Intro. Sa Pananaliksik Template For Thesis

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 42

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.

Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon


Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

EPEKTO NG MAKABAGONG MUSIKA SA PAG-AARAL SA


PANAHON NG PANDEMYA NG MGA KABATAAN SA
SITIO VILLA BUYASO BRGY. TAGBAKIN
ATIMONAN, QUEZON 2021

Akinah Ashley Amado

Mananaliksik

BSED Filipino IIIB

Sa Patnubay ni:

Mitzi G. Canaya, EdD

Propesor

I
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

Paghahandog

Buong puso at pagmamahal na inihahandog ng mananaliksik ang pag-aaral na ito


sa mga taong tumulong, gumabay at naging bahagi’t inspirasyon upang matagumpay na
maisagawa ang pananaliksik na ito.

               Sa Poong Maykapal na siyang nagbigay ng katatagan, lakas, patnubay, at


walang hanggang biyaya upang maayos na maisakatuparan ang pag-aaral na ito;

Sa guro ng Introduksyon sa Pananaliksik-Wika at Panitikan na si Mitzi G.


Canaya, EdD na siyang naging gabay ng mananaliksik at nagbigay ng mga payo kung
paano isasagawa ang pananaliksik.

  Sa mga magulang ng mananaliksik na walang sawang umunawa at sumuporta.

Sa mga naging respondente na nagbigay ng oras at panahon upang tumugon sa


mga talatanungan ng mananaliksik.

At sa mananaliksik na nagbuhos at namuhunan ng oras at pagod upang ang


pagsusuring ito ay maisaganap nang matagumpay.

II
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

Pasasalamat

Walang hanggang ang pasasalamat ng mananaliksik sa mga taong tumulong sa


kaniya upang mapag-tagumapayan at maging epektibo ang kaniyang ginawang
pananaliksik. Una, nagpapasalamat siya sa ating Panginoon dahil hindi niya ito
magagawa at mataatapos kung wala ang patnubay ng ating Panginoon, binigyan din siya
nito ng lakas ng loob sa lahat ng kaniyang ginagawa, nandoon lagi ang kaniyang
presensya.

Pangalawa, sa kaniyang mga magulang na walang sawang sumusuporta sa


kaniyang pangangailangan lalong-lalo na sa problemang pampinansyal at oras na binigay
sa kaniya upang magawa ang kaniyang pananaliksik.

Pangatlo, sa kaniyang guro na si Mitzi G. Canaya, EdD na ginabayan siya sa

kaniyang pananaliksik at binigyan siya ng mga ideya upang mas mapalawak niya ang

kaniyang pananaliksik.

Pang-apat, sa mga naunang mananaliksik sa mga pag-aaral na ito dahil


nadagdagan ang kaniyang mga nakalap na impormasyon at nagkaroon siya ng mga
basihan sa kaniyang pag-aaral.

Panlima, sa kaniyang mga kamag-aral na tumulong magbigay ng impormasyon


tungkol sa kaniyang paksa. Lubos ang kaniyang pasasalamat dahil kung wala ang mga
taong ito, di magiging epektibo, kasiya-siya, makabuluhan, maging maayos, organisado,
at kapani—paniwala ang kaniyang pananaliksik.

III
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

Abstrak

Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang” EPEKTO NG MAKABAGONG MUSIKA SA

PAG-AARAL SA

PANAHON NG PANDEMYA NG MGA KABATAAN SA SITIO VILLA BUYASO BRGY.

TAGBAKIN ATIMONAN, QUEZON 2021. Ang mananaliksik ay namigay ng questionnaire

sa mga repondente.

Layunin ng mananaliksik na malaman kung may mga epekto ba ang makabagong

musika sap ag-aaral ng mga kabataan. Ang sinasabing pananaliksik ay ginamitan ng

Random Sampling na pagpili kung saan ang mga respondente ay may malaking tyansa na

mapili upang sumagot sa mga talatanungan.

IV
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

Talaan ng nilalaman

ANG PAUNANG PARTE NG PANANALIKSIK

 Paghahandog……………………………………………………………… i
 Pasasalamat…………………………………………………………… …. ii
 Abstrak…………………………………………………………………..... iii
 Talaan ng nilalaman……………………………………………………… iv

KABANATA I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito

 Panimula……………………………………………………………………. 1
 Batayang Konseptwal………………………………………………………. 4
 Layunin ng Pag-aaral……………………………………………………….. 5
 Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral………………………………………. 5
 Depinasyon ng katawagan…………………………………………………... 6

KABANATA II: Mga kaugnay na Literatura at Pag-aaral

 Mga kaugnay na Literatura………………………………………………….. 7


 Mga kaugnay na Pag-aaral…………………………………………………... 9

KABANATA III: Metodolohiya

 Uri ng Pananaliksik………………………………………………………… 12
 Lunan ng Pag-aaral………………………………………………………… 12
 Mga Kalahok……………………………………………………………….. 13
 Mga Instrumento ng Pananaliksik………………………………………….. 13
 Mga Teknik sa Pagtuturo…………………………………………………... 14
 Istatistikal Tritment ng mga Datos…………………………………………. 14

