Q2 Summative 3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pangalan: ___________________________________________ Grade and Section:____________

Ikalawang Markahan
Filipino V- Summative Test No. 3
I. Panuto: Basahin ang tula at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Pamana”

Mula sa pagkamulat ng aking musmos na memorya

Ang lagi kong naaalala ay wika nina ama at ina
“Bigyan ng halaga ang aral sa eskwela,
Ito ang aming tanging maipapamana kung kami ay matatanda na”.

Dahil sa kanilang pagsisikap at walang sawang pagpapatnubay

Ang aking aral ay pinagbuti at nagsumikap nang walang humpay.
Edukasyon ay aking ginawang tulay
Upang aking makamit ang inaasam na tagumpay.

Sa paglipas ng panahon ay nakamtan ko na rin ang inaasam na biyaya

Ako ay napaiyak at tunay nga na nagalak.
Hawak kamay ko na ang pamana nina ama at ina
Kayamanan na sadyang tangi na kailanman ay hindi maiwawaksi.

Ngayong ako ay magulang na rin

Lagi kong ipapaalala, sa aking mga pamilya
Na ang edukasyon ay hindi lang mahalaga
Bagkus ito ay namumukod tangi na pamana.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang paksa ng tula?
________________________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga para sa mga magulang ang edukasyon bilang pamana sa mga anak?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
3. Ano ang dapat gawin upang maging matagumpay sa iyong inaasam sa buhay?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

II. Panuto: Piliin ang sagot sa loob ng kahon upang makumpleto ang panungusap. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

a. galaw d.diin

b. damdamin e. antala

______4. Ang ______________ ay nagpapakita ng tamang ekspresyon ng mukha sa pagbigkas ng

tula.
______5. Ang _____________ ay saglit na paghinto sa pagbigkas ng tula.
______6. Ang _____________ ay maaaring mataas o mahina, payapa o mahinahon ayon sa
damdaming ipinahahayag.
______7. Ang ___________ ay isang masining na anyo ng panitikan na malayang nagpapahayag ng
damdamin at mahahalagang kaisipan.
______8. Ang ___________sa pagbigkas ng tula na inilalapat sa salita ayon sa tindi ng damdaming
ipinahahayag.
______9. Ang ___________ ay paraan ng pagkilos ng bumibigkas ng tula upang maging kawili- wili
ang pagbasa.

III. Panuto: Isulat ang iyong opinyon o reaksiyon tungkol sa mga sumusunod. Huwag kalimutang gumamit ng mga
pahayag na karaniwang ginagamit sa pagbibigay ng reaksiyon o opinyon (Halimbawa: Sa aking palagay…,
Sumasang-ayon ako… at iba pa.) Ang bawat sagot ay may 2 puntos.

Halimbawang isyu: Hindi papayagang lumabas ng bahay at gumala sa mall ang mga menor de edad mula 9
pababa.
Halimbawa ng sagot: Payag ako na hindi payagang lumabas at gumala ang mga menor de edad na 9
pababa upang hindi rin sila mahawaan ng sakit na Covid 19.

10. Papanagutin ang mga magulang ng mga batang menor de edad na nagkasala sa batas. (2 puntos)
________________________________________________________________________________________

12. Lahat ay tuturukan ng bakuna sa Covid 19 mapa-bata man o matanda. (2 puntos)

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

13. Ibabalik ang face- to- face classes sa mga paaralan kahit na hindi pa lahat ng mamamayan ay nabakunahan ng
Covid vaccine. (2 puntos)
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

PERFORMANCE NO. 3
Panuto: Sumulat ng iyong opinyon tungkol sa sumusunod na katanungan:

“ May kahalagahan ba ang disiplina sa iyo bilang isang mag- aaral sa panahon na walang face-to-
face classes sa inyong paaralan?Bakit? ” (15 puntos)

______________________________________________________________________________________
RUBRIK PARA SA PAGSUSULAT NG TALATA

Kraytirya Napakahusay Mahusay Nalilinang/Nagsisimula

5 4 1-3
Nilalaman Kumpleto at komprehensibo ang Kumpleto ang nilalaman. Makabuluhan May ilang kakulangan sa nilalaman. May ilang
nilalaman. Makabuluhan ang lahat ng ang lahat ng impormasyon. walang kaugnayang impormasyon sa nabanggit.
impormasyon.
Presentasyon Malikhaing nailalahad ang nilalaman. Maayos na nailahad ang nilalaman. Hindi gaanong maayos na nailahad ang nilalaman.
Maayos ang daloy. Nauunawaan ang Nauunawaan ang nilalaman. Hindi gaanong nauunawaan ang nilalaman.
nilalaman.
Baybay ng mga salita at Malinaw, maayos at tama ang baybay ng Tama ang baybay ng mga salita, Maayos ang pagkakabaybay ng mga salita subalit
grammar, capitalization, mga salita, grammar, capitalization at grammar, capitalization at pagbabantas. may mga kamalian sa grammar at pagbabantas.
pagbabantas at gawi ng pagbabantas. Maayos ang pagkakasulat. Maayos ang pagkakasulat. Hindi maayos ang pagkakasulat.
pagkakasulat.

You might also like