AP6 SLMs5

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

6

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 2 – MODULE 5
Ang mga Mahahalagang Pangyayari
sa Panahon ng mga Hapon
Alamin
Ang modyul na ito ay nakatuon sa mga mahahalagang pangyayaring naganap sa
Pilipinas sa Panahon ng mga Hapon.

Ang panahon ng mga Hapon ay masasabing isa sa pinakamagulo at madugong panahon


ng ating bansa. Ngunit masasabi rin natin sa isa rin itong parte ng ating kasaysayan na
nagpamalas ng ating pagiging makabayan.

Ngayon ating matutunghayan ang mga pangyayari noong panahon ng mga Hapon.

May apat na araling inihanda para sa iyo upang mapalawak ang iyong kaalaman:
 Ang Pagsiklab ng Digmaan sa Pasipiko
 Labanan sa Bataan
 Death March
 Labanan sa Corregidor

Pagkatapos ng mga aralin sa modyul, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Natatalakay ang mga layunin at mahahalagang pangyayari sa pananakop ng mga


Hapones.

Tuklasin

Ang Dahilan ng Digmaan sa Pasipiko

 Nang sumiklab ang giyera sa Europa, sumali ang Hapon sa Axis Powers sa panig ng
Germany at Italy laban sa Allied Powers kung saan kabilang ang mga bansang USA, Great
Britain, France, at Russia. Nagsimulang magpalawak ng sakop ang Hapon sa Asya.
Sinakop nito ang Tsina, Manchuria, at Indo-Tsinang Pranses.

 Nabahala ang Estados Unidos sa gawaing ito ng Hapon. Nagmungkahi ito ng kapayapaan
sa mga Hapones subalit hindi ito pinansin ng huli. Naging maselan ang relasyon ng Estados
Unidos at Hapon. Sinikap ng dalawang panig na ayusin ang problema sa pamamagitan ng
diplomatikong usapan.

 Noong Disyembre 7, 1941, habang nag-uusap ang kanilang mga kinatawan, binomba ng
Hapon ang Pearl Harbor sa Hawaii. Pinangunahan itong pag-atake ng dalawang tanyag na
Heneral ng Japan, sina Chuichi Nagumo at Isoroku Yamamoto.

 Nagdulot ito ng napakalaking pinsala sa panig ng Estados Unidos. Ang pagsalakay ay


nilayon upang pigilan ang U.S. Pacific Fleet sa panghihimasok sa mga aksiyong militar
ng Imperyo ng Hapon sa Timog Silangang Asya. May sabay na pagsalakay ng mga

1
Hapones sa Pilipinas, at sa Imperyong British sa Malaya, Singapore at Hong Kong. Dahil
dito, pormal na nagdeklara ng digmaan si Pangulong Franklin Roosevelt ng Amerika laban
sa mga Hapones noong Disyembre 8, 1941. Ang pagsalakay na ito ay nagtulak sa Amerika
na pumasok sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Source: LRMDS Portal: EASE Modyul 14 Ang Pilipinas sa Panahon ng Ikalawang Digmaan

Ang Labanan sa Bataan




 Makalipas ang apat na oras, matapos bumagsak sa kamay ng mga Hapones ang Pearl
Harbor, nagsimula namang bombahin noong Disyembre 8, 1941 ang mga base militar ng
Amerika sa Davao, Clark Field, Baguio, Aparri, Nichols Air Base at ang Sangley Point.

 Noong Disyembre 10, narating ng mga Hapones ang Aparri, Cagayan at Vigan, Ilocos Sur.
Dumaong ang mga puwersa ng mga Hapones sa Lingayen, Pangasinan. Unti-unting
sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas.

 Noong Dec.26, upang iligtas sa trahedya ng digmaan ang Maynila, idineklara ito ni Hen.
MacArthur ito bilang OPEN CITY. Iniutos din nito na alisin ang mga kagamitang
pandigma sa Maynila at Ilipat sa Bataan. Ipinag-utos din ni Hen. MacArthur ang pagsanib-
puwersa ng mga Americano at ng mga Pilipino sa Bataan at Corregidor. Kasama sa mga
inilikas ang mga pinuno ng pamahalaang komonwelt

 Sa payo ni pangulong Roosevelt, tumakas si pangulong Quezon at ang kanyang mga


pamilya at gabinete mula sa Corregidor papunta sa Australia. Noong Pebrero 20, 1942,
iniwan niya ang pamamahala ng Pilipinas kay Jose Abad Santos. Mula sa Australia, dinala
siya sa Washington D.C.