KABANATA IV: Paglalahad ng Interpretasyon ng mga Datos


 Distribusyon ng mga respondente ayon sa kasarian………………………... 18
 Distribusyon ng mga respondente ayon Edad……………………………… 19
 Mga Datos ayon sa Kagustuhan ng mag-aaral …………………………….. 19

iv
V
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

 Mga Datos ayon sa Kagustuhan ng magulang……………………………… 31


 Mga Datos ayon sa Walang pagpipilian……………………………………. 40

KABANATA V: Lagom, Konlusyon at Rekomendasyon


 Lagom………………………………………………………………………. 50
 Konklusyon…………………………………………………………………. 50
 Rekomendasyon…………………………………………………………….. 51

Talaan ng Sanggunian………………………………………………………… 53

Apendesis……………………………………………………………………….. 54

Bionote………………………………………………………………………….. 58

VI
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

EPEKTO NG MAKABAGONG MUSIKA SA PAG-AARAL SA

PANAHON NG PANDEMYA NG MGA KABATAAN SA

SITIO VILLA BUYASO BRGY. TAGBAKIN

ATIMONAN, QUEZON 2021

Panimula:

Bahagi na ng araw-araw na pamumuhay ng tao ang musika. Mula sa pag


mulat ng mata ay nariyan ang musika. Sa pagtunog ng alarm clock upang tayo ay
magising, sa pagkalanaing ng mga kutsara’t tinidor kapag tayo ay kumakain, sa
pagpatak ng tubig kapag tayo ay naliligo, sa mga tunog na nagmumula sa mga
electronic devices katuladng telebisyon, cellphone, radyo at iba pa, sa mga
tunog ng sasakayan at busina ng mga ito, lahat ng mga ito ay bahagi ng musika.

Ang buhay ng tao ay parang musika na kahit gaano kasaya o kapait ang
simula ay mayroon paring hangganan. Sa mga araw-araw na pamumuhay ng tao
ay nakaakibat ang musika. May uri ng musika na kapag naririnig natin ay
napapaindak tayo at mayroon ding musika na bigla na lamang tayong
matatahimik o mapapaiyak o makakalimutan ang bawat sandali dahil damang
dama natin ang musika na pinapatugtog natin.

Ang musika ay nagmula sa salitang Griyegong “mousike” na ang ibig


sabihin sa Ingles ay “Art of Muses” na kung saan ang muses ay kinabibilangan
ng mga dyosa ng musika, sining, tula at sayaw. Bilang miyembro ng makabagong
panahon, nais ng mga mananaliksik na malaman kung ano ang implikasyon o
epekto ng makabagong musika sa pag-aaral ng mga kabataan upang maging
inspirasyon sa mga magbabasa nito.

Batayang konseptwal

Ang batayang konseptwal ng pag- aaral na ito ay ginagamitan ng


modelong input, process at output. Inilalahad ng input ang profayl ng mga

VII
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

tagatugon tulad ng edad, kasarian at uri ng musika. Sa process naman ay


makikita ang mga epekto nito sa pagbabasa, pag-aanalisa at pagsusulat. Sa
output naman ang makikita ang Bidyo na nagbibigay tagubilin sa dapat na gawin
upang makatulong na mapadali ang pag-aaral.

Input Process Output

Kabataan sa Sitio Villa Epekto ng makabagong Bidyo na nagtatagubilin para


Buyaso Demograpik Propayl. musika sa pag-aaral ng: sa paraang makakatulong na
mapadali ang pag aaral.

-kasarian -pagbabasa

- edad -pag-aanalisa

- uri ng musika -pagsusulat

Layunin ng Pag-aaral

1. Ano ang epekto ng makabagong musika sa pag-aaral ng pagbabasa?


2. Ano ang epekto ng makabagong musika sa pag-aaral ng pag-aanalisa?
3. Ano ang epekto ng makabagong musika sa pag-aaral ng pagsusulat?

VIII
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

Kahalagahan ng Pag-aaral

Kapaki-pakinabang ang gagawing pag-aaral na ito sa mga sumusunod:

Sa mga magulang- makakatulong upang malaman ang mga dahilan ng kanilang


anak sa pakikinig ng musika, partikular na nag mga pansariling dahilan, kung
maaari man at upang matukoy nila kung ano-ano ang nagiging impluwensya ng
musika sa kanilang mga anak.

Sa mga kabataan- magsisilbing paraan upang malaman ang iba’t-ibang uri ng


musika at maikumpara ang kanilang kaibahan at para malaman kung anong
musika ang naaayon sa kani-kanilang edad at personalidad at matukoy ang
impluwensya ng musika sa kanila.

Sa mga guro- magkakaroon sila ng karagdagang koleksyon ng mga aralin o


research. Maaaring magabayan rin nila ang mga kabataan o mag-aaral ukol
pagpili ng musika at iba’t-ibang uri nito.

Sa mga mananaliksik sa hinaharap- magsilbi itong reperensya o sanggunian na


makakapagbigay ng karagdagang kaalaman kung sakaling sila’y nagbabalak na
gumawa ng riserts na patungkol rin sa musika.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nagsimula noong Oktubre 2 taon 2021. Ang mga
talatanungan ay ipapamigay sa mga kabataan na naninirahan lamang sa Sitio
Villa Buyaso na kasalukuyang nag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay tumutukoy
lamang sa epekto ng makabagong musika sa pag-aaral ng mga kabataan sa
panahon ng pandemya at solong pagmamay-ari ng mananaliksik para sa
asignaturang Intrudoksyon sa Pananaliksik-Wika at Panitikan.

