EsP 10 Q3 Modyul 2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

i

Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang


Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 9 : Espiritwalidad at Pananampalataya
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Charito M. Amoguis
Alberto Amoguis
Mary Ann S. Trajano

Tagasuri ng Nilalaman: Eleseo E. Godoy, Elsie A. Eugenio


Tagasuri ng Wika: Everlasting Fernando
Tagasuri ng Paglapat: Alon A. Agbuya
Tagapamahala: Gregorio C. Quinto
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: [email protected]

ii
10
00
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Modyul 2
Espiritwalidad at Pananampalataya

iii
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi
ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain
at pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Madalas nating naririnig ang awitin ni Gary Valenciano “Natutulog ba angDiyos”


totoo ba na natutulog ang Diyos? Ngayong may kinahaharap tayong pandemya, ano
ngaba ang dapat gawin para lalo tayong mapalapit sa Panginoon? Paano natin
mapauunladang ating espiritwalidad at pananampalataya?

Layunin:
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakahayan at pag-unawa:

 Napangangatwiran na: Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa. (ESP 10 PB-


9.3

Subukin

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan at sagutin ng


buong husay at tama. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno. Piliin
at isulat lamang ang letra ng tamang sagot

A. Pagbabasa ng Bibliya F. Pagmamahal sa kapwa


B. Pagtulong sa kapwa G. Pagbabasa ng aklat tungkol sa Diyos
C. Panalangin H. Pagtugtog ng instrumento
D. Pagninilay/Pananahimik I. Paghahayag ng salita ng Diyos
E. Pagsisimba o Pagsamba J. Paglilinis ng simbahan/pook dalanginan

_____1. Ito ang pakikipag-usap natin sa Diyos.


_____2. Pinag-iisipan mo kung ano ang mensahe ng Diyos sa panahon ng
pandemya.

_____3. Binabasa mo ito dahil ito ang magiging direksyon mo sa buhay.


_____4.Tumutulong ka sa simbahan o sambahan para mapanatili ang
kaayusan nito.

_____5. Nagbigay ka ng relief goods sa mga nangangailangan lalo sa mga


nawalan ng trabaho.

_____6.Tuwing linggo tumutungo ka rito upang magpuri sa Panginoon, ano


mang relihiyon ang pinaniniwalaan mo.

1
_____7. Maliban sa Bibliya ito ay binabasa mo upang lalo mong mapaunlad
ang iyong pananampalataya.
_____8. Ito ay karaniwang ginagawa ng pari, pastor o ministro.
_____9. Anumang instrumento ang alam mo ay pwede mong gawin para sa
Panginoon.
____10. Kung mahal mo ang Diyos ito ay gagawin mo rin sa iyong kapwa.

B. TAMA o MALI. Isulat ang Tama kung ito ay nagpapahayag ng katotohanan at Mali
kung ito naman ay salungat sa katotohanan. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.
____ 1. Ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na
inaasam, ang kasagutan sa mga bagay na hindi nakikita.
____ 2. Ang nagsasabing iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa
kanyang kapwa ay sinungaling.
____ 3. Ang pagtulong sa kapwa ay para lang sa mayayaman.
____ 4. Minamahal natin ang ating kapwa kung atin silang nirerespeto.
____ 5. Sabi ng Panginoon kapag hindi tayo nagpatawad ng ating kapwa, hindi
rin Niya tayo patatawarin.

Balikan

PANUTO: Ngayong panahon ng pandemya, ano ang ginagawa mo upang makatulong


sa pagpapabuti ng kalikasan. Lagyan ng tsek ang mga larawan na nagawa
mo na at ekis sa mga larawan na hindi mo pa nagawa. Isulat sa kuwaderno
ang iyong sagot.

2
Mga Pamukaw na tanong: Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ano-anong gulay at halaman ang iyong naitanim? Paano mo ito napakinabangan?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Kung ikaw ay nasa sasakyan, saan mo dapat itapon ang mga balat ng kendi o
biskwit kung walang basurahan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Kung ikaw ay nagtanim, paano mo ginamit ang mga lata o bote para hindi maging
dagdag na basura?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3
4. Bakit kailangang mamuhay ng simple? Ipaliwanag ano ba ang needs o wants?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

5. Ano ang masasabi mo sa pagsasaayos ng Manila Bay na dati ay marumi ngayon


ay isa nang magandang pasyalan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Tuklasin

PANUTO: Basahin at unawain ang kuwento sa ibaba. Sagutin ang mga tanong sa
susunod na pahina batay sa iyong pagkaunawa sa teksto. Isulat ang iyong
mga sagot sa papel.