 Labag man sa kanyang kalooban, nilikas ni Hen. MacArthur ang Pilipinas papuntang
Australia. Noong Marso 11, 1942, humalili sa kanya bilang pinuno si Jonathan Wainwright.
Pagdating sa Australia, ipinahayag niya ang katagang “I Shall Return”.

 Unti-unting naramdaman ng mga sundalong Amerikano-Pilipino ang lakas ng Japan. Unti-


unti na ring humina ang kanilang puwersa dahil sa mga pag-atake sa kanila ng mga
Hapones. Maliban dito, naging madalang na rin ang pagdating ng mga rasyong pagkain,
gamot at sandata mula Estados Unidos, at patuloy na dumarami ang nagkakasakit at
napipinsala. Dahil dito, wala ng ibang alternatibo kundi ang pagsuko sa mga Hapon.
Isinuko ni Hen. Edward P. King, kumander ng USAFFE sa Bataan, ang mga puwersa nito
kay Hen. Masaharu Homma noong Abril 9,1942. Ang pagbagsak ng Bataan sa araw na ito
ang nagwakas ng lahat ng mga organisasyong oposisyon ng U.S. Army Forces Far East sa
mananakop.

 Ang labanan sa Bataan ay isa sa mga kilalang pangyayari noong panahon ng WWII at
tinuturing na isa sa mga lugar kung saan matindi ang naging labanan ng mga Hapones at
pinaghalong Pilipino-Amerikano-Australyanong mga sundalo.

 Isa ang Bataan sa mga natirang okupadong lugar ng mga Allied Forces sa rehiyon at ang
pagbagsak nito ay nagresulta sa isa sa mga marahas na yugto ng kasaysayan, ang Bataan
2
Death March. Ang mga sumukong sundalo, na tinatayang 30,000 na Pilipino at 10,000 na
Amerikano, ay pinaglakad nang sapilitan ng 150 kilometro mula sa Mariveles, Bataan
hanggang San Fernando, Pampanga. Isinakay sila ng tren patungong Capaz, Tarlac at
muling pinaglakad hanggang Camp O’Donnell.
Source: LRMDS Portal: EASE Modyul 14 Ang Pilipinas sa Panahon ng Ikalawang Digmaan

Death March

 Matapos bumagsak ang Bataan, nang sumuko ang hukbong pinamumunuan ni Hen.
Edward King noong Abril 9, 1942, naganap ang isa sa mga marahas na yugto ng kasaysayan
ng Pilpinas sa araw ding ito, ang Martsa ng Kamatayan sa Bataan, o Bataan Death March.

 Sa pagsukong ginawa ni King kay Heneral Masaharu Homma, ipinaalam niya sa huli na
marami sa kanyang pangkat ang may karamdaman at nagugugutom. Dahil dito,
iminungkahi ni King kay Homma na siya na mismo ang magdadala sa mga sundalo sa
Himpilan ng O'Donnel gamit ang kanilang sasakyang pangmilitar. Ngunit hindi ito
inalintana ni Homma, bagkus ay pinanindigan nito na maging ang mga may kapansanan ay
kinakailangang makilahok sa martsang magaganap patungo sa kampo na siyang
magsisilbing kulungan ng mga bilanggo.

 Ang Death March ay ang sapilitang pagpapalakad sa mahigit kumulang 75,000 bilang-go
ng digmaan (prisoners of war o POW) na binubuo ng mga Pilipino at Amerikano na nadakip
ng mga Hapon sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang pagmartsang ito
ay nag-umpisa sa Mariveles, Bataan patungong San Fernanso, Pampanga (umabot sa 88
kilometro ang layo), hanggang Capas, Tarlac at muling naglakad ng layong 13 kilometro
hanggang matunton ang Himpilang O'Donnell.

 Sa unang yugto pa lamang ng martsa ay marami na ang nangamatay. Ang mga nanghihina
at nabubuwal sa pila ng martsa ay binabayoneta ng mga Hapon, o di kaya’y pinagbabaril.
Ang ilan sa kanila ay inaabuso at malabis na sinasaktan, habang ang iba naman ay
hinahayaan na lamang masagasaan ng mga rumaragasang sasakyang-militar ng mga
Hapones.
 Tumagal ang pagmamartsang ito ng anim na araw. Gutom at uhaw, ang mga bilanggo ay
lalong naghirap at ang kanilang buhay ay higit na nameligro. Minsan din silang binigyan
ng pagkain, ngunit tila hayop silang pinakain ng mga panis na kanin. Nang sapitin nila ang
Capas, Tarlac, animo hayop na iginapos ng mga sundalong Hapon ang mga bilanggo.