IX
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

Depenisyon ng mga katawagan

Ang mga sumusunod na salita ay ginamit sa pag- aaral na ito kaya


kailangan bigyan-kahulugan upang lubos na maintindahn ang pananaliksik.

Musika- ay uri ng sining na gumagamit ng tunog. Karaniwan, ang kanta ay


tinuturing na pinakamaliit na gawang musika, lalo na tuwing mayroon itong
kasamang pag-awit.

Pandemya- Isang malawakang pagkakahawa-hawa ng isang sakit na


nakakaapekto sa maraming tao sa sa buong mundo at mabilis kumakalat.

Genre- Ang genre ay isang salitang hiram na maaaring isalin sa wikang Filipino
bilang "uri" o "kategorya" ng isang bagay.

KABANATA II

Mga kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga pag-aaral at mga literatura na


naimbestigahan na ng mga naunang mananaliksik. Naglalayun ito na makatulong sa mga
bagong mananaliksik upang mas maging handa sa gagawing pag-aaral. Ito ay nakabatay
sa balangkas ng mga kaalamang nakalap ng mga mananaliksik sa mga resulta ng dati
nang nailahad sa pamamaraan ng pagbabasa ng mga iba’t-ibang attikulo, aklat, magasin
na may kaugnayan sa pinaplanong pananaliksik.

Kaugnay na Literatura

Ayon sa aklat na Psychologgy of Moods ni (Clark, 2012), sinabi ni Cook,


“ang musika ay may kakayahang makapagbagao ng kalooban, konsyus o hindi konsyus
man ito. Sinabi rin nya, ang himig ay ang pinakakonsyus na elemto ng musika dahil
nakakagawa ito ng konkretong modelo na nagdudulot sa tagapakinig na kumanta o mag
hum ng isang musika na ito ay konektado sa sentro ng utak ng isang tao. Ang ritmo
naman ang pinaka hindi konsyus na elemento ng musika, ito ang pangunahing dinamiko
na nagiging daan upang makapagsagawa ng isang aksyon o kilos ang tagapakinig.

X
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

Nangangahulugan ito na pag ang isang indibidwal ay nakarinig ng isang


musika, may bahagi ng kanyang kalaooban na awtomatikong gumgana ang konsyus at
hindi konsyus. Ito rin ang dahilan kung bakit nakakapagbigay ng reaksyon o tugon sa
musikang napakinggan.

Kung ang positibong epekto naman ang pag-uusapan, sa pisikal na paraan,


binibigyang kahulugan sa aklat ni (Siy, 2013), na mahilig sa awitin ang mga Pilipino
anuman ang ating gawin sa araw-araw, may kaakibat itong awitin, umaawit tayo upang
aliwin ang sarili at upang mapawi ang hirap sa maghapon na gawain. Ang mga awit ay
nabubuo mula sa iba’t-ibang ordinaryong karanasan ng tao at bawat musika ay mau
tiyak na pangyayaring pinaghuhugutan ng nakaraan kaya nalikha ang mga letra nito. Sa
paraang emosyonal naman, binigyang diin ng aklat nina (Tom Cochrane et al., 2013),
kung ang obligasyon ng doktor ay ipanumbalik ang harmonya sa isang katawan ng taong
may sakit at ang musaika ay nakakaapekto sa diwa ng tao, ito ay nangangahulugan
lamang na amg musika ay may kapangyarihan na makapagpagaling ng isang taong literal
na may sakit, may dinaramdam na saya, lungkot, takot o hiya, may problema man ssa
buhay o buhay pag-ibig. Sinabi rin niya na nakakatulong ang musika sa mga kabataan na
makontrol ang kanilang mga emosyon at matutunang pumili ng nararapat na kanta
batay sa kanilang nararamdaman, na siya ring nagsisilbing daan para maipabatid ng
hindi berbal sa iba ang kanilang nararamdaman.

Pagdating naman sa mga halimbawa ng musika na may iba’t-ibang genre


kamakailan kamang ay may ginanap na patimpalak na may kaugnayan sa musika at ito’y
kilala sa bilang Grammy Awards (2017), batay dito ay pinarangalan ang ilang mga mang-
aawit at ilang musika noong 2014 na may iba’t-ibang genre, tulad ng Ain’t it Fun ng
Paramore na nakakuha ng Best Rock Song 2014. Ayon naman sa (aceshowbiz.com,
2014), ang kantang Clarity ni Zedd ay napabilang sa nominasyon para sa Billboard Music
Awards bilang Top Electronic/Dance Song. Gayundin, ang kantang All of me ni John
Legend ay napabioang sa nominasyon para sa Teen Choice Awards bioang Choice
R&B/Hip-hop Song at Choice Love Song 2014. Ayon naman sa (ncifm.com, 2015) ang
album ng Magic na may kantang Rude ay napabilang sa nominasyon para sa Juno
Awards 2015 bilang Top Pop Album noong 2014.

XI
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

Ayon naman sa aklat ni (Gilkison, 2014), na How to Start a Hobby in


Listening to Music, ang pakikinig sa musika ay isang regular na aktibidad na maaaring
gawin para maglibang, karaniwang ginagawa ito kapag walang ginagawa o
pinagkakaabalahan. Mayroon rin na ito talaga ang hilig at para lalong mahasa ito ay
dapat makipag-ugnayn sa ibang tao na hilig din ng pakikinig ng musika. Dito rin
nagsisimula ang pagbuo ng pangarap na maging musikero sa pagdating ng tamang
panahon.

