100% found this document useful (3 votes)
2K views

LATHALAIN

Ang dokumento ay tungkol sa epekto ng pandemya sa buhay ng mga tao. Ito ay naglalarawan ng maraming mga tao na nagsisiksikan upang makakuha ng tulong pangkabuhayan. Ang pandemya ay nagdulot ng kahirapan at kakulangan sa pagkain sa maraming Pilipino. Gayundin, ito ay nagbigay diin sa kahalagahan ng pagkakaroon ng pag-asa at pagkakaisa sa gitna ng mga pagsubok.

Uploaded by

abigail palma
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (3 votes)
2K views

LATHALAIN

Ang dokumento ay tungkol sa epekto ng pandemya sa buhay ng mga tao. Ito ay naglalarawan ng maraming mga tao na nagsisiksikan upang makakuha ng tulong pangkabuhayan. Ang pandemya ay nagdulot ng kahirapan at kakulangan sa pagkain sa maraming Pilipino. Gayundin, ito ay nagbigay diin sa kahalagahan ng pagkakaroon ng pag-asa at pagkakaisa sa gitna ng mga pagsubok.

Uploaded by

abigail palma
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 5

LATHALAIN

Plastik: Kapirasong Pag-asa’y Lakip

Malamig ang simoy ng hangin bunsod ng hanging amihan na nanggagaling sa hilagang silangan.
Nanunuot ang lamig sa mga balat na animo yumayakap ang bawat ihip sa mga balahibong naninindig.
Animo nagliliparang bubuyog ang karamihan dahil sa maingay na bulong-bulungan.

Kasabay ng ulap ang pagsayaw sa indayog ng musika. Humahalo ang buong-buong tunog ng
baho de arco sa dagat ng mga tao. Kay sarap pagmasdan ng kapaligiran, laman ang mga taong
nagtutulungan.

Ayon sa talang inilabas ng Inquirer.net, sa bayan ng Bulacan, tinatayang umabot na sa humigit


kumulang 92,323 kaso na ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na ang naitalang kumpirmado mula
ng ito ay dumating sa Pilipinas. Sa bilang na ito, 90, 449 naman ang naka-recover at 1, 481 naman ang
nasawi o namatay.

Sa pagputok ng pandemya, maraming aspeto ng buhay ang na-apektuhan. Maging malalaking


kumpanya ay napilitan na magsara. Sa makatuwid, ang epekto ng pandemya’ng ito ay mas malupit para
sa mga taong kapos kapalaran.

Mahaba-habang pila ang dadatnan mo sa puso ng dagat ng mga tao. Kung saan ang lahat ay
hindi alintana ang siksikan upang makuha lamang ang magtatawid sa kanila sa kinabukasan.
Pinaghalong pagkasabik at tuwa, kalakip ng mabilis na pagtaas baba ng pinilas na kartong pumapawi sa
malagkit na pawis.

Ilang oras na rin ang lumipas at tila usad pagong pa rin ang mga hakbang. Nag-aagaw na ang
dilim at liwanag subalit ang pinakahihintay nila’y ilang metro pa ang pagitan sakanila.

Sumilay ang ngiti ng ng isang aleng kanina pa pawis na pawis. Hindi alintana ang pagkahapo’t
nakipagsapalaran sa pagpila sa linyang pagkahaba-haba. Nang inabot ang isang plastic na naglalaman
ng ibat-ibang pamatid sa kumakalam na sikmura.

Sabay pakawala ng mga katagang,

“Kakasya na ito hanggang bukas…”

Naging mahaba ang araw ng bawat isa. Ilang beses naitulak bunsod ng pakikipag-unahan sa
ipinamamahaging relief goods na mula sa isang pribadong organisasyon. Maliit na bagay subalit
malaking tulong para sa mga nangangailangan.
Sa kabila ng pagod, uuwi silang dala ang isang plastik na nagsisilbing pag-asa na ang bawat
bukas ay mahalaga. Suot ang mga ngiting hatid ng pag-asa.

Mulat: Reyalidad sa Likod ng Panulat

Kasabay ng bawat ko’ng hininga, ang dausdos ng aking pluma—

Nuulinigan ko na naman ang mga daing ng kapit-bahay. Kasabay ang ingay ng mga manok,
simbolo ng pagsibol ni haring araw. Napabalikwas ako sa kama ng mamalayang malapit na pala akong
mahuli sa aking lakad. Dali-dali na lamang akong bumangon at nag handa. Ni isang ngiti ay hindi ko
gumuhit sa aking mukha.