Ang pamilya ni Mang Kanor ay nakatira sa Camarines Sur at may mga anak
siyang lalaki na sina Ericson, Louie, Allan at Raymart. Ang hanapbuhay niya ay
pag-aalaga ng mga manok at kuneho, habang ang kanyang asawa ay nagtitinda
ng gulay sa palengke. Ngayon, nagkaroon ng problema si Mang Kanor dahil
kulang sila sa pinansyal na pangangailangan para sa pag-aaral ng kanyang mga
anak, hindi niya alam ang gagawin subalit naroon ang pagsusumikap niya na
matustusan ang mga ito. Meron lamang silang isang cellphone na may anim na
facebook account. Naisip niya na i-barter ang kanyang mga manok para sa isang
tablet para magamit sa online class ng mga bata. Ipinost niya iyon sa facebook at
dumagsa ang tulong sa kanila, may nagbigay ng bagong cellphone, tablet, laptop
at isa pang cellphone at pinakabitan pa sila ng internet. Umiyak sa kagalakan si
Mang Kanor dahil may magagamit ng mga gadget ang mga bata. Ito ay hango sa
balita noong Setyembre 2020, GMA news 24 oras, ito ay hindi nila tunay na mga
pangalan.)

4
Mga tanong: Isulat ang sagot s iyong kuwaderno.

1. Ano ang masasabi mo sa mga taong tumulong kila Mang Kanor? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, hadlang ba ang kahirapan sa pag-aaral? Bakit?


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Mang Kanor gagawin mo din ba ang kanyang
ginawa? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

4. Magbigay ng pagkakataon sa iyong buhay na ikaw ay tumulong o ikaw ang


tinulungan. Ano ang iyong naramdaman? Bakit?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Suriin

PAKIKIPAG-UGNAYAN SA DIYOS
AT PAGMAMAHAL SA KAPWA

Paano ka nakikipag-ugnayan sa mga taong


nakapaligid sa iyo o sa ibang tao? Mula sa
pagmamahal ay nagbabahagi ang tao ng
kanyang sarili sa iba. Naipakikita nya ang
kanyang pagiging kapwa. Sa oras na magawa ito
ng tao, masasalamin sa kanya ang pagmamahal
niya sa Diyos dahil naibabahagi niya ang
kanyang buong pagkatao, talino, yaman at oras
nang buo at walang pasubali. Ito rin ang
makasasagot ng dahilan ng kanyang pag-iral sa
mundong ito.

Sa pagmamahal nabubuo ang iyong maganda at


malalim na ugnayan sa taong iyong minamahal.
Sa ugnayang ito nagkakaroon ng pagkakataon
ang dalawang tao na magkausap, magkita at
magkakilala.

5
Paghahanap ng kahulugan ng buhay

Sa paglalakbay ay kailangan ng tao


ang makakasama upang maging magaan ang
kanyang paglalakbay. Una, paglalakbay
kasama ang kapwa at ikalawa, paglalakbay
kasama ang Diyos. Ngunit tandaan, hindi sa
lahat ng oras ay magiging banayad ang
paglalakbay, maaaring maraming beses na
madapa, maligaw, mahirapan o masaktan;
ngunit ang mahalaga huwag bibitiw o lalayo
sa iyong mga kasama

Hindi maaaring paghiwalayin ang paglalakbay kasama ang kapwa at ang


paglalakbay kasama ang Diyos dahil makikita ng tao sa mga ito ang kahulugan ng
kanyang buhay. Sa kanyang patuloy na paglalakbay sa mundong ito, siguradong
matatagpuan niya ang kanyang hinahanap.

