglalantad ng sariling personalidad
B. kinapupulutan ng makabuluhang kaalaman
C. nakasalig sa mga iba’t ibang uri ng babasahing teksto
D. naghahango ng katotohanan mula sa tunay na pangyayari

6. Sa pagsulat ng sanaysay, ang sumusunod ay gampanin ng awtor para sa

kanyang mga mambabasa maliban sa _______.
A. makapaghatid ng kaaliwan sa mga mambabasa
B. makapagdulot ng hindi malilimutang aral sa mga mambabasa
C. mapahatol ang kaniyang mga mambabasa ayon sa kanilang pananaw
D. mailagay ang mambabasa sa kalagayang parang kausap o kaharap lamang

7. Sa kritikal na pagsulat ng sanaysay, ang sumusunod ay dapat na isinasa-

alang-alang, maliban sa _____.
A. estruktura C. wika
B. nilalaman D. damdamin

8. Ang salitang pinagdugtong upang mabuo ang salitang pagsasalaysay ay _____.

A. “sanay” at “say” C. “sasa” at “lay”
B. “laylay” at lay D. “salay” at “say”

10. Ang paglinang sa kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral ay

nagbibigay sa kanila ng iba’t ibang pakinabang, maliban sa______.
A. makatutulong sa larang na kanilang napili
B. mahuhubog ang pagiging malikahain sa pagsulat
C. maipapadama ang nilalaman ng damdamin at iniisip
D. matuturuan ang sarili kung ano ang tama at mali sa pagpapasya

10. Ang sumusunod ay paraan upang mapalakas ang interes ng mga mag-

16
aaral sa pagsulat ng sanaysay maliban sa ________.
A. hasain ang sariling kakayahan
B. magsagawa ng palihan sa pagsulat ng sanaysay
C. makipag-ugnayan sa mga eksperto sa larang ng pagsulat
D. dumulog sa piling mga tao labas sa iyong kasanayang hinahasa

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Panuto: Ano-ano ang naitanim sa iyong isipan matapos mong malaman ang aralin 2
Sagutin ang tanong sa iyong kwaderno.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____________________.

Sanggunian

Bernales, R., et al. (2014). Wika at Komunikasyon Sa Nagbabagong Panahon

Batayan at Sanayang-Aklat sa Fiipino 1. Malabon City: Mutya Publishing
House Inc.
Jocson, M. O. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Quezon City: Vibal Publishing House.
Escudero, M. (2020). Dry run bago buksan ang klase sa Agosto hirit ni Win.
Retrieved on August 29, 2020 from https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2020/07/12/2027389/dry-run-bago-buksan-ang-klase-sa-
agosto-hirit-ni-win
https://bettercomingcom.wordpress.com/2016/09/19/kalagayang-pang-wika-sa-
kulturang-pilipino-alinsunod-sa-yumayabong-na-paggamit-ng-mass-media-at-
teknolohiya/
https://scholar.google.com/scholar?hl=en&as_sdt=0%2C5&q=Pananaliksik+sa+Wik
a+at+Kulturang+Pilipino&btnG=

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Michael M. Ogsila, TIII
Editor: Edwin Remo Mabilin, EPS
Tagasuri: Candelaria C. Santos, MTII
Tagalapat: Mary Ann R. Catabay, MTII
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM

17
Susi sa Pagwawasto
Aralin 1

Unang Pagsubok Balik-Tanaw Pangwakas na

1. A 1. D Pagsusulit
2. A 2. C 1. A 6. A
3. B 3. B
4. A 4. D 2. B 7. A
5. A 5. C
3. D 8. A
4. B 9. A

5. D 10.A

Gawain 1 (Mapanuring Pag-iisip)

Ang “Pamantayan sa Pagmamarka” ang gagawing batayan sa pagwawasto

Gawain 2 (Mapanuring Pag-iisip)

Ang “Pamantayan sa Pagmamarka” ang gagawing batayan sa pagwawasto

Aralin 2

Balik- Tanaw Pangwakas na

Unang Pagsubok
Pagsususlit
1. A
1. D
2. A 1. D
2. D
3. B 2. D
3. A
4. A 3. A
4. A
5. A 4. A
5. C
5. C
6. C
A. AM At FM nararating
7. D
ang iba’t ibang
8. A
probinsiya
9. D
10. D

Gawain 1 (Mapanuring Pag-iisip)

Ang “Pamantayan sa Pagmamarka” ang gagawing batayan sa pagwawasto

Gawain 2 (Mapanuring Pag-iisip)

Ang “Pamantayan sa Pagmamarka” ang gagawing batayan sa pagwawasto

18

You might also like