Patunay na lamang ito na mayroong mga dahilan kung bakit nakikinig ng


musika ang isang indibidwal, na mayroon ring pagkakaiba-iba ang mga musika sa
Pilipinas impluwensya man ito ng ibang bansa o hindi, ang mahalaga bukas tayong mga
Pilipino sa pagtangkilik nito.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Helsing (2012) ang araw-araw na pakikinig


ng musika ay isang madali at epektibong paraan ng paghubog ng sa magandang
katangian at kalusugan ng isang indibidwal dahil may kakayahan itong pumukaw ng
positibong emosyon at sa gayong paraan ay nababawasan rin ang stress.

Datapwat, hindi maaaring kahit anong genre na lamang ng musika ang


dapat pakinggan dahil ang mga tugon ng musika ay naiimpluwensyahan ng kagustuhan
mismo ng isang indibidwal at mga sitwasyong kadahilanan.

Ayon sa ginawang pag-aaral nina Toney at Weaver (2011) nakita na ang mga
lalaki ay higit na mas hilig ang mga Hard-Rock Music kumpara sa mga babae na ang hilig
naman ay mga Soft-Rock Music. Natuklasan rin sa kanilang ginawang pag-aaral na ang
mga batang babae ay mas gusto ang mga kantang may genre na Pop, Electronic/Dance,
R&B Soul at Gospels kaysa sa mga lalaki na mas pabor sakanila ang mga kantang may
genre na Rock.

Nangangahulugang Iba ang pananaw ng mga lalaki at babae pagdating sa


musika. Halimbawa, kadalasan ang mga babae ay ginagamit ang musika upang
malabanan ang kalungkutan, pampalipas oras, at makahalubilo sa ibang tao. Isa lang
halimbawa, kung kakain sa labas ang isang babae at isang lalaki ng magkasama, mas

XII
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

naaatrak ang lalaki kung sasabihin ng babae na mas hilig nya ang musikang may genre
na Classic at mas naatrak naman ang babae kung ang hilig na genre ng lalaki ay Heavy-
Metal Rock.

Isa sa tungkulin ng musika ay ang magturo para sa kinabukasan ng


tagapakinig at gisingin sila sa kahalagahan nito. Ang pagpapahalaga ng musika ay may
tiyak na kilos upang mas mahasa pa ang kanilang kaalaman.

Mula sa uses and gratification approach nina Rosengsren et. Al., (2014) na
nagsilbing theoritical framework na nakatuon sa pagitan ng salik ng personalidad at
kanilang panlasa sa musika, ipinahihiwatig ng approach na ito na may kanya kanyang
hilig tayo pagdating sa musika at nag iwan ng isang linya “How people intentionally
participate and select media messages from communication alternatives… What people
do with media, instead of what the media do to people”. Mula sa linya ng pananaliksik
na ito, lumilitaw na ang isang indibidwal ay mas gusto ang partikular na uri ng musika
dahil mayroon silang partikular na mga katangian ng personalidad na natutugunan ng
musika. Halimbawa, ang mga extroverts, ang kanilang personalidad ay nakahiligang
makihalubilo sa maraming tao, sila ay may social life at nakasanayang gumimik tuwing
gabi, sila ay nababagay sa Party Music o Electronic Dance Music. Samantalang ang
introverts, sila yung mas gugustuhing manatili sa loob ng bahay, magkulong sa kwarto o
magbasa ng libro buong araw, sila naman yung tipo ng tao na nababagay sa mga
Classical Music o Acoustic o mga malulumanay na musika na kung saan sila ay
nakakapagrelax, maikokonsidera ito bilang isa sa mga dahilan kung bakit tayo nakikinig
ng musika.

Binigyang diin naman sa pag-aaral ni (Mahinay, 2013) na may pamagat na


The Effects of Music, napatunayan na isa ang mga mag-aaral sa higit na nakikinabang sa
musika dahil ito ay nakapag bibigay-pansin ng kanilang nararamdamang pagod,
nakakatulong sa kanilang paggawa at higit sa lahat ito ay nakakapagpagaan ng
pakiramdam. Gayunman, sa pag-aaral ginawa njna (North et. al., 2011) na may pamagat
na The Importance, na isa sa mga gawaing nais ng mga kabataan ngayon aty ang pag
awit dahil sila ay nalilibang at nasisiyahan. Ayon rin kina (Hallam at Godwin, 2011)
naman sa nasabing pamagat rin ng pag-aaral ang musika ay wikang diretsong

XIII
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

natatanggap ng ating kaluluwa, nagpapadala ito ng karanasan na nakapagbibigay sigla at


lubos na nakakaimpluwensya sa sensitibo at emosyonal na bahagi ng tao.

Mayroon pang negatibong epekto ang pakikinig ng musika, ito ay


natuklasan sa pag-aaral na ginawa ni (Diamante, 2012) na may pamagat na Attitudes of
Students, ang pagiging malapit sa malakas na ingay ay maaaring makapinsala ng ating
maliit na buhok sa cochlea at humantong sa pansamantalang pagkasira ng ating
pandinig. Kung patuloy itong gagawin, maaaring magdulot na ito ng permanenteng
pagkasira ng ating pandinig. Halimbawa na lamang, na ang Amplified Rock Music ay
isang uri ng ingay mula 11-130 decibels, ito ay maaaring maging simula ng pagkasira ng
ating pandinig pagkatapos ng 3:75-30 minuto na pakikinig kada araw.

