Filipino 4 Q2 W7 GLAK

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

4

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Paggamit sa Iba’t ibang Uri
ng Panghalip
Ikalawang Markahan – Ikapitong Linggo

1|Pahina
FILIPINO – Ikaapat na Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Paggamit sa Iba’t ibang Uri ng Panghalip
Ikalawang Markahan – Ikapitong Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasayanang Pampagkatuto

Manunulat: Rico Farinas


Editor: Mary Anne C. Angeles
Tagasuri: Jhoana Esposo
Tagaguhit at Taga-anyo: Larjay H. Deliguin
Tagalapat: Janmar A. Molina at Albin Lee A. Arabe
Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle A. Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pangsangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: [email protected]
Website: www.depedzambales.ph
Paggamit sa Iba’t ibang Uri
ng Panghalip

Panimula

Isang malugod na pagbati sa iyo! Handa ka na ba para sa


ating bagong aralin?
Ang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang
Pampagkatuto ay inihanda upang higit mong maunawaan ang
aralin sa linggong ito.
Ang mga kasanayan at nilalaman ng modyul na ito ay
maingat na isinaayos at iniangkop sa iyong pangangailangan. Sa
araling ito matututunan mo ang mga iba’t ibang uri ng panghalip
na siyang makakatulong sa iyo upang makabuo ng isang talata
tungkol sa iyong sariling karanasan.

Kasanayang Pampagkatuto

Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (pamatlig)-


patulad, pahimaton, paukol-paari, panlunan, paturol sa usapan
at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan. (F4WG-If-j-3)

1|Pahina
Mga Layunin
Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang
Pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. nakikilala ang mga iba’t ibang uri ng panghalip sa bawat
pangungusap;
2. natutukoy ang gamit ng bawat uri ng panghalip sa
pangungusap; at
3. nakagagamit ng wastong panghalip sa makabuluhang talata
tungkol sa sariling karanasan.

Balik Aral
Paggawa ng Bakya

Kumuha ng mga kahoy na


maaaring gamitin sa bakya. Lilukin ayon
sa kurba nito. Ibilad sa araw. Kumuha ng
tela na gagamiting pandahon. Kunin ang
nililok na kahoy at ipako sa magkabilang
gilid ang dahon.

Panuto: Ayusin ang mga pangungusap ayon sa wastong


pagkakasunod-sunod. Isulat ang 1-5 sa patlang. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.
_______ Ipako ang dahon sa magkabilang gilid ng kahoy.
_______ Kumuha ng tela na gagamiting pandahon.
_______ Kumuha ng kahoy na maaaring gamitin sa bakya.
_______ Lilukin ayon sa kurba nito.
_______ Ibilad sa araw.

2|Pahina
Pagtalakay sa Paksa

Paalala: Sa pagbabasa ng dayalogo, humingi ng gabay sa


iyong magulang, gayundin sa pagsagot sa mga gawain.

Makinig sa Payo
ni Rico Farinas, Hanjin Integrated School

Goryo: Ayoko nang mag-


aral Berto! para ano
pa ang aking
pagsisikap, sagana
naman ako sa lahat
ng bagay.
Berto: Mga bata pa tayo
Goryo, mag-aral
muna upang
pangarap natin ay
makamit.
Goryo: Pero hindi sapat na
mawalan sila ng
oras sa kanilang anak.
Berto: Pero… hindi iyan ang solusyon sa iyong problema.
Ibig lamang nilang mabigyan ka na masaganang
buhay. Ako ang nalulungkot para sa iyo Goryo. Hindi
ka dapat huminto sa pag-aaral para lamang
mapansin ka ng iyong mga magulang.
Goryo: Huwag mo na akong pagalitan Berto.

3|Pahina
Berto: Masaya ako para sa iyo kaibigan malapit ka nang
makatapos sa elementarya. Sayang, sabay sana
tayong aakyat sa entablado.
Goryo: Nagsisi ako, Berto. Sana nakinig ako sa sinabi mo,
na ang edukasyon ay mahalaga dahil ito lamang ang
kayamanang maiiwan ng ating mga magulang.
Tama ka Goryo, ibig lamang nilang makapag-aral ako
sa magandang paaralan. Tinitiis nilang malayo sa
akin upang matustusan nila ang aking
pangangailangan sa paaralan.
Berto: Magsimula ka uli, nandito ako upang tulungan ka.
Goryo: Ngunit nabigo ko ang kanilang pangarap.
Berto: Minsan, mahalagang makinig sa sinasabi ng iba
upang landas na iyong tatahakin ay maayos.

Pamatnubay na tanong:
Panuto: Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Sino ang magkaibigan sa binasang dayalogo?