Ang bawat isa sa atin ay may personal na misyon sa buhay. May magandang plano ang
Diyos sa tao. Nais ng Diyos na maranasan ng tao ang kahulugan at kabuluhan ng buhay,
ang mabuhay nang maligaya at maginhawa. Bago ang lahat, kailangan na maging
malinaw sa kanya na hindi ang mga bagay na materyal katulad ng cellphone, gadget,
laptop , mamahaling kotse, malaking bahay at iba pa ang makapagbibigay ng tunay na
kaligayahan at kaginhawaan, kundi ang paghahanap sa Diyos na siyang pinagmumulan
ng lahat ng biyaya at pagpapala.

Espiritwalidad at Pananampalataya
Daan sa Pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapwa

Ang tao ang pinaka espesyal sa lahat ng nilikha dahil hindi lamang katawan ang
ibinigay sa kanya ng Diyos kundi pinagkalooban din siya ng espiritu na
nakapagbubukod tangi at nagpapakawangis sa kanya sa Diyos, ngunit ang
nagpapakatao sa tao ay ang kanyang espiritu ang kinaroroonan ng persona. Ang
espiritwalidad ng tao ay galing sa kanyang pagkatao. Ito ay lalong lumalalim kung
isinasabuhay niya ang kanyang pagiging kalarawan ng Diyos at kung paano niya
minamahal ang kanyang kapwa. Kaya’t ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang
pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapwa at ang pagtugon sa tawag ng Diyos. Ang
espiritwalidad ay magkakaroon ng sariling diwa kung ang espiritu ng tao ay
sumasailalim sa kaibuturan ng kaniyang buhay kasama ang kilos, damdamin at
kaisipan. Kaya’t anoman ang relihiyon ng isang tao, ang espiritwadlidad ang
pinakarurok na punto kung saan niya nakakatagpo ang Diyos.

Ang pananampalataya ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong


malayang pasya na alamin at tanggapin ang katotohanan ng presensya ng Diyos sa
kanyang buhay at pagkatao. Sa pananampalataya, naniniwala at umaasa ang tao sa
mga bagay na hindi nakikita. Ayon sa Hebreo 11:1 ‘’ Ang pananampalataya ang siyang
kapanatagan sa mga bagay na hindi nakikita’’. Ibig sabihin, magiging panatag ang tao
dahil sya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos kahit pa hindi niya ito nakikita.

6
Ang pananampalataya tulad ng pagmamahal ay dapat ipakita sa gawa. Ito ay
pagsasabuhay ng tao sa kaniyang pinaniniwalaan. Ang pananampalataya ay hindi
maaaring lumayo kung hindi isinasabuhay para sa kaniyang pananampalataya sa
Diyos sa pamamagitan ng aktuwal na pagsasabuhay nito, ayon kay Apostol Santiago
sa (Santiago 2:20) Ang pananampalatayang walang kahalong gawa ay patay.

Naipahahayag ang pananampalataya ng tao kahit ano pa man ang kanyang


relihiyon maging kristiyano, Islam, Buddhismo, Iglesia ni Kristo, Born- Again, Jehovah,
Mormons at iba pa.

Ano man ang relihiyon natin mahalaga na ating tandaan ang gintong aral
“Huwag mong gawin sa iba, ang ayaw mong gawin sa iyo” Maaaring iba’t iba ang
relihiyon at pamamaraan ng pagsasabuhay ng pananampalataya, mahalagang igalang
at irespeto natin ang bawat isa. Ang pananampalataya ay dapat ding alagaan upang
mapanatili ang ningas nito. Narito ang ilan sa mga dapat gawin upang mapangalagaan
ang ugnayan ng tao sa Diyos:

1. Panalangin
Ito ang pakikipag-usap natin sa Diyos, maaari
nating sabihin ano man ang ating nararamdaman,
tayo ay nagpupuri, nagpapasalamat at humihingi ng
tawad sa mga kasalanan na ating nagagawa.

2. Pananahimik o Pagninilay
Ito ay napakahalaga sa ating buhay, ito ay
nakatutulong upang makapag-isip at magnilay.
Mula rito ay mauunawaan ng tao ang tunay na
mensahe ng Diyos.

3. Pagsisimba o Pagsamba
Ano man ang pinaniniwalaan ng tao, mahalaga ang pagsisimba o
pagsamba saan man siya kaanib na relihiyon. Ito ang makatutulong sa tao
upang makarinig ng salita ng Diyos.

4. Pag-aaral ng salita ng Diyos


Upang lubos na makilala ng tao ang Diyos,
nararapat na basahin ang Bibliya. Ito ang magsisilbing
gabay natin sa araw-araw.