XIV
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

KABANATA III
METODOLOHIYA
A. URI NG PANANALIKSIK:
Ang ginawang pananaliksik ay may paksang Epekto ng Makabagong
Musika sa Pag-aaral sa Panahon ng Pandemya ng mga Kabataan sa Sitio Villa
Buyaso Brgy. Tagbakin Atimonan, Quezon taong 2021 at ginamitan ng
deskriptibong pananaliksik. Kaya ito ang ginamit na uri ng pananaliksik dahil sa
ang mananaliksik ay gumamit ng mga talatanungan o sarbey upang makuha ang
mga sagot sa mga katanungan na kanilang hinanda. Ayon sa pag-aaral ang
Deskriptibong Pananaliksik ay imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay
kahulugan sa isang bagay o paksa. Ito ay isang uri ng pagre-research na
ginagamitan ng qualitative tools. Itong naglalayon na makahingi ng opinyon o
mga bagay na relatibo o nagpapabagobago sa iba’t ibang tao, sa kadalasan iba’t
ibang pagkakataon, lugar, o panahon. Tumutugon sa tanong sino, ano, paano at
kailan na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral.

B. LUNAN NG PAG- AARAL:


Isinagawa ang pananaliksik na ito sa Sitio Villa Buyaso Brgy. Tagbakin
Atimonan, Quezon. Bago pa man isagawa ang pananaliksik na ito ay gumawa
muna ng liham pahintulot ang mananaliksik sa namamahala sa Sitio Villa Buyaso
gayundin sa mga respondente.

C. MGA KALAHOK:
Ang mga taong kinakailangan upang makuha ang datos sa isasagawang
pananaliksik ay tinatawag sa kalahok o respondent. Sila ang magiging daan upang
makuha ang mga datos na nais makuha ng pananaliksik sa kanyang pag-aaral

XV
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

patungkol sa kanyang napiling paksa. Ang mga kalahok ay magmumula sa Sitio


Villa Buyaso na kung saan kinabibilangan ng mga kabataan na mahilig makinig
ng mga makabagong musika. Ang napiling mga kalahok o respondente ay
gagamitan ng “RANDOM SAMPLING NA PANANALIKSIK” na ang ibig sabihin
ay ang bawat kasapi ng populasyon ay may pantay na pagkakataon na mapili para
sa pag-aaral. Nangangahulugan ito na tinitiyak nito na ang sample na pinili ay
kinatawan ng populasyon at ang sample ay pinili sa isang walang pinapanigang
paraan.

D. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK:
Ang pananaliksik na ito na isinagawa sa pamamagitan ng sarbey sa mga
respondente gamit ang talatanungan upang malaman ang Epekto ng Makabagong
Musika sa Pag-aaral sa Panahon ng Pandemya ng mga Kabataan sa Sitio Villa
Buyaso Brgy. Tagbakin Atimonan, Quezon.
Ang talatanungan ay binubuo ng tatlongpung aytem (30) na may dalawang
(2) pagpipiliang sagot. Ang resulta at datos ng isinagawang sarbey ay
matatagpuan sa kabanata apat.

E. MGA TEKNIK SA PAGTUTURO:


Susubukan ng mananaliksik na alamin ang Epekto ng Makabagong Musika
sa Pag-aaral sa Panahon ng Pandemya ng mga Kabataan sa Sitio Villa Buyaso
Brgy. Tagbakin Atimonan, Quezon. Isa sa teknik o pamamaraan upang makuha
ang mga datos sa pananaliksik na ito ay ang tinatawag na sarbey at talatanungan
upang malaman ang mga kasagutan sa gagawing pag-aaral.

XVI
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

F. ISTATISTIKAL TRITMENT NG MGA DATOS:


Ang pangunahing layunin ng pag- aaral na ito ay malaman ang Epekto ng
Makabagong Musika sa Pag-aaral sa Panahon ng Pandemya ng mga Kabataan sa
Sitio Villa Buyaso Brgy. Tagbakin Atimonan, Quezon taong 2021.
Upang malaman ang kasagutan ng respondente ukol sa paksa ito ay ginamitan
ng pormulang:

Na kung saan ito ang paraan upang makuha kabuuang resulta.

Kung saan ang:


%= ay nangangahulugang bahagdan
f= ay nangangahulugang prekwensi
n= ay nangangahulugang bilang ng kabuuang tumugon.

XVII
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

KABANATA IV

PAGLALAHAT AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad at nagpapaliwag ng mga datos na nakalap at


nalikom ng mananaliksik patungkol sa paksang Epekto ng Makabagong Musika sa Pag-
aaral sa Panahon ng Pandemya ng mga Kabataan sa Sitio Villa Buyaso Brgy. Tagbakin
Atimonan, Quezon 2021.

Ang bawat talahayan ay nagsaaad ng bilang ng mga tugon o saloobin ng bawat


respondent ayon sa idinistribyut na talatanungan. Nakasaad din ditto ang porsyentong
nakamit ng bawat tugon at bawat bilang ay may guidelines na kasagutan.

