Pananaliksik Pasaaaar

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 50

PANANAW NG MGA ESTUDYANTE SA IKA-11 BAITANG TUNGKOL SA

PAGBIBIGAY NG MGA GURO NG GAWAIN SA NALALAPIT NA


PAGSUSULIT SA RTPM-DSHS

Isang pananaliksik

na iniharap kay

Charlene D. Repe, MAED

Bilang Bahagi sa Gawaing Kailangan sa pagtuturo ng Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri


ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Nina:

Genevieve Anne T. Bongcasan

Princess Kate C. Omaguing

Ma.Carmela A. Torremoro

Sam Albert J. Renacia

Julia F. Milan

Marso 2018-2019
ii

BUOD

Pamagat: Pananaw ng mga Estudyante sa Ika-11 Baitang tungkol sa Pagbibigay ng

mga Guro ng Gawain sa Nalalapit na Pagsusulit sa RTPM-DSHS

Mananaliksik: Genevieve Anne T. Bongcasan

Julia F. Milan

Princess Kate C. Omaguing

Ma. Carmela A. Torrremoro

Sam Albert J. Renacia

Paaralan: Ramon Teves Pastor Memorial – Dumaguete Science High School

Lokasyon: Ma. Asuncion Village, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Petsa: Marso 2018

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pananaw ng mga estudyante sa ika-11 baitang

ng Ramon Teves Pastor Memorial – Dumaguete Science High School tungkol sa

pagbibigay ng mga gawain sa nalalapit na pasulit. Ang pananaw ay tumutukoy sa

paniniwala o paguunawang personal na perspektibo ng isang tao sa mga bagay. Ang

sarbey-kwestyoneyr ay nailathala sa labing limang (15) respondente na may susuriin ukol

sa naturang paksa. Ang frekwensi at bahagdan ay ginamit sa pag-kompyut upang

makakuha ng mga kasagutan para sa mga suliranin ng pananaliksik na ito. Ang resulta
iii

naman ay nagpapakita ng positibong pananaw ng mga estudyante tungkol sa naturang

pananaliksik. Maraming sumang-ayon at sa kanilang pananaw ay nakaaapekto talaga sa

akademikong performans lalong-lalo na sa kalusugan ng mga estudyante hinggil sa

pagbibigay pa ng dagdag na gawain sa nalalapit na pasulit. Ang iba pang implikasyon at

rekomendasyon ay nakasaad din sa pananaliksik na ito.


iv

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Buod ii

Talaan ng Nilalaman iv

Listahan ng mga Talahanayan vi

Listahan ng mga Figyurs viii

Pasasalamat ix

Dedikasyon x

Kabanata 1

Kabanata 1: Ang Suliranin at ang Kaligiran Nito

Introduksyon 1

Paglalahad ng Suliranin 2

Kahalagahan ng Pag-aaral 3

Ipotesis 6

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 7


v

Katuturan ng mga Katawagang ginamit 7

Balangkas Teoretikal 8

Theoretical Framework 9

Balangkas Konseptuwal 10

Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 11

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik, Kaligiran ng Pananaliksik, 12

Mga Respondante, at Pamaraang Pananaliksik

Instrumento ng Pananaliksik at Tritment ng mga Datos 13

Kabanata II: Presentasyon at Interpretasyon sa mga Nakalap na Datos 14

Kabanata III: Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon 27

Pagbanggit muli ng Suliranin

Buod sa mga Natuklasan

Kongkulsyon at Rekomendasyon 30

Listahan ng Hanguan 31

Apendiks

Apendiks A - Liham-Pahintulot 32

Apendiks B – Sarbey-Kwestyoneyr 33

Apendiks C – Kurikulum Vitae 36


vi

Listahan ng mga Talahanayan

Bilang ng Talaan Pamagat Pahina

1 Profayl ng mga Mag-aaral Batay sa Edad 14

2 Profayl ng mga Mag-aaral Batay sa Kasarian 15

3 Kalimitang nagbibigay ng mga gawain ang mga Guro 16

4 Kalimitang nagbibigay ng dagdag na gawain ang mga guro 17

sa nalalapit na Pasulit

5 Epekto sa Akademikong Peformans ng mga Estudyante sa 18

Pagbibigay ng mga Guro ng Gawain sa Nalalapit na Pagsusulit

6 Nalilito ang mga Estudyante sa Pagpili ng uunahin ang 19

Pag-aaral sa Nalalapit na Pagsusulit o Pagsasagawa muna ng

mga Gawain

7 Nahahati ang Oras ng mga Estudyante sa pagitan ng 20

Pag-aaral ng Gawain

8 Nakakaapekto sa Pagtulog ng Kalusugan 21

9 Palaging inaantok sa klase dahil walang sapat na tulog sa 22

kagagawa ng mga gawain

10 Nakakaramdam kami ng pagod dahil sa gumagawa kami ng 23

mga gawain at nag-aaral pa para sa darating an pagsusulit

11 Pananaw ng mga DuScian hinggil sa Pagbibigay ng mga 24

Guro ng Gawain sa Nalalapit na Pagsusulit sa Ramon Teves


vii

Pastor Memorial- Dumaguete Science High School

12 Pananaw ng mga DuScian hinggil sa Pagbibigay ng mga 25

Gawain sa Nalalapit na Pagsusulit sa Ramon Teves Pastor

Memorial- Dumaguete Science High School

13 Dapat bang limitahan ang pagbibigay ng mga gawain sa 26

nalalapit na pasulit
viii

Listahan ng mg Figyurs

Bilang ng Talaan Pamagat Pahina

1 Balangkas Teoritikal 8

2 Balangkas Konseptwal 10
ix

Pasasalamat

Ang mga mananaliksik ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga sumusnod:

Bb. Charlene D. Repe, nais naming ipahayag ang aming pasasalamat sa aming

guro na gumagabay at laging naroon para sa amin sa panahon ng proseso sa paggawa ng

pananaliksik na ito. Ang kanyang mahahalagang mga mungkahi sa panahon ng pagpaplano

at paglilinaw ng pananaliksik na ito ay lubhang pinahahalagahan ng mga mananaliksik

kasama na rin ang pagwawasto ng aming pagkakamali upang mas mapabuti ang aming

gawain.

Sa mga magulang ng mga mananaliksik, sa pagbigay ng kanilang lubos na

suporta, mapa pinansyal man o ispiritwal para sa kanilang mga anak sa paggawa ng

kanilang pananaliksik. Sa walang kapantay na pagmamahal at pag-unawa na siyang naging

motivation at naging inspirasyon nila upang magsikap at maisakatuparang maging

matagumpay ang naturang pananaliksik.

Sa mga respondente, sa kanilang kooperasyon sa pagsagot sa sarbey-

kwestyoneyr ng mga mananaliksik.