5. Pagmamahal sa kapwa
Sabi sa Bibliya mahalin mo ang iyong kapwa gaya
ng pagmamahal mo sa iyong sarili. Hindi masasabi na
maganda ang ugnayan ng tao sa Diyos kung hindi
maganda ang ugnayan niya sa kanyang kapwa.

6. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa Diyos


Malaki ang naitutulong ng pagbabasa ng mga
babasahin na may kinalaman sa espiritwalidad. Ito ay
nakatutulong sa paglago at pagpapalalim ng
pananampalataya ng isang tao.

7
Ang pagmamahal sa Diyos at kapwa
Ang Tunay na Pananampalataya

Paano ba natin minamahal ang Diyos at ang ating kapwa? Pamilyar ka ba sa


dalawang pinaka mahalagang utos? Ito ay matatagpuan sa Bibliya sa Mark 12:30
“Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, kaluluwa, isip at lakas” at
sa Mark 12:31 “Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa sarili”. Sa 1
Juan 4:20 “Kung sinasabi natin na mahal natin ang Diyos pero galit naman tayo sa
kapatid natin, mga sinungaling tayo, kasi paano natin mamahalin ang Diyos na hindi
natin nakikita, kung yung kapatid na nakikita natin ay hindi natin kayang mahalin”.

Masasabi lamang ng tao na siya ay nagmamahal sa Diyos kung nagmamahal


siya sa kapwa niya. Gaya halimbawa ng mga taong tumutulong sa kanilang kapwa sa
panahon ng pandemya.

1. Be a BIDA para sa eskwela with your every kwarenta


Ang grupo ng mga kabataan ay nangalap ng P40.00 (apatnapung piso)
at nakaipon sila ng P400.000 na ipinambili nila ng school supplies at
ipinamigay sa mga paaralan.

2. Hungry Syrian Wanderer


Binigyan ng tulong ang nagtitinda ng ice cream.
Binigyan ng tulong ang nagtitinda ng siomai.
Binigyan ng tulong ang Junk Vendor.
Binigyan ng tulong ang tatay na nagtitinda ng itlog.
Binigyan ng relief goods ang mga kapitbahay niya.

3. Mother Teresa
Isang madre mula sa Calculta India. Tinulungan at inalagaan ang mga
pulubi, may sugat, ulila, matatandang may sakit, nagsakripisyo siya at
minahal ang mga taong ito ng walang kapalit, ginawa niya ito dahil sa
pagmamahal niya sa Diyos.

Apat na uri ng pagmamahal ayon kay C.S. Lewis

1. Affection - Ito ang pagmamahal o pagmamahalan bilang magkakapatid,


lalo na sa mga kapamilya o maaaring sa ibang tao na
nakapalagayan mo ng loob.

2. Phileo - Ito ay pagmamahalan ng magkakaibigan. Mayroon silang iisang


tunguhin o nilalayon na kung saan sila ay magkakaugnay.

3. Eros - Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao.


Halimbawa; mahal mo siya dahil siya ay mabait.

4. Agape- Ito ay pinaka mataas na uri ng pagmamahal. Ito ay pagmamahal


ng Diyos sa atin, sa kabila ng ating kasalanan at pagkukulang
patuloy Niya tayong pinatatawad. Siya ay namatay para sa ating
kasalanan.

8
PANUTO: Suriin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan: Isulat sa kuwaderno
ang iyong sagot.

1. Ano ang ibig sabihin ng pananampalataya? Ipaliwanag.


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Ano ang ibig sabihin ng espiritwalidad? Ipaliwanag.


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Paano ipinakita ni Mother Teresa ang kanyang pagmamahal sa kapwa at sa


Diyos?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

4. Para sa iyo, paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa iyong kapwa at


sa Diyos? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

5. Paano mo mapauunlad ang iyong Pananampalataya? Ipaliwanag.


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Pagyamanin

Pang-isahang Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap at hanapin sa
kahon ang wastong sagot. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.

A. Espiritwalidad D. Affection
B. Eros E. Agape
C. Phileo

____1. Ito ang pinaka mataas na uri ng pagmamahal, ito ang pagsasakripisyo ni
Hesus kung kaya’t namatay Siya sa krus para sa kapatawaran ng ating mga
kasalanan.
____2. Ito ang ating personal na koneksyon sa Diyos.

