Esp 5 SSLM Week 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO – BAITANG 5

Pangalan: ________________________________ Petsa: ____________________

Baitang: ________________________________ Pangkat: __________________

Markahan: IKAAPAT Linggo: IKALAWA MELC(s): Pagsasaalang-


alang sa kapakanan ng kapuwa at sa kinabibilangang pamayanan. (EsPD-IVa-d.14)
 Pamagat ng Textbook/LM na Pag-aaralan: Edukasyon sa Pagpapakatao 5 (Ugaling
Pilipino sa Makabagong Panahon)
 Kabanata: IV Pahina: 167-171 Paksa: Isinaalang-alang Ko Ang Kapuwa Ko
 Layunin:
1. Nailalarawan ang mga katangiang may pagmamalasakit sa kapuwa
2. Naipapakita ang kabutihan at pagmamahal sa kapuwa sa panahon ng suliranin sa
buhay.

Tuklas in Natin
Ang buhay ng tao ay minsan masaya o malungkot. Hindi natin tiyak ang mangyayari sa
bawat oras, araw o panahon na darating pa sa ating buhay. Minsan nakakatanggap tayo ng
mga balita na nagpapasaya ng ating kalooban, minsan naman ay nagdudulot ng labis na
lungkot at pagkabigla. Kung sa kabila ng ating kaligayahan ay mayroong isang
nagdadalamhati o nangangailangan ng tulong, ano ang ating magagawa? Alamin ang
masayang karanasan ni Ronald sa pagbahagi ng tulong sa kaniyang kapuwa sa paraang
kayang gawin ng isang batang katulad niya. Basahin ang maikling kwento tungkol sa
pagtulong sa isang kaklase.
Pagtulong sa Kapwa, Hatid ay Panibagong Pag-asa
Ako ay si Ronald, isang mag-aaral na nasa ikalimang baitang at nag-aaral sa Lungsod
ng Heneral Santos. Sa panahon ng pandemya ang mga batang tulad ko ay mahigpit na
ipinagbabawal na lumabas ng bahay kaya naman sa bahay na lamang ako nag-aaral ng aking
mga aralin. Isa sa mga pinapagawa ng aming guro ay ang pakikinig ng balita sa radyo o
panonood ng telebisyon tungkol sa mga kaganapang nangyayari sa panahon ngayon.
Nang binuksan ko ang telebisyon para manood ng balita, nagulat ako sa balitang aking
narinig ng binanggit ng news reporter ang pamilyang nasunugan ng bahay sa Barangay San
Jose. Napagtanto kong isa sa mga anak ng pamilyang nasunugan ay ang aking kaklase.
Agad kong kinausap ang aking mga magulang at tinawagan ko sa telepono ang aking guro na
si Bb.Reyes. Nagulat rin ang aking guro pagkarinig sa balita. Agad namang ipinaalam ng
aming guro sa aming punongguro at nakipag-ugnay sa barangay para makapagbigay tulong
sa pamilyang nasunugan.
Nilikom ko ang mga hindi ko na sinusuot ngunit maayos pa namang mga damit at
sapatos, ganun na rin ang mga pangunahing gamit sa pag-aaral tulad ng lapis, bolpen, papel
at notebook para naman may magagamit ang aking kaklase at ang maliliit pa niyang mga
kapatid. Sinabihan ko rin ang aking mga kaklase, kaibigan at kamag-anak sa kung anong
maaari nilang maibigay at maitulong sa pamilyang nangangailangan ng tulong sa panahon ng
sakuna.
Tunay na masaya sa pakiramdam ang makapagbigay ng tulong at kaligayahan sa iba,
sapagkat ito ay magbibigay ng panibagong pag-asa para sila ay lumaban sa buhay.
Napatunayan ko sa aking sarili na kahit ako’y bata pa ay kaya kong makapagbigay malasakit
sa ibang tao sa simpleng paraan na alam ko.
S ub u k in Natin

Gawain 1: Matuto Sa Iba!


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong mula sa kuwentong iyong binasa.
Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.
1. Anong balita sa telebisyon ang napanood ni Ronald na nagpagulat sa kanya?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Anong ginawa ni Ronald pagkarinig sa balita?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, tama lang ba ang ginawang pagtulong niya sa kanyang kaklase?
Ipaliwanag ang sagot.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Naranasan mo na rin bang tumulong sa iba? Ano ang iyong pakiramdam?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
5. Sa paanong paraan mo maipakikita ang pagtulong sa kapuwa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

I sagawa Natin

Gawain 2: Gawin Ang Tama!


Panuto: Basahin ang mga nakatalang katangian sa unang hanay. Lagyan ng hugis puso ( )
ang kabilang hanay kung ginagawa mo at ekis (X) naman kung hindi.
Ako Hindi
Mga Katangian
ito Ako Ito
1. Tumutulong sa mga gawaing-bahay upang makagaan sa mga
gawain ng magulang.
2. Pinagsasabihan ka ng iyong kapatid kapag nagkakamali ngunit
hindi ka sumusunod.
3. Pagtitipid at pag-iipon ng pera sa alkansya para may dudukutin
sa panahong kailangan at makatulong sa gastusin.
4. Pagbibigay ng mga damit na pinaglumaan ngunit maayos pang
suotin.
5. Iniingatan ang mga gamit sa paaralan at sa bahay para hindi
palaging nagpapabili sa magulang.

I lapat Natin
Gawain 3: Pagmamalasakit sa Kapuwa
Panuto: Tingnan ang mga larawan. Ilarawan kung paano nagpapakita ng pagmamalasakit o
pagtulong sa iba. Sumulat ng dalawa o tatlong pangungusap sa nakalaang patlang. Gawing
gabay ang rubrik na nasa kasunod na pahina.

1.

_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________

2.
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________

Rubrik

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang (3 Nagsisimula


(5 puntos) (4 puntos) puntos) (2 puntos)
Pag-unawa Napakahusay Maayos/mabuti Matatanggap Kailangang
sa tinatalakay ng ang ang isaayos
na paksa at pagpapaliwan pagpapaliwanag pagpapaliwanag (malaki ang
kalidad ng ag (buo, (katamtamang (may kaunting kakulangan,
paglalahad. maliwanag). pagpapaliwanag) kamalian sa nagpapakita
pagpapaliwanag) ng kaunting
kaalaman)

Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 5, Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon 2016

SSLM Development Team

Writer: Lernie Jane A. Malazo Evaluator:


Mary Jane M. Asturias Illustrator:
Creative Arts Designer: Reggie D. Galindez
Education Program Supervisor: Luzviminda R. Loreno
Education Program Supervisor – Learning Resources: Sally A. Palomo
Curriculum Implementation Division Chief: Juliet F. Lastimosa Asst. Schools
Division Superintendent: Carlos G. Susarno, Ph. D.
Schools Division Superintendent: Romelito G. Flores, CESO V

You might also like