1 Filipino 10 - Q4 - W2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

MODULES IN

GRADE 10
QUARTER 4 – WEEK 2
MODULE CODE: PASAY-FIL10-Q4-W2-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 10
Ikaapat na Markahan/Ikalawang Linggo/ Unang Araw

Layunin: Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El Filibusterismo


(F10PS-Iva-b-85)

ARALIN SA ARAW NA ITO:


Pagsasalaysay ng magkakaugnay na pangyayari sa pagkakasulat ng El Filibusterismo

Panimula:
Pagsasalaysay • Ito ang genreng naratib na madalas gamitin. Ang salitang ugat nito
ay salaysay o Kuwento. Layunin ng ganitong pamamaraan ang ipabatid ang mga
pangyayaring may kaugnayan mula sa pananaw ng nagsasalaysay. Binibigyang diin dito ang
ugnayan ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Mga Uri ng Salaysay


. Salaysay na Batay sa Katotohanan - kabilang dito ang mga akdang pangkasaysayan
kung saan ang mga datos at tala ay hango sa mga totoong pangyayari. Itinuturing na
objektib ang ganitong uri.
• Salaysay na Likhang-isip Bagama't taglay nito ang isang paniniwalang universal, ang
mga pangyayari at sikwens ay piksyunal o bunga lamang ng isang malikhain at mayamang
hiraya.

Elemento ng Mabisang Salaysay

• Panahon May tiyak na panahon ng pinagkaganapan ng mga pangyayari. Ito ang


nagpapatibay ng daloy ng mga pangyayari.
• Kahulugan Ito ang diwa ng salaysay. Dito nagmumula ang mga motibasyon at aksyon ng
mga kasangkot.
• Kaayusan Ang bumubuo sa kasiningan at pagkaepiktibo ng salaysay. Ang hindi paikut-
ikot at patalun-talong pagkakaayos ng mga pangyayari ang nagpapadali sa kabatiran.
• . Dayalogo Ang tuluy-tuloy na pagsisiwalat ng mga pangyayari ay nigiging kabagut-bagot
kaya't isinisingit ang mga salitaan o usapan upang magkabuhay ang pagsasalaysay.
• Pananaw Ito ang bahaging sumasagot sa tanong na, "Sino ang nagsasalaysay?" at "Ano
ang kaugnayan niya rito?" Tatlo ang punto de vista ng tagapagsalaysay:

Punto de Vista o Pananaw ng Tagapagsalaysay:


• Unang Panauhan Ang nagsasalaysay o ang gumaganap sa kilos ng pagsasalaysay.
Kadalasang ginagamit ang salitang "AKO".
• Ikalawang Panauhan Isang tagamasid na may limitadong akses ang nagsasalaysay.
Tinutukoy niya ang mga pangyayari batay sa nasaksihan.
• Ikatlong Panauhan Kinikilala rin ito bilang "Omniscient Point of View" sapagkat taglay ng
tagapagsalaysay ang kapangyarihang matukoy ang damdamin at iniisip ng mga tauhan sa
kanyang isinasalaysay.

Page 1 of 20
MODULE CODE: PASAY-FIL10-Q4-W2-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

Katangian ng Mabuting Salaysay

• May kaakit-akit na pamagat.


• Mahalaga ang paksang tinatalakay.
• Kawili-wili ang panimula.
• May angkop na utilisasyon ng mga salita.
• Maayos ang ugnayan at pamamaraan ng pagkakabuo ng teksto.

Mga salitang ginagamit upang magsalaysay ng mga pangyayari

Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga pangyayari


ang mga sumussunod na salita: pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati,
isa pa, at gayon din.

https://www.slideshare.net/mikanorinkaye/pagsasalaysay

Subukin mo:

Ngayon batid mo na kung ano ang pagsasalaysay pagsunod-sunorin mo ang mga pangyayari
sa pagkakasulat ng El Fili ayon sa iyong mga nalaman sa nakaraang aralin. Lagyan ng bilang 1-5
ayon sa pagkakasunod-sunod nito.

______ Umuwi sa Pilipinas si Jose Rizal upang alamin ang reaksyon ng mga Pilipino sa Noli at
upang operahan ang mata ng kanyang ina noong 1887

______ Umalis siya ng palihim sa Pilipinas sa pakiusap ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan
noong Pebrero 1888

______ Binago ni Rizal ang banghay(plot) at ilang bahagi ng El Fili matapos ang kanyang mga
karanasan

______ Humingi ng tulong kay Rizal ang mga magsasaka sa Calamba kaugnay sa kanilang uasapin
sa lupa

______ Natigl ang paglimbag sa El Fili dahil sa kakapusan sa pananalapi ni Rizal mabuti na lang at
pinahiram siya ni Valentin Ventura

Page 2 of 20
MODULE CODE: PASAY-FIL10-Q4-W2-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

Basahin at unawain ang talataan. Gawing gabay sa pagsasalaysay ang mga kaalaman na
makukuha mula rito.

