TQ G12 2nd Quarter

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

St.

Ferdinand College
Cabagan Campus
Centro, Cabagan, Isabela

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 12


Taon ng Paaralan 2020-2021

“Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa
inyong ikabubuti. Ito’y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa. “
-Jeremias 29:11
Pangalan: Marka:
Baitang Seksyon: Petsa:
Pangkalahatang mga Panuto:
Basahin at sagutin ang sumusunod.
Isulat ang tamang sagot sa mga patlang bago ang bilang.
Sundin ang mga panutong nakatala sa mga pagsasanay.

I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN
Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap at piliin ang TITIK ng wastong sagot.
_____1. Isang tekstong binibigkas sa harap ng maraming tao.
A. Posisyong Papel B. Katitikan ng Pulong C. Talumpati D. Tula
_____2. Dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon.
A. Talumpati B. Posisyong Papel C. Sanaysay D. Katitikan ng Pulong
_____3. Isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinusuri ang naging
epekto ng mga karanasang iyon sa manunulat.
A. Lakbay Sanaysay C. Posisyong Papel
B. Replektibong Sanaysay D. Katitikan ng Pulong
_____4. Isang akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuru-kuro o kaisipan ng isang
manunulat kaugnay ng kanyang nakikita o naoobserbahan.
A. Sanaysay C. Replektibong Sanaysay
B. Lakbay Sanaysay D. Personal na Sanaysay
_____5. Isang akademikong teksto na nagsasalaysay at naglalarawan ng mga karanasan ng may-akda sa
pinuntahang lugar, nakasalamuhang tao at pagkain at maging ang kanyang mga naisip o napagtantong
ideya.
A. Personal na Sanaysay C. Lakbay Sanaysay
B. Patalinhagang Sanaysay D. Replektibong Sanaysay
_____6. Uri ng sanaysay na tungkol sa mga kasabihan o sawikain.
A. Lakbay Sanaysay C. Kritikal na Sanaysay
B. Personal na Sanaysay D. Patalinhagang Sanaysay
_____7. Uri ng sanaysay na tungkol sa mga nararamdaman, kaugnay ng mga nakikita o naoobserbahan ng tao.
A. Personal na Sanaysay C. Replektibong Sanaysay
B. Patalinhagang Sanaysay D. Kritikal na Sanaysay
_____8. Uri ng sanaysay na tungkol sa mga naiisip ng manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o naoobserban.
A. Patalinhagang Sanaysay C. Kritikal na Sanaysay
B. Lakbay Sanaysay D. Replektibong Sanaysay
_____9. Alin sa mga sumusunod ang kadalasang makikita sa katawang bahagi ng katitikan ng pulong?
A. Mga dumalo C. Lugar ng pulong
B. Oras ng pagsisimula ng pulong D. Ikatlong agenda
_____10. Alin sa mga sumusunod ang hindi nararapat na ilagay sa unang pahina ng katitikan ng pulong?
A. Oras ng pagtatapos ng pulong C. Pangalan ng organisasyon
B. Lugar ng pulong D. Mga dumalo
_____11. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalahad?
A. Pulang-pula ang labi ng babae. C. May dugong Hapones ang babae.
B. Matangos ang ilong ng babae. D. Makinis ang balat ng babae.
_____12. Ano ang pagkakatulad ng paglalarawan at pagsasalaysay?
A. Hindi maaaring gamitin sa talumpati.
B. Gamitin bilang mga ebidensya sa argumento.
C. Hindi maaaring gamitin sa posisyong papel.
D. Ginagamit sa pagkukwento ng mga pangyayari.
_____13. Alin sa sumusunod ang maaaring gamiting matibay na ebidensya para sa argumento?
A. Sariling paniniwala C. Sariling karanasan
B. Balitang napanood D. Narinig na kwento
_____14. Alin sa sumusunod na pangungusap ang HINDI nangangatwiran?
A. Dapat wakasan na ang korapsyon sa bansa.
B. Ano ang iyong opinyon tungkol sa korapsyon?
C. Hindi talaga mawakasan ang korapsyon sa bansa.
D. Mahalagang wakasan ang korapsyon para umunlad ang bansa.
_____15. Ano ang pagkakaiba ng talumpati at posisyong papel?
A. Ang talumpati ay isinulat upang bigkasin samantalang ang posisyong papel ay isinulat
upang basahin lamang.
B. Ang talumpati ay gumagamit ng pagsasalaysay habang ang posisyong papel ay
gumagamit naman ng pangangatwiran.
C. Ang talumpati ay dapat makahikayat, pero ang posisyong papel ay dapat maglarawan
ng isang partikular na isyu.
D. Ang talumpati ay maiksi lamang samantalang ang posisyong papel ay mahaba.
_____16. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng talumpati?
A. “Kanlungan” C. “Bakit Ako Naging Manunulat”
B. “Solo sa Oslo” D. “Tuwid na Landas ang Tinahak ni Rizal”
_____17. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng replektibong sanaysay?
A. “Dangal at Parangal”
B. “Hindi Ngayon ang Panahon”
C. “Mga Pagsasanay sa Paggalugad sa Siyudad”
D. “Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari”
_____18. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng posisyong papel?
A. “Mamamayan ng Mindanao Nangangalampag sa Maynila”
B. “Matagal nang Patay ang Babae: Bawal sa Panitikang Bayan”
C. “Pagtatanggol sa Wikang Filipino, Tungkulin ng Bawat Lasalyano”
D. “Isang Panimulang Pagsusuri sa mga Liham Pasasalamat ng mga Deboto”
_____19. Ano ang pinatutunayan ng paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplinang pang-akademya?
A. Pambansang wika ang wikang Filipino
B. Filipino ang mainam gamitin sa iba’t ibang disiplina
C. Intelektwalisado na ang wikang Filipino
D. Marami na ang nakakaunawa ng wikang Filipino
_____20. Alin sa mga sumusunod ang naglalahad ng konklusyon?
A. Tunay ngang mayaman ang festival bilang pagkukunan ng mahahalagang
impormasyon bilang daluyan ng kultura at identidad ng anumang wika, lahi at
kultura.
B. Ang pag-aaral ay isang pangunahin o eksploratoryong pag-aaral sa ugnayan ng wika at
ang mga tradisyon/pamamaraan ng paggamot o medisina.
C. Marapat lamang sundan, hamak man, ang mga katangi-tanging pinasimulan ng mga
Pilipino propesor na gumamit ng wikang Filipino bilang instrumento sa pagsusuri.
D. Hanggang ngayon, ang debate at kontrobersiya sa wika ay umiikot pa rin sa konsepto
ng Filipino bilang isang pambansang wika, o wika ng pagtuturo.