Sa aming Panginoon, pagbibigay ng lakas, karunungan, mabuting kalusugan at

proteksyon sa mga mananaliksik sa pagdiskobre ng mga bagong ideya.


x

Dedikasyon

Ang pananaliksik na ito ay pinauubaya ng mga mananaliksik sa mga estudyante na

naghihirap din sa mga suliraning natatamo ukol sa nabanggit na problema. Sa mga guro,

nawa’y bigyang tuon at unawa ang mga pananaw ng mga estudyante. At sa aming guro

na si Bb. Charlene D. Repe sa kanyang walang sawang pagsuporta at gabay sa mga

mananaliksik sa panahon ng pagasasagawa nito. At sa aming pamilya na siyang

nagbibigay walang hanggang suporta at pagmamahal.


1

KABANATA 1

Ang Suliranin at ang Kaligiran Nito

Introduksyon

Simula’t sapul importante sa mga estudyante ang makakuha ng malaking marka

kung kaya’t ang hinihinging gawain ng mga guro ay kanilang ginagawa nang walang pag-

aalinlangan at walang pag-aatubili. Ngunit dapat isaalang-alang ng mga guro na ang mga

estudyante ay maraming mga gawain din sa iba’t ibang asignatura na kanilang kinukuha

kaya dapat limitahan ang pagbibigay ng gawain lalo na kung nagbibigay pa sila ng mga

gawain linggo bago ang pasulit. Ang mga estudyante ay napupuyat din dahil sa mga

proyekto o gawain at nagbibigay ito ng negatibong epekto sa kalagayan ng mga estudyante

lalo na ito ay nakakaabala sa kanilang paghahanda para sa darating na pasulit.

Ang malaking marka na makukuha ng mga estudyante ay nagbibigay ng kagalakan

sa kanilang sarili dahil nararamdaman nila na nagkaroon ng kabayaran ang kanilang

pinaghihirapan. Ang pagpupuyat ay karaniwan sa ating mag-aaral na nasa study-based at

acsademic-based na paaralan kung kaya’t hindi natin maiiwasan na maraming proyekto,

gawain at pagsusulit ang ating kailangang gawin at gampanan bilang isang mag-aaral para

lang mapasa lahat ng mga ito at para din makakuha ng maayos at magandang marka.

Ang Ramon Teves Pastor Memorial – Dumaguete Science High School ay isang

institusyon na naglalayong mapahusay ang kanilang mag-aaral sa iba’t ibang aspeto na

kanilang kinabibilangan upang mahubog ang kanilang potensyal sa iba’t ibang larangan

kaya nasasanay talaga ang mga mag-aaral na magsikap at maipakita ang kani-kanilang
2

husay. Ngunit sana ay di makaligtaan ng ibang guro na hindi lahat ng gawain ay maaaring

matugunan at magampanan agad ng mga estudyante dahil hindi lamang isang asignatura

ang kanilang pinag-aaralan at kinakailangang atupagin kung hindi higit pa. Nawa’y sa pag-

aaral na ito mapukaw ang atensyon ng ibang guro sa mga hinaing ng ibang mag-aaral o di

kaya lahat ng mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay ang matuklasan ang mga

pananaw ng mga estudyante sa ika-11 na baitang ukol sa pagbibigay/pagpapagawa ng mga

guro ng proyekto o mga gawain sa nalalapit na pasulit. Nais din na malaman ng mga

mananaliksik kung sang-ayon o ba di sang-ayon sa naturang pananaliksik. Ang pag-aaral

na ito ay naglalayong bigyan ang mga mag-aaral ng naturang impormasyon tulad ng epekto

ng suliraning ito at maipahayag din ng mga mananaliksik na mayroong mga negatibong

epekto ito sa kanilang pag-aaral at kalusugan. Makakatulong ito sa mga estudyante na

malutas ang nasabing problema at matapos ang ganitong karanasan sa mga mag-aaral.

Maaari ring makapagbigay unawa na maintindihan ng mga guro ang doble-dobleng

paghihirap ng mga esudyante lalo na sa kanilang pagpapagod kasabay nang pagbibigay

nila ng mga dagdag na gawain kahit nalalapit na pasulit.

Ang pamanahong-papel na ito ay naglalayon na matugunan ang mga sumusunod

na katanungan:

1. Ano ang profile ng mga mag-aaral batay sa:

1.1 edad
3

1.2 kasarian

2. Kailan kalimitang nagbibigay ng mga gawain ang mga guro?

3. Kailan kalimitang nagbibigay ng dagdag na gawain ang mga guro sa nalalapit na pasulit?

4. Ano ang iyong pananaw sa pagbibigay ng mga guro ng gawain sa nalalapit na pagsusulit?

5. Ano ang mga bunga at resulta sa pagbibigay ng dagdag na gawain ang mga guro bago

ang pasulit?

6. Dapat bang limitahan ang Pagbibigay ng mga gawain sa nalalpit na Pasulit?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pagsasaliksik na ito ay nakalaan at nakabatay sa mga mag-

aaral sa ika-11 baitang ng RTPM-DSHS. Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pagbibigay ng

mga guro ng mga gawain at proyekto sa mga estudyante sa tuwing may nalalapit na pasulit.

Naisipan ng mga mananaliksik na mangasiwa ng gantong pagsusuri dahil ito’y naging isa

sa mga problemang kanilang nararanasan at patuloy paring hinaharap. Ang mga

mananaliksik ay karaniwang nahihirapang pagsabayin minsan ang paggagawa ng mga

proyekto o gawain habang nag-aaral lalo na at hindi lahat ng oras nila ay nakabatay o

nakalaan lamang sa skwela. Gusto ng mga mananaliksik na makatulong sa ibang

estudyante, kaya kung saka sakali ay mabibigyang pansin ito ng mga nasa autoridad ay

malilimitahan na ang paghihirap ng mga estudyante.

Ang resulta at kalalabasan ng pag-aaral na ito ay magbibigay gabay sa mga mag-

aaral na malimitahan ang naturang dilemma, pati na rin sa mga guro na mas bigyang
4

malasakit ang maayos na kalinangan ng edukasyon ang mga bata at bigyang halaga at puna

talaga ang kahulugan ng tunay na pag-aaral.

Sa panig na ito ay napapabilang ang mga partikular na tao na makakabenepisyo at

makikinabang sa ginawang pananaliksik.

Mag-aaral

Makatutulong ito sa mga mag-aaral dahil sa gantong pamamaraan ay magkakaroon

sila ng kamalayan ukol sa naturang pagsasaliksik, nahihikayat din silang ipahayag ang

kanilang hinaing patungkol dito at kanilang mababatid ang epektong dulot ng suliraning

ito sa kanila.