Sinimulan ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa harap ng mapapait na karanasan tulad ng


kasawiang dinanas ng kanyang mga kaanak, kaso sa lupa ng mga magsasaka na inilapit sa kanya kasapay
ng pagdinig sa kanyang kaso ukol sa pagpapalimbag ng “makamandag” na nobelang Noli Me Tangere.
Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas niya at ng kanyng pamilya. Bagaman may
mga pagpapalagay na may plano si Rizal para sa ikalwang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring
kinasangkutan niya sa pagbabalik sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng wala pang
anim na buwang pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng “pagpapayaman
sa kanilang mga asyenda, pang-aakit sa mga babae, panggugulo, pagliligpit sa mga kaaway atbp.”

Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay
ng mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga pagbabanta na karamihan ay walang lagda ang
dumarating at ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat na ipinadala
niya kay Blumetritt habang naglalakbay.

“Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa Gobernador Heneral


araw-araw upang ako’y ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga
alkalde na nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok. Totoong
ako’y naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na kasama ng mga lalaki, babae at bata upang damhin
ang kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang tenyente ng guwardiya sibil na marunong
managalog…

Inalok ako ng salapi ng akong mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila ang mga bagay
na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin sapagkat marami akong kaibigan at
kasalamuha na maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may kaunting
karamdaman, ako’y dali-daling nagpaalam sa aking pamilya.”

Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig. Umakyat ang
kaso sa lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang Hukuman ng Espanya. Maraming kamag-
anakan niya ang namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihang mapalibinng sa libingang Katoliko. Sa
gitna ng mga pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga personal at pulitikal na suliranin; nangungulila
siya kay Leonor Rivera at waring walang kasiglahan ang insipirasyong dulot ng paniningalang-pugad kay
Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-kabilang tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere; namatayan siya
ng dalawang kaibigan at mababa ang pagkikilalang iginagawad sa kanya ng mga kasama sa Kilusang
Propaganda. Bukod dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang kanyang
paghihirap sa isang liham na naipadala kay Jose Maria Basa:

“Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila’y nagkakaisa upang maging
mapait ang aking buhay; pinipigilan nila ang aking pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng tustos, at
pagkatapos na gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako… Naisanla ko na ang aking mga
alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga pangkaraniwang restawran upang
makatipid at mailathala ko ang aking aklat. Hindi naglao iyon, ititigil ko kung walang darating sa aking
salapi. A, sasabihin ko sa iyong kung hindi lamang sa iyo, kung hindi lamang ako naniniwalang may mga
mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin ang aking mga kababayan at ang lahat sa demonyo…”

Page 3 of 20
MODULE CODE: PASAY-FIL10-Q4-W2-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

Unang narinig ni Rizal and salitang filibustero na pinaghanguan ng pamagat ng ikalawa niyang
nobela noong siya’y 11 taong gulang pa lamang dahil sa pagbitay sa tatlong paring martir (GOMBURZA)
na napagbintangang kasangkot sa pag-aalsa sa Cavite laban sa pamahalaan. Ang tatlong paring martir ay
kilalang tagasuporta ng sekularisasyon ng mga paring Pilipino. Bagamat hindi napatunayan sa hukuman
sapagkat nilitis na walang abogado sila’y nahatulan ng garote sa Bagumbayan(Luneta) noong Pebrero 17,
1872. Ang pagbanggit sa salitang ito ay ipinagbawal maging sa kanilang tahanan na siyang nagging dahilan
marahil upang matatak at tumimo sa murang isip ni Rizal ang salitang ito.

Ang nasabing nobela ay pampulitika nalalahad dito sa isang malatalaarawang pagsasalaysay ang
mga suliranin ng sistema ng pamahalaan at ang mga kaakibat na problema: problema sa lupa,
pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp. na nagpapadama,
nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan
at karapatan ng bayan.

Paglalahat:
Mahalaga ang kaalaman sa pagsasalaysay bilang paraan ng pagpapahayag. Kailangan ang lohikal
na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang maging malinaw ito at ang mga impormasyon kaugnay
sa mga pangyayari na nakapaloob. Ginagamitan din ito ng mga salitang pang-ugnay na nagpapakita ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Pagtataya:
Isalaysay ang magkakaugnay na pangyayari sa pagkakasulat ng El Filibusterismo batay sa
sumusunod na sitwasyon o pangyayari.