 Mahigit kalahati na ang kanilang natatahak nang sila’y ibiyahe sa mga tren. Sa loob ng
masisikip at maiinit na kahon ay marami na naman sa kanila ang namatay. Ang mga
nakaligtas ay muling pinaglakad hanggang sapitin nila ang Himpilan ng O’Donnell.

 Humigit kumulang 10,000 sa mga bilanggo ang namatay,1000 ang Amerikano at 9,000 ang
Pilipino, samantalang ang iba ay matagumpay namang nakatakas at narating ang
kagubatan. Halos 54,000 na lamang ang nakarating sa kanilang piitan.

3
 Tuwing sasapit ang ika-9 ng Abril ay ginugunita ng mga Pilipino ang Bataan Death
March bilang Araw ng Kagitingan o Araw ng Bataan, isang opisyal na pista. Kasama sa
paggunita dito ay ang pag-aalay rin ng bulaklak sa mga bantayog na itinayo bilang pagkilala
sa mga sundalong namatay sa mapagpahirap na pagmamartsa.
Source: LRMDS Portal: EASE Modyul 14 Ang Pilipinas sa Panahon ng Ikalawang Digmaan

Labanan sa Corregidor

 Isang linggong walang tigil na pagbobomba ang ginawa ng mga Hapones sa Corregidor
simula noong Abril 29, 1942. Nagkaroon ng walang tigil na pag-ulan ng mga bala at canyon
noong Mayo 4, 1942. Para sa mga sundalo, ito ang pinakamahirap na araw na kanilang
naranasan. At noong Mayo 5, kahit ibinuhos na ng mga Pilipino at Amerikano ang lahat ng
kanilang makakaya sa pagtatanggol ng Corregidor, sila ay natalo pa rin ng mga Hapones.

 Noong Mayo 6, 1942, isinuko ni Hen. Jonathan Wainwrigth ang Corrigedor sa mga
Hapones. Inutos din nya na sumuko na ang lahat ng puwersa ng USAFFE. Sa pagsuko ng
Corregidor, tuluyan nang napasakamay ng mga Hapones ang buong Pilipinas. Halos 12,000
sundalong Pilipino ang sumuko.

 Ngunit, kahit napasakamay na ng mga Hapones ang buong Pilipinas, talagang matibay ang
hangarin ng mga Pilipino na makamit ang kalayaan. Nagpatuloy ang mga Pilipino sa
paglaban bilang mga gerilya.
Source: LRMDS Portal: EASE Modyul 14 Ang Pilipinas sa Panahon ng Ikalawang Digmaan
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6854

4
Suriin

Gawain A
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Kailan sinalakay at binomba ng Hapones ang Pearl Harbor, ang himpilang pandagat at
panghimpapawid ng United States sa Hawaii?
A. Disyembre 07, 1941 C. Disyembre 09, 1941
B. Disyembre 08, 1941 D. Disyembre 10, 1941
2. Anong taon sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. 1941 B. 1942 C. 1943 D. 1944
3. Anong bansa ang kasama ng Hapon sa Axis Powers?
A. France B. Germany C. Great Britain D. Russia
4. Saan ang dating kampong militar ng Estados Unidos sa Capas, Tarlac ang nagsilbing
kulungan ng mga sundalong nakaligtas sa Martsa ng Kamatayan sa Bataan?
A. Camp O'Donnell C. Camp John Hay
B. Camp Murphy D. Corregidor
5. Sinong heneral ang nagpahina at nagpasuko sa puwersa ng Bataan?
A. Heneral Masaharu Homma C. Heneral Douglas MacArthur
B. Heneral Edward P. King D. Heneral Tomoyuki Yamashita

Gawain B
Panuto: Isulat ang T kung ang pangungusap ay tama. M naman kung ang sinasabi ng
pangungusap ay mali.

_________1. Unang binomba ng mga Hapones ang mga base militar ng mga Amerikano para
mas madaling masakop ang Pilipinas.
_________2. Bagamat idineklarang Open City ang Maynila, hindi pa rin ito nakaligtas sa mga
pambobomba ng mga Hapones.
_________3. Si Jose Abad Santos ang humalili sa pamahalaan nang tumakas si Manuel Quezon
papuntang Australia.
_________4. Ang Abril 9 ay ginugunita bilang Araw ng Kagitingan o Araw ng Bataan.
_________5. Si Heneral Masaharu Homma ang utak sa naganap na Death March.