Guro

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makatutulong din sa mga guro sapagkat

nagbibigay kaluwagan ito sa gagawin nila na nalilimitahan ang kanilang pagwawasto sa

anumang mga proyekto o gawain ng mga estudyante lalo na sa panahon ng papalapit na

pasulit. Naglalayon din itong mapagtanto ng mga guro na hindi lahat ng kanilang

ipinapagawa sa mga mag-aaral ay madaling matugunan agad at sana’y hindi sila

minamadali para lang sa kadahilanan na may maipakitang awtput. Nararapat lang din na

bigyang limitasyon ang pamimigay ng anumang gawain. Sa kabuuan mainam ito sa

parehong panig ng mag-aaral at sa mga guro na mabigyang oras ng paghahanda para sa

nalalapit na pasulit.
5

Mga magulang

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong din sa mga magulang upang sila ay

magkaroon ng kamalayan sa kung ano ang pinagdadaanan ng kanilang mga anak sa

paaralan at makahanap ng paraan na matulungan ang kanilang mga anak na mabawasan

ang pag-aalala sa mga anumang kailangang tugunan ng mga anak.


6

Ipotesis

▪ Hα: Ang pagsasaliksik na naisagawa ay mayroong hindi magandang epekto na

maidudulot sa mga mag-aaral sa RTPM-DSHS

▪ Ho: Ang pagsasaliksik na naisagawa ay mayroong magandang maidudulot sa

pag-aaral ng mga estudyante sa RTPM-DSHS.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Saklaw Sakop sa pananaliksik na ito ang mga mag-aaral sa RTPM – DSHS. Ang bilang

ng mga mag-aaral na nasa ika – 11 baitang ang pinagbatayan sa pananaliksik na ito.

Limitasyon Nililimitahan ang pagsasaliksik na ito sa ika – 11 baitang na estudyante

lamang sa paaralang RTPM – DSHS sa taong 2018-2019. Ang lahat ng mga impormasyon

ay nanggaling sa ika – 11 na baitang ng RTPM – DSHS.

Lugar Naisagawa ang pananaliksik sa Ramon Teves Pastor Memorial Science High School

(RTPM – DSHS) na pinangangasiwaan ni Gng. Gina S. Anqui sa Maria Asuncion Village

Daro, Dumaguete City na binubuo ng populasyon na 1,085.


7

Katuturan ng mga katawagang ginamit

Binibigyang katuturan at linaw ng mga mananaliksik ang mga katawagang ginamit

sa pag-aaral upang mas maunawaan at mas madaling maintindihan ng mga mambabasa

ang pananaliksik.

Study-based at Academic-based sistema ng pag-aaral ; isang pedagogy na nakatuon sa

esudyante na nagsasangkot sa mga mag-aaral na makakuha ng mas malalim na kaalaman

sa aktibong pagsaliksik ng mga problema sa tunay na mundo.

Marka tumutukoy sa puntos na makukuha ng estudyante sa kanilang pag-aaral

Establisyemento ito ay tumutukoy sa pampublikong maaaring pagtambayan at lumagi

tulad na lamang ng mga “coffee shop” atbp.

Pasulit o eksaminasyon Naglalayong masukat ang kaalaman, kakayahan at kasanayan ng

estudyante tungkol sa tinalakay na paksang-aralin.

Institusyon Isang grupo o organisasyon na nabuo upang makamit ang isang layunin. Io ay

maaaring pangedukasyon, relihiyon o sa anumang kinabibilangan.

Pananaw isang opinyon ng tao tungkol sa mga bagay-bagay.


8

Balangkas Teoretikal

Isang pagbubuong simblikong gumagamit ng mga abstraktong konsepto,

katotohanan o baryabol at ang kanilang kaugnayang nagpapaliwanag at nagbibigay-hula

kung paanong ang isang phenomena ay umiiral at umaandar.

Teorya na Learning for Mastery


Ang lubusang pagkatuto ng mga estudyante sa
mga araling itinuturo ay may kaugnayan sa
mabuting kondisyon sa pagkatuto at sa kalidad
ng estudyante, ngunit may negatibong dulot
din ito sa kanilang kalusugan lalo na kapag sila
ay nahaharap sa mga tambak na gawain.
(Lindgren, 1983)
9

Theoretical Framework

May mga panahon na


Naaapektuhan ang nagtatambak-tambak ang
akademikong performans mga gawain ng mga
ng mga estudyante dahil estudyante dahil sa
nalilito ang mga madaliang pagbibigay ng
estudyante kung ano ang mga guro ng mg proyekto at
uunahin, pag-aaral sa sa kakulangan sa oras ng
nalalpit na pasulit o talakayan.
gumawa ng mga Gawain.

PANANAW NG MGA
ESTUDYANTE SA IKA-11
BAITANG SA PAGBIBIGAY NG
MGA GURO NG GAWAIN SA
NALALAPIT NA PAGSUSULIT SA
RTPM-DSHS

Hindi nakatutulog ng
Naaapektuhan ang
sapat ang mga
kalusugan ng mga
estudyante.
estudyante kagaya na
lamang ng kawalan ng
gana.
10

Balangkas Konseptwal

Ang konseptwal na balangkas ng pag-aaral na ito ay ginagamitan ng input-process-

ouput model. Inilalahad ng input frame ang profayl ng mga tagatugon tulad ng edad,

kasarian, mga karaniwang sitwasyon na pinagdadaanan ng mga estudyante at ang

karaniwang epekto nito sa kanilang pag-araral pati na rin sa kanilang buong kalusugan.

Ang process ay tumutukoy sa mga hakbang na gagawin ukol sa pagkuha ng mga datos.

Ang ouput ay ang mga implikasyon ng mga nakalap na resulta sa nasabing problema.

INPUT PROCESS
OUT
Profayl ng mga
 Paghahanap ng tiyak at
respondante: o Malalaman ang
siyentipikong pag-aaral
mga resulta o
1 ; Edad , Kasarian, na maiuugnay sa
epekto sa
Baitang at Seksyon naturang pananaliksik.
naisagawang
 Pagsasagawa ng
2. Kailan kalimitang pananaliksik.
sarbey-kwestyoneyr
nagbibigay ng gawain o Batay sa mga
para sa mga
ang mga guro? nakuhang
respondent.
impormasyon ay
3. Kailan kalimitang doon maihihinuha o
nagbibigay ng dagdag na makukuha ng
gawain ang mga guro sa konklusyon sa pag-
nalalapit na pasulit? aaral na ito.
4. Ano ang iyong o Matuklasan kung
pananaw sa pagbibigay marami ang
ng mga guro ng gawain nakakaranas at
bago ang pasulit? sumasang-ayon sa
ganoong sitwasyon
5. Ano ang mga bunga at
resulta sa pagbibigay ng
mga gawain bago ang
pasulit?
6. Dapat bang limitahan
ang Pagbibigay ng mga
Gawain sa nalalpit na
Pasulit
6.
11

Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Kaugnay na Literatura

Ayon sa mananaliksik na nagngangalang Kalamag, ang kanyang pag-aaral ay naka -

pokus sa epekto ng mga gawain sa pag-aaral sa akademikong performans ng mga

estudyante. Nakalagay sa pag-aaral na mayroong kaukulang koneksyon ang mga grado ng

mga esudyante para malaman ang mga salik na nakakaapekto sa kanila. Gamit ang mga

pamamaraan sa mga nalikom na mga datos, nalaman ng mga mananaliksik na ang ilan sa

mga salik na nakakaapekto sa akademikong performans ng mga estudyante ay ang

kakulangan sa oras na ibinibigay nito.