9
____3. Ito ang tinatawag na pagmamahal sa ating kapatid, kapamilya o ibang tao na
itinuring mong parang tunay na kapatid.
____4. Ito ang pagmamahal ng magkakaibigan.
____5. Ito ang pagmamahal sa ibang tao.

Pang-isahang Pagtataya 1
PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang. Gawin ito sa kuwaderno.
____1. Ito ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon
na malaman at tanggapin ang katotohanan sa pagkatao.
A. Pananampalataya
B. Espiritwalidad
C. Pag-ibig
D. Panalangin

____2. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi ng tunay na diwa ng espiritwalidad.


A. Pagbabasa ng salita ng Diyos o Bibliya.
B. Ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapwa at pagtugon sa
tawag ng Diyos.
C. Manalangin sa araw araw.
D. Nagsisimba tuwing lingo.

____3. Sa sinasabi sa Hebreo 11:1 na “Ang pananampalataya ang siyang


kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang kasiguraduhan sa mga bagay na
hindi nakikita” Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama ukol dito?
A. Panatag ang tao dahil iniibig siya ng Diyos.
B. Panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos.
C. Panatag ang tao dahil alam niya na hindi siya pababayaan ng Diyos.
D. Panatag ang tao dahil siya ay umaasa sa pagmamahal ng Diyos.

____4. Tuwing lingo ay nagsisimba si Mang Ronald, nagdarasal at nagbabasa siya ng


Bibliya, pero nandadaya naman siya sa kanyang mga panindang prutas, kulang
ng isang guhit ang timbang kaya malaki ang kanyang kita. Nagsasabuhay ba si
Mang Ronald ng kanyang pananampalataya?
A. Oo, dahil konti lang naman ang kulang sa timbang.
B. Oo, dahil nalulugod ang Diyos sa kanya dahil siya ay palasimba.
C. Hindi, dahil siya ay mandaraya.
D. Hindi, dahil nababalewala ang kanyang ugnayan sa Diyos kung siya
ay nanlalamang sa kanyang kapwa.

____5. Si Glenda ay maraming pagsubok sa buhay, ang kanyang nanay ay nasa


ospital dahil nagpositibo sa corona virus, ang kanya namang tatay ay nawalan
ng trabaho, dahil dito ay lubos siyang nahihirapan. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Sisihin ang Diyos sa mabigat niyang problema.
B. Magkukulong sa kwarto at iiyak na lang.
C. Manalangin at magtiwala sa Diyos na gabayan siya at bigyan ng
karunungan upang malaman ang gagawing solusyon sa problema.
D. Manalangin at tumulala na lang.

10
Pang-isahang Gawain 2
PANUTO: Ibigay ang mga hinihinging sagot ng mga pahayag sa bawat kahon.
Isulat ito sa iyong kuwaderno.

3 bagay para mapaunlad


ang ugnayan sa Diyos

2 uri ng
pagmamahal

1.___________________

2.___________________
1. _______________________

3.___________________ 2. _______________________

Pang-isahang Pagtataya 2
PANUTO: Basahin at unawain ang ipinapahayag ng bawat pangungusap.Iguhit ang
masayang mukha , . Kung hindi naman ay malungkot na mukha . Gawin ito sa
iyong kuwaderno.

______ 1. Ako ay masaya tuwing nagbibigay ng tulong sa aking kapwa.


______ 2. Idinadalangin ko ang kagalingan ng mga taong nagkasakit ng corona virus.
______ 3. Wala akong pakialam sa mga taong nasalanta ng bagyo.
______ 4. Hindi ko inaalagaan ang lola ko na matanda na.
______ 5. Inaalagaan at pinakakain ko ang mga alaga naming aso.
______6. Nagbibigay ako ng mga babasahin tungkol sa Diyos sa mga taong walang
pagkakilala sa Kanya.

