Dalumat Yunit 2 - 2021-2022
Dalumat Yunit 2 - 2021-2022
Dalumat Yunit 2 - 2021-2022
DALUMAT SA FILIPINO
6. Makabuo ng isang sanaysay hinggil sa isang mungkahing rebisyon o ekspansyon ng isang umiiral na konsepto o
teorya, o kaya’y isang mungkahing bagong konsepto o teorya na akma sa mga realidad ng lipunang Pilipino.
II. Introduksyon
Pagganyak:
Subuking bigyan ng kahulugan ang mga sumusunod na wiakng di-Tagalog. Ang mga salitang ito’y
patunay na ang pagpapayaman sa wikang pambansa ay nakasalalay rin sa paggamit ng mga salita mula
sa iba’t ibang wika ng Pilipinas.
1. Hayahay: __________________________________________________________
2. Pangga: ___________________________________________________________
3. Gahum: ___________________________________________________________
4. Pag-uswag: ________________________________________________________
5. Dulganay: _________________________________________________________
6. Bana: ____________________________________________________________
III. Mga Aralin
➢ Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino (2015) ang “Proyektong Ambagan ay proyekto ng FIT na
ginaganap tuwing kada dalawang taon” bilang pagkilala at pagpapatupad sahangarin ng
ispesipikong probisyong pangwika ng Konstitusyong 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 na
nagbibigay-diin sa papel ng mga wika sa Pilipinas sa pag-unlad ng wikang pambansa: “ Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin
pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.” sa ganitong diwa, ayon sa KWF,
ang Amabagan ay proyekto ng “paghalaw mula sa kaban ng bokabularyo ng iba’t ibang wika sa
Filipinas upang ilahok sa kurpos ng wikang pambansa.” ang Ambagan ay pagpapalawak ng mga
nauna nang pagsisikap na lubusin ang pagkalap ng mga salitang di-Tagalog para maging bahagi ng
wikang Filipino.
➢ iba’t ibang wikang katutubo ng Pilipinas gaya ng “gahum” (hegemony) “bana” (husband), “abyan”
(close friend), ‘adi” (male friend) “faga” (small fragments from a meteor that fell to the earth from
outer space), “himuga” (heinous crime), “dan-aw” (small lake), “dag-om” (rain cloud), “xapo” (green
chili) at marami pang iba.
➢ “Ang Bug-at kang lamigas kag Bugas” ni Dr. Genevieve Asenjo ay nag ambag ng 12 salitang karay -a:
⚫ Baliskad- pangalawang pag-araro para mapino ang nagungkag na tigang na lupa. Dito sinusuyod ngb
tao at kalabaw at araro ang mga ligaw na damo. Dito nagkalukso-lukso, nagkakabaliktad-liktad ang
lupa at laman nito: nadudurog hanggang sa lumitaw ang pino at kinis na bahagi at nayo.
⚫ Binati- ito ay palayan na naararo na at napatubigan; handa na para taniman ng palay. Dito, ang
palay na tinutukoy ay iyong btumutubo na-panggas-at nagabot na o nabunot at ngayon, itatanim na
uli, sa binating ito.
⚫ Binangto- sinanga na mais. Maaaring may mantika at asin, maaring wala. Low-class 0 home made na
popcorn. Imahen ng gutom at kahirapan.
⚫ Hamod- lupa na mabato, kung tawagin ay dalipe. Lupang bindi masustansya, hindi mainam
pagtaniman.
⚫ Hanalon- napakaitim na lupa. Masustansya kayat mainam pagtaniman.
⚫ Inupong- bugkos ng mga naani; komunidad ng mga naaning palay, partikular sa kontekstong ito.
⚫ Limbuk- bigas na sinangag mula sa bagong ani na palay. Tradisyon ang paglilimbuk, kapag bagong
ani, tanda ng pasasalamat.
⚫ Linas- proseso ng pag-alis, paghihiwalayng lamigassa uhay nito sa pamamagitan ng pagkiskis dito ng
mga paa. Sayaw ng mga paa sa palay upang magkahiwa-hiwalay ang mga butil nito.
⚫ Panudlak- ritwal bago ang pagbubungkal ng lupa at pagtatanim.