Gawain C
Panuto: Ang mga bihag sa digmaan ay may mga karapatan ayon sa pinagkasunduan ng mga
bansa. Ang ilan sa ito ay ang sumusunod. Pagkatapos mong basahin, lagyan ng X (ekis) ang
mga karapatan na nalabag ng mga Hapon.

1. May karapatang mabuhay ang mga sumusuko sa labanan.


2. Ang mga sundalong sumusuko ay hindi nararapat patayin sapagkat wala na
silang laban at gupo na sa hirap.
3. Ang mga nasugatan ay binibigyan ng pang-unang lunas.

5
4. Ipaaalam sa kanilang bansa at mga mahal sa buhay ang kanilang
kinaroroonan.
5. Bibigyan ng makataong pagtingin ang mga bihag, pakakainin at bibihisan.

Tayahin

I. Panuto: Isulat ang Tama sa patlang bago ang bilang kung wasto ang ipinapahayag ng
pangungusap at Mali naman kung ang ipinapahayag ay hindi wasto.

__________ 1. Disyembre 7, 1941 sinalakay at binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor.
__________ 2. Ang bansang Germany ang kasama ng Japan sa Axis Powers.
__________ 3. Si Douglas Mc Arthur ang heneral na kilala sa linyang “I shall return”.
_________ _4. Idineklarang Open City ang Manila.
__________ 5. Ang ika-8 ng Abril ay ginugunita bilang Araw ng Kagitingan o Araw ng
Bataan.

II. Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat aytem. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.

Abril 9, 1942 Heneral Douglas MacArthur Pangulong Roosevelt


Bataan Heneral Edward King

__________ 1. Commander ng hukbong sandatahan sa Bataan


__________ 2. Dito nagsimula ang labanan noong Enero 1942.
__________ 3. Pangulo ng US na nag-utos kay MacArthur na magtungo sa Australia.
__________ 4. Ang nangako ng “I shall return”.
__________ 5. Nagwakas ang labanan sa Bataan

6
III. Panuto: Ang sumusunod ay mga mahahalagang pangyayari tungkol sa labanan sa
Corregidor. Gamit ang bilang 1-5, lagyan ng tamang pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari.
Bilang 1 ang pinakaunang naganap at bilang 5 naman ang pinakahuling naganap.
Isulat ang iyong sagot sa arrow.

Simula ng isang linggong walang tigil na


pagbobomba ng mga Hapones sa Corregidor.

Pagbagsak ng Bataan.

Huling araw na ibinuhos na ng mga Pilipino at


Amerikano ang lahat ng kanilang makakaya sa
pagtatanggol ng Corregidor.

Pinakamahirap na araw para sa mga sundalong


Pilipino-Amerikano dahil sa walang tigil na pag-ulan
ng mga bala at canyon.

Pagsuko ni Hen. Jonathan Wainwrigth sa


Corregidor.

7
Sagot ng Pagwawasto sa mga Gawain
B 5.
T 5.
A 4. T 4. X 5.
B 3. T 3. X 4.
A 2. T 2. X 3.
A 1. T 1. X 2.
X 1.

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3

Sanggunian:
A. LRMDS Portal: EASE Modyul 14 Ang Pilipinas sa Panahon ng Ikalawang Digmaan
B. Tanglaw ng Kabihasnan (Aklat sa Sibika at Kultura 6

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cleofe A. Yamat

Tagasuri:

a. Pangdistrito:
Dr. Dominga C. Mercado
Jocelyn M. Magana Rebecca R. Pagarita
Elizabeth U.Obaña May Ann L. Aglosolos
b. Pangdibisyon:
Dr. Marilex A. Tercias Dr. Elizabeth M. Alcaide
Dr. Lea C. Cacayan Dr. Maribel G. Carpio
Teresita S. Roxas Myrna B. Paras
Analisa M. Mulato Geni M. Sarmiento

Tagapamahala: Dr. Danilo C. Sison

Mario S. Cariño Dr. Cornelio R. Aquino


Dr. Jerome S. Paras Dr. Maybelene C. Bautista

8
9
III II I
1. 2 1. Heneral Edward King 1. Tama
2. 1 2. Bataabril 9, 1942. 2. Mali
3. 4 3. Pangulong Roosevelt 3. Tama
4. 3 4. Heneral Douglas Mac Arthur 4. Tama
5. 5 5. Abril 9, 1942 5. Mali
Sagot ng Pagwawasto sa mga Tayahin:

You might also like