Mga Balakid na Naranasan ni Rizal


sa Pagsulat ng El Filibusterismo

1. ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Page 4 of 20
MODULE CODE: PASAY-FIL10-Q4-W2-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

Mga Hakbang na ginawa ng mga Espanyol


Upang Mapigilan ang Pagsulat, Paglathala, at Pagdating
ng Nobela sa Kamay ng mga Pilipino

4. ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
6. ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Mga Naging Pangyayari


Upang Matagumpay na Matapos ang Nobela

7. ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
8. ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
9. ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Nagbigay Inspirasyon kay Rizal


Upang Isulat ang El Filibusterimo

10. ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Mga Sanggunian:
Pinagyamang Pluma 10
Kayumanggi sa El Filibusterismo
Inihanda ni:
JOSEFINA J. SATIMBRE
Teacher II- Pasay City South High School

Page 5 of 20
MODULE CODE: PASAY-FIL10-Q4-W2-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 10
Ikaapat na Markahan/Ikalawang Linggo/ Ikalawang Araw

Layunin: Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng EL Filibusterismo batay sa ginawang


timeline(F10PU-Iva-b-85)

ARALIN SA ARAW NA ITO:


Pagsulat ng buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo batay sa ginawang
timeline

Tiyak na alam mo na ang kaligirang pangkasaysayan ng nobelang El filibusterismo batay sa mga


nakaraang aralin. Nalaman mo na rin ang kahalagahan ng kaalaman sa pagbuo ng timeline at kung
paano ito nakatutulong upang maipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari tungo sa mas
madaling pag-unawa sa lohikal na pagkakaugnay-ugnay ng mga ito. Ang gawain mo sa pagtatapos ng
araling ito ay makasulat ka ng buod batay sa timeline ng kaligirang pangkasaysayan ng El Fili.

Buod

Buod – ito ang siksik at pinaikling bersiyon ng teksto. Ang teksto ay maaring nakasulat,
pinanood o pinakinggan. Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya o datos.
Mahalaga ang pagtutok sa lohikal at kronolohikal na daloy ng mga ideya ng binuod na teksto.

Pangunahing Katangian ng Pagbubuod

➢ Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa


➢ Hindi inuulit ang mga salita ng may akda bagkus ay gumagamit ng sariling pananalita
➢ Mga ¼ ng teksto o mas maikli pa dito ang buod.

Mga Hakbang sa Pagbubuod

1. Basahin, panoorin o pakinggan muna ang teskto.


2. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood o pinakinggan. Tukuyin ang paksang pangungusap o
pinakatema. Tukuyin ang key words.
3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo ang pinakapunto o tesis.
4. Sulatin ang buod. Tiyakin ang organisasyon ng teksto.
5. Huwag maglagay ng mga detalye, halimbawa at ebidensya.
6. Makakatulong ang signal word o mga salitang nagbibigay-transisyon sa mga ideya gaya ng:
gayunpaman, kung gayon, bilang pangwakas
7. Huwag magsingit ng mga opinyon

https://www.slideshare.net/RochelleNato/pagbuo-pag-uugnay-at-pagbubuod-ng-mga-ideya

Page 6 of 20
MODULE CODE: PASAY-FIL10-Q4-W2-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

Sa pagbubuod ng mga piksyon, tula, kanta at iba pa, maaring gumawa muna ng story map o graphic
organizer upang malinawan ang daloy ng pangyayari. Pagkatapos isulat ang buod sa isang talata kung
saan ilalahad ang pangunahing karakter, ang tunggalian at ang resolusyon ng tunggalian. Halimbawa ng
tekstong maaring ibuod ang -piksyon, di-piksyon, sanaysay, report, artikulo, balita, video,
pangyayari, pulong atbp.

Mga Tanong na Dapat Bigyang Pansin sa Pagbubuod

➢ Ano ang pangunahing paksa ng tekstong ibubuod?


➢ Ano ang mga mahahalagang detalye para sumuporta sa paksa?
➢ Ano ang mga impormasyon na hindi kailangan?

Basahin ang halimbawang buod:

Buod ng El Filibusterismo

Nagsimula ang nobela sa paglalakbay ng bapor Tabo sa Ilog Pasig mula Maynila patungong
Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Lulan sa nasabibg
barko ang mga makapangyarihan at sila ay makikita sa itaas na bahagi ng kubyerta samantalang ang mga
ordinaryong mamamayan ay nasa ilalim naman nito. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang
mamatay si Elias at si Sisa.
Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si Simoun
na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay si
Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun na patayin si Basilio.
Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa
Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral ng
medisina.
Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga estudyanteng Pilipino ay
naghain ng isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang
kahilingang ito ay di napagtibay sapagkat napag-alamang ang mamamahala sa akademyang ito ay mga
prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamamalakad ng
nasabing akademya.
Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa
binabalak niyang paghihimagsik at manggulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng
Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subalit hindi naibunsod ang ganitong gawain dahil sa si Maria
Clara'y namatay na nang hápong yaon.
Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang samâ ng loob ukol sa kabiguang
natamo, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating
binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay
nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng
unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang
pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay
ipinadakip sila at nadamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.
Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala sila, si
Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapamagitan. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni

Page 7 of 20
MODULE CODE: PASAY-FIL10-Q4-W2-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay
siya pang naging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagtalon niya mula sa durungawan ng kumbento.
Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsosyo siya sa negosyo kay Don
Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina
Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya
upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga may matataas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw
na tao sa lunsod.
Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad
siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang ganitong
pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang lampara na may hugis-
granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na
sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na
ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawán ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan
ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok
ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak
at pagkatunaw ng kiyoskong kakanan — at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako
naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang
paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.
Mag-iikapito pa lámang ng gabí ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay
ng pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di
maluluwatan ay sasabog. Ang nanlulumong si Basilio ay susunod sana ngunit namalas niyang dumating si
Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas ngunit di siya pinansin
kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subalit hindi rin napatinag ang
binatang ito.
"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin ng di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob,
ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa."
Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng
bisa ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas siya at nagtago sa bahay
ni Pari Florentino, sa baybáyin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mahuli ng mga alagad ng batas
ang mag-aalahas, uminom siya ng lason upang huwag pahúli nang buháy. Ipinagtapat niya sa pari ang
tunay niyang pagkatao at isinalaysay niya dito ang malungkot na kasaysayan ng kanyang búhay. Mula nang
siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni
Maria Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang Pamahalaan at
makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos na mangumpisal ay namatay si
Simoun.
Sa pagnanais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang
naging kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga buktot na gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa
karagatan ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.

Ngayong tapos mo nang basahin ang halimbawang buod ng El Fili, ito na ang pagkakataon para
gumawa ka ng sarili mong pagbubuod ng kaligirang pangkasaysayan nito.

Page 8 of 20
MODULE CODE: PASAY-FIL10-Q4-W2-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

Paglalahat:

Tandaan na ang buod ay pinaikling bersyon ng orihinal na teksto. Hindi ito dapat na maging mas
mahaba sa orihinal. Sariling salita rin ang ginagamit at isaisip na bagamat ito’y mas maikling bersyon
nagbibigay ito ng malinaw, lohikal, at kronolohikal na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Sa pagbubuod mahalaga na maitala ang mga pangunahing ideya tungkol sa paksa. Ang paggamit
ng timeline bago gawin ang aktuwal na pagbubuod ay makatutulong upang higit na maging maayos ang
buod.

Pagtataya:
Isulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo batay sa timeline. Isulat ang
buod sa nakalaang mga linya. Gawing gabay ang rubrik sa kasunod na pahina.

1891- Hongkong,
ipinadala at
Marso 1891 – nasamsam ang El
1885 - nang Brussels, Filibusterismo
binalangkas ni Belgium natapos Pilipinas, ipinuslit
Rizal ang El ang sulat-kamay at naipasira ng
Filibusterismo na nobelang El pamahalaan ang
Filibusterismo mga
nakumpiskang
nobela

Setyembre 1891-
1890 – London,
Ghent Belgium,
England,
naipalimbag ang
sinimulan ang
sulat-kamay na
pagsulat ng El
nobelang El
Filibusterismo
Filibusterismo

Page 9 of 20
MODULE CODE: PASAY-FIL10-Q4-W2-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Rubrik:

Lohikal at kronolohikal na pagkakasunod-sunod ng pangyayari 5


Gumamit ng wasto at sariling pananalita 5
Kaisahan ng mga ideya 5
Kabuuan 15

Mga Sanggunian:
Pinagyamang Pluma 10
Kayumanggi 10
https://www.facebook.com/207414499807766/posts/buod-ng-el-filibusterismonagsimula-ito-
sa-isang-paglalakbay-ng-bapor-sa-pagitan-/207929473089602/

Inihanda ni:

JOSEFINA J.SATIMBRE
Teacher II – Pasay City South High School

Page 10 of 20
MODULE CODE: PASAY-FIL10-Q4-W2-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 10
Ikaapat na Markahan/ Ikalawang Linggo/ Ikatlong Araw

LAYUNIN: Naitatala ang mahahalagang impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukuhanang


sanggunian.

ARALIN SA ARAW NA ITO:


• Iba’t ibang Sanggunian/Batis ng Impormasyon

PANIMULA:
Mahalagang malaman ng isang mag-aaral kung ano-ano o kung saan-saan makakukuha
ng mga impormasyon o datos para maging komprehensibo at sistematiko ang gagawing
pananaliksik. Mababasa sa ibaba ang kahulugan at mga halimbawa ng iba’t ibang maaaring
pagkunan ng mga impormasyon o datos.
Ang sanggunian o reperensiya ay anumang mapagkukunan ng impormasyon upang
matiyak ang isang bagay. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga reperensiya o batis ng
impormasyon lalo na sa pananaliksik. Dahil dito mahalagang malaman natin ang dalawang
pangkalahatang maaaring pagkunan ng impormasyon – ang primarya at sekundaryang
sanggunian.
Ang primaryang sanggunian ay maaaring isang bagay, pangyayari, o tao na pangunahin
o mismong pinanggalingan ng impormasyon. Ito ay tala ng naganap o nasaksihan sa mismong
oras kung saan naganap ang pangyayari. Sa ibang salita, ito ay galing sa mismong taong
nakasaksi ng pangyayari. Ito ay nauuri sa dalawa: nakasulat at di-nakasulat.
Ang mga nakasulat na primaryang batis ay mga dokumento na naglalaman ng mga ulat ng
kaganapan, tala, opinyon at pananaw ng may-akda.
Ang di-nakasulat ay yaong mga hindi matatagpuan sa anyong pasulat. Ito ay mga bagay
o gamit na naiwan ng isang kaganapan na naging saksi sa mga pangyayari. Ito ay maaaring
ginamit ng mga tao sa isang partikular na panahon at mga ebidensiya ng pag-iral ng isang tao at
pangyayari.
Mababasa sa ibaba ay mga halimabawa ng primaryang sanggunian.