Oo
Hindi
Distribusyon ng mga respondent ayon sa kasarian

Kasarian Prikwensi Bahagdan


Lalaki 8 42%
Babae 12 58%
Kabuuan 20 100%

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon: Inalam


ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang kasarian. 42% sakanila ay mga
lalaki, samantalang 58% ay mga babae.

XVIII
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

Distribusyon ng mga respondente ayon sa edad

Edad Prikwensi Bahagdan


13-15 5 25%
16-18 4 20%
19-21 11 55%
Kabuuan 20 100%

Sa dalawampu (20) na respondent natuklasan na 25% ang nasa edad na 13-25, 20% ang
nasa edad na 16-18, 55% ang nasa edad na 19-21 at 5% ng mga estudyante na nag-aaral
habang nagtatrabaho sa panahon ng pandemya.

Ang tugon ng mga respondente sa epketo ng makabagong musika sa


pagbabasa.

Ang Datos

Pagbabasa Oo Hindi Bahagdan


1. Nagiging mabilis 75% 25% 100%
ang pagbabasa dahil
sa musika.
2. Napaunlad ang 74% 26% 100%
aking pagbabasa ng
makabagong musika
3. Nauunawaan ko 73% 27% 100%
ang akong binabasa
sa tulong ng musika.
4. Mas naging 75% 25% 100%
malinaw ang aking

XIX
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

isipan habang
nagbabasa dahil sa
musika.
5. Binibigyang diin ko 75% 25% 100%
ang aking binasa
tulad ng sa musika.
6. Naging mas 75% 25% 100%
mahusay ang aking
kakahayan sa
pagbabasa.
7. Iniintini ko ang 74% 26% 100%
aking binabasa tulad
ng pag intindi ko sa
lireko ng musika.
8. Binigyan ako ng 74% 26% 100%
kasiyahan ng musika
na makakatulong sa
aking pagbabasa.
9. Lumawak ang 50% 50% 100%
imahenasyon ko sa
pagbabasa dahil sa
musika.
10. Ang musika ay 51% 49% 100%
malaking
impluwensya sa
aking pagbabasa.
Talahanayan Blg. 1

Pagbabasa Oo Hindi Kabuuang


Bahagdan
68% 32% 100%

XX
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

Talahanayan Blg. 1.1 Kabuuan


Makikita na 68% ang sumagot ng Oo, 32% ang sumagot ng Hindi. Sa makatuwid ang
respondente ay sumasang-ayon na may epekto ang musika sa pagbabasa.
Ang tugon ng mga respondente sa epketo ng makabagong musika sa pagsusulat.
Ang datos

Pagsusulat Oo Hindi Kabuuan


1. Naging interesado 73% 27% 100%
akong magsulat
dahil sa musika
2. Naging 74% 26% 100%
imahenatibo ako sa
aking pagsusulat
dahil sa musika.
3. Lumawak ang 73% 27% 100%
kaalaman ko sa
pagsusulat dahil sa
musika.
4. Sa tulong ng 72% 28% 100%
musika, mabilis na
aking nakakapag-isip
ng aking mga
sinusulat.
5. Mabuti ang dulot 74% 26% 100%
ng musika sa aking
pagsusulat.
6. Nakatulong ang 73% 27% 100%
musika upang
magkaroon ako ng
kaalaman sa
pagsusulat.
7. Musika ang 50% 50% 100%
inspirasyon ko sa

XXI
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

pagsusulat.
8. Nakakasulat ako 52% 48% 100%
ng mga maiikling
akda dahil sa
musika.
9. Musika ang 51% 49% 100%
naging dahilan ng
pag unlad ng aking
pagsusulat.
10. May mabuting 74% 26% 100%
dulot sa tao ang
musika lalo na sa
pagsusulat.
Talahanayan Blg. 2
Pagsusulat Oo Hindi Kabuuang
Bahagdan
63% 37% 100%
Talahanayan Blg. 2.2 kabuuan
Makikita na 68% ang sumagot ng Oo, 32% ang sumagot ng Hindi. Sa makatuwid ang
respondente sumasang-ayon na may epekto ang musika sa pagsusulat.
Ang tugon ng mga respondente sa epketo ng makabagong musika sa pag-aanalisa.
Ang Datos
Pag-aanalisa Oo Hindi Kabuuan
1. Mas naiintindihan 75% 25% 100%
ko ang aking
nababasa dahil sa
musika.
2. Naaanalisa ko ng 75% 25% 100%
maayos ang mga
bagay bagay sa
tulong ng musika.
3. Lumawak ang 74% 26% 100%

XXII
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

aking kaalaman sa
pag-aanalisa dahil sa
musika.
4. Lumalim pa ang 75% 25% 100%
aking pag-aanalisa
sa mga bagay bagay
dahil sa musika.
5. May mabuting 75 25% 100%
dulot ang musika sa
aking pag-aanalisa.
6. Nakatulong ang 75% 25% 100%
musika sa pagpapa-
unlad ng aking pag-
aanalisa.
7. Binibigyan ko ng 75% 25% 100%
maayos importansya
ang pag-aanalisa sa
aking mga nababasa.
8. Musika ang 74% 26% 100%
dahilan kung bakit
naging mahalaga
saken ang pag-
aanalisa.
9. Sa tulong ng 74% 26% 100%
musika, ang pag-
aanalisa sa aking
mga nababasa ay
napadali.
10. Ang musika ay 75% 25% 100%
malaking tulong sa
mga kabataan upang
magkaroon ng
malawak na
kaalaman sa pag-
aanalisa.

