Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6
TALUMPATI
■ Ang Talumpati ay nag papakita ng katatasan at kahusayan ng
tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang paniniwala, pananaw, at pangangatwiran sa isang partikular na paksang pag-uusapan. PAGTATALUMPATI ■ Isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa. ■ Isinusulat ito upang bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. APAT NA URI NG TALUMPATI BATAY SA KUNG PAANO ITO BINIBIGKAS 1. Biglaang Tamlumpati (IMPROMPTU) - ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda. 2. Maluwag (EXTEMPORANEOUS) - nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay bago ito ipahayag. 3. Manuskrito - ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan ito ng mabuti at dapat na nakasulat. 4. Isinaulong Talumpati - hindi binabasa ang ginawang manuskrito kundi sinasaulo at binibigkas ng tagapagsalita. Mga Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin 1. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran - Ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o pangyayari. Dapat na maging malinaw at makatotohanan ang pag lalahad ng datos kaya mahalagang sa pagsulat nito ay gumamit ng mga dokumentong mapagkatiwalaan. 2. Talumpating Panlibang - Magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig. Kaya naman sa pagsulat nito, kailangang lahukan ito ng mga birong nakatatawa na may kaugnayan sa paksang tinatalakay. Ginagawa ito tuwing salusalo, pagtitipong sosyal, at mga pulong ng mga samahan. 3. Talumpating Panghikayat - Hikayatin ang mga tagapakinig na tangapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibgay-katwiran at mga patunay. 4.Talumpating Pampasigla - Magbigay inspirasyon sa mga nakikinig. tiyaking makapupukaw at makapagpapasigla sa damdamin at isipan ng mga tao. Karaniwang isinasagawa ang ganitong talumpati sa araw ng pagtatapos sa mg paaralan at pamantasan, pagdiriwang ng anibersaryo ng mga samahan o organisasyon, kumbensiyon. 5. Talumpati ng Papuri - Magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan. Kabilang sa mga ito ang talumpati ng pagtatalaga sa bagong hirang na opisyal, atbp. 6. Talumpati ng Pagbibigay- galang -Tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon. ginagawa rin ito bilang pagtanggap sa isang bagong opisyal na natalaga sa isang tungkulin. 5. Talumpati ng Papuri - Magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan. Kabilang sa mga ito ang talumpati ng pagtatalaga sa bagong hirang na opisyal, atbp. 6. Talumpati ng Pagbibigay- galang -Tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon. ginagawa rin ito bilang pagtanggap sa isang bagong opisyal na natalaga sa isang tungkulin. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati A. Uri ng mga Tagapakinig - Mahalagang magkaroon ng kabatiran ang mananalumpati tungkol sa kaalaman, pangangailangan, at interes ng kanyang magiging tagapakinig. 1. Ang edad o gulang ng mga makikinig - Mahalagang alamin ang edad o gulang ng mga tagapakinig. Iakma ang nilalaman ng paksa at maging wikang gagamitin sa edad ng mga makikinig. 2. Ang bilang ng mga makikinig - Kung marami ang makikinig, marami ring paniniwala at saloobin ang dapat na isaalang-alang ng mananalumpati. 3.Kasarian - Madalas magkaiba ang interes, kawilihan, karanasan, at kaalaman ng kalalakihan sa kababaihan. Magkaibang pananaw ang dalawa hinggil sa isang partikular na paksa. 4. Edukasyon o antas ng lipunan - Malaki ang kinalaman ng edukasyon sa kakayahan ng mga tagapakinig na umunawa sa paksa. kung ang mga makikinig ay kabilang sa masang pangkat, mahalagang gumamit ng mga salita o halimbawa na akma para sa kanila. Kung ang karamihan naman sa mga makikinig ay mga edukado at kabilang sa mataas na antas ng lipunan,iba ring pamamaraan ng pagtalakay ang dapat gamitin sa kanila. 5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig - Kung may alam na ang mga tagapakinig tungkol sa paksa, sikaping sangkapan ito ng mga bago at karagdagang impormasyon upang hindi sila mabagot o mawalan ng interes B. Tema o Paksang Tatalakayin 1. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin - Ito ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagbabasa at pangangalap ng impormasyon sa ensayklopedya, aklat, pahayagan, magasin, at dyornal. Maaari ding magsagawa ng interbyu sa isang taong eksperto sa paksang tatalakayin.Maging mahina ang talumpati kung ito ay salat sa mga datos, walang laman, at may maling impormasyon.Sa kasalukuyan, ang Internet ang isa sa pangunahing ginagamit ng marami sa pangangalap ng mga datos mula sa mapagkatiwalaang mga sanggunian, artikulo, aklat, atbp. 2. PAGBUO NG TESIS - Mahalagang matukoy ang tesis sapagkat dito iikot ang pangunahing mensaheng ibabahagi sa mga tagapakinig. Magsisilbing pangunahing argumento o posisyon kung ang layunin ng talumpati ay manghikayat, at nagsisilbi naman itong pokus ng pagpapahayg ng damdamin kung ang layunin ng talumpati ay magtaguyod ng pagkakaisa ng damdamin ng mga makikinig. 3. PAGTUKOY SA MGA PANGUNAHING KAISIPAN O PUNTO - Kapag may tiyak nang tesis para sa talumpati, maaari nang alamin ng mananalumpati ang mga pangunahing punto na magsisilbing batayan ng talumpati. Mahalagang mahimay o matukoy ang mahahalagang detalyeng bibigyang-pansin upang maging komprehensibo ang susulatin at bibigkasing talumpati C. HULWARAN SA PAGBUO NG TALUMPATI - Ayon kina Casanova at Rubin (2001), may tatlong hulwarang maaaring gamitin sa pagbuo ng talumpati. 1. KRONOLOHIKAL NA HULWARAN - Ang mg detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon. Maaaring isagawa ang paghahanay ng detalye mula sa unang pangyayari, sumunod na mga panyayari, at panghuling pangyayari. 2. TOPIKAL NA HULWARAN - Ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa pangunahing paksa. Kung ang paksa ay kailangang hatiin sa mga tiyak na paksa ay mainam na gamitin ang hulwarang ito. 3. HULWARANG PROBLEMA-SOLUSYON - Kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpati gamit ang hulwarang ito- ang paglalahad ng suliranin at ang pagtalakay sa solusyon na maaring isagawa. D. KASANAYAN SA PAGHABI NG MGA BAHAGI NG TALUMPATI - Ang paghahabi o pagsusulat ng nilalaman ng talumpati mula sa umpisa hanggang sa matapos ito ay napakahalaga ring isaalang-alang upang higit na maging mahusay, komprehensibo, at organisado ang bibigkasing talumpati. 1. INTRODUKSIYON - Naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kaya naman dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati a. mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig. b. makuha ang kanilang interes at atensiyon c. maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa d. maipaliwanag ang paksa e. mailahad ang balangkas ng paksang tatalakayin f. maihanda ang kanilang puso at isipan sa mensahe 2. DISKUSYON O KATAWAN - Dito tinatalakay ang mahahalagang puntong nais ibahagi sa mga nakikinig. Mga katangiang kailangang taglayin ng katawan ng talumpati a. KAWASTUHAN b. KALINAWAN c. KAAKIT-AKIT 3. KATAPUSAN O KONGKLUSYON - Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati. Ito ay kalimitang maikli ngunit malaman. Maaaring ilagay rito ang pinakamatibay na paliwanag at katwiran upang mapakilos ang mga tao ayon sa layunin ng talumpati. 4.HABA NG TALUMPATI - Nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas o presentasyon nito. Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang oras.