First Quarter Exam-Grade 8 (2021-2022)
First Quarter Exam-Grade 8 (2021-2022)
First Quarter Exam-Grade 8 (2021-2022)
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod napahayag/tanong. Matalinong sagutin ang
bawat aytem at isulat sa sagutang papel.
A.Ibigay ang kasalungat ng mga salitang may diin sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang. (Isang puntos bawat aytem)
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap o tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. (Isang puntos bawat aytem)
___6. Pinagbawalan ni Haring Madali ang kanyang nasasakupan na makipag-usap kay Prinsipe Bantugan dahil
sa sobrang inggit. Si Haring Madali ay…
a. Desperado na sa kanyang buhay dahil walang nagkakagustong dalaga sa kanya sa kanilang kaharian.
b. Matinding magparusa at magalit bilang hari at hindi nakaligtas dito si Prinsipe Bantugan.
c. Nakagawa ng mali at makasariling desisyon bunga ng kanyang pagkainggit.
___7. Dahil sa utos ni Haring Madali ay lumayo si Prinsipe Bantugan sa kaharian ng Bumbaran. Si Bantugan
ay…
a. Takot sa Hari kaya’t di na niya ito kinausap dahil baka patawan pa siya ng panibagong parusa.
b. Tunay na gumagalang sa Hari kaya’t pinili na lamang niyang tumahimik at lumayo sa kabila ng
kalungkutang nadarama.
c. Walang kapangyarihan sa kanyang kaharian sa kabila ng kanyang pagiging prinsipe.
___8. Nagulumihanan si Prinsesa Datimbang at ang kapatid niyang hari kaya’t nakipagpulong sila sa konseho.
Si Prinsesa Datimbang ay…
a. Malilituhin kaya’t nahihirapang magdesisyon sa kanyang sarili.
b. Maingat sa kanyang pagdedesisyon kaya’t sumasangguni muna siya sa mga kinauukulan.
c. Hindi maaaring makapagdesisyon sa kanyang sarili lamang dahil nasa ilalim siya ng kapangyarihan ng
konseho.
___9. Nang malamang patay na si Prinsipe Bantugan ay lumipad sa langit si Haring Madali upang bawiin ang
kaluluwa nito. Si Haring Madali ay…
a. Nagsisisi at napatunayan niyang mahal pa rin niya ang kanyang kapatid, kaya’t agad niyang ibinalik ang
buhay nito.
b. Nakonsensya ng kanyang budhi kaya’t mabilis na bumawi sa kanyang nagawang pagkakamali.
c. Natakot lamang siyang mawala si Bantugan nang tuluyan dahil mawawalan na siya ng kakampi.
___10. Nang mabalitaan ni Miskoyaw, dating kaaway ni haring Madali na namatay na si bantugan ay dagli
siyang nagpadala ng mga kawal upang salakayin ang bumbaran. Si haring Miskoyaw ay…
a. Mapagpatawad sa kanyang mga kaaway
b. Mapagsamantala sa kahinaan ng kapwa.
c. Matalino at mahinahong hari.
___11.Ito ay nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga
ninunong naglalayong mangaral at umakay sa mga kabataan sa pagkakaroon ng kabutihang-asal.
a. Salawikain b.sawikain c.kasabihan
___12.Ito ay nagtataglay ng talinhaga sapagkat ito ay may nakatagong kahulugan.
a. Salawikain b.sawikain c.kasabihan
C.Ibigay ang kahulugan ng matalinghagang pahayag na nasalungguhitan sa pangungusap. Piliin ang
iyong sagot mula sa mga pahayag na nakatala sa kahon. Titik lamang ang isulat sa patlang bago ang
bilang.(Isang punto bawat aytem)
a.dahil sa magandang pangyayari
b.di masusukat na lakas
c.mabuting kalooban o maayos na pagkatao
d.nagkaisang magdesisyong gawin ang isang bagay
e.nagpasyang magtanan o tumakas
f.nakaramdam ng matinding pagkapahiya
___13. Umalis ang binatang ang mukha ay nasa talampakan dahil sa masasakit na salitang kanyang natanggap
mula sa datu.
___14. Dulot ng di-matingkalang kapangyarihan ng pag-ibig, ang dalaga ay buong tapang na binagtas ang
kaparangan para hanapin ang kasintahan.
___15. Sa kabutihang-palad ay nailigtas ng binata ang kasintahan sa tiyak na kapahamakan.
___16. Sa kabila ng abang kalagayan sa buhay ng binata ay labis pa rin siyang minahal ng dalaga dahil sa
pagkakaroon niya ng banal na kaluluwa.
___17. Binuo ng magkasintahan ang kanilang sarili na sila ay hindi pabibihag nang buhay sa mga taong nais
humabol sa kanila.
D. Pagsusunod-sunod Suriin ang sumusunod na mga pahayag sa kuwento. Pagsunod-sunurin ang mga
pahayag sa pamamagitan ng pagsulat ng titik A hanggang H sa kahon.
___18. Nagliwaliw sa kaparangan si Mutya Marin sa pagbabakasakaling matagpuan ang minamahal na binata.
___19. Ikinulong ni Datu Batumbakal si Mutya Marin sa itaas ng tore upang hindi ito magkaroon ng
pagkakataong makipagkita sa binata.
___20. Pinagbawalan ni Datu Batumbakal si Garduque na makipagkita sa kanyang anak.
___21. Nagtungo si Garduque sa halamanan ngunit hindi niya nasumpungan dito ang dalaga.
___22. Maraming binata mula sa karatig lugar ang humanga sa ganda at husay ni Mutya Marin.
___23. Lumitaw ang isang isla sa gitna ng karagatan at pinangalanan nila itong Marinduque na hinango sa
pangalan nina Marin at Garduque.
___24. Nagkasundo ang magkasintahang magpatihulog sa karagatan sa halip na mahuli sila nang buhay ng mga
humahabol sa kanila.
___25. Nagtanan ang magkasintahan sakay ng Bangka at naglayag sa karagatan.
E.Salungguhitan ang ginamit na pang-abay sa pangungusap at isulat sa patlang bago ang bilang kung ito
ay ingklitik, panggaano, pamaraan, panlunan o pamanahon.
_______________26. Simulan mo ngayon ang pagbabasa ng alamat.
_______________27. Buong puso mong isabuhay ang mga natutuhan mong aral sa mga alamat.
_______________28. Sa bahay man o sa paaralan makapagbabasa ka ng ganitong mga akda.
_______________29. Masayang magbasa ng mga alamat.
_______________30. Siyamnapung porsiyentong nagbago ang aking pananaw sa buhay dahil sa pagbabasa ko
niyan.
F.Salungguhitan ang mga hudyat ng sanhi at bunga na ginamit sa pangungusap. Pagkatapos ay bilugan
ang sanhi at ikahon ang bunga. (2 puntos bawat aytem)
31. Hindi bumili ng Coco Jam ang mama ni Chad kaya umiyak ito nang husto.
32. Naligo sa ulan si Sheena at Rex, tuloy kapwa sila nagkasakit.
33. Lumaking bastos ang anak ni Aling Martha palibhasa binibigay lahat ng gusto noong ito’y bata pa.
34. Nahulog ang mga aklat na dala ni Bb. Rosario dahil nabunggo siya ni G. Quijano.
35. Nang dahil sa Diyos, nabago at umayos ang buhay ko.
G. Sanaysay: (40 puntos)
Panuto: Basahin at unawain ang tanong bago ito sagutin at ipaliwanag. Isulat ang iyong sagot sa
espasyong nakalaan sa ibaba. (20puntos sa bawat tanong)
1. Bakit kailangang pag-aralan at pahalagahan ng mga kabataan ang mga karunungang bayan tulad ng
salawikain,sawikain o kawikaan at kasabihan bilang akdang pampanitikan sa kasalukuyang panahon?
2. Paano makatutulong ang mga karunungang-bayan sa buhay lalo na sa mga kabataan?