Araling Panlipunan 6 4: I. Lesson Title
Araling Panlipunan 6 4: I. Lesson Title
Araling Panlipunan 6 4: I. Lesson Title
LESSON Natatalakay ang mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino na nagbigay-daan sa pagwawakas ng Batas Militar:
TITLE MGA LAYUNIN:
K - Natutukoy ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa pagbuo ng “People Power 1”.
S – Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa pagbuo
ng’’People Power 1”.
A - Nabibigyang halaga ang kontribusyon ng “People Power 1” sa muling pagkamit ng kalayaan at kasarinlan sa
mapayapang paraan.
Learning Area Araling Panlipunan Grade Level 6
W3 Quarter 4 Date
Pangalan
1|Page
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Aquino for President Movement (CAPM) sa pamumuno ni Joaquin “Chino” Roces si Cory ay napapayag na lumaban kay Marcos. Si
Marcos at ang kanyang BisePresidente na si Arturo Tolentino ay nasa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) samantalang
si Cory at ang kanyang Bise-Presidente na si Salvador Laurel ay nasa ilalim ng United Nationalist Democratic Organization (UNIDO).
Sa panahon ng snap election ay pinahihintulutang lumahok sa bilangan ang NAMFREL o National Citizen’s Movement for Free
Elections na pinamumunuan ni Jose Concepcion, isang mangangalakal. Ang himpilan ng NAMFREL ay nasa La Salle Green Hills
samantalang ang COMELEC (Commission on Elections) ang opisyal na namamahala sa bilangan tuwing eleksiyon ay nakahimpil sa
Philippine International Convention Center (PICC). Sa pagbibilang ng boto ay parehong gumamit ng computer ang dalawa, subalit
nakapagtatakang, magkaiba ang itinatalang resulta ng mga ito. Sa bilangan ng COMELEC, nanguna si Marcos ngunit sa NAMFREL
malinaw na nanguna si Cory. Pagsapit ng ikasampu ng gabi noong Pebrero 15, 1986 ang mga taong nagbibilang sa COMELEC na may
hawak ng mga resulta ng boto ay nagwalk-out sa pangunguna ni Linda Kapunan dahil sa umano’y pandaraya. Sa gitna ng kaguluhang ito
sa bilangan ay iprinoklama ng Batasang Pambansa noong ika-16 ng Pebrero 1986 na sina Marcos at Tolentino ang mga nagwagi sa
eleksiyon at may lamang na higit sa limang daang libong boto laban sa mga katunggali nito. Samantala, ayon sa NAMFREL sina Cory
Aquino at Salvador Laurel ang nagsipagwagi sa halos 800,000 boto. Ito ay nagdulot ng malaking insulto sa mga Pilipino sapagkat
hayagang nagkakaroon ng dayaan sa mga oras ng bilangan. Dahil sa resultang ito ay hinikayat ni Cory Aquino ang mamamayang
Pilipino na mag protesta. Isang kampanya nang di pagsunod o civil disobedience ang inilunsad ni Cory upang paralisahin ang rehimeng
Marcos. Bilang reaksiyon sa ginawang proklamasyon ng Batasan ay nagdaos ng isang rali na tinawag na Tagumpay ng Bayan ang
sambayanang Pilipino sa pangunguna nina Cory Aquino at Salvador Laurel sa Luneta Park sa araw ding idineklarang nagwagi sina
Marcos. Naging maalab ang suportang ginawa ng sambayanang Pilipino sa panawagang ito. Ibinoykot ng mga mamamayan ang mga
kalakal at paglilingkod na nagmumula sa mga krony ni Marcos. Hinikayat din ni Cory ang mga mamamayang huwag magbayad ng
buwis, kuryente at tubig, at iboykot ang media na kakampi ng pamahalaan, gayundin ang mga bangko at komersiyal na produktong
katulad ng beer, softdrinks at iba pa. Ang pagpanig ng maraming Pilipino sa kinikilalang tunay na nagwagi sa snap election ay nagpakita
lamang kung paano kinimkim ng sambayanang Pilipino ang kanilang galit sa rehimeng Marcos.
2|Page
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
ng pamahalaang diktatoryal. Noong araw na iyon ay napuno ng kagalakan at pagdiriwang ang sambayanang Pilipino sapagkat sa wakas
ay kanilang naibalik ang tunay na
demokrasya at katarungang matagal na nilang inaasam-asam.