Nakasulat Hindi Nakasulat


• Talaarawan, • Artipakto o Relikya
• Awtobiograpiya • Kasaysayang oral
• Personal na Liham • Larawan at dibuho
• Mga ulat • Mga audio o video recordings
• Mga talumpati • News film footage
• Opisyal na dokumento
• Mga kasunduan
• Panayam o interbyu
• Manuskrito
• Mga malikhaing sulatin gaya ng
nobela, tula, maikling kuwento at
iba pa

Page 11 of 20
MODULE CODE: PASAY-FIL10-Q4-W2-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

Ang sekundaryang sanggunian ay mga impormasyong nakuha mula sa ibang tao o


nagawa matapos maganap ang isang bagay o pangyayari. Ang ganitong uri ng impormasyon ay
maaaring o may kasama nang interpretasyon, komentaryo, o pagsusuri. Ilan sa mga halimbawa
nito ang sumusunod:
• Mga balita, komentaryo sa pahayagan
• Mga sangguniang aklat
• Encyclopedia
• Mga piling artikulo sa Internet
• Pelikula
• Mga Panunuri
• Mga hinuha sa talambuhay
• Mga kuha sa webpages (Internet)
• Mga inilimbag tungkol sa kasaysayan (Historical literary articles)

Mga Sangguniang Ginamit:


Aklat
Marasigan, Emily V. Pinagyamang Pluma 10. Aklat 2. Quezon City, Philippines: Phoenix Publishing House, Inc., 2015.
Baisa-Julian, Ailene G., Nestor S. Lontoc, Carmela Esguerra-Jose, and Alma M. Dayag. Pinagyamang Pluma 7. 2nd ed. Quezon City,
Philippines: Phoenix Publishing House, Inc., 2017.
Guimarie,Aida M., Pinagyamang Wika at Panitikan 8.Batayang Aklat sa Filipino. Quezon City, Philippines:Vibal Group, Inc. 2018
Internet
2021. [online] Available at: https://www.deviantart.com/lupas-deva/art/Scroll-template-167303325 [Accessed 18 May 2021]
http://www.youtube.com/watch?v=xbSaxljl4CE
http://www.youtube.com/watch?v=rAq_OjZl-6k
www.bitmoji.com

Matapos ang ating naging talakayan patungkol sa iba’t ibang uri ng


sanggunian o reperensiya, ngayon ay sasagutin mo ang paunang
Gawain at susubukin natin ang iyong natutuhan sa ating aralin.
Handa ka na ba?

Gawain 1A:
PANUTO: Tukuyin ang mga sumusunod na batis ng impormasyon kung ito ba ay Primaryang
Sanggunian o Sekundaryang Sanggunian. Isulat ang PS kung Primaryang Sanggunian at SS
naman kung Sekundaryang Sanggunian. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

____1. Dokumentaryong pantelebisyon


____2. Panunuring Pampanitikan
____3. Seminar at workshop
____4. Epiko at Alamat
____5. Open Web
Gawain 1B:
PANUTO: Suriin at tukuyin ang batis ng impormasyon. Isulat sa nakalaang patlang ang
letra ng tamang sagot.
_____1. Ito ay impormasyong agad-agad lumalabas at nakukuha mula sa mga search engine
tulad ng Google, Yahoo, at iba pa.
A. Open web C. Sanggunian 1
B. Hidden web D. batis ng impormasyon

Page 12 of 20
MODULE CODE: PASAY-FIL10-Q4-W2-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

_____2. Ito ay tinatawag ding Deep Web o Invisible Web na nagtataglay ng mga hindi naka-html
na dokumento. Para itong isang higanteng aklatang mabubuksan lamang kung ikaw ay konektado
sa Internet at nagtataglay ng mahalagang susi, ang iyong log-in name at password.
A. Open web C. Sanggunian 1
B. Hidden web D. batis ng impormasyon
_____3. Ito ay tumutukoy sa anumang mapagkukunan ng impormasyon upang matiyak ang isang
bagay.
A. Di nakasulat na batis B. Nakasulat sa batis
C. Primaryang sanggunian D. Sanggunian
_____4. Ito ay primaryang batis na naglalaman ng mga ulat ng kaganapan, tala, opinyon o pananaw
ng may-akda.
A. Di nakasulat na batis B. Nakasulat sa batis
C. Primaryang sanggunian D. Sekundarya sanggunian
_____5. Ito ay impormasyong nakuha mula sa ibang tao o nagawa matapos maganap ang isang
bagay o pangyayari.
A. Di nakasulat na batis B. Nakasulat sa batis
C. Primaryang sanggunian D. Sekundarya sanggunian

Binabati kita! Ngayon ay higit mo nang naunawaan ang aralin para sa araw
na ito. Alam kong ikaw ay handa na upang ipagpatuloy ang pagsasagawa ng
iba pang gawain upang mas mapalalim pa ang iyong kaalaman.