2. Ano ang problemang kinakaharap ni Goryo sa kaniyang
buhay?
3. Paano ipinakita ni Berto ang pagdamay niya sa kaibigan?
4. Bakit tumigil sa pag-aaral si Goryo?
5. Paano nagsisi sa maling ginawa si Goryo?

Ang mga salitang nasa ibaba na hango sa dayalogo ay mga


halimbawa ng panghalip.
iyan ako kanila iyo
akin natin nila ka
sila atin

Ano-ano kayang uri ng panghalip ang mga ito?

4|Pahina
Panghalip-ang tawag sa mga salitang ipinanghahalili sa ngalan ng
tao, bagay, hayop, pook o pangyayari.

Halimbawa: Ako, ko, ikaw, ka, mo, siya, niya, kami, tayo, namin,
natin, kayo, ninyo, ano, sino, saan, kanino, ilan,
magkano, ano-ano, sino-sino, saan-saan, kani-
kanino, ilan-ilan, magka-magkano, iyan, ito, iyon,
dito, diyan, doon.

Mga iba’t ibang uri ng panghalip:

1. Pamatlig-mga panghalip na ginagamit sa pagtuturo ng tao,


hayop, bagay, lugar, o pangyayari. Ang ito, nito, ganito, dito, heto,
iyan, niyan, ganyan, diyan, hayan, iyon, noon, niyon, ganoon,
doon at hayun ay mga halimbawa ng mga panghalip pamatlig.

Halimbawa: Ang payong na ito ay kay Sandara.


Ayan ang regalo ko sa iyo.
Ang pitaka ni Paula ay narito.
Nandiyan sa silid ang hinahanap mong baro.

2. Patulad-ginagamit sa pagkukumpara, paghahambing, at


pagtukoy ng bagay, salita, gawain, o kaisipan. Ito ay nagpapakilala
ng pagkakawangis ng dalawang bagay.

Halimbawa: Ganito ang dapat nating gawin bukas.


Ganyan ang larawan ng masayang pamilya.
Ganoon ang sinasabi kong nais na matanggap sa
pasko.
Ganyan ang gusto kong kulay ng buhok.

3. Pahimaton-humahalili sa mga pangngalang itinuturo o


tinatawagan ng pansin.

5|Pahina
Halimbawa: eto, heto, ayan, hayan at ayun o hayun.

4. Paukol-kung katabi o kasunod ito ng Pandiwa.

Halimbawa: Bibigyan ko ng mga damit ang mga nasalanta ng


bagyong Rolly.

5. Paari-nagpapakita ng pagmamay-ari at hindi katabi ng


pangngalan.

Halimbawa: Kanila ang toldang ginamit sa evacuation center.

6. Paturol-ginagamit kapag ang bagay na tinutukoy ay hawak o


malapit sa taong nagsasalita.

Halimbawa: Ang mga basket na ito ang ating gagamitin upang


makagawa ng isang recycled costume para sa
Science Fair.

Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Kilalanin kung panghalip na paari, pamatlig, patulad,
paukol, pahimaton at paturol ang ginamit sa bawat
pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Amin ang bahay na iyon.


2. Nais niya na bumawi sa susunod na aralin.

6|Pahina
3. Ganitong burda ang gagawin ninyo sa inyong proyektong
panyo.
4. Ganyang bag ang nabili ko sa Hong Kong.
5. Ang pitaka ni Paula ay narito.
6. Ang malawak na bukirin ay kanila.
7. Nais namin sumama kay Paulo.
8. Bibigyan ko ng damit ang mga nasalanta ng bagyong Rolly.
9. Sa gilid ng bundok nagtanim ng mga gulay ang magsasaka.
10. Ang bag na ito ay regalo ng aking lola noong nakaraang
kaarawan ko.

Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Piliin ang angkop na panghalip sa loob ng kahon na
bubuo sa diwa ng pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

ganito ganyan kanila nila

ayan ganoon ako iyan

nandiyan kami

1. ___________ ay nag-aaral araw-araw.


2. Sa _____________ ang bagong kotseng iyan.
3. Tinutulungan _________ ang kanilang guro sa pag-aayos ng
klase.
4. _________ ba ang gusto mong bilhin?
5. ____________ ang tamang paghuhugas ng pinggan.
6. ____________ ang nais kong bag na bibilhin mo para sa akin.
7. ____________ ang kailangan ko sa aking lulutuing ulam.
8. ____________ payong ang binili ko sa Quiapo.

7|Pahina
9. ____________ lang ang hinahanap mong aklat sa loob ng
aparador.
10. Magsisimba _________ ng aking mga kaibigan sa linggo.