XXIII
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

Talahanayan Blg. 3

Pag-aanalisa Oo Hindi Kabuuang


Bahagdan
74% 27% 100%
Talahanayan Blg. 3.3

Makikita na 74% ang sumagot ng Oo, 27% ang sumagot ng Hindi. Sa


makatuwid, ,maraming respondente ang sumagot ng Oo na may epekto ang musika sa
pag-aanalisa.

XXIV
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

Kabanata V
LAGOM, KONLUSYON AT REKOMENDASYON
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon
ng isinagawang pag-aaral.
Lagom
Ang pag-aaral na ito ay upang malaman kung ano-ano nga ba ang epekto ng
makabagong musika sap ag-aaral ng mga kabataan. Ang pananaliksik na ito ay
gumamit ng deskriptibong pananaliksik sa pag-aaral na ito, upang makakalakap ng
mga datos na hahanguan ng interpretasyon upang makamit ang layunin ng
pananaliksik. Nakipanayam ang mananaliksik sa mga kabataan sa Villa Buyaso
upang kumuha ng mga impormasyong magagamit sa pag-aanalisa ng mga kasagutan
ng mga respondente.
Batay sa isinagawang pakikipanyam sa dalawampung (20) respondente na
naninirahan sa Villa Buyaso at sa pamamagitan ng talatanungan na kanilang
sinagutan. Nakagawa ng isang malinaw na interpretasyon ang mananaliksik ukol sa
paksang napili.
Natuklasan na ang mga musika ay may mabuting epekto sapag-aaral ng mga
kabataan at kung ano ang mga salik ang naaapektuhan nito.

Konklusyon

Batay sa mga na datos, ang mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na


konklusyon:

 Ang musika ay may mabuting epekto sa mga kabataan na nag-aaral lalo na sa


kanilang pagbabasa, pagsusulat at pag-aanalisa. Ito ay makikita sa kanilang mga

XXV
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

kasagutan sa pamamagitan ng talatanungan na ipinamahagi ng mananaliksik sa


mga respondente.
 Lumabas din sa pag-aaral na may mga hindi magandang epekto ang musika sa
pag-aaral ng mga kabataan ngunit hindi naman nakakasira sa kanilang pag-aaral.

Rekomendasyon

Base sa mga kasagutan at komklusyong nahinuha, ang mananaliksik ay


nagbigay ng mga rekomendasyon.

 Para sa mga magulang, labis na nirerekomenda ng mananaliksik na patuloy na


gabayan ang mga anak sa pag-aaral at suportahan sa kung ano man gusto nila.
Malaking tulong sa mga kabataan ang suporta ng magulang. Nawa ay patuloy
nilang gabayan ang kanilang mga anak lalo na sa kanilang pag-aaral.
 Para sa mga guro, kayo ang nagbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral na
makakatulong sa kanilang kinabukasan. Nawa ay patuloy kayong makapagbigay
ng mataas na kalidad ng pagtuturo sa mga kabataan at bigyan sila ng payo kung
paano sila maging matagumpay balang araw.

 Para sa mga mag-aaral na patuloy na nag-aaral at nais makapagtapos para sa


pangarap, gawing inspirasyon ang musika upang makatulong ito sa inyong pag-
aaral. Nawa ay patuloy kayong maging mabuting anak at mag-aaral upang
makatulong sa magulang at maglaroon ng magndang buhay.

XXVI
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

Talaan ng sanggunian

Sullera Jr. (Marso 2015)


https://www.researchgate.net/publication/347951399_Lawak_ng_Pagpapahalaga_ng_mg
a_Estudyante_sa_Asignaturang_Filipino_Kaugnay_ng_Kanilang_Akademik_Performans
Jhoanna Bunag (2014) https://www.scribd.com/document/442283400/Salik-na-
nakakaapekto-sa-pagpili-ng-mga-mag-aaral-ng-Fatima-ng-ng-kanilang-kurso
https://httpeduedtechchoosefilipinocom.wordpress.com/2016/09/26/kursong-edukasyon-
medyor-sa-filipino/
Ferraris(2016) https://cpsujournals.com/?journal=piej&page=article&op=view&path
%5B%5D=14
Anonymous (2013) http://batayan-sa-pagpili-ng-kurso.blogspot.com/
Laurisa White Reyes(2014) (http://www.education.com/magaz
ine/article/Motivating_the_Low-Achieving/
Moore (2013) (http://blog_uwgb.edu/adults/what-is-yourdrive-or-motivation-for-going-
to-college/
Tyrell-Smith (2011) http://money.usnews.com/money/blogs
/outside-voices-careers/2010/12/06/how-to-choose-a-career-thats-best-for-you
Virbickaite (2013) https://skemman.is/en/item/view/1946/13678
Gemern (2013) https://www.bates.edu/psychology/thesis/thesis-abstracts/abstract-2013/

https://pdfcoffee.com/salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-mga-mag-aaral-ng-
fatima-ng-ng-kanilang-kurso-pdf-free.html
https://filipinomajoristhebest.wordpress.com/about/

XXVII
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

https://www.studocu.com/ph/document/polytechnic-university-of-the-philippines/
bachelor-of-secondary-education-major-in-english/fil-filipino-thesis/5561861
https://www.coursehero.com/file/61844253/Kabanata-I-PANANALIKSIK1docx/

Apendises
TALATANUNGAN
Panuto: Isulat sa patlang at lagyan ng tsek (/) ang mga hinihinging impormasyon
ayon sa iyong demograpikong profayl.