Kaugnay na Pag-aaral

Isa sa binibigyang halaga ngayon sa buhay ng mga Pilipino ay ang makapag-aral upang

masolusyonan “ang kahirapan” na siyang sinasabi ni Sec. Jesli Lapus, ang “Edukasyon ang

Solusyon” sapagkat sa panahon ngayon, ang Demand sa paaralan ngayon sa Pilipinas ay

napakataas na pilit na ipinasusunod sa mga estudyante kaya’t sila ay todo kayod at doble

ang trabahong ginagawa upang makapag-aral. At hihit naman na lumalaban ang mga ito

kahit pa sa dami ng mga kakailanganin sa pag-aaral.

Ayon sa libro ni Stephens, ang pangunahing dahilan ng stress sa mga estudyante ay ang

sobrang trabaho sa pag-aaral, pressure at time management. Ang resulta ng stress ay hindi

lamang sa akademikong performans ng isang estudyante kung hindi pati narin sa kalusugan

ng mga estudyante. Ayon narin sa Pag aaral Ukol sa Iba’t ibang Salik na Nakaaapekto sa

Akademikong Performans ng mga Estudyante ni Kalamag, mayroong kaukulang


12

koneksyon ang nga grado ng mga estudyante para malaman ang mga salik na nakakaapekto

sa akademikong performans ng mga estudyante ay ang kakulangan sa oras na ibinibigay

nito.

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang isinagawang pag-aaral ay gumagamit ng deskriptibong disenyo ng

pananaliksik Ang nasabing uri ay ginagamitan ng sarbey kwestyoneyr na sasagutan ng mga

respondente at siyang panggagalingan ng mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na

ang disenyong ito ang siyang pinakaangkop gamitin sapagkat mas madaling kumuha ng

mga kinakailangang datos mula sa maraming bilang ng mga respondente.

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinisagawa sa Ramon Teves Pastor Memorial Dumaguete

Science High School. Ito ay matatagpuan sa Maria Ascuncion Village, Daro, Dumaguete

City. Ang institusyong ito ay pinangangasiwaan ni Gng. Gina S. Anqui na binubuo ng

populasyon na 1,085.

Mga Respondente

Ang kabilang sa pag-aaral na ito ay mga estudyante sa ika- 11 baitang sa Ramon

Teves Pastor Memorial Dumaguete Science High School.


13

Pamaraang Pananaliksik

Sa bakanteng oras ng mga mananaliksik ay ipapamahagi nila ang kanilang survey

questionnaire sa mga grade 11 na may libreng oras din. Sa ganitong oras ay random ang

pagbibigay ng mga kwestyoneyr sa napiling mga estudyante. Ang mga mananaliksik ay

humingi ng liham-pahintulot sa punong-guro at pagwawasto/pagrerebesa ng aming guro sa

naisagawang pananaliksik.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay kwestyoneyr o talanatanungan

na ibibigay lamang sa random na pagpili sa mga mag-aaral. Gumamit din ang mga

mananaliksik sa paghahanap ng mga kaugnay na datos/impormasyon mula sa internet.

Tritment ng mga Datos

Ang pag-aaral na ito ay hindi lamang nagsisilbing pagsasanay para sa mga

mananaliksik para sa susunod pang panahon, ngunit ito rin ay panimulang pag-aanalisa

upang mapagtuunan ng atensyon ang mga isyung hindi gaanong nabibigyang pansin sa

larangan ng edukasyon. Lubos na inaasahan ng mga mananaliksik ang mga kasagutan at

opinion ng bawat respondente matapos mailahad ang mga naitala na sagot sa sarbey-

kwestyoneyr.
14

KABANATA II

Presentasyon at Interpretasyon sa mga Nakalap na Datos

Ang kabanatang ito ay naglalarawan sa resulta ng mga pagsisiyasat gamit ang mga

datos mula sa sarbey-kwestyoneyr na ginamit at ito ay inilarawan sa pamamagitan ng mga

talaan at nilapatan ng interprtasyon gamit ang mga kaugnay na pag-aaral.

Talahayan 1

PROFAYL NG MGA MAG-AARAL BATAY SA


EDAD
18 16
14% 22%

17
64%

Ipinakita sa talahanayan 1 ang profayl ng mga mag-aaral batay sa edad. Makikita

na karamihan sa mga mag-aaral na nasa 17 na taong gulang ay nakakuha ng 64.29 na

bahagdan (%) sa buong populasyon. Kasunod naman nito ang mga mag-aaral na nasa 16

na taong gulang na nakakuha ng 21.43 na bahagdan (%) sa buong populasyon. Ang

sumusunod ay mga mag-aaral na nasa 18 na taong gulang na nakakuha ng 14.28 na

bahagdan (%) sa buong populasyon.


15

Talahanayan 2

PROFAYL NG MGA MAG-AARAL


BATAY SA KASARIAN

Babae Lalaki
50% 50%

Ipinamalas sa talahanayan 2 ang profayl ng mga mag-aaral batay sa kasarian.

Makikita na magkatulad ang bahagdan ng babae at lalaki sa kabuuang populasyon.


16

Talahanayan 3

KALIMITANG NAGBIBIGAY NG MGA GAWAIN


ANG MGA GURO
bago ang
pagkatapos pagsisimula
ng talakayan
ng
0%
summative
22%

pagkatapos
ng
talakayan
78%

Ipinamalas sa Talahanayan 3 ang kalimitang nagbibigay ng mga gawain ang mga

guro. Makikita na maraming pumili sa sa pagkatapos ng talakayan na nakakuha ng

bahagdan na 78%. Sinunandan ito ng pagkatapos ng summative na nakakuha ng bahagdan

22%. Mahihinuha na kalimitan talagang nagbibigay ang mga guro ng gawain pagkatapos

ng talakayan.
17

Talahanayan 4

KALIMITANG NAGBIBIGAY NG DAGDAG NA GAWAIN


ANG MGA GURO SA NALALAPIT NA PASULIT
Tatlong araw
bago ang
pasulit Limang araw
14% bago ang
pasulit
28%

Isang linggo
bago ang
pasulit
58%

Ipinamalas sa talahanayan 4 ang kalimitang nagbibigay ng dagdag na

gawain ang mga guro sa nalalaput na pasulit. Makikita na maraming pumili sa isang linggo

bago ang pasulit na may bahagdan 58%. Sinundan ito ng limang araw bago ang pasulit na

nakakuha ng bahagdan 28%. Pinakahuli ang tatlong araw bago ang pasulit na nakakuha ng

bahagdan na 14%. Mahihinuha na marami ang kalimitang nagbibigay dagdag gawain ang

mga guro isang linggo bago ang pasulit.