Pang-isahang Pagsasanay
Panuto: Gumawa ng isang talata ayon sa iyong karanasan
ngayong panahon ng pandemya gamit ang iba’t ibang uri ng
Panghalip. Gumuhit ng facemask na katulad ng nasa ibaba at
isulat ang iyong sagot sa loob nito. Gawin ito sa sagutang papel.

8|Pahina
Pagsusulit
Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang iyong paboritong hayop.
Sumulat ng isang talata na nagsasabi ng mabuting katangian
kung bakit mo naging paborito ang iginuhit na hayop. Gawin ito
sa sagutang papel.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_________.

Rubrik para sa Pagguhit ng Larawan

Pamantayan Napakahusay Maayos Kailangang


(5) (4) Magsanay
(3)
Kaugnayan sa Akmang-akma Hindi gaanong Hindi akma sa
Paksa ang paksa sa akma sa paksa paksa ang gawain.
gawain. ang gawain.
Disenyo/ Lubos na Hingi gaanong Hindi masining at
Kombinasyon masining at akma masining at akma akma ang mga
ng Kulay kulay at ang mga kagamitan at kulay
kagamitang kagamitang na ginamit.
ginamit. ginamit.
Kaayusan/ Lubos na maayos May mga bahaging Hindi malinis at
Kalinisan at malinis ang maayos ngunit walang ayos ang
kabuuang may bahaging gawain.
gawain. hindi malinis.

9|Pahina
Pangwakas
Panuto: Punan ang bawat patlang ng angkop na salita upang
mabuo ang talata. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Sa araling ito, natutuhan ko na 1. _______________ ang tawag


sa mga salitang ipinanghahalili sa ngalan ng tao, bagay, hayop,
pook o pangyayari. May iba’t ibang uri ng panghalip na ginagamit
sa pagbuo ng pangungunsap.
2. _________________ ang isang uri ng panghalip na ginagamit
sa pagtuturo ng tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari. 3. Ang
________________ ay ginagamit sa pagkukumpara, paghahambing,
at pagtukoy ng bagay, salita, gawain, o kaisipan. Ito ay
nagpapakilala ng pagkakawangis ng dalawang bagay. 4. Ang
_________________ ay humahalili sa mga pangngalang itinuturo o
tinatawagan ng pansin. 5. Sinasabing _______________ ang ginamit
na panghalip kung ang katabi o kasunod nito ay pandiwa. 6.
panghalip na ____________________ kung ang ginamit na mga
halimbawa ay akin, kaniya, kanila, inyo atbp. 7. Ginagamit naman
ang Panghalip _______________ kapag ang bagay na tinutukoy ay
hawak o malapit sa taong nagsasalita.

Mga Sanggunian
Baisa-Julian, G. and Dayag, M., 2018. Pinagyamang Pluma. 2nd
ed. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., pp.170-
189
Santos, D., 2009. Suhay Wika At Pagbasa. 1st ed. Sta. Ana
Manila: Vicarish Publication & Trading, Inc., pp.95-131.

10 | P a h i n a
11 | P a h i n a
Balik-aral Pang-isahang-pagsasanay
1. 5 Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-
2. 4 aaral.
3. 1
4. 2 Pagsusulit
5. 3
Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-
Pinatnubayang Pagsasanay 1 aaral.
1. Paari
2. Paukol
3. Paukol Pangwakas
4. Patulad 1. Panghalip
5. Pamatlig 2. Pamatlig
6. Paari 3. Patulad
7. Paukol 4. Pahimaton
8. Paari 5. Paukol
9. Panlunan 6. Paari
10. Paturol 7. Paturol
Pinatnubayang Pagsasanay 2
1. Ako
2. Kanila
3. Nila
4. Iyan
5. Ganito
6. Ganoon
7. Ayan
8. Ganyan
9. Nandiyan
10. Kami
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat

Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales

ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng

tagumpay para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag

at pamamahagi ng Ikalawang Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang

Kasanayang Pampagkatuto sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang

tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng naaangkop na kagamitang

pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

(MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga pamantayan ng

pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:

Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga

manunulat, tagaguhit at taga-anyo sa kanilang iginugol na panahon at

kakayahan upang makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang

pampagkatuto.

Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at

mga tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng

Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang

kawastuhan at katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng

Edukasyon;

Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang

patuloy na paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin sa


paglilimbag ng mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga

magulang at mag-aaral sa tahanan.

Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat

asignatura sa kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro,

sa kanilang lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa

Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na

pagsubaybay sa pag-unlad ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at

Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy

sa kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay

upang maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang

bawat mag-aaral na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.

Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong

panahon ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay

na malasakit na pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.

Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: [email protected]
Website: www.depedzambales.ph

You might also like