GAWAIN 2: ALAMIN NATIN!


Paano ka makakakalap ng mga impormasyon? Halimbawa, paano mo nalaman ang bilang
ng nagkasakit ng COVID 19 sa bansa at sa ibang bansa, o di kaya paano mo nalaman ang mga
pangyayari sa naganap na Miss Universe 2021?
Sa tulong ng iyong natutuhan patungkol sa mga sanggunian o batis ng impormasyon,ikaw ay
pipili ng isang napapanahong paksa at isusulat mo ito sa iyong sulatang papel gamit ang graphic
organizer sa ibaba. Matapos mong pumili ng paksa ay ihahanay mo ang mga impormasyong iyong
nakalap gamit ang dalawang pangkalahatang uri ng sanggunian.

PAKSA:

PRIMARYANG SANGGUNIAN: SEKUNDARYANG SANGGUNIAN:

Page 13 of 20
MODULE CODE: PASAY-FIL10-Q4-W2-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

GAWAIN 3: I-GOOGLE MO!


Mula sa nabasang Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo, ay iyong pag-uugnayin
ang mahahalagang pangyayari sa panahong isinulat ito ni Rizal at sa kasalukuyan. Punan mo ng
mga hinihinging impormasyon ang Horizontal timeline sa ibaba.
Makatutulong sa iyo ang website sa ibaba sa pag-unawa o magtanong sa kasama sa bahay:
http://www.youtube.com/watch?v=xbSaxljl4CE Ilang paglalahad sa detalye ng mga naging
karanasan ni Rizal. I-Witness (Mahiwagang Ngiti ni Rizal)
http://www.youtube.com/watch?v=rAq_OjZl-6k Pluma: Si Rizal, ang dakilang manunulat, Isang
paglalantad ng ilang kaisipan patungkol sa pagiging manunulat ni Rizal at ng kanyang mga
karanasan.
HORIZONTAL TIMELINE

Mahahalagang naganap sa panahong isinulat ang El Filibusterismo

Mahahalagang pangyayari sa kasalukuyan

PAGLALAHAT

• Ang sanggunian o reperensiya ay anomang mapagkukuhanan ng


impormasyon upang matiyak ang isang bagay. Mahalaga ang papel
na ginagampanan ng mga reperensiya o batis ng impormasyon lalo
na sa pananaliksik. Dahil dito mahalagang malaman natin ang
dalawang pangkalahatang maaaring pagkunan ng impormasyon
– ang primarya at sekundaryang sanggunian.
• Ang primaryang sanggunian ay maaaring isang bagay,
pangyayari, o tao na pangunahin o mismong pinanggalingan ng
impormasyon. Ito ay tala ng naganap o nasaksihan sa mismong oras
kung saan naganap ang pangyayari.
• Ang sekundaryang sanggunian ay mga impormasyong nakuha
mula sa ibang tao o nagawa matapos maganap ang isang bagay o
pangyayari.

Page 14 of 20
MODULE CODE: PASAY-FIL10-Q4-W2-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

PAGTATAYA
PANUTO: Gamit ang iyong natutuhan patungkol sa mga batis ng impormasyon o iba’t ibang
reperensiya, ikaw ay magtatala ng mahahalagang pangyayari sa buhay ni Dr. Jose P. Rizal. Matapos
ang iyong pangangalap at pagtatala ay ihanay mo sa ibaba ang mga sangguniang iyong
pinagkuhanan ng impormasyon.

Ginamit na sanggunian o reperensiya:

Pamantayan sa Pagmamarka
Mga Pamantayan 5 4 3 2
Impormasyon Wasto ang mga Mayroong ilan na Mayroong iilan na Marami ang di
impormasyon. di wastong di wastong wastong
impormasyon. impormasyon. impormasyon.
Gramatika/ Wasto ang Mayroong ilan na Mayroong iilan na Marami ang di
Balarilang gramatikang/ di wasto sa di wasto sa wasto sa
balarilang ginamit gramitikang/ gramitikang/ gramitikang/
sa katha. balarilang ginamit balarilang ginamit balarilang ginamit
sa katha. sa katha. sa katha.
Angkop na Angkop ang mga Hindi gaanong Hindi angkop ang
Kaangkupan sa angkop ang mga pangyayari sa angkop ang mga mga pangyayari
Paksa pangyayari sa paksa. pangyayari sa sa paksa.
paksa. paksa.