18

Talahanayan 5

NAKAAPEKTO SA AKADEMIKONG PERFORMANS NG MGA


ESTUDYANTE ANG PAGBIBIGAY NG MGA GURO NG GAWAIN SA
NALALAPIT NA PAGSUSULIT
Katamtamang
sumang-ayon
0%
Di sumang-ayon
0%

Sumang-
ayon
43%
Lubos na
sumsang-
ayon
57%

Ipinakita sa Talahanayan 5 ang pananaw ng mga DuScians ang epekto sa

akademikong performans ng mga estudyante sa pagbibigay ng mga guro ng gawain sa

nalalapit na pagsusulit. Makikita na marami ang lubos na sumang-ayon na nakuha ng 57.14

bahagdan (%) sa buong populasyon sumunod naman ang sumang-ayon na nakakuha ng

42.86 bahagdan (%); katamtamang sumang-ayon at di sumasang-ayon ay nakuha ng 0.00

bahagdan (%). Nangangahulugan lamang ito na may higit kalahati ng populasyon ay lubos

na sumang-ayon na nakaaapekto sa akademikong performans ng mga estudyante ang

pagbibigay ng mga guro ng gawain sa nalalapit na pagsusulit.


19

Talahanayan 6

NALILITO ANG MGA ESTUDYANTE SA PAGPILI NG UUNAHIN ANG


PAG-AARAL SA NALALAPIT NA PAGSUSULIT O PAGSASAGAWA
MUNA NG MGA GAWAIN
Di sumasang-
Katamtamang sang- ayon
ayon 0%
7%

Sumasang-
Lubos na
ayon
sumasang-
36%
ayon
57%

Ipinakita sa Talahanayan 6 ang pananaw ng mga DuScians ukol sa pagkalito ng

mga estudyante sa pagpili ng uunahin ang pag-aaral sa nalalapit na pagsusulit o

pagsasagawa muna ng mga gawain. Makikita na marami ang lubos na sumasang-ayon na

nakakuha ng 57.14 na bahagdan (%) sa buong populasyon. Sumunod naman ang

sumasang-ayon na nakakuha ng 35.72 na bahagdan (%). Sumunod naman ang

katamtamang sang-ayon na nakakuha ng 7.14 na bahagdan (%) at walang bahagdan sa

hindi sumasang-ayon. Nangangahulugan lamang ito na sobra sa kalahati ng populasyon ay

nagsasabi na marami ang nalilito na mga estudyante sa pagpili ng uunahin ang pag-aaral

sa nalalapit na pagsusulit o pagsasagawa muna ng mga gawain. Ito ay sinuportahan ni

Stepehens J. (2005) na ang pangunahing dahilan ng pagkalito ng mga estudyante ay ang

sobrang trabaho sa pag-aaral, pressure at time management. Mahihinuha na kung nalilito

ang estudyante sa kung ano ang uunahin ay mas matatagalan ang pagtapos o paggawa ng

gawain.
20

Talahanayan 7

NAHAHATI ANG ORAS NG MGA ESTUDYANTE SA


PAGITAN NG PAG-AARAL AT PAGSASAGAWA NG
GAWAIN
Di sumasang-
Katamtamang sang- ayon
ayon 0%
7%

Lubos na
sumang-ayon
Sumasang- 50%
ayon
43%

Ipinakita sa Talahanayan 7 ang pananaw ng mga Duscians kung nahahati ang

kanilang oras sa pagitan ng pag-aaral at pagsasagawa ng gawain. Makikita na marami ang

lubos sumasang-ayon na nakakuha ng 50 na bahagdan (%) sa buong populasyon. Sumunod

naman ang sumasang-ayon na nakakuha ng 42.86 na bahagdan (%); katamtamang

sumasang-ayon – 7.14 na bahagdan (%) at walang bahagdan sa hindi sumasang-ayon.

Nangangahulugan lamang ito na kalahati sa populasyon ay nagsasabi na nahahati ang

kanilang oras sa pagitan ng pag-aaral at pagsasagawa ng gawain. Ito ay sinuportahan


21

Talahanayan 8

NAKAKAAPEKTO SA PAGTULOG AT KALUSUGAN


Di sumasang-
Katamtamang ayon
sang-ayon 0%
14%

Lubos na
sumang-ayon
Sumasang- 50%
ayon
36%

Ipinakita sa Talahanayan 8 ang pananaw ng mga Duscians ang epekto sa pagtulog

at kalusugan nga mga estudyante sa pagbibigay ng mga guro ng mga gawain bago ang

pasulit. Makikita na marami ang lubos sumasang-ayon na nakakuha ng 50 na bahagdan

(%) sa buong populasyon. Sumunod naman ang sumasang-ayon na nakakuha ng 35.72 na

bahagdan (%); katamtamang sumasang-ayon – 14.28 na bahagdan (%) at walang bahagdan

sa hindi sumasang-ayon. Nangangahulugan lamang ito na kalahati sa populasyon ay

nagsasabi na nakakaapekto sa kanilang pagtulog at kalusugan ang pagbibigay ng mga guro

ng mga gawain bago ang pasulit. Nangangahulugan lamang ito na halos kalahati sa

populasyon ay nagsasabi na nakaaapekto sa pagtulog at kalusugan ang mahigpit na mga

gawain. Ito ay sinuportahan ng isang sarbey na ginawa ng Unibersidad ng California sa

Los Angeles. Sa dami ng mga gawain at may papalapit na pagsusulit ay tumataas rin ang

kapaguran o stress ng mag-aaral. Karamihan sa kanila ay nakararanas ng iba’t ibang sakit

tulad ng stress, depresyon, at insomnia.


22

Talahanayan 9

PALAGING INAANTOK SA KLASE DAHIL WALANG SAPAT


NA TULOG SA KAGAGAWA NG MGA GAWAIN
Di sumasang-
ayon
Katamataman 7%
g sang-ayon
14%
Lubos na
sumang-ayon
50%

Sumasang-
ayon
29%

Ipinakita sa Talahanayan 9 ang panawnaw ng mga DuScians ukol sa mga

estudyanteng palaging inaantok sa klase dahil walang sapat na tulog sa kakagawa ng mga

gawain. Makikita na marami ang lubos na sumasang-ayon na nakakuha ng 50 na bahagdan

(%) sa buong populasyon. Sumunod naman ang sumasang-ayon na nakakuha ng 28.58 na

bahagdan (%); katamtamang sumasang-ayon – 14.28 na bahagdan (%), at hindi naman

sang-ayon ay 7.14 na bahagdan. Sinuportahan ito ni Dr. Maria Melendres, pediatric

pulmonologist at sleep specialist sa Johns Hopkins Children’s Center, sa Baltimore na ang

oras ng pagtulog ay nagbabago habang tumatanda ang tao. Nahihinuha na sa ating edad,

importante ang magkaroon ng saktong pagtulog. At dahil sa mga maraming gawain, hindi

na maaabot sa 8-10 hours an gating pagtulog.