Sa bawat ko’ng hakbang, nilalamon ang pagitan mula sa akin at pinto sa aking harapan, handa
na akong lumabas at makipagsapalaran. Bitbit ang aking sandata sa ano mang laban. Panibagong araw
na naman ang sa aki’y naghihintay. Suot ang face mask na nakasanayan ko na ri’ng isuot sa tagal ng
panahon.

Natatanaw ko sa ‘di kalayuan, ang dagat ng mga tao. Kumpulang walang alintanang pandemya,
upang maka-amot lamang ng ayuda at maitawid ang kumakalam na sikmura. Sa aking paglalakad ay
nadaanan ko ang nagtitinda ng tabloyd. Doon napadaan ang pares ng mata ko’t natanaw ang balitang
dahil sa pandemya, bilang ng mga nagugutom na Pilipino ay lalong dumadami. Ayon sa survey na
inilathala ng Food and Nutrition Research Institute, tinatayang nasa 6 sa bawat 10 Pilipino o 62.1% ng
mga Pinoy ay nakararanas ng moderate o severe food insecurity o kakulangan sa pagkain sa
pagsisimula ng pandemya.
Nagsimula nang humarurot ang sinasakyan ko’ng jeep. Rinig ko ang nagsusumigaw na daing ng
isang ale kahit hindi isa-tinig. Miski ako’y napaigkas ng malaman na ang presyo ng pamasahe sa jeep ay
tumaas. Bunsod ng walang puknat na pagtaas ng presyo ng gasolina. Dumungaw na lamang ako sa
bintana. Halos mabali ang leeg ko nang pilitin ko’ng dungawin ang nadaanan naming bantayog ni Rizal
sa Luneta. Siya namang paglipad ng aking balintataw sa kung saang dimension na nagbulong sa akin ng
mga ala-ala. Kung paanong si Rizal ay nahatulan ng kamatayan, upang iligtas ang mga taong hanggang
sa huli sa ay bubulag-bulagan.

Gumising sa diwa ko ang biglaang pag preno ng sinasakyan ko’ng jeep. Kung hindi lang sa
plastik na harang ay baka ako’y may nakauntugan. Napakunot ang noo ko’t naagaw ng aking pansin ang
mga taong naglalakad sa kalsada habang bitbit ang kanya-kanyang tarpaulin kalakip ang tapang ng
hiyang ipagsigawan ang suporta sa isang taong kadugo ng minsang sa Pilipinas ay naghatid ng dusa.

Kung minsan ay napapaisip rin ako. Sa kabila ng ginhawang dulot ng teknolohiya, ay may hindi
rin magandang hatid ito. Akala ko ang Tiktok ay para sa libangan. Hindi ko alam na ito pala’y libingan. Na
siyang himlayan ng nakalimutang nakaraan. Isinantabing buhay ng mga pinatay at inabuso ng nakaraang
rehimen ng isang diktador. Ni sa hinagap ay hindi ko gugustuhing muli ay hawakan ng isang dugong
diktador ang kinabukasan ng sambayanan.

Ilang metro pa ay dumating na ako sa aking destinasyon. Sa ilalim ng puno ng isang parke dito
sa Intramuros. Ito ang palagi ko’ng hanap. Sa bawat yakap ng lilim na siyang nakapagpupuno sa aking
isip. Hinanda ko ang baon ko’ng sandata. Inilabas ko na ang panulat at papel, handa ng isigaw ang mga
panaghoy. Kasabay ang dalangin na magising ang mga taong lunod sa pagkakahimbing.

Hindi ko namalayan ang oras at nag-aagaw na pala ang dilim at liwanag. Nag ayos na ako ng
gamit at muling sumakay sa pampasaherong jeep. Sa pagdating ko sa bahay ay agad ko’ng inilapat ang
aking likod sa matigas na banig.

Isang araw na naman ang nagdaan. Nasayang na naman nag araw ng mga taong hanggang
ngayon ay nagbubulag-bulagan. Kinuha ko ang aking cellphone at inilathala ang aking katha sa blog na
binuo ko kama-kailan lamang.
Ipinikit ko ang aking mata. Tumawag sa taas at hiniling na sa paggising ng mga tao sa umaga, ay ang
pagmulat rin ng kanilang mga mata. Sa katotohanang nasa kamay nila ang ikababago ng takbo ng buhay
ng bawat isang Pilipino.

