EPP5 IE Mod1 Mod2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 29

5

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
ICT and Entrepreneurship – Modyul 1:
“Produkto O Serbisyo?!”
ICT and Entrepreneurship – Modyul 2:
Angkop Ba Ang Negosyo Mo?
5
Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
ICT and Entrepreneurship – Modyul 1:
Produkto O Serbisyo?
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
ICT and Entrepreneurship – Modyul 1: “Produkto O Serbisyo?!”
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176: Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Roque C. Abanador
Editor: Wilma S. Carreon, Gina J. Galvez, Gary B. Mosquito
Tagasuri: Medarlou A. Genoguin, Elizabeth V. Ballais
Tagaguhit:
Tagalapat: Eugene S. Ignacio
Tagapamahala:
Ramir B. Uytico
Arnulfo M. Balane
Rosemarie M. Guino
Joy B. Bihag
Ryan R. Tiu
Judella R. Lumpas
Margarito A. Cadayona, Jr.
Jose B. Mondido
Francisco L. Bayon-on, Jr.
Amer L. Santolorin
Medarlou A. Genoguin

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Regional No. VIII


Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte

Telefax: 053 – 323-3156


E-mail Address: [email protected]
Alamin

Bilang isang entrepreneur na nagnanais na magtayo ng negosyong


pantahanan o pamayanan. Mahalaga na malaman ang pagkakaiba ng produkto at
serbisyo upang mabigyan ng tama at maayos na paghahanda kung alin sa dalawa
ang maaaring ialok sa mamimili batay sa kanilang pangangailangan at kagustuhan.

Sa pamamagitan ng Modyul na ito, matutulungan ka upang matukoy ang


iyong mga kailangan at kakayahan. Matutulungan ka nitong makilala nang mas
mabuti ang iyong sarili, ang ibang tao, at ang iyong pamayanan upang makagawa
ka ng mga proyektong mapagkakakitaan. (EPP5IE-Oa-2)

1
Subukin

Panuto: Kilalanin ang mga salita na nasa loob ng kahon. Ilagay sa tamang hanay
kung saan ito napapabilang na pangkat - produkto o serbisyo.

Manicurist suman daing na isda tinapay


mechanic guro basket Barber
gulay drayber

Produkto Serbisyo
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

2
Aralin

1 Produkto O Serbisyo?

Sa panahon ng makabagong teknolohiya, nagbabago ang lahat ng mga bagay


at marami ang mga pwedeng mapagkakitaan ng mga tao. Ang ilan ay maaaring
makapagnegosyo gamit ang mga produktong karaniwang gawa sa kamay o makina.
Ang iba naman ay maaaring matagumpay sa buhay gamit ang kanilang serbisyo sa
paglilingkod ayon sa uri ng kaalaman at kasanayan sa iba’t-ibang sector sa lipunan.

Balikan

Sa nakaraang modyul ay natutunan mo ang mga oportunidad na maaaring


mapagkakitaan sa tahanan at pamayanan. Maraming mga bagay ang kailangang
sabayan bugso na rin sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan. Maraming mga
oportunidad ang dumarating kasabay sa pag-angat ng buhay ng bawat mamayang
Pilipino. Ang isa sa mga mahalagang papel na ginagampanan ng isang tao ay ang
kumita at magkaroon ng kabuhayan para sa pang araw-araw na pangangailangan.

May alam ka bang mga oportunidad na maaring mapagkakitaan sa tahanan


at pamayanan? Ano-ano mga ito? Gaano kahalaga ang mga kabuhayang ito sa mga
tao?

3
Tuklasin

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang produkto o serbisyo na tinutukoy sa


bawat pangungusap.

Chef laundry washer

damit gatas

Gardener carpenter

_____________ 1. Tagalaba ng mga damit, kumot at iba pa.

_____________ 2. Produkto ng sastre o mananahi.

_____________ 3. Tagapag-alaga ng iba’t-ibang uri ng halaman.

_____________ 4. Mahusay sa pagluluto.

_____________ 5. Isa sa mga produkto ng baka at kalabaw.

4
Suriin

MGA PRODUKTO

Ang mga produkto ay mga ani o bunga at mga kalakal tulad ng pagkain,
damit, sapatos, gamot, appliances, sabon, alahas, sasakyan at iba pa. Maaari rin
itong mga bagay na gawa ng mga prodyuser o negosyante upang matugunan ang
mga pangangailanagn ng mga tao sa pamayanan.