Halimbawa 1. bago magtanim, maghanap ng kahoy na may tatlong sanga. Sabitan ito ng tatlong botelya
at ibaon sa unang idas o hanay ng nabungkal na lupa.
Halimbawa 2. ibalot sa itim na tela ang nabungi na ngipin ng kalabaw (na madalang mangyari, at kung
gayon, swerte ka). ilagay ito sa tabig (lalagyan ng palay na gawa sa kawayan) na may lamang binhi at
itago sa labas ng bahay, halimbawa sa kamalig.
Halimbawa 3. Sa pagsisimula ng pagtatanim, humarap sa Silangan.
Halimbawa 4. Kung may puno malapit sa bahay, halimbawa, kawayan, magwalis sa hapon bago ang
pagtatanim.sakaling marami ang nalagas na dahon kinaumagahan, at kailangan uling magwalis, senyales
ito na huwag ipagpatuloy ang pagtatanim sa araw na iyon.
Halimbawa 5. maghanda ng isang pumpon ng bignay at isang puno ng tanglad. Isama rito ang suklay at
krusna nabalot sa itim na tela at isabit sa tagakan (isang uri ng imbakan gawa sa kawayan) habang
nagsasabog o nagtatanim.
Halimbawa 6. Sa pag-aani, maglagay sa tagakan ng konting ani at ilagay ito malapit sa krus at huwag na
huwag mong kunin hanggat hindi pa tapos ang pag-aani.
Halimbawa 7. Sa pagsubay ng palay, (sako ng aning palay), itumpok bago linasin. Bago sumukob,
itumpok ang lahat ng palay, maglagay ng krus at itak sa magkabilang dulo ng amakan (gawa sa kawayan
kung saan binibilad ang bagong ani na palay), at lumuhod sa pagsukob ng palay at dahan-dahan itong
gawin.
Para kay Asenjo, hindi lamang pagpapalutang ng kultura ng mga pamayanan ang ambag ng mga salita
mula sa iba pang wika ng Pilipinas. Itinala nya ang mga praktikal na dahilan ng pagtala ng mga terminong
ito:
1. Nariyan pa bilang mga buhay na salita, gawain, paniniwala na ginagamit ng iilan na lamang, at yaon na
lamang mga matatanda.
2. Malapit ang pagkakatulad ng mga salitang ipinakilala, kung hindi man talagang katumbas ng mismo
ring mga salita sa Hiligaynon at Cebuano.
3. Mapapayaman nito ang kasalukuyang kahulugan saTagalog
4. Madagdagan ang mga salitang pang-agrikultura sa diksyunaryo at mabalik tayo, hindi sa romantisismo
tungkol sa lupa at pagsasaka na kung susuyurin ang kasaysayan, pinamumugaran ng naratibo ng
pang-aagaw at pang-aalipin kundi sa realidad na nananatiling agrikultural ang malaking bahagi ng bansa,
kahit pa nagsusulputan ang mga mall at housing subdivision sa mga syudad sa labas ng Maynila.
Kaalinsabay nito, ang pagpapaigting ng bkamalayan, at kung maaari pakikilahok sa mga isyu at kilos
tungo sa pagkakaroon ng sariling lupa ng mga magsasaka, pagdagdag ng pondo sa agrikultura at tamang
paggamit nito, pagpigil sa talamak na konversyon ngmga lupang sakahan para maging golf course at
distrito ng negosyo, at sa marami pang komersyalisasyon na lao lamang nagpapahirap sa atin, dahil wala
na tayong kontrol sa ating mga produkto.
➢ Sa pangkalahatan, ang papel ni Asenjo ay nagpapakita ng interdisiplinaring dulog sa paggamit ng
wikang Filipino sapagkat binaybay niya ang mga usaping lingguwistiko, ekonomiko, at kultural sa
pamamagitan ng paggamit ng mga terminong Kinaray-a sa agrikultural bilang lunsaran. Isa itong
modelong halimbawa ng pagdadalumat gamit ang mga salityang mula sa iba pang wika ng Pilipinas.