"Samahan mo Ako"
ni: Jazmine V. Espique, 9 - Respect

Nung ako'y pitong taong gulang hindi ako nagpapaalam sa aking magulang. Walang ibang gusto kung
hindi ang makapaglaro sa lansangan dahil ‘yun lang ang tanging dahilan ng aking kasiyahan. Takbo rito,
takbo roon. Ang paglalaro ay napakabilis, kaya ako'y laging amoy pawis.

Uuwing marumi, puno ng sugat sa katawan, hahagulgol sa kawalan dahil ako'y nasaktan. Kahit ilang
sugat pa ang matamo, ang batang katulad ko ay hindi natuto. Marami pang sumunod na linggo na
palaging ganoon ang aking senaryo.

Tuwing ako'y nasusugatan, okey lang. May gamot diyan. Sa tuwing ako'y pagpapawisan, marami naman
akong bihisan. Buong akala ko ‘yun na ang pinakamasakit, ang madapa ng paulit ulit. Ngunit habang
ako'y lumalaki, mas marami pa pala akong puwedeng maging problema. Bumibilis ang oras, ang
panahon ay madaling lumilipas, nagiging mabilis ang ikot ng relo. Kasing bilis ng pagbabago ng dahilan
ng pag-iyak ko. Halos lahat ay nagbabago. Kahit ang dating ako. Sasapit ang umaga na ako'y didilat
kasabay ng masarap na pag-iinat. Ipinapakita ng mundo ang reyalidad at pilit akong minumulat sa lahat.
Hindi lang basta pagkakadapa ang dahilan ng aking pagluha sa tuwing iniiwanan ni ina'y na pilit kong
hinahabol. Ngunit hindi na rin iyon ang dahilan ng aking paghagulgol. Bibigyan ka nang milyong dahilan
para siya'y iyong tanungin, masama ba ako? Para sa akin pa ba ‘to? Habang nabubuhay ang isang tao,
libo-libong problema ang ibabato sa iyo, titingnan niya kung hanggang saan ang kaya mo.

Bilang isang kabataan, nalalaman kung hindi pa sapat ang lahat ng nararanasan. Marami pa akong
pagdadaanan. Ngunit may ilan na akong natutunan. Maraming pangyayari ang wala pang dahilan. Pilit
kang lilituhin ng mga katanungan hanggang sa ika'y matulala at umiyak na lamang.

Ngunit ang lahat ay may dahilan. Hindi pa nga lang natin nakukuha sa ngayon pero ibibigay ito sa tamang
panahon. Ang tanging magagawa lamang natin ngayon ay ihanda ang sarili sa susunod na pagsubok na
ibibigay sa iyo nang mundo. Palagi ko rin Siyang tinatanong noon bakit mo ako ginaganito? Masama ba
ako? Para sa akin pa ba ‘to? Pero ang lahat ay nagbago, sa halip na tanungin siya ng paulit-ulit at sisihin
siya sa lahat ng sakit, ngayon kahit bigyan ako ng maraming problema nang mundo hindi na ako
magtatanong sa iyo ang tanging hiling ko sa pagsubok na ito ay samahan mo ako.

MARIA CLARISSA S. ILISCUPIDEZ


12 - LIBRA, HUMSS
MS. ABIGAIL PALMA

Alarm Clock

Iba na ang mundong ginagalawan natin ngayon dahil sa pandemya. Mas mahirap at tila ba isang
panaginip na hanggang ngayon ay hindi matapos-tapos. Kailan kaya tayo magigising?

Bawat araw ay regalo ng Panginoong Diyos para sa atin. Ngunit, may mga pagkakataon na tila ba wala
tayong sigla na harapin ito. Nang dahil sa sitwasyon natin ngayon, madalas ay nakakaramdam tayo ng
lungkot at nawawalan ng gana sa mga bagay-bagay. Ngunit ang sabi nga nila, laban lang! Tuloy lang ang
buhay.

Ang bawat pangyayari sa ating buhay ay may kalakip lagi na dahilan. Ang pandemyang ito, tiyak at
paniguradong may nais ipabatid. Bago pa man ito dumating, nasanay tayo na umaayon sa mabilis na
takbo ng mundo. Lagi tayong nagmamadali at madalas din ay sumosobra tayo sa limitasyon.
Nakapapagod at masyadong nakauubos ng lakas. Ngayon, sana ay maliwanagan tayo na sa mabilis na
agos ng mundo, kailangan din nating magpahinga at huminto kahit papaano.