II. TAMA O MALI


Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Tukuyin kung ang pangungusap sa iba’t ibang
akademikong sulatin ay nagpapahayag ng katotohanan at isulat ang TAMA at MALI naman kung hindi.
POSISYONG PAPEL
__________21. Mahalagang gumawa ng balangkas bago pormal na isulat ang posisyong papel.
__________22. Ang pagpapakilala ng paksa at pagkuha ng interes ng mambabasa ang pangunahing layunin sa
pagsulat ng pagsisimula.
__________23. Ang pagbibigay ng opinyon at katotohanan ay kapwa mahalagang ebidensiyang magagamit sa
pagsulat.
__________24. Ang pangangalap ng impormasyon o pananaliksik ay hindi na gaanong kailangan sa pagbuo ng
sulatin.
__________25. Kailangang mapatunayang mali o walang katotohanan ang mga counterargument na nakalahad
sa sulatin.
__________26. Makapagbibigay na ng matibay na ebidensiya ang pagbibigay ng isang sanggunian.
__________27. Ang pagbibigay ng plano para sa gawain ay dapat ding isaalang-alang sa pagbibigay ng
kongklusyon.
__________28. Ang pagbibigay ng opinyon ng isang taong may awtoridad o kaalaman hinggil sa paksa ay
nakapagpapatatag ng pangangatwiran.
__________29. Nakabatay sa pananaw at paniniwala ng isang tao ang mga katunayan o facts.
__________30. Ang thesis statement ay naglalahad ng pangunahing ideya ng isang posisyong papel.
PAGLALAHAD
__________31. Ang paglalahad ay isang detalyado at komprehensibong pagpapaliwanag ng isang bagay, pook,
o ideya.
__________32. Ang paglalahad ay tinatawag na expository writing sa Ingles.
__________33. Ang pangunahing layunin nito ay magpaliwanag nang obhetibo at walang pagkampi.
__________34. Ito ay nagpapahayag ng isang paninindigan.
__________35. Ito ay nagsasalaysay ng isang kuwento. Ito ay naglalarawan ng isang bagay.
REPLEKTIBONG SANAYSAY
__________36. Ang replektibong sanaysay ay kadalasang nakabatay sa karanasan kaya mula sa nilalaman nito
ay kadalasang nakabatay sa karanasan kaya mula sa nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao
ng sumulat.
__________37. Bahagi ng sanaysay na ito ang mga bagay na naiisip, nararamdaman, at pananaw hinggil sa
isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito.
__________38. Ito ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o
pangyayari.
__________39. Madalas itong gamitin upang mailarawan ang tiyak na bagay, kaisipan, at pangyayaring nakita
o nasaksihan.
__________40. Maihahalintulad ito sa pagsulat ng isang journal at academic portfolio.
LAKBAY-SANAYSAY
__________41. Ang pagsulat nito ay dapat na nasa ikalawang panauhan.
__________42. Hindi na mahalagang itala ang petsa at lugar kung saan isinagawa ang paglalakbay kung
gagamitin sa pictorial essay.
__________43. Mahalagang mailahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa pagsulat.
__________44. Hindi kailangang maging organisado, malinaw, at obhetibo sa pagsulat ng ganitong uri ng
sulatin.
__________45. Maaari ding gumamit ng mga tayutay at idyoma sa pagsulat.
__________46. Kailangang may isang pokus ang bubuoing sulatin.
__________47. Kailangang mailagay o maisama sa sanaysay na bubuoin ang lahat ng larawang kinunan sa
paglalakbay.
__________48. Sa lakbay-sanaysay, makatutulong nang malaki kung makukunan ng litrato ang lugar, tao, o
pangyayari upang maisama sa bubuoing sulatin.
__________49. Lahat ng larawan sa pictorial essay ay dapat na may kasamang mahabang caption o paliwanag.
__________50. Kailangang maisaalang-alang ang layunin o dahilan kung bakit at para saan ang gagawing
lakbay-sanaysay o pictorial essay.