23

Talahanayan 10

NAKAKARAMDAM KAMI NG PAGOD DAHIL SA GUMAGAWA PA KAMI NG


MG GAWAIN AT NAG-AARAL PA PARA SA DARATING NA PAGSUSULIT

Di sumasang-
Katamtamang ayon
sang-ayon 0%
14%

Lubos na
sumang-ayon
50%
Sumasang-
ayon
36%

Ipinakita sa Talahanayan 10 ang pananaw ng mga DuScians sa mga nakakaramdam ng

pagod dahil sa paggawa ng gawain sa darating na pasulit. Makikita na marami ang lubos

na sumasang-ayon na nakakuha ng 50 na bahagdan (%) sa buong populasyon. Sumunod

naman ang sumasang-ayon na nakakuha ng 35.72 na bahagdan (%); katamtamang

sumasang-ayon – 14.28 na bahagdan (%), at walang bahagdan sa mga hindi sumasang-

ayon. Nangangahulugan lamang ito na kalahati sa populasyon ay nagsasabi na

nakakaramdam sila ng pagod dahil gumagawa sila ng gawain sa paparating na pasulit.


24

Talahanayan 11

Pananaw ng mga DuScian hinggil sa Pagbibigay ng mga Guro ng Gawain sa

Nalalapit na Pagsusulit sa Ramon Teves Pastor Memorial-Dumaguete Science High

School

Frekwensi

1 3
Katanungan 2 4
Lubos na Sumasang- Katamtamang
Sumasang-ayon Di sumasang-ayon
ayon Sumasang-ayon
Nakakaapekto sa
akademikong
performans ng mga
8 6 0 0
estudyante ang
pagbibigay ng dagdag
na gawain bago ang
pasulit.
Nalilito ang mga
estudyante kung
uunahin ang pag-aaral 8 5 1 0
para sa nalalapit na
pasulit o isasagawa
muna ang gawain.
Nahahati ang oras ng
mga estudyante sa
7 6 1 0
pagitan ng pag-aaral at
pagsasagawa ng
gawain.
Ito ay nakakaapeto sa
aming pagtulog at 7 5 2 0
kalusugan.

Palagi kaming
inaantok sa klase dahil
7 4 2 1
walang sapat na tulog
sa kakagawa ng mga
gawain.
Nakakaramdam kami
ng pagod dahil sa
gumagawa pa kami ng 7 5 2 0
mga gawain at nag-
aaral pa para sa
darating na pasulit.
Average 7.33 5.17 1.33 0.16
25

Talahanayan 12

PANANAW NG DUSCIAN HINGGIL SA PAGBIBIGAY NG MGA GURO


NG GAWAIN SA NALALAPIT NA PAGSUSULIT SA RTPM-DSHS
Katamtamang Di sumang-
sumasang- ayon
0.16%
ayon
1.33%

Lubos na
sumasang-
Sumasang- ayon
ayon 7.33%
5.17%

Ipinakita sa talahanayan 12 ang karugtong sa talahanayan 11 ukol sa pananaw ng

mga DuScians hinggil sa pagbibigay ng mga guro ng gawain sa nalalapit na pagsusulit sa

Ramon Teves Pastor Memorial - Dumaguete Science High School. Ang talahanayan 11 at

12 ay mga talahanayan na sumasagot sa unang suliranin sa pananaliksik na ito. Ang mga

suliranin ay binubuo ng mga katanungan mula sa bilang 1 hanggang 6 sa sarbey-

kwestyoneyr na makikita sa apendiks. Makikita sa talahanayan na pinakamarami ang lubos

na sumasang-ayon na nakakuha ng 7.33 na bahagdan (%) sa buong populasyon. Sumunod

naman ang sumasang-ayon na nakakuha ng 5.17% na bahagdan (%); Katamtamang

sumasang-ayon – 1.33% na bahagdan (%), Di sumasang-ayon – 0.16% na bahagdan (%).

Nangangahulugan lamang ito na halos kalahati ng populasyon ay may positibong opinion

hinggil sa pagbibigay ng mga guro ng gawain sa nalalapit na pagsusulit sa Ramon Teves

Pastor Memorial - Dumaguete Science High School.


26
Talahanayan 13

DAPAT BANG LIMITAHAN ANG


PAGBIBIGAY NG MGA GAWAIN SA
NALALAPIT NA PASULIT
Hindi
21%

Oo
79%

Ipinakita sa talahanayan 13 ukol sa dapat bang limitahan ang pagibigay ng mga

gawain sa nalalapit na pasulit. Makikita sa figyur na 79% ang nagsasabi na dapat limitahan

ang pagbibigay ng mga gawain sa nalalapit na pasulit at 21% ang nagsasabi na hindi dapat

limitahan ang pagbibigay ng mga gawain sa nalalpit sa pasulit. Mahihinuha sa pag-aaral

na halos lahat ng populasyon ay sumang-ayon na dapat limitahan na ang pagbibigay pa ng

anumang gawain sa nalalapit na pasulit na nakakuha ng bahagdan 79%.


27

KABANATA III

Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon

Sa bahaging ito inilalahad ang mga natuklasan ng mga mananaliksik at ang mga

nararapat na rekomendasyon.

Pagbanggit muli ng nga Suliranin

Naglalayon ang pag-aaral na ito na masagot ang mga sumusunod na tiyak na mga

suiranin.

1. Ano ang opinyon ng DuScians hinggil sa pagbibigay ng mga guro ng mga

gawain bago ang pagsusulit?

2. Sang-ayon ba o ‘di sang-ayon ang mga DuScians sa naturang pagsasaliksik?

Buod sa mga Natuklasan

1. Opinyon ng DuScians hinggil sa pagbibigay ng mga guro ng mga gawain bago ang

pagsusulit?

Karamihan sa mga DuScians ay may positibong opinyon hinggil sa

pagbibigay ng mga guro ng mga gawain sa Ramon Teves Pastor Memorial

– Dumaguete Science High School. Ito ay sinuportahan ng Talahanayan 9

at 10.

A. Natuklasan sa pag-aaral na sa opinyon ng mga DuScians ay naapektohan ang

Akademikong Performans ng mga estudyante sa pagbibigay ng mga guro ng

gawain sa nalalapit na pagsusulit. Ipinakita sa mga datos na 57.14 % ng

populasyon ay lubos na sumang-ayon dito, 42.86% naman ang sumang-ayon,


28

0.00% naman ang katamtamang sumang-ayon, 0.00 % naman ang ‘di sumang-

ayon.

B. Natuklasan sa pag-aaral na sa opinyon ng mga DuScians ay nalilito ang mga

estudyante sa pagpili ng uunahin ang pag-aaral sa nalalapit na pagsusulit o

pagsasagawa ng mga gawain. Ipinakita sa mga datos na 57.14 % ng populasyon

ay lubos na sumang-ayon dito, 35.72% naman ang sumang-ayon, 7.14% naman

ang katamtamang sumang-ayon, 0.00 % naman ang ‘di sumang-ayon.

C. Natuklasan sa pag-aaral na sa opinyon ng mga DuScians ay nahahati ang oras

ng mga estudyante sa paggitan ng pag-aaral at pagsasagawa ng mga gawain.