Nang magsimula ang pandemya, marami ring pagkakataon ang nagbukas para sa atin. Nariyan ang
pagkakataon upang mas hubugin natin ang ating mga sarili. Pagkakataon upang mas magkaroon tayo ng
oras para sa ating pamilya. Simula upang talikuran natin ang mga bagay na hindi nakatutulong sa atin at
pagkakataon upang pahalagahan natin ang mga bagay na hindi natin napapansin noon dahil masyadong
nakatuon ang ating atensyon sa mga bagay na inihain sa atin ng mundo. Sa pagkakataong ito, tingnan
natin ang ating paligid at pahalagahan ang mga bagay na mas dapat bigyan ng importansya.

Huli at pinakamahalaga sa lahat, lagi sana tayong magpasalamat sa ating Panginoon at maglaan ng
oras upang humingi ng gabay at ng lakas sa Kaniya, na Siyang makakapitan natin sa bawat sitwasyon ng
ating buhay.
Siya ang gigising sa atin sa panaginip na hanggang ngayon ay hindi natin matapos-tapos.

Abo at Hindi Puti ang Pakpak ni San Rafael Arkanghel

ni: Almira P. Santos

Paniniwala sa isang hiling na ito ay makakamit ayon sa kalooban ng dakilang Lumikha at hindi ng
sinumang nilalang na taglay ang kahinaan ay nagpapakilala ng pagkakaroon ng matibay na
pananampalataya.

Mapalad ang bayan ng San Rafael, sa lalawigan ng Bulacan na sa kasaysayan ay bahagi noon ng
Hacienda Buenavista, isang malawak na lupain na tinatawag na caballeria o estancia ng mga Kastila na
nanganaghulugang lupaing pinag-aalagaan ng kabayo at baka. Noon pa man ay binabantayan na ito ng
anghel na si San Rafael, na ang tungkulin ay una, paghahanap ng tunay na kaligayahan na inihahanda
para sa mga anak ng panginoong Diyos; ikalawa ay binigyan niya tayo ng liwanag upang piliin ang landas
ng tama at mabuti; at sa huli ay inililigtas tayo sa iba’t ibang uri ng panganib.

Lahat ng ito ay himalang ipinamalas ni San Rafael, ang arkanghel na tagapangalaga ng bayan na aking
sinilangan. Lahat ng nagdaang kasaysayan ay nakaukit sa batong abo ng Parokya ni San Juan De Dios
na ngayon ay kilala sa tawag na “San Rafael Poblacion Church,” sa pinakamadugong labanan na kumitil
sa 800 daang San Rafaeleňos na pinangunahan ni Heneral Anacleto Enriquez na kilala sa bansag na
“Matanglawin,” na noon ay isa sa mga napasamang nasawi sa nasabing digmaan. Mabilis na lumipas at
ang panahon at ang kabihasnan ng mga taga-San Rafael ay sumulong at naging intelektwalisado.
Umunlad ang pamumuhay ng mga taumbayan at napawi ang mga dating hikbi ngunit nanatili pa rin ang
mga alaala ng mga kupas na larawan na hatid sa puso ang mataginting na aral nasa kasalukuyan ay
nagmarka bilang batayan ng katatatagan ng kalooban.

Noong ika-29 ng Setyembre taong 2006 ay nagbukas ang Museo ng San Rafael sa ika-256 ng
Pagkatatag ng Bayan. Sobresaliente ang pagdiriwang ng kapistahan ng araw na ito. Sa pintuan ng
kultural na kasaysayan ng bayan ay sasalubungin ang mga turista noon ng kampana, sa muling
pagbatingaw nito ay ang hudyat ng pagbubukas ng pinto tungo sa pader na nakapaskil ang dalawang
pamilyar na larawan na tauhan sa pamosong nobela ng pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na
“Noli Me Tangere,” ang musmos at ang walang kamalayan na sina Crispin at Basilio na ayon sa
kwentong bayan ay naganap mismo sa nasabing simbahan, nasa anino ng mga pader ang dugong
dumanak kay Crispin at pagtakas ni Basilio sa kalupitan noon ng mga dayuhang kastila.

