Filipino 9 Q3 Aralin1
Filipino 9 Q3 Aralin1
Filipino 9 Q3 Aralin1
Kayarian ng Salita
Pangalan: _______________________________________________________
Baitang at Seksiyon: ______________________________________
PAGTUKLAS
ARALIN 1-Q3: Ang Parabula ng Alibughang Anak
Kayarian ng Salita
PAGLINANG
Gawain 2: TALASALITAAN
Kilalanin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit mula sa iba pang mga salita sa loob
ng pangungusap. Bilugan ang salitang ito.
1. Sa kanilang tahanan ay labis pa ang mga pagkaing inilaan para sa mga katulong sa sobrang
dami ay hindi na nila ito maubos.
2. Nilustay niya sa mga walang kabuluhang bagay ang kayamanang kahit kailan ay hindi
winaldas ng kanyang ama.
3. Lubhang nahabag ang ama nang makita ang anak, naawa siya sa kalagayan ng kanyang
pinakamamahal na anak.
4. Natanaw ng ama ang papalapit na anak, siya ay napabalikwas nang masilayan ito.
5. Nalaman ng ama na ang kanyang anak ay nagdalita matapos maubos ang kanyang pera kaya’t
sadyang naghirap siya.
BASAHIN NATIN!
ARALIN 1-Q3: Ang Parabula ng Alibughang Anak
Kayarian ng Salita
May isang mayamang ama na may dalawang anak na kapwa lalaki. Hiniling ng bunsong anak na
ang manang kanya sa kayamanan ng kanyang ama ay ibigay na sa kanya. Nang makuha na ng bunso ang
kanyang mana ay ipinagbili niya agad ito makalipas lamang ang ilang araw. Matapos ito ay umalis siya
at nagtungo sa malayong bayan. Dito niya walang habas na nilustay ang kabuhayang ipinagkaloob ng
ama.
Hindi nagtagal, naubos na lahat ang kanyang salapi. Nang dumating ang taggutom sa bansang
iyon ay isa na siyang pulubi. Namasukan siya bilang tagapag-alaga ng mga baboy. Dahil sa gutom, nais
na niyang kainin pati pagkain ng mga baboy na alaga niya. Ngunit maging ito ay ipinagkakait din sa
kanya ng kanyang amo.
Sa ganitong kalagayan, naisip niya ang kanyang ama. Ang mga manggagawa nito ay kumakain
nang maayos habang heto siya na nagugutom at walang makain. Agad siyang nagpasyang bumalik sa
dating tahanan.
Gayon na lamang ang galak ng kanyang ama. Sinalubong nito ng yakap at halik ang nagbalik na
anak. "Ama, nagkasala ako sa Diyos at sa iyo. Hindi na ako karapat-dapat na maging anak mo. Ituring
mo na lang akong isa sa iyong mga alila," sabi ng anak sa ama.
Ngunit inutusan ng ama ang mga alila na linisan at bigyan ang anak ng pinakamagarang
kasuotan. Ipinasuot din niya rito ang isang mamahaling singsing, at binigyan ng sapatos para sa kanyang
mga paa. Ipinagpatay din siya ng isang matabang baka at sa ngalan niya ay nagkaroon ng isang
pagdiriwang.
"Ang anak ko ay nawala at ngayon ay nagbalik. Ipagdiriwang natin ang kanyang pagbabalik,"
ang sabi ng nagagalak na ama.
Namangha ang nakatatandang kapatid nang dumating siya sa kanilang tahanan. Itinanong niya sa
isang katulong kung ano ang sanhi ng pagdiriwang. Nang malaman niya ang sanhi ng kasayahan ay
gayon na lamang ang kanyang galit kaya't di napigilan ang kanyang sarili at sinumbatan ang ama.
"Akong masunurin ninyong anak na buong katapatang naglilingkod sa inyo ay hindi ninyo
naipagpatay kahit isang guya man lamang. Ngayong dumating ang alibugha ninyong anak na lumustay
ng inyong kayamanan ay gugugol kayo nang malaki at magdiriwang!"