Mga Uri ng Produkto:

• Durable Goods – Ito ay mga kagamitang maaaring gamitin nang matagalan.

Halimbawa: damit, sapatos, alahas, kasangkapan sa bahay, computer, mga


sasakyan at iba pa.

• Non-durable Goods – Ito ay mga produktong madaling maubos o karaniwang


ginagamit.

Halimbawa: mga pagkain, mga inumin, mga sabong pampaligo at panlaba, lapis,
papel, at marami pang iba.

MGA SERBISYO

Ang serbisyo ay isang uri ng paglilingkod o pagsisilbi gamit ang mga kaalaman
at kasanayan sa lipunan at tumutugon sa mga pangangailangan ng mga tao sa
pamayanan. Ito ay nahahati sa iba’t-ibang sector gaya ng propesyonal, teknikal at
mga kasanayan. May mga serbisyo na kailangan muna makapagtapos ng kurso at
makakuha ng board o bar exam upang makakuha ng lisensiya para makapagtrabaho
sa professional service sector.

Mga Uri ng Serbisyo:

• Propesyonal – kailangan nakapagtapos ng kurso at nakakuha ng board o bar


exam upang makakuha ng lisensiya.

Halimbawa: guro, engineer, doctor, abogado, nars, pulis, accountant at iba pa.

• Teknikal – Ito ay uri ng serbisyo na nangangailangan ng mga kaalaman sa


paggawa ng mga bagay o pagkukumpuni gamit ang iyong kaalamang
technical.

Halimbawa: auto mechanic, computer programmer, electrician, computer


technician, aircraft mechanic at marami pang iba.

• Kasanayan – serbisyong nangangailangan ng mga kasanayan sa paggawa.

Halimbawa: masahista, mananahi, karpintero, pintor, barbero at marami pang iba.

5
Pagyamanin

Panuto: Ang mga nakasulat sa cards ay mga halimbawa ng iba’t ibang produkto at
serbisyo na makikita sa pamayanan. Ilagay sa tamang hanay ang bawat
salita na napapabilang sa pangkat na produkto o serbisyo.

mekaniko sapatos drayber dentista

computer radyo Security tubero


Guard

shampoo kotse

Mga Produkto Mga Serbisyo


1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

6
Isaisip

Ang mga pangangailangan ng tao ay natutugunan dahil sa iba’t ibang


produkto at serbisyong nasa pamayanan. Ang mga produkto ay mga kalakal na
nakikita o nahahawakan, samantalang ang mga serbisyo ay mga aktibidad na
ginagawa ng mga tao at makinarya.

Para sa mga karagdagang kaalaman tungkol sa aralin, maaaring sagutin ang


mga sumusunod na pagsasanay.

Panuto: Isulat sa patlang kung Sebisyo o Produkto ang tinutukoy sa bawata bilang.
Gawin ito sa kwaderno.

______________ 1. Sila ang gumagawa ng mga pangklinikang pangrepleksolohiya o


Pagmamasahe

______________ 2. Ito ay mga pagkain na niluluto sa mga restaurant upang


matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.

______________ 3. Mga nagtuturo sa mga pampublikong paaralan upang magkaroon


ng mgandanag kinabukasan ang mga kabataan.

______________ 4. Mga sasakyang ginagamit ng mga tao sa pang araw-araw.

______________ 5. Cellphones, laptops at iba pang mga gadyet na ginagamit ng mga


tao sa komunikasyon.

______________ 6. Mga drayber at tsuper na tagahatid ng mga tao sa trabaho at sa


paaralan.

______________ 7. Mga doctor at nars na tagapag-alaga ng mga taong may sakit.

______________ 8. Telebisyon at Radyo nagsisilbing libangan ng mga tao.

______________ 9. Kotse, motrsiklo at iba pang uri ng mga sasakyang ginagamit ng


mga tao araw-araw.

______________ 10. Tagagawa ng mga plano para sa pagtatayo ng mga malalaking


bahay o istraktura.

7
Isagawa

Gawain 1
Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na mga salita. Sagutin kung Produkto o
Serbisyo. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

1. silya at mesa ______________________________


2. pagmamaneho ______________________________
3. buko pie ______________________________
4. pagmamasahe ______________________________
5. pagtuturo ______________________________

Gawain 2
Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at Mali kung
hindi.
__________ 1. Ang serbisyo ay mga uri ng paglilingkod na kalimitang tumutugon sa
mga pangangailangan ng mga tao.
__________ 2. Ang produkto ay ang mga bagay na ginagawa ng mga negosyante para
tugunan ang mga pangangailangan ng mga tao.
__________ 3. Ang mga tao ay walang karapatang magsilbi o magtrabaho para sa mga
pangunahing pangangailangan sa pamayanan.
__________ 4. Ang pagbibigay ng serbisyo ay nababatay sa kakayahan ng isang tao
at sa kung ano ang kanyang kursong natapos.
__________ 5. Hindi pinapayagan ang isang negosyante na mamili ng produktong
maaaring ilabas sa merkado.

