Musika

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 10

~MUSIKA~

Banda
- isang grupo na tumutugtog ng iisang uri ng musika. Ang mga intsrumentong karaniwang
ginagamit dito ay mga percussion, brass, woodwind, at iba pang mga instrumenting kayang
tugtugin habang naglalakad.

Mga Instrumento sa Banda

Tuba – ito ay may mababang tunog at ang pinakamalaki sa mga instrumenting nabibilang sa
brass-wind. Gaya ng sa trombone, ang musika ng tuba ay maaring isulat sa bass o treble clef.

Cornet – ito ay madalas na nasa B flat. Ang instrumentong ito ay mas madalas gamitin sa mga
brass bands.

Clarinet – marami itong mga pagbabagong pinagdaanan sa loob ng maraming taon. Nagsimula
ang paggamit dito noong 1600. Buhat sa maraming pagbabagong ginawa dito, marami nang
mga uri ng clarinet ang nakikilala sa mundo.

Flute – ang instrumentong ito ay ang pinakamatandang instrumentong pang-musika na


ginawa ng tao. Noong 1995, ang mga archeologist ay nakadiskubre plawta na gawa sa buto
na sinasabing 43,000-80,000 na taong na.

Saxophone – ito ay may iba-ibang laki at klase. Ang alto sax, tenor sax, at baritone sax ang
pinakamadalas gamitin sa mga marching band.

Bass Drum – ito ay isang percussion instrument at ang may pinakamababang tono at ang
pinakamalaki sa pamilya ng mga drum.

Cymbals – ang klase ng cymbals na ginagamit sa marching bands ay tinatawag na crash


cymbals.

Timpani – nagmula ang mga ito sa mga kettledrums na unang ginamit ng mga sundalo at mga
Indyo. Di nagtagal ay lumaganap ang paggamit ng mga ito sa Europa.

Xylophone – maraming uri ng xylophone. Ang gambang na ginagamit sa Indonesia ay may 3


1/2 hanggang 4 na octaves. Ang amadinda naman ay mula sa Africa.
Mula kaliwa: tuba,

cornet, clarinet, flute, saxophone,


bass drum, cymbals, timpani,
xylophone

Rondalya
- ang katutubong
grupong musikal na
ipinamana ng mga Kastila sa
Pilipinas noong panahong
1800's. Nagsimula ang
pagsulong ng paggamit nito nang ipakilala ng mga kastila ang gitara. Ito ay binubuo ng mga
instrumentong may kwerdas.
Mga Instrumento sa Rondalla
Bandurria - instrumentong may hugis na peras. Ito ang sentro ng
musika sa rondalla.

Laud - kahawig ito ng banduria ngunit mas malaki lamang at mas


mahaba. Kadalasan itong tumutugtog ng mga mabababang nota
kasama ng bajo.

Octavina - may hugis ito na parang sa gitara ngunit mas maliit


lamang. Tulad ng laud ay mabababang nota lamang ang
tinutugtog nito.

Mandola - ito ay mas mababa sa tono ng mandolin ng limang beses.

Gitara - mas malaki sa octavina at mayroong anim na kwerdas. Maari itong tumugtog ng ritmo
at melody ng isang musika.

Bajo de uñas - ito ay mayroong apat na kwerdas at ang pinakamalaking miyembro ng


rondalla. Ito ay may hugis na violin.

Mula kaliwa: bandurria, laud, octavina, mandola, gitara, bajo de uñ as

~SINING~

Mga Pilipinong Pintor


Vicente Manansala - isang
alagad ng sining sa larangan ng
pagpipinta sa Pilipinas. Naging
guro niya si Fernando Amorsolo.
Kabilang sa kanyang mga
gawa Market Scene (1975), Fruit Vendor, at Anak-
laot. Ipinanganak siya sa Macabebe,Pampanga.

Fernando Amorsolo - isa sa mga


pinakamahalagang alagad ng sining sa Pilipinas. Si
Amorsolo ay isang pintor ng mga larawan ng mga
tao at tanawing pambaryo ng Pilipinas. Kilala siya
sa kaniyang pagiging malikhain at pagkadalubhasa sa paggamit ng liwanag. Ipinanganak
naman siya sa Paco, Maynila. Nakatapos siya ng pag-aaral mula sa Paaralang Pansining ng
Liseo ng Maynila noong 1909. Ilan sa kanyang mga gawa ay ang Dalaga sa Batis,
Pagtatanim ng Palay, Ang Mestisa, at Prinsesa Urduja.