11
Pang-isahang Gawain 3
PANUTO: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba at isulat ang Sumasang-ayon
kung sila ay nararapat na tulungan at Hindi Sumasang-ayon kung hindi.
Gawin ito sa iyong kwaderno.
_____1. Mga drayber na nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya.
_____2. Mga taong may mga negosyo.
_____3. Mga matatanda na walang mga anak na nagsusustento sa kanila.
_____4. Mga OFW na pinauwi dahil sa lockdown.
_____5. Mga tindera sa palengke na natigil sa pagtitinda sa panahon ng
pandemya.

Pang-isahang Pagtataya 3
PANUTO: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat ang MK kung may
katotohanan at WK kung sa palagay mo ay wala. Gawin ito sa iyong
kwaderno.
_____1. Ang Diyos ay mabuti at mahabagin sa lahat ng tao kung tayo lamang
ay lalapit at hihingi ng tawad sa ating mga kasalanan.

_____2. Pinahihintulutan ng Panginoon ang mga pagsubok sa ating buhay


upang tayo ay maging matatag sa ating pananampalataya.

_____3. Hindi na kailangang manalangin, bahala na ang Diyos sa akin.


_____4. Tayo ay pinagpapala ng Diyos para maging pagpapala sa iba.
_____5. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Isaisip

Ngayon ay nabatid mo na ang kahalagahan ng espiritwalidad at


pananampalataya sa iyong buhay. Ito ang iyong magiging sandata sa oras ng
problema at pagsubok. Ito rin ay nagpapalalim ng iyong ugnayan sa Diyos

PANUTO: Basahin ang sitwasyon at ibigay kung ano ang iyong gagawin. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

Mga Sitwasyon Ang aking gagawin

1. Dahil sa pandemya, ang iyong kapitbahay ay nawalan ng


trabaho, wala silang pambili ng pagkain, kung tutulungan
mo at bibigyan ng pagkain, ikaw naman at ang pamilya
mo ang mababawasan ng pagkain, tutulungan mo ba sila?

12
2. Maraming buwan na ang lumipas dahil sa pandemya kung
kaya bagot na bagot ka na
sa bahay. Gusto mong pumunta sa mall para kumain at
mamasyal. Ano ang dapat mong gawin para payagan
kang makapasok sa loob ng SM ?

3. Naaksidente ang kapitbahay mo at nasa ospital sila,


habang naiwan ang kanilang anak na edad 10 sa kanilang
bahay, pinakiusapan kang samahan ang kanilang anak sa
bahay. Alam mong makulit ang bata at iniisip mo na baka
hindi ka makatulog sa kanilang bahay. Ano ang gagawin
mo?

Isagawa
PANUTO: Paano mo sisimulan ang pagpapaunlad ng iyong pananampalataya at
espiritwalidad? Gumawa ng isang “Personal Daily Log,” sa buong isang
linggo ay itala rito ang iyong mga ginawa para sa Diyos at para sa
kapwa. Ipakita at ipabasa sa magulang. Pasulatan ng komento at lagda.
Gawin ito sa sagutang papel.

Mga Araw Ugnayan Ugnayan Mga Patunay Komento at Lagda ng


Sa Diyos Sa kapwa magulang

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Linggo

Lagda: ___________________

13
Tayahin

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan at sagutin nang


buong husay at tama. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel.
A. TAMA o MALI. Para sa bilang 1-10 isulat ang Tama kung ito ay nagpapahayag ng
katotohanan at Mali kung ito ay salungat sa katotohanan.

_______1. Ang Diyos ay mapagmahal at mahabagin sa lahat ng lumalapit at


nagpapakumbaba at humihingi ng tawad sa Kanya.
_______2.Ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na
inaasam,ang kasagutan sa mga bagay na hindi nakikita.
_______3. Ang nagsasabing iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa
kanyang kapwa ay sinungaling.
_______4. Ang pagtulong sa kapwa ay para lang sa mayayaman.
_______5. Maipapakita mo lang ang iyong pagmamahal sa kapwa kung wala kang
hinihintay na kapalit.
_______6. Ang phileo ay pinakamataas at pinakamahalagang uri ng pagmamahal.
_______7.Minamahal natin ang ating kapwa kung atin silang inirerespeto o ginagalang.
_______8.Binigyan tayo ng Diyos ng anim na araw para gumawa ng ating mga
responsibilidad subalit ang ika- pitong araw ay para sa Kanya, dapat tayong
sumamba o sumimba.
_______9.Di tayo dapat sumuko o mawalan ng pag-asa ngayong pandemya, ang
Diyos ang mag-iingat sa atin pag tayo ay nagtiwala sa Kanya.
_______10.Sabi ng Panginoon kapag hindi tayo nagpatawad ng ating kapwa, di rin
Niya tayo patatawarin.

B. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ang tamang letra sa sagutang papel.

A. Pananalangin B. Pagtulong sa kapwa C. Pagbabasa ng Bibliya


D. Pagninilay/Pananahimik E. Pagmamahal sa Kapwa

______ 1. Ito ang pakikipag-usap natin sa Diyos.


______2. Pinag-iisipan mo kung ano ang mensahe ng Diyos bakit nagkaroon
ng pandemya.
______ 3. Nagbigay ka ng relief goods sa mga nangangailangan lalo sa mga
nawalan ng trabaho.
______ 4. Kung mahal mo ang Diyos ito ay gagawin mo rin sa iyong kapwa.
______ 5. Binabasa mo ito dahil ito ang magiging direksyon mo sa buhay.

14
Karagdagang Gawain
PANUTO: Gumawa ng isang linggong Journal. Isulat sa maliit na notebook at
palagdaan sa magulang. Magbasa ng Bibliya at isulat ang book, chapter at
verse, ipaliwanag kung ano ang mensahe o ano ang iyong naintindihan sa mga
talatang binasa.

My Journal

Mga Araw/Petsa Book from the Bible Ano ang iyong naintindihan?
Ipaliwanag

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Linggo

15
Rubric sa Pagsasabuhay

3 puntos 5 puntos 10 puntos

1. Nakapagsulat ng Nakapagtala ng kanyang Nakapagpaliwanag nang


binasang talata mula binasa mula sa Bibliya. maayos ayon sa kanyang
sa Bibliya. binasa mula sa Bibliya.

2. Nakapagtala ng mga Nakapagbasa at Nakatulong sa kapwa sa


mabubuting gawain nakapagsulat ng talata pamamagitan ng pagbibigay ng
sa Diyos at sa mula sa binasang Bibliya. pagkain sa mga naapektuhan
kapwa. ng baha.

3. Nakapagpakita ng Nagbasa at nagsulat ng Laging nananalangin para sa


patunay sa mga binasa mula sa bibliya. kagalingan ng mga
ginawa. naapektuhan o nagkasakit na
mga kapitbahay.

Binabati kita sa iyong pagsusumikap na


makilala ang Diyos at mapalalim ang iyong
ugnayan sa Kaniya. Nawa’y ipagpatuloy mo
ito lalo na sa paglutas mo sa mga problema
sa buhay.

16
17
Subukin natin:
1. C 6. E 1. Tama
2. D 7. G 2. Tama
3. A 8. I 3. Mali
4. J 9. H 4. Tama
5. B 10. F 5. Tama
.
Pagyamanin:
Pang-isahang Gawain 1 Pang-isahang Pagtataya 1
1. E 1.A
2. A 2.B
3. D 3. C
4. C 4. D
5. B 5. C
Pang-isahang Gawain 2 Pang-isahang Pagtataya 2
1. Panalangin 1.
2. Pagbabasa ng Bibliya 2.
3. Pagsimba/Pagsamba 3.
4.
1. Agape 5.
2.Affection
Pang-isahang Gawain 3 Pang-isahang Pagtataya 3
1. Sumasang-ayon 1. MK
2. Hindi Sumasang-ayon 2. MK
3. Sumasang-ayon 3. WK
4. Sumasang-ayon 4. MK
5. Sumasang-ayon 5. MK
Tayahin Natin
A. B.
1. Tama 6. Mali 1. A
2. Tama 7. Tama 2. D
3. Tama 8. Tama 3. B
4. Mali 9. Tama 4. E
5. Tama 10.Tama 5. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 10. Hobart E. Freeman, ThD The Biblical Definition of


Faith.Retrieved from: http://thegloryland.com/index.ph.Bible (Magandang Balita)

Deped Bureau of Secondary Education Curriculum Development Division,


Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon
(2012) pahina 112 -113 DepEd Complex Meralco Avenue Pasig City
Philippines

Department of Education, Curriculum and Instruction Strand, Most Essential Learning


Competencies

18
1

You might also like