Ipinakita sa mga datos na 50% ng populasyon ay lubos na sumang-ayon dito,

42.86% naman ang sumang-ayon, 7.14% naman ang katamtamang sumang-

ayon, 0.00 % naman ang ‘di sumang-ayon.

D. Natuklasan sa pag-aaral na sa opinyon ng mga DuScians ay nakaaapekto sa

pagtulog at kalusugan ng mga estudyante. Ipinakita sa mga datos na 50% ng

populasyon ay lubos na sumang-ayon dito, 35.72% naman ang sumang-ayon,

14.28% naman ang katamtamang sumang-ayon, 0.00 % naman ang ‘di sumang-

ayon.

E. Natuklasan sa pag-aaral na sa opinyon ng mga DuScians ay palaging inaantok

sa klase dahil walang sapat na tulog sa kagagawa ng mga gawain. Ipinakita sa

mga datos na 50 % ng populasyon ay lubos na sumang-ayon dito, 28.58 %

naman ang sumang-ayon, 14.28 % naman ang katamtamang sumang-ayon,

7.14 % naman ang ‘di sumang-ayon.


29

F. Natuklasan sa pag-aaral na sa opinyon ng mga DuScians ay nakararamdam ng

pagod dahil sa paggagawa ng mga gawain sabay nang pag-aaral para sa pasulit.

Ipinakita sa mga datos na 50 % ng populasyon ay lubos na sumang-ayon dito,

35.72 % naman ang sumang-ayon, 14.28 % naman ang katamtamang sumang-

ayon, 0.00 % naman ang ‘di sumang-ayon.

G. Natuklasan sa pag-aaral na sa kabuoang opinyon ng mga DuScians ang kanilang

pananaw hinggil sa pagbibigay ng gawain sa nalalapit na pasulit. Ipinakita sa

mga datos na 7.33 % ng populasyon ay lubos na sumang-ayon dito, 5.17 %

naman ang sumang-ayon, 1.33 % naman ang katamtamang sumang-ayon, 0.16

% naman ang ‘di sumang-ayon.

2. Pagsang-ayon at ‘di sang-ayon ng mga DuScians sa naturang pagsasaliksik.

Natuklasan sa pag-aaral na ito na pinakamarami ang lubos na sumasang-

ayon na mga DuScians tungkol sa pagbibigay ng mga gawain sa nalalapit na pasulit.

Mahihinuha sa mga datos na nakalap na 7.33% ng populasyon ang lubos na

sumang-ayon, ang sumang-ayon naman ay 5.17%, 1.33% ang katamtamang

sumang-ayon, at 0.16% ang ‘di sumang-ayon.


30

Kongklusyon

Mula sa mga resultang napatuyan, nabuo ang sumusunod na konklusyon:

1. Nahinuha ng mga mananaliksik na may negatibong epekto ang pagbibigay ng mga

gawain ng mga guro sa nalalapit na pasulit.

2. Natuklasan sa pag-aaral na ito ng karamihan sa mga DuScians ay lubos itong

sumang-ayon sa opinyon hinggil sa pagbibigay ng mga guro ng gawain sa nalalapit na

pagsusulit sa Ramon Teves Pastor Memorial – Dumaguete Science High School.

3. Napatunayan sa pananaliksik na ito ayon sa mga DuScians ay dapat na hindi na

nagbibigay ang mga guro ng gawain sa nalalapit na pagsusulit sa RTPM – DSHS.

Rekomendasyon

1. Nais na ipahayag ng pananaliksik na ito na limitahan ng mga guro ang pagbibigay

ng mga gawain

lalo na sa papalapit na pasulit.

2. Nararapat lang na mapukaw ang atensyon ng mga guro hinggil sa pananaliksik na

ito upang may kamalayan sila sa mga hinaing din ng mga estudyante.

3. Sa mga mananaliksik sa hinaharap na nagnanais na ipagpatuloy ang

pagsasaliksik na ito, maaaring alamin ng husto kung ano ang kadahilanan kung bakit

nagbibigay ang mga guro nga gawain sa nalalapit na pagsusulit.

4. Sapagkat napatunayan na sa pag-aaral na ito na may epekto ang pagbibigay ng mga

guro ng gawain sa nalalapit na pagsusulit sa pag-aaral ng mga estudyante, maaaring

alamin kung ano-ano pa ang mga posibleng maidadagdag na epekto dito.


31

Listahan ng mga Hanguan

Kalamag, S. (2013) Isang pag-aaral ukol sa iba’t ibang salik na nakaaapekto sa

akademikong performans ng mga estudyante. ,

http://www.academia.edu/19596980/Isang_pag-

aaral_ukol_sa_iba_t_ibang_salik_na_nakakaapekto_sa_akademik_performans_2013

Bloom, B. (1968) “Learning of Mastery” ,

http://www.ascd.org/publications/educational-

leadership/oct10/vol68/num02/Lessons-of-Mastery-Learning.aspx

Skinner, BF. (1948) Operant Conditioning ,

https://www.simplypsychology.org/operant-conditioning.html

Lapus, J. (2017) Edukasyon ang Solusyon ,

https://www.coursehero.com/file/p4re6i6/Jesli-Lapus-Edukasyon-ang-Solusyon-

sapagkat-sa-panahon-ngayon-kinakailangan-na/

Stephens, J. (2005) Dahilan ng stress ,

https://www.amazon.com/stress-Stephens-Michael-Paperback/dp/B00V1DBZ86/
32
Apendiks A
Liham-pahintulot

MA. GINA S. ANQUI


Principal II
RTPM – DSHS
Ma. Asuncion Village,
Daro, Dumaguete City

Mahal na Gng. Anqui:

Maalab na pagbati po sa inyo!

Ang mga nakalagdang mananaliksik ay mga mag-aaral sa Grade 11 Senior High School sa
RTPM – DSHS, kasalukuyang gumagawa ng pananaliksik hinggil sa “PANANAW NG
MGA ESTUDYANTE SA IKA-11 BAITANG TUNGKOL SA PAGBIBIGAY NG
MGA GURO NG MGA GAWAIN SA NALALAPIT NA PAGSUSULIT SA RTPM-
DSHS”, upang maisakatuparan ang mga kinakailangan sa asignatura sa Filipino “Pagbasa
at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teskto Tungo sa Pananaliksik”.

Ang inyo pong pagsang-ayon at inyong positibong tugon ay lubos naming inaasahan.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon!

Sumasainyo,

SAM ALBERT J. RENACIA GENEVIEVE ANNE T. BONGCASAN


Mananaliksik Mananaliksik

JULIA F. MILAN PRINCESS KATE C. OMAGUING


Mananaliksik Mananaliksik

MA. CARMELA A. TORREMORO


Mananaliksik

Nilagdaan ni:

CHARLENE D. REPE
Guro sa Filipino

Pinagtibay ni:

MA. GINA S. ANQUI


Punong-guro II
33
Apendiks B
Sarbey-Kwestyoneyr

PANANAW NG MGA ESTUDYANTE SA IKA-11 BAITANG SA PAGBIBIGAY NG MGA GURO


NG GAWAIN SA NALALAPIT NA PAGSUSULIT SA RTPM-DSHS

Pangalan:(optional) ____________
Edad: ____
Kasarian: _________

Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon na angkop sa iyong kasagutan. Maaaring pumili ng higit sa isa.