Felix Hidalgo - isang pintor na nakalikha ng halos isang libo na mga likhang-sining sa
pagpipinta, gamit ang oil, water-color, pastels at uling. Ang paksa ng kanyang mga gawa ay
mula sa mga mitolohiya hanggang sa mga makasaysayang tanawin ng lupa o dagat, at
larawan ng mga tao. Ang ilan sa kanyang mga gawa ay La Marina, Primavera, Las Virgenes,
A Warrior, at El Violinista.

Juan Luna - isang Pilipinong pintor at bayani. Kilala siya para sa kanyang
larawang Spoliarium, isang dibuho ng pagkaladkad ng mga bangkay ng mga natalong
gladyator sa Colosseum sa Roma. Ang nakakabagbag-damdaming eksenang ito ay maaring
itulad sa mga kasawian ng mga Pilipino sa ilalim ng Espanya. Ang Idilio, Indio Bravo, Puesta
del Sol, Tampuhan, at España y Filipinas ay ilan lamang sa kanyang mga obra.

Carlos Francisco - isinilang sa Angono, Rizal noong ika-apat ng Nobyembre, 1913 at yumao
noong 1969. Kabilang siya sa unang hanay ng mga guro sa bagong tatag noong UST School
of Architecture and Fine Arts. Si Botong ay isa sa mga modernistang pintor na lumihis sa
itinakdang kumbensiyon ng pagpipinta ni Amorsolo, at nagpasok ng sariwang imahen,
sagisag, at idyoma sa pagpipinta.Ang kanyang mga gawa ay Kaingin, Camote-eaters, Stations
of the Cross, at Pageant of Commerce.

Mga Pilipinong Iskultor


Napoleon Abueva -  isang tanyag na iskultor. Itinuring siyang Ama ng Makabagong Iskultura
ng Pilipinas. Siya ang pinakabata sa gulang na 46, at kauna-unaha't
natatanging Boholano na nabigyan ng parangal bilang Pambansang Alagad ng Sining sa
larangan ng Sining Biswal. Ilan sa kanyang mga obra ay Salapang Alegorikal, Moises,
Pagtatanim ng Palay, Anuwang, at Mula at Hanggang sa Dagat.

Guillermo Tolentino - ipinanganak noong Hulyo 24, 1890 sa Malolos, Bulacan. Dahil sa


kanyang sariling pagsisikap, nakapagtapos siya ng kurso ng sining sa Pamantasan ng
Pilipinas noong 1915. Nakilala si Tolentino sa buong bansa nang dahil sa Monumento ni
Bonifacio na may maraming pigurang kasinlaki ng tao na dinisenyo noong 1930 at inilantad
noong 1933. Nakapaglikha din siya ng iba pang mga tanyag na bantayog tulad ng
mga Oblasyon ng Pamantasan ng Pilipinas, ang bantayog ni Pangulong Ramon
Magsaysay sa bulwagang pasukan ng GSIS, at ang Lualhati ng Pamantasan ng Silangan.

Rey Paz Contreras - kilala siya sa paggamit ng mga basura at mga natural na kagamitan sa
kanyang mga obra. Sa ngayon ay nagsasanay siya ng iba pang mga iskultor sa paggawa ng
mga rebulto na may kinalaman sa mga usapin sa lipunan. Ilan sa kanyang mga gawa ay The
Tree, at Mother and Child.

Abdulmari Asia Imao - isa siyang katutubo ng Sulu. Dahil sa kanyang talento, ang ukkil,
sarimanok, at naga ay naging popular sa bansa at sa mga orihinal na gawang Pilipino,
tinulungan niya rin ang mga katutubong etniko na magkaroon ng pagmamalaki sa kanilang
kultura.

Roberto Chabet - siya ay nagtapos sa Unibersidad ng Sto. Tomas. Siya rin ang direktor ng
Cultural Center of the Philippines. Ang kanyang mga gawa ay ang Psychopathology of
Everyday Life, Russian Painting, at Two Paintings.

Mula kaliwa: Vicente Manansala, Fernando Amorsolo, Felix Hidalgo, Juan Luna, Carlos
Francisco, Napoleon Abueva, Guillermo Tolentino, Rey Paz Contreras, Abdulmari Asia Imao,
Roberto Chabet
~EPP~
Pormal

= French Style
= Russian Style

= American Style

Di Pormal

= Family Style

= Apartment Style
= Buffet Style
Musika: Banda at Rondalya... dapat daw may meaning lhat..

Sining: mga Pintor At Iskultor...

EPP: sa EPP ata yung mga pics n pormal at di- pormal at anu anu yung mga uri
nito kunwari yung sa pormal ang isang uri nya yung french style tpos sa di-
pormal kunwari Family style...

You might also like