B. Development
Gawain sa Pagkatuto 1:
Panuto: Piliin sa Hanay B ang tinutukoy ng mga pahayag sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot.
HANAY A HANAY B
___1. Ito ang partidong kinabibilangan ni Marcos sa A. NAMFREL
kanyang pagtakbo sa pagkapangulo sa
nangyaring snap election.
___2. Sa kanya nanumpa si Pangulong Corazon B. Ramon Aquino
Aquino bilang pangulo ng bansa.
___3. Siya ang Vice Chief of Staff ng Sandatahang C. Jaime Cardinal Sin
Lakas na tumiwalag sa Administrasyong
Marcos.
___4. Ito ay isang kilusan na kinabibilangan ng mga D. KBL
mamamayan na nagbibigay ng libreng serbisyo
para mabantayan ang mga presinto at maiwasan
ang pandaraya sa halalan.
___5. Siya ang Ministro ng Tanggulang Pambansa na E. Arturo Tolentino
tumiwalag sa Administrasyong Marcos.
___6. Siya ang kumalaban ni Pangulong Marcos sa F. Juan Ponce Enrile
pagkapangulo sa nangyaring snap election.
___7. Sa kanya nanumpa si Pangulong Marcos bilang G. CAPM
diumano nagwaging pangulo sa snap election
___8. Nanawagan siya sa estasyon ng radio sa mga H. EDSA
mamamayan na tulungan sina Enrile at Ramos.
___9. Siya ang naging Bise-Presidente ni Pangulong I. Cory Aquino
Marcos sa nangyaring snap election. J. Fidel V. Ramos
10. Ang lugar kung saan nangyari ang People
Power 1 K. Claudio Teehankee
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa bawat bilang. Tukuyin kung ang isinasaad nito ay tama o mali. Iguhit ang kung
ito ay tama at kung ito ay mali.
______1. Marami ang sumang-ayon kay Marcos nang gamitin niya ang kanyang kapangyarihan sa pagdeklara ng Batas Militar.
______2. Pinahuli at ipinaaresto ni Marcos ang mga piling taong kalaban niya sa politika at komentarista sa radyo at telebisyon na
tumuligsa sa kanya.
______3. Dahil sa lawak ng kapangyarihan ni Marcos, maging ang larangan ng pangangalakal ay kanyang nakontrol.
______4. Maituturing na isang demokratikong bansa ang pamahalaang pinairal ni Marcos noong panahon ng Batas Militar.
______5. Lumaganap ang sistema ng nepotismo sa bansa sa panahon ng paghahari ni Marcos.
______6. Lahat ng mamamayan ay nasiyahan sa pagpapatupad ni Marcos ng Batas Militar sa bansa.
______7. Ang lahat na pangyayari sa panahon ng Batas Militar ay nagdulot ng positibong epekto sa lahat ng mga mamamayang Pilipino.
.
______8. Umiral ang Batas Militar sa bansa nang mahigit walong taon.
______9. Hindi binigyang-pansin ng administrasyong Marcos ang pagpapabuti ng pisikal na kalagayan ng bansa gaya ng pagpapatayo at
pagpapaayos ng mga tulay at lansangan.
______10. Si Marcos ay namuno bilang isang diktador, kung saan, ang ganap na kapangyarihang pamahalaan ng bansa ay nasa kanyang
mga kamay sa tulong ng militar.
C. Engagement
Pakikipagpalihan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga nakatalang pangyayari sa pamamagitan ng
pagsulat ng 1 hanggang 5 sa ibabaw ng linya. Gawin ito sa iyong sagutang kwaderno.