8
Tayahin

Panuto: Batay sa mga natutunan mo tungkol sa pagkakaiba ng mga produkto at


mga serbisyo isagawa ang sumusunod. Lagyan ng tsek (√) kung ang
tinutukoy ay produkto at ekis (X) naman kung serbisyo. Gawin ito sa
kwaderno.

______ 1. car wash


______ 2. pamamalantsa
______ 3. kwintas
______ 4. Cellphone
______ 5. buko juice
______ 6. Shoe Repair Shop
______ 7. computer programmer
______ 8. manikurista
______ 9. hamburger
______ 10. pantalon

Karagdagang Gawain

Panuto: Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagtatala ng mga produkto at


serbisyong makikita sa inyong lugar o barangay. Gawin ito sa kwaderno.

Produkto Serbisyo
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

9
10
Isaisip
1. Serbisyo
2. Produkto
3. Serbisyo
4. Produkto
5. Produkto
6. Serbisyo
7. Serbisyo
8. Produkto
9. Produkto
10. Serbisyo
Isagawa: Pagyamanin:
Gawain 1 Gawain 2 Produkto Serbisyo
1. Produkto 1. Tama
1. computer 6. mekaniko
2. Serbisyo 2. Tama
2. sapatos 7. drayber
3. Produkto 3. Mali
3. radyo 8. Security guard
4. Serbisyo 4. Tama
4. shampoo 9. dentista
5. Serbisyo 5. Mali
5. kotse 10. tubero
Karagdagang Gawain: Tuklasin:
(Answer may vary) 1. laundry washer
2. damit
3. gardener
4. chef
5. gatas
Tayahin:
1. X
2. X
Subukin:
3. √ PRODUKTO
4. √ 1. gulay
5. √ 2. suman
6. X 3. daing na isda
7. X 4. basket
5. tinapay
8. X SERBISYO
9. √ 6. manicurist
10.√ 7. mechanic
8. guro
9. drayber
10. barber
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Curriculum Guide EPP5IE-0a-2, p. 17


Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran Manwal ng Guro, Grade 5 p. 3
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran Batayang Aklat, Grade 5 p. 6
DepEd Region 08, EPP-5 Patnubay ng Guro, First Edition 2016, ICT-
Entreprenuership, Aralin 3-4 pp. 7-11

11
5
Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
ICT and Entrepreneurship – Modyul 2:
Angkop Ba Ang Negosyo Mo?
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
ICT and Entrepreneurship – Modyul 2: Angkop Ba Ang Negosyo Mo?
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Edcelmon S. Victorioso
Editor: Wilma S. Carreon, Chinky F. Baculanta, Gary B. Mosquito
Tagasuri: Medarlou A. Genoguin, Amer S. Santolorin, Beth Amie A. Mangupit
Tagalapat: Eugene S. Ignacio
Tagapamahala:
Ramir B. Uytico
Arnulfo M. Balane
Rosemarie M. Guino
Joy B. Bihag
Ryan R. Tiu
Judella R. Lumpas
Margarito A. Cadayona, Jr.
Jose B. Mondido
Francisco L. Bayon-on, Jr.
Amer L. Santolorin
Medarlou A. Genoguin

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Regional No. VIII


Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte
Telefax: 053 – 323-3156
E-mail Address: [email protected]
Alamin

Bawat tao ay may kaniya–kaniyang pamamaraan kung paano nila


matutugunan ang kanilang walang katapusang kagustuhan at pangangailangan. Sa
kanilang pakikibaka sa buhay, kinakailangan ang pagtugon upang matustusan ang
mga pangunahing pangangailangan ayon sa kanilang interes, kakayahan,
karanasan at ukol kanino nakatutugon ang mga natatanging produkto at serbisyo.

Ang modyul na ito ay naglalayong matukoy ang mga taong nangangailangan


ng angkop na produkto at serbisyo bilang batayan sa maunlad at matalinong
pamumuhay. Layunin din nitong, mailapat ang