Inihanda ni:
LORENA N. BALAO
T1, President Corazon “Cory” C. Aquino National HS

Page 15 of 20
MODULE CODE: PASAY-FIL10-Q4-W2-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 10
Ikaapat na Markahan/ Ikalawang Linggo/ Ikaapat Araw

LAYUNIN: Nagagamit ang iba-ibang reperensya/ batis ng impormasyon sa pananaliksik


(F10EP-IIf-33)
ARALIN SA ARAW NA ITO:
• Iba’t ibang Reperensiya/Batis ng Impormasyon sa Pananaliksik

PANIMULA:
Sa nakaraang aralin ay natalakay natin ang iba’t ibang reperensiya o batis ng impormasyon
na maaaring gamitin sa pangangalap ng datos sa isasagawang pananaliksik. Tunay ngang
mahalaga na malaman ng isang mag-aaral kung ano-ano o kung saan-saan makakukuha ng mga
impormasyon o datos para maging komprehensibo at sistematiko ang gagawing pananaliksik.
Sa nakaraang aralin ay natalakay natin ang iba’t ibang reperensiya o batis ng impormasyon
na maaaring gamitin sa pangangalap ng datos sa isasagawang pananaliksik.
Sa ating aralin sa araw na ito ay tatalakayin natin ang kahulugan at ang mga kinakilangang
tandan at isaalang-alang na hakbang sa pagsasagawa ng isang pananaliksik.
Alam mo ba…
Ang pananaliksik ay ang sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon
hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Ayon naman kay Manuel at Medel ang pananaliksik ay
proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na
suliranin sa siyentipikong paraan.
Sa pagsasagawa ng isang pananaliksik, kailangang isaalang-alang ang sumusunod na
hakbang.
1. Pag-alam o Pagpili ng Paksa
Kung walang tiyak na paksang sasaliksikin siguraduhing ang pipiliing paksa ay
naaayon sa iyong interes. May mga materyales na mapagkukunan, at yaong mayroon kang
malawak na kaalaman.
2. Paglalahad ng layunin
Isa-isahin ang iyong dahilan o layunin kung bakit nais isagawa ang pananaliksik.
3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi:
Ito ay talaan ng iba't ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report,
peryodiko, magasin, at iba pang nalathalang materyal. Maaari ring gamitin ang internet
subalit maging maingat at suriing mabuti ang mga talang makukuha dito sapagkat maraming
impormasyong mula rito ang kaduda-duda o walang katotohanan.
4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
Makatutulong ito upang mas mabilis ang pananaliksik dahil ito ang magbibigay ng
direksiyon at magsisilbing patnubay mo sa pagbabasa at pangangalap ng mga tala.
5. Pangangalap ng mga Tala o “Note Taking”
Sa paghahanap ng tala ay iminumungkahi dito ang paggamit ng index card. Hatiin
sa tatlo ang mga talang nakuha lagom, tuwirang sipi, at hawig.
• Lagom-isulat ang tala sa sariling salita nang walang kahulugan o impormasyong
nawawala.
• Tuwirang sipi- kopyahin ang mga salita sa aklat at ipaloob iyon sa panipi.
• Hawig- malayang ipahayag ang tala sa pagbibigay –paliwanag sa sinabi sa orihinal.
6. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas o Final Outline
Sa bahaging ito, planuhin at isiping mabuti ang kabuuan ng pananaliksik na gagawin.

Page 16 of 20
MODULE CODE: PASAY-FIL10-Q4-W2-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

7. Pagsulat ng Borador o Rough Draft


Tuloy-tuloy na isulat ang mga kaisipang dumadaloy sa isip. Huwag munang bigyang-
diin ang mga maling pangungusap.

8. Pagwawasto at Pagrerebisa ng Borador


Sa bahaging ito ay bigyang pansin ang nilalaman at paraan ng pagsulat gayundin ang
baybay, bantas, at wastong gamit ng mga salita.

9. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik


Isulat na ang pinal na pananaliksik batay sa pormat na ibinigay ng guro. Gamitin sa
pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong datos na nakalap.
Isaalang-alang ang tatlong bahagi sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik.
a. Panimula
Tumatalkay ito sa paksang pinag-aralan, kahalagahan ng pag-aaral, at ang layunin
ng pag-aaral.
b. Katawan
Ipinakikita sa bahaging ito ang pagtalakay sa ginawang proseso ng pananaliksiktulad
ng paglikom ng awtentikong datos, instrumenting ginamit sa pagkuha ng mga
impormasyon, at pagsasagawa ng obserbasyon.
c. Wakas
Ipaliwanag sa bahaging ito ang resulta sap ag-aaral at ang kongklusyon sa napiling
paksa.

Mga Sangguniang Ginamit:


Aklat
Marasigan, Emily V. Pinagyamang Pluma 10. Aklat 2. Quezon City, Philippines: Phoenix Publishing House, Inc., 2015.
Baisa-Julian, Ailene G., Nestor S. Lontoc, Carmela Esguerra-Jose, and Alma M. Dayag. Pinagyamang Pluma 7. 2nd ed. Quezon City,
Philippines: Phoenix Publishing House, Inc., 2017.
Guimarie,Aida M., Pinagyamang Wika at Panitikan 8. Batayang Aklat sa Filipino. Quezon City, Philippines:Vibal Group, Inc. 2018

Matapos ang ating naging talakayan patungkol sa


pananaliksik, ngayon ay sasagutin mo ang mga gawaing
susubok sa iyong natutuhan sa ating aralin.
Handa ka na ba?