Isa pa sa nakapupukaw interes ang nakamamanghang replika ng ating pambansang bayani na malapit
sa pintang larawan ng magkapatid, nakaupo sa isang mesa habang nagsusulat…tila baga ikaw ay
nagbalik sa nakaraan at nasasakihan ang mga sakripisyo ng bayaning iniidolo hindi lamang sa bansa
natin kundi sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Dagdag sa makukulay na kasaysayan ay ang mga kagamitan, muwebles at mga bintanang yari sa capiz
na kapag nasilayan ay susuot sa buong pagkatao ang uri ng pamumuhay ng San Rafaeleňos…simple
ngunit mahalagang ambag sa lipunan ang naging adbokasiya na hanggang sa kasalukuyan ay taglay pa
rin ng mga nasabing tao na nananahan sa nasabing lugar na iyon. Gayundin ang mga kasuotang
panrelihiyon at lumang retablo na kinalalagyan ng mga dibuhong rebulto ng mga santo ay nakasinop sa
pedestal na lalagayan na ito.

Tahanan ng mga mala-anghel na tinig…sa panahon na ang bagong sibol henerasyon ay nagdanas ng
isang mabagsik na pagsubok. Pagsubok na kung saan ang tunggalian ay ang sarili laban sa kamatayan.
Nagpahiwalay sa distansya sa bawat pamilya, nagpatindi ng krisis at nagpasadsad sa ekonomiya ng
bansa, nakabibinging katahimikan ang pumainlanlang sa buong bayan ng San Rafael dahil sa binalot ito
ng maskarang hindi nakasanayang suotin ng pangkaraniwag mga mamamayan nito. Pati halakhak ng
mga munting anghel ay nilisan ang pook ng palaruan upang makasiguro lamang sa kanilang kaligtasan.
Lahat ng ito ay isang bagong karanasan sa mga taga rito na epektong dulot ng pandemikong COVID-19.

Subalit muling ikinampay ni San Rafael ang kaniyang dalawang pakpak, minsan pa ay binalikat niya ang
mga bagong pagsubok sa bayang kaniyang pinangangalagaan at higit pang inilapit tayo sa ating Ama na
nasa langit. Kung kaya’t ang pagkalayo nang matagal sa mga mahal sa buhay ay nagpalapit sa tulong ng
komunikasyon na hatid ng teknolohiya, bayanihan naman ang naging tugon gaya ng “community
pantry,” na nagpabusog sa nag-aalborotong tiyan ng mga kababayan na nagsiguro na bawat hapag ay
mayroong pagsasaluhan ang bawat pamilyang San Rafaeleños, at ang katahimikan ay nabalot ng usal ng
mga dasal ng pananalig sa poong maykapal, maging ang mga kabataan ay napalapit at natutong
magtiwala sa magagawa at bisa ng panalangin.

Saludo naman sa mga kababayan natin na fronliners, mga nurse, pulis, sundalo, mga guro, mga kawani
ng pamahalaan na nagpamalas ng tapang at hindi naduwag na magampanan ang sinumpaang tungkulin
sa bayan. Hininga laban sa hininga ang pakikibaka sa birus na ito na taglay ang korona na naghahari na
anomang oras ay maaaring sa isang iglap ay kamatayan ang maging kapalit. Hindi nila alintana ang
sariling kapakanan at kaligtasan, ibinaluti nila ang PPE ang Personal Protective Equipment, ilang timba
ng pawis ang inilabas ng mga napapagal nilang katawang lupa masiguro lamang na ligtas ang mga
kababayan. Bilang pangangalaga naman ng lokal na pamahalaan sa mga taong nasasakupan nito ay
sinikap na mabigyan nang sapat na bakuna ang mga San Rafaeleňos, kaya ginawaran ng Safety Seal
Certification ni DILG Provincial Director Darwin David ang Bahay Pamahalaan ng San Rafael dahil sa
pagsunod sa minimum public health standards gayundin ang paggamit ng contact tracing app na
staysafe.ph na itinatakda nga para sa mga mamamayan.

Mahihinuha na isang disiplinado, nagkakaisa at higit ang pang-unawa sa mga sitwasyong kritikal dahil
batid ng aking bayan na aking pinag-ugatan ang kahalagahan nang wastong pagsunod sa mga batas at
alituntunin lalo na sa panahon ng pandemik ang pagsasawalang bahala sa kaligtasan ng isa ay
pagkawala ng buhay ng kapwa kabayan.

Taglay na ng mga San Rafaeleňos ang noon at hanggang ngayon na pananampalatayang nag-uumapaw
sa pagtitiwala, siksik-positibo sa katatagan ng kalooban upang ipagpatuloy ang laban sa buhay anoman
ang maging hamon nito at nag-uumapaw sa pagdadamayan para sa bayan.

Pugay San Rafaeleňos! Viva San Rafael!

You might also like