➢ Si Prop. John Iremil Teodoro ng Departamento ng Literatura sa De la Salle University-Manila ay
nagbigay ng dalawang konsepto mula sa Kinaray-a at Hiligaynon sa papel na “Bag-ong Yanggaw: Ang
Filipinong may Timplang Bisaya sa Kamay ng makatang Tagalog na si Rebecca T. Anonuevo.” Aniya,
ang “yanggaw ay paraan ng mg aswang na hawaan ang isang tao ng pagiging aswang nila.
Kadalasan ay sa pamamagitan ng laway. Halimbawa iinom ka ng tubig na nilawayan ng isang
aswang. Sa diksyonaryo ni John Kaufmann, ang yanggaw “attraction, inclination, propensity; to
attract, habituate, cause a liking for, make partial to, make (grow) fond of”. kapansin-pansin na
wala ang kontesktong aswang sa pagpapakahulugan ni Kaufmann. Isa kasi siyang pari ng mga
misyonerong Mill Hill at ang diksyonaryo niyang Visayan-English Dictionary na anlathala noong 1934
ay dinisenyo para sa mga tulad niya sa Panay na kailangang matuto ng Hiligaynon at Kinaray-a.
➢ Ang dengan naman ay isang kakaibang konseptong Panay na literal na kahulugan ay “kasabay”. Ito
parang “kaluluwang kakambal” ng bawat tao. Kasa-kasama mo ang iyong dengan saan ka man
pumunta. Ang dengan ay para ring aura na kung mahina ay magkakasakit ka. Kapag malakas naman
ang iyong dengan, hindi ka matatalo, hindi ka tatablan ng kulam o hiwit o barang, at hindi ka rin
masasaktan ng mga nilalang na di nakikita at ng mga aswang”.
➢ Si Roberto Anonuevo (2009), isang mananaliksik at dating direktor ng ng KWF, sa kanyang pagsusuri
sa varayti ng Tagalog sa Binangonan, Rizal, kanyang binanggit:
⚫ Ang mga mangingisda ay gumagamit ng baklad (uri ng pitak-pitak na kulungan ng mga isda na
nababakuran ng lambat), panti (uri ng lambat na ginagamit na pangaladkad sa ilalim ng tubigan at
panghuhuli ng ayungin at tilapya), bubo (buho o anumang pahabang sisidlang pinapainan ng darak o
sapal ng niyog na pambitag ng hipon), pangahig (pang+kahig) o galadgad (lambat na may pabigat at
ikinakahig wari sa ilalim ng tubig sa tulong ng mga bangka para hulihin ang mga biya, suso, at
katulad), sakag (uri ng bitag na panghuli ng hipon), kitang (uri ng pangingisdang ginagamitan ng
serye ng mga tansi at bawat linya ng tansing tinatawag na leting ay may pain ang kawil), paluway
(uri ng lambat na panghuli ng dalag o biya), pukot (uri ng malaking lambat na inihagis sa laot) at dala
(pabilog na lambat na may pabigat ang mga gilid at ginagamit na panghul ng dalag o kanduli)
Mga terminong itinala ni Anonuevo (2009) “habang nakikipaghuntahan sa ilang matatandang taga-
BInangonan, at hindi matatagpuan sa mga opisyal na diksyonaryo o tesawro sa kasalukuyan”.
Hinggil sa Pagkain
⚫ Alibutdan- hilaw na sinaing, o kulang sa tubig na sinaing. Sa ilonggo tinatawag itong lagdos. 2: sa
patalinghagang paraan, hindi pa ganap ang pagkakasanay sa talento, kumbaga sa tao, halimbawa,
“Alibutdan pa ang anak mo para sumali sa boksing.”
⚫ Balinggiyot- taguri sa tao, hayop, ibon, isda o anumang bagay na napakaliit, halimbawa. “ Aba’y
balinggiyot naman itong nakuha mong isda!” Sa Bisaya Romblon, maitutumbas ito sa salitang isot na
panuring sa anumang maliit o kaunti.