Sumagot nang marahan ang ama, "Anak ko, ikaw ay lagi kong kapiling. Ang lahat ng akin ay
iyo. Tayo'y nagsasaya ngayon sapagkat ang kapatid mong namatay ay muling nabuhay. Siya ay nawala
at muli nating nakita."
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Paano nilustay ng bunsong anak ang nakuha niyang mana?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Ano ang ibinunga ng kanyang pag-iwan sa magulang? May kilala ka bang anak na ganito ang
kinahinatnan ng buhay dahil sa pagiging alibugha?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
6. Makatarungan ba ang ginawa ng amang pagtanggap sa kanyang anak na muling nagbalik?
Kung ikaw ang nasa katayuan ng ama, ganoon din kaya ang iyong gagawin?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
7. Masisisi mo ba ang anak na panganay na maghinanakit sa kanyang ama? Kung ikaw ang nasa
kanyang kalagayan, ganoon din kaya ang iyong gagawin? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Ang mga sumusunod na pangyayaring naganap sa parabulang binasa ay maaaring maganap rin
sa kasalukuyan at sa tunay na buhay. Sumulat ng naiisip mong kaparehong pangyayaring naganap o
nagaganap sa kasalukuyan kaugnay ng bawat sitwasyon. Maaaring ito ay personal mong nasaksihan o
isang pangyayaring iyong nabalitaan, nabasa o napanood.
2. Dahil sa paghihirap, nagsisi ang anak sa kanyang ginawa at naalala ang magulang.
Kaparehong Pangyayari: ______________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
3. Bumalik ang anak at humingi ng tawad sa magulang. Pinatawad ang anak at pinatuloy muli sa
kanyang tahanan.
Kaparehong Pangyayari: ______________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
ALAMIN
NATIN!
SALAYSAY
ARALIN 1-Q3: Ang Parabula ng Alibughang Anak
Kayarian ng Salita
Sa pagbasa ng salaysay ay maaari mong masalamin ang kultura ng bansang pinamulan ng akda.
Kagaya na lamang ng bansang Israel kung saan nagmula ang Banal sa Kasulatan.
PAGPAPALALIM
1) Payak – binubuo ng salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit, at walang katambal na
ibang salita.
Halimbawa: Anim, dilim, presyo, langis, tubig
2) Maylapi – binunuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi. May limang paraan ng paglalapi ng
salita:
3) Inuulit – ang kabuuan o isa higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit.
c. Magkahalong ganap at parsiyal – buong salita at isang bahagi ng pantig ang inuulit.
Halimbawa: iilan-ilan, tutulog-tulog
4) Tambalan – binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isa lamang salita.
May dalawang uri ng Pagtatambal:
b. Tambalang Ganap – nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa sa kahulugang iba kysa sa
kahulugan ng dalawang salitang pinagsama
Halimbawa: Hampaslupa, kapitbahay, bahaghari
Tignan ang salita sa bawat bilang. Isulat ito ayon sa hinihinging iba’t ibang kayarin ng salita.
Gawing basehan ang naibigay na halimbawa sa ibaba.
ARALIN 1-Q3: Ang Parabula ng Alibughang Anak
Kayarian ng Salita
Halimbawa:
PAGLILIPAT
Gawain 7: WRITERISTIC!
Ngayon alam mo na ang tungkol sa parabula at kung ano ang layunin nito para sa mga
mambabasa ay gagawa ka ng sarili mong parabula. Isipin mong ikaw ay isang manunulat. Gagawa
ka ng parabula para sa mga mag-aaral sa ikasiyam na baitang. Ang parabulang iyong isusulat ay
tungkol sa mga karaniwang pangyayari na kahawig din ng nabasang akda. Gagamitan mo ito ng
mga salitng may iba’t ibang kayarian. Siguraduhing nagtataglay ito ng mabuting aral na kapaki-
pakinabang para sa mga kabataan. Bumuo ka ng sarili mong pamagat para rito.
Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba.
Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang unang aralin. Nawa’y isapuso, isaisip at isagawa
mo ang mga aral na natutuhan mo sa unang aralin.