A. Snap Election
______ Nagwalk-out ang mga taong nagbibilang sa COMELEC.
______ Inilunsad ni Cory ang kampanyang civil disobedience.
______ Ipinagpatuloy ng Batasang Pambansa ang pagbibilang ng boto.
______ Lumikom ang CAPM ng isang milyong pirma para makumbinsing tumakbo si Corazon Aquino sa pagkapangulo.
______ Nagdaos si Pangulong Marcos ng isang snap election.
3|Page
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
B. Rebolusyon sa EDSA noong 1986
______ Ipinahayag nina Minister Juan Ponce Enrile at Heneral Fidel Ramos ang kanilang pagbibitiw sa tungkulin.
______ Nanumpa si Aquino bilang pangulo ng bansa.
______ Nanawagan sina Jaime Cardinal Sin at Agapito Aquino na magtungo ang mga tao sa EDSA.
_______Umalis papuntang Hawaii si Marcos kasama ang kanyang pamilya at ilang kaibigan.
_______Nagpadala si Marcos ng mga sundalo at tangke sa EDSA ngunit buong tapang itong sinalubong ng mga mamayan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Panuto: Isulat ang kung ang ipinapahayag nito ay nagsasaad ng pagpapahalaga sa EDSA PEOPLE
POWER 1 sa pagbabalik ng demokrasya sa ating bansa at kung hindi.
_____1. Igalang ang Karapatan ng kapwa.
_____ 2. Tumulong sa mga proyektong magpapaunlad ng bansa.
_____ 3. Samantalahin ang kahinaan ng kapwa.
_____ 4. Kamag-anak lang na kumandidato ang iboto tuwing eleksiyon.
_____ 5. Ipagtanggol ang bansa sa lahat ng oras.
_____ 6. Tangkilikin ang mga produktong galing sa ibang bansa nang higit sa mga gawangPinoy.
_____ 7. Umasa lagi sa tulong ng magulang at mga kamag-anak.
_____ 8. Kunin nang palihim ang mga bagay na gusto mo kahit hindi sa iyo.
_____ 9. Isumbong sa awtoridad ang mga gawaing kahina-hinala na iyong nakita.
_____ 10. Sundin ang mga batas ng pamahalaan.
D. Assimilation
Paglalapat
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at kilalanin kung ano ang tinutukoy nito. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
1. Sa mga araw na ito nangyari ang makasaysayang Rebolusyon sa EDSA.
A. Pebrero 19-22, 1986 C. Pebrero 22-25, 1986
B. Pebrero 16-19, 1986 D. Pebrero 24-27, 1986
4|Page
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
2. Ito ang ahensya ng pamahalaang opisyal na namamahala sa bilangan tuwing eleksiyon.
A. NEM B. CAPM C. NAMFREL D. COMELEC
3. Ito ang partidong kinabibilangan ni Cory noong siya ay kumandidato bilang pangulo ng bansa.
A. UNIDO B. Nacionalista C. Lakas D. Liberal
4. Dito tumungo ang pamilyang Marcos kasama ang kanilang malalapit na kaibigan noong sila ay umalis sa Pilipinas.
A. Australia B. China C. Hawaii D. Singapore
5. Siya ang Bise-Presidente ni Corazon Aquino sa nangyaring Snap Election.
A. Arturo Tolentino C. Fidel Ramos
B. Salvador Laurel D. Jose Conception
6. Siya ang Vice Chief of Staff ng Sandatahang Lakas na tumiwalag sa Administrasyong Marcos.
A. Fidel V. Ramos C. Salvador Laurel
B. Juan Ponce Enrile D. Arturo Tolentino
7. Ito ay nangangahulugang isang mapayapang paraan ng pagtutol sa mga ipinatutupad ng pamahalaan at di pagtangkilik sa mga
serbisyong ibinibigay nito.
A. mapayapang demonstrasyon C. Lakas ng Bayan
B. coup d’etat D. civil disobedience
8. Ito ang uri ng pamahalaang umiral matapos mapabagsak ang rehimeng Marcos.
A. Aristokrasya B. Demokrasya C. Monarkiya D. Awtokrasy
9. Ano ang ginawa ng mg Pilipinong nakiisa sa People Power 1 sa mga sundalong pinadala ni Marcos?
A. Sinalubong nila ito ng sigawan. C. Binigyan nila ng mga damit at inumin
B. Linabanan nila ang mga sundalo. D. Binigyan nila ng pagkain, inumin, at rosaryo
10. Bakit nagkaroon ng snap election?
A. Dahil matagal ng walang eleksiyong naganap
B. Para mapatunayan ni Marcos na may karapatang bumuto ang mga tao sa Pilipinas.
C. Para mapatunayan na may tiwala pa ang mga taong-bayan kay Marcos
D. Wala sa mga nabanggit.
5|Page