⚫ Gango- hipong ibinilad sa araw para patuyuin: HIBI. Kung paniniwalaan ang lahok sa
disyonaryo-tesawro ni Jose Villa Panganiban, ang “hibi” ay hango umano sa wikang Tsino. Kung
gayon nga, maimumungkahing gawing pangunahing lahok ang “gango” at gamiting singkahulugan na
lamang ng “hibi”.
⚫ Mambabakaw- mangunguha o manghihingi ng isda o anumang bagay doon sa palengke o baybayin,
halimbawa, “Mambabakaw muna ako sa palengke ng ating pulutan, hane?”2: mangungupit ng isda
o anumang paninda o bagay sa palengke o tindahan.
Hinggil sa Tao
⚫ Barangkong- taguri sa binti na malaki ang masel na parang atleta, at ikinakabit sa tao na mahusay
umakyat ng bundok.
⚫ Gurarap- paniniwalang dinadalaw ng kaluluwa o multo ang isang tao guni-guni hinggil sa isang bagay
na animoy namamalikmata ang tumitingin.
⚫ Halugaygay- uri ng larong pambata na pinahuhulaan kung sino sa mg abatang nakahanay at pawang
nakatikom ang mga palad ang nagtatago ng buto ng kanduli habang nag-aawitan ang magkakalaro;
awit pambata na isinasaliw sa naturang laro.
⚫ Tulatod- sa Binangonan, tumutukoy sa pinakabao ng tuhod: kneecap: sa diksyonaryo- tesawro ni
Jose Villa Panganiban, tumutukoy sa kukote… sa pinakadulong bahagi ng gulugod na malapit sa
puwitan. Katunog ng tulatod ang pilantod, na tumutukoy naman sa paika-ikang paglakad sanhi ng
pagkapilay o pinsalasa tuhod, binti o paa.
Hinggil sa Hanapbuhay
⚫ Bangkis- paraan ng pagtali na paagapay sa dalawang pinagdurugtong na kahoy o kawayan, gaya sa
katig ng bangka--pdw Bangkisan, Bangkisin, Ibangkis, Magbangkis, Nagbangkis, Pabangkisan.
⚫ Baoy- bawiin ang isang bagay na ibinigay sa ibang tao: sa sugal, bawiin o kunin sa kalaban ang
pustang salaping natalo- Bumaoy, Bumabaoy, Magbaoy. Halimbawa; Bumabaoy na naman si Pedro
sa kalaban dahil wala nang pera!” halos katunog nito ang maoy sa Bisaya Romblon, na tumutukoy sa
“pagwawala o pagkawala ng bait tuwing nalalango sa alak o droga.”
⚫ Garautan- bagahe; abasto: kargamento o anumang nakatali o nakakahong dala-dalahan ng byahero
o manlalakbay: mga bagay na dala, bitbit o sunong, pasan o karga ng tao na magbibiyahe.
⚫ Tagapo- 1: sa Isla Talim, pook na inaahunan ng tao, at tagaan ng kawayan. 2: pook na pinagkukunan
ng kawayan o buho.
Ilang mg aSusing Salita at Iba pa
⚫ Bukod sa Ambagan ng FIT, umiiral din ang proyektong “ Mga Susing salita” ng Sentro ng Wikang
Filipino ng UP-Diliman (UP-SWF). Ayon sa website ng UP-SWF, ito “…ang unang pambansang
palihan sa wika na nakatuon sa pagbuo ng kaalaman gamit ang mga konseptong nakapaloob sa
isang susing salita na hango sa anumang wika sa Pilipinas. Pangunahing layunin ng palihan na
paunlarin ang inisyal na mga ideyang nakapaloob sa piniling salita at alamin ang potensyal na
ambag nito sa larangan ng pag-aaral at pananaliksik tungo sa produksyon ng kaalaman.” Idinagdag
pa sa nasabing artikulo na “ inaasahang maging lunsaran din ng nabuong kaalaman na hango sa
napiling susing salita sa artikulasyon ng mga pambansa at akademikong usapin tulad panunuring
pampanitikan, identidad, migrasyon, modernismo, urbanisasyon, pagpaplanong komunidad, wika at
kultura, agham panlipunan, araling midya at kulturang popular, agham at teknolohiya at iba pang
mga paksa, at tema na umuusbong sa iba’t ibang larangan.”