Pangalan (Opsyonal): __________________________________________

Edad: ______________
Kasarian: [ ] Babae [ ] Lalaki
Pangkat/Seksyon: _____________________________________________

Tirahan: ______________________________________________________
Mahal na Respondente,

XXVIII
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

Maalab na Pagbati!
Ako ay mag-aaral mula sa BSED FILIPINO IIIB na kasalukuyang
nagsusulat ng pamanahong papel hinggil sa EPEKTO NG MAKABAGONG MUSIKA SA
PAG-AARAL SA PANAHON NG PANDEMYA NG MGA KABATAAN SA SITIO VILLA BUYASO
BRGY. TAGBAKIN ATIMONAN, QUEZON 2021.

Kaugnay nito, inihanda ko ang kwestyoner na ito upang


makapangalap ng mga datos na kailangan namin sa aming asignaturang
Introduksyon sa Pananaliksik:Wika at Panitikan.
Kung gayon, mangyaring sagutan nang buong katapatan ang mga
sumusunod na aytem. Tinitiyak kong magiging kompedensyal na impormasyon
ang iyong mga kasagutan.
Marami pong salamat.
-
Mananaliksik

PANUTO : Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag.


Lagyan ng tsek ( / ) ang angkop na bilang na tugma sa iyong kasagutan.

BILANG KATUMBAS NA PAHAYAG


2 OO

XXIX
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

1 HINDI

PAGBABASA OO HINDI
(2) (1)
1. Nagiging mabilis ang
pagbabasa dahil sa musika.
2. Napaunlad ang aking
pagbabasa ng makabagong
musika.
3. Nauunawaan ko ang akong
binabasa sa tulong ng musika.
4. Mas naging malinaw ang
aking isipan habang
nagbabasa dahil sa musika.
5. Binibigyang diin ko ang
aking binasa tulad ng sa

XXX
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

musika.
6. Naging mas mahusay ang
aking kakahayan sa
pagbabasa.
7. Iniintini ko ang aking
binabasa tulad ng pag intindi
ko sa lireko ng musika.
8. Binigyan ako ng kasiyahan
ng musika na makakatulong sa
aking pagbabasa.
9. Lumawak ang imahenasyon
ko sa pagbabasa dahil sa
musika.
10. Ang musika ay malaking
impluwensya sa aking
pagbabasa.

PAGSUSULAT
OO HINDI
(2) (1)

XXXI
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

1. Naging interesado akong


magsulat dahil sa musika.
2. Naging imahenatibo ako sa
aking pagsusulat dahil sa
musika.
3. Lumawak ang kaalaman ko
sa pagsusulat dahil sa musika.
4. Sa tulong ng musika, mabilis
na aking nakakapag-isip ng
aking mga sinusulat.
5. Mabuti ang dulot ng musika
sa aking pagsusulat.
6. Nakatulong ang musika
upang magkaroon ako ng
kaalaman sa pagsusulat.
7. Musika ang inspirasyon ko
sa pagsusulat.
8. Nakakasulat ako ng mga
maiikling akda dahil sa musika.
9. Musika ang naging dahilan
ng pag unlad ng aking
pagsusulat.
10. May mabuting dulot sa tao

XXXII
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

ang musika lalo na sa


pagsusulat.

PAG-AANALISA OO
HINDI
(2)
(1)
1. Mas naiintindihan ko
ang aking nababasa dahil
sa musika.
2. Naaanalisa ko ng maayos
ang mga bagay bagay sa
tulong ng musika.
3. Lumawak ang aking
kaalaman sa pag-aanalisa
dahil sa musika.
4. Lumalim pa ang aking
pag-aanalisa sa mga bagay
bagay dahil sa musika.

XXXIII
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

5. May mabuting dulot ang


musika sa aking pag-
aanalisa.
6. Nakatulong ang musika sa
pagpapa-unlad ng aking
pag-aanalisa.
7. Binibigyan ko ng maayos
importansya ang pag-
aanalisa sa aking mga
nababasa.
8. Musika ang dahilan kung
bakit naging mahalaga
saken ang pag-aanalisa.
9. Sa tulong ng musika, ang
pag-aanalisa sa aking mga
nababasa ay napadali.
10. Ang musika ay malaking
tulong sa mga kabataan
upang magkaroon ng
malawak na kaalaman sa
pag-aanalisa.

XXXIV
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

Bionote

Si Akinah Ashley Amado ay


dalawampu’t isang taon.

XXXV
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

Nakatira sa Villa Buyaso Brgy. Tagbakin Atimonn, Quezon.

Nagtapos sa Elementarya ng Tagbakin Elementary School

Nagtapos ng sekondarya sa Quezonian Educational College INC. at kasalukuyang

nag-aaral sa Quezonian Educational College Inc. Atimonan, Quezon. At kumukuha

ng secondary education major in Filipino sa ikatlong taon sa kolehiyo.

XXXVI
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

XXXVII
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

XXXVIII
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

XXXIX
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

1
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

2
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: [email protected]

You might also like