1. Kailan kalimitang nagbibigay ng mga gawain ang mga guro?

. Pagkatapos ng summative test

Bago ang pagsisimula ng talakayan

Pagkatapos ng talakayan

Tukuyin ang tiyak na sagot na hindi nabanggit sa pagpipilian:

________________________________

2. Kailan kalimitang nagbibigay ng dagdag na gawain ang mga guro sa nalalapit na pasulit?

Limang araw bago ang pasulit

Isang linggo bago ang pasulit

Tatlong araw bago ang pasulit

Tukuyin ang tiyak na panahon na hindi nabanggit sa pagpipilian:

________________________________
34

3. Ano ang iyong pananaw sa pagbibigay ng mga guro ng gawain sa nalalapit na pagsusulit?

Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon batay sa sumusunod:

Mga pahayag: Lubos na sumasang- Sumasang-ayon Katamtamang Di sumasang-


ayon sumasang-ayon ayon
Nakaaapekto sa
akademikong performans
ng mga estudyante ang
pagbibigay ng dagdag na
gawain bago ang pasulit.

Nalilito ang mga


estudyante kung uunahin
ang pag-aaral para sa
nalalapit na pasulit o
isasagawa muna ang
gawain.

Nahahati ang oras ng mga


estudyante sa pagitan ng
pag-aaral at pagsasagawa
ng gawain.
Ito ay nakakaapekto sa
aming pagtulog at
kalusugan.
Palagi kaming inaantok sa
klase dahil walang sapat na
tulog sa kakagawa ng mga
gawain.

Nakakaramdam kami ng
pagod dahil sa gumagawa
pa kami ng mga gawain at
nag aaral pa para sa
darating na pagsusulit.

4. Ano ang mga bunga at resulta sa pagbibigay ng mga gawain bago ang pasulit?

Nagkakraming ang mga estudyante


c
Hindi makakuha ng magandang marka sa pasulit
b
fc Papasok ng matamlay dahil walang sapat na tulog
bcb
f Hindi maipasa sa takdang panahon ang naisagawang pasulit
bf
cb
nf Napapagod sa paggawa ng lahat na mga gawain
b
gbfc
fn
f
bb
vngf
f
bgb
n
gvvf
gb
bfn
35
5. Dapat bang limitahan ang pagbibigay ng mga gawain sa nalalapit na pasulit?
Oo
c
Hindi
b
cf
bb
ff
bn
fg
n
gv
b
vg
bf
gb
fg
bn
g
nS
a
Sn
as
nj
s
j
36
Apendiks C

1Kurikulum Vitae

Personal na Datos

Pangalan: Sam Albert J. Renacia


Petsa ng kapanganakan: Pebrero 27, 2002
Lugar ng kapanganakan: Calamba Laguna
Lugar na tinitirahan: Poblacion, San Jose, Negros Oriental (permanent)
Mga magulang: Alfredo III O. Renacia
Lolita J. Renacia
Edukasyon:
Elementarya: Halang Elementary School – HES
Brgy. Halang, Calamba City, Laguna (2008-2011)
San Jose Central Elem. School – SJCES
Poblacion, San Jose, Negros Oriental (2011-2014)

Sekondarya: Negros Oriental High School - NOHS


Capitol Area, Dumaguete City, Neg. Or. (2014-
2018)

RTPM-Dumaguete Science High School


Ma. Asuncion Village, Daro, Dumaguete City
(2018- Present)
37

Personal na Datos

Pangalan: Genevieve Anne T. Bongcasan


Petsa ng kapanganakan: Julyo 9, 2002
Lugar ng kapanganakan: Dumaguete City, Negros Oriental
Lugar na tinitirahan: Junob, Dumaguete City (permanent)

Mga magulang: Justino A. Bongcasan


Catherine T. Bongcasan
Edukasyon:
Elementarya: West City Elementary School - WCES
Cervantes Street, Barangay 7, Dumaguete City
(2008-2014)

Sekondarya: Saint Louis School Don Bosco Inc. - SLSDB


Calindagan, Dumaguete City (2014-2018)

RTPM-Dumaguete Science High School


Ma. Asuncion Village, Daro, Dumaguete City
(2018- Present)
38
Personal na Datos

Pangalan: Julia F. Milan


Petsa ng kapanganakan: Oktubre 7, 2001
Lugar ng kapanganakan: Dumaguete City, Negros Oriental
Lugar na tinitirahan: Combado Bacong, Negros Oriental (permanent)

Mga magulang: Jeffrey G. Milan


Llieneth F. Milan
Edukasyon:
Elementarya: Saint Louis School Don Bosco Inc. - SLSDB
Calindagan, Dumaguete City (2007-2008)
Bacong Central School – BCS
Bacong, Negros Or. (2008-2014)

Sekondarya: Saint Louis School Don Bosco Inc. - SLSDB


Calindagan, Dumaguete City (2014-2018)

RTPM-Dumaguete Science High School


Ma. Asuncion Village, Daro, Dumaguete City
(2018- Present)
39
Personal na Datos

Pangalan: Princess Kate C. Omaguing


Petsa ng kapanganakan: Julyo 12, 2001
Lugar ng kapanganakan: Pasay City
Lugar na tinitirahan: Barcelona, Dapitan City (permanent)
Cimafranca Subd. Daro, Dumaguete City (current)

Mga magulang: Daisy Cayongcong


Hubert Omaguing
Edukasyon:
Elementarya: Dapitan City Central School - SSES Dapitan City
(2008-2014)

Sekondarya: Negros Oriental High School - NOHS


Capitol Area, Dumaguete City, Neg. Or. (2014-
2018)

RTPM-Dumaguete Science High School


Ma. Asuncion Village, Daro, Dumaguete City
(2018- Present)
40
Personal na Datos

Pangalan: Ma. Carmela A. Torremoro


Petsa ng kapanganakan: Agosto 21, 2001
Lugar ng kapanganakan: Limay, Bataan
Lugar na tinitirahan: Calindagan, Dumaguete City (permanent)

Mga magulang: Doroteo E. Torremoro


Cleopatra A. Torremoro
Edukasyon:
Elementarya: Danglag Elementary School - DES
Cebu (2008-2010)
Dominican School of Cebu – DSC (2010-2014)

Sekondarya: Saint Louis School Don Bosco Inc. - SLSDB


Calindagan, Dumaguete City (2014-2016)
Junob National High School – JNHS (2016-2018)
Barangay Talay, Dumaguete City

RTPM-Dumaguete Science High School


Ma. Asuncion Village, Daro, Dumaguete City
(2018- Present)

You might also like