III. SANAYSAY
Panuto: Basahin ang isang halimbawang talumpating isinulat ni Onofre Pagsanghan. Suriin at kilalanin
ang mga katangian ng mahusay na talumpati. (10 puntos)

Sa Kabataan
-I-
Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang nabansot. Kapag ang isang
bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit ito’y tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami
raw uri ng pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng
diwa. Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating paglaki ay kailangang paglaki at pag-
unlad ng ating buong katauhan, hindi lamang ng ating sukat at timbang. Kung ga-poste man ang ating taas at
ga-pison man ang ating bigat, ngunit kung ang pag-iisip naman nati’y ga-kulisap lamang, kay pangit na
kabansutan. Kung tumangkad man tayong tangad-kawayan, at bumilog man tayong bilog-tapayan, ngunit kung
tayo nama’y tulad ni “Bondying” ay di mapagkatiwalaan—anong laking kakulangan. Kung magkakatawan
tayong katawang “Tarzan” at mapatalas ang ating isipang sintalas ng kay rizal, ngunit kung ang ating kalooban
nama’y itim na duwende ng kasamaan—anong kapinsalaan para sa kinabukasan.

-II-
Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa
langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan. Ang panahon ng
pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot
tayong paputik. Tamang-tama ang sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang kamihasnan ay siyang
pagkakatandaan. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-aaral ngayon at sa araw ng bukas
ay bigla tayong magiging mga dalubhasang magpapaunlad sa bayan. Huwag nating akalaing makapandaraya
tayo ngayon sa ating mga pagsusulit, makakupit sa ating mga magulang, at sa mahiwagang araw ng bukas ay
makakaya nating balikatin ang mabibigat na suliranin ng ating bansa. Huwag nating akalaing makapaglulublob
tayo ngayon sa kalaswaan at kahalayan, at sa mahiwagang araw ng bukas ay bigla tayong magiging ulirang mga
magulang.
Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap,
wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis ng gawa.

51-52. Anong uri ng talumpati ang “Sa Kabataan” ayon sa layunin at ayon sa hulwaran?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
53-54. Ang mga kabataan nga lang ba ang dapat na making o magbasa ng talumpating ito? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
55-56. Ano ang pangunahing kaisipang nakuha sa talumpating ito?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
57-58. Nakapukaw ba kaagad ng iyong interes sa simula pa lamang ng talumpati?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
59-60. Taglay ba nito ang katangiang dapat taglayin ng katawan ng talumpati gaya ng kawastuhan, kalinawan,
hindi paligoy-ligoy, at iba pa? Ilahad ang iyong sagot.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Inihanda ni:
MERCY E. PANGANIBAN
Guro sa Filipino

You might also like