B. Gawain 1
PANUTO: Gamit ang iyong mga natutuhan sa iba’t ibang reperensiya o batis ng impormasyon,
Ikaw ay magsasaliksik ng mahahalagang nilalaman ng dalawang nobelang sinulat
ni Dr. Jose P. Rizal sa tulong ng graph sa ibaba,

Page 17 of 20
MODULE CODE: PASAY-FIL10-Q4-W2-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

NOLI ME TANGERE EL FILIBUSTERISMO

A. Ibig sabihin sa wikang


Filipino

B. Pinag-alayan

C. Pook na pinaglimbagan

D. Bilang ng kabanata

E. Taong tumulong upang


mapalimbag

GAWAIN 2
PANUTO: Tukuyin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagsasagawa ng
isang pananaliksik. Lagyan lamang ng bilang 1-9 ang patlang bago ang bilang.
______ Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik

______ Pag-alam o pagpili ng mga paksa

______ Paglalahad ng Layunin

______ Pangangalap ng mga tala o “note taking”

______ Paghahanda ng Iniwastong Balangkas o Final Outline

______ Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador

______ Paghahanda ng Tentatibong Balangkas

______ Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi

______ Pagsulat ng Borador o Rough Draft

Binabati kita! Ngayon ay higit mo nang naunawaan ang aralin para sa araw
na ito. Alam kong ikaw ay handa na upang ipagpatuloy ang pagsasagawa ng
iba pang gawain na higit pang magpapalalim ng iyong kaalaman.

Page 18 of 20
MODULE CODE: PASAY-FIL10-Q4-W2-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

GAWAIN 3:
PANUTO: Maliban sa mga nakatalang impormasyon na iyong nabasa sa nakalipas na aralin,
ikaw ay magtatala ng mahahalagang impormasyon mula sa iba’t ibang sanggunian
hinggil karagdagang kaalaman sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo.
Isulat ang mga reperensiyang iyong ginamit sa pananaliksik.

Mga sangguniang ginamit:

Pamantayan sa Pagmamarka ng Gawain

Mga 5 4 3 2
Pamantayan
Impormasyon Wasto ang mga Mayroong ilan na Mayroong iilan na Marami ang di
impormasyon. di wastong di wastong wastong
impormasyon. impormasyon. impormasyon.
Gramatika/ Wasto ang Mayroong ilan na Mayroong iilan na Marami ang di
Balarilang gramatikang/ di wasto sa di wasto sa wasto sa
balarilang ginamit sa gramitikang/ gramitikang/ gramitikang/
katha. balarilang ginamit balarilang ginamit balarilang
sa katha. sa katha. ginamit sa
katha.
Angkop na angkop Angkop ang mga Hindi gaanong Hindi angkop
Kaangkupan ang mga pangyayari pangyayari sa angkop ang mga ang mga
sa Paksa sa paksa. paksa. pangyayari sa pangyayari sa
paksa. paksa.

Page 19 of 20
MODULE CODE: PASAY-FIL10-Q4-W2-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

C. PAGLALAHAT

✓ Ang pananaliksik ay ang sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon hinggil


sa isang tiyak na paksa o suliranin. Ayon naman kay Manuel at Medel ang pananaliksik ay
proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na
suliranin sa siyentipikong paraan.
✓ Mga hakbang sa pagsasagawa ng isang pananaliksik:
• Pag-alam o Pagpili ng Paksa
• Paglalahad ng layunin
• Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi:
• Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
• Pangangalap ng mga Tala o “Note Taking”
• Paghahanda ng Iniwastong Balangkas o Final Outline
• Pagsulat ng Borador o Rough Draft
• Pagwawasto at Pagrerebisa ng Borador
• Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik

D. PAGTATAYA:
PANUTO: Gamit ang iyong mga natutuhan sa mga reperensiya o mga batis ng impormasyon at
pananaliksik, magsaliksik ka ng mga naging epekto o nagawa ng nobela para sa iba’t
ibang Pilipino sa panahon ng himagsikan. Ilahad sa isang ulat ang iyong mga nasaliksik
kasama ang mga reperensiyang iyong pinagkuhanan at bigyang-diin ang naging papel
ng mga taong nagising ang diwang makabayan sa pamamagitan ng nobela.

Gamiting gabay ang pamantayan sa ibaba para sa iyong gagawin.


Puntos Pamantayan

5 Lubhang napakalinaw ng nilalaman dahil kompleto sa basehan at patunay na


nagmula sa pananaliksik
4 Malinaw nilalaman dahil taglay ang mga basehang mula sa pananaliksik

3 Bahagyang malinaw dahil taglay ang mga basehang mula sa pananaliksik

2 Kulang sa kalinawan ang nilalaman dahil taglay ang mga basehang mula sa
pananaliksik.
1 Nangangailangan pa ng pagsasanay at gabay upang maging malinaw angnilalaman
at taglayin ng binuong gawain ang basehan ng isang pananaliksik.

Inihanda ni:
LORENA N. BALAO
T1, President Corazon “Cory” C. Aquino National HS
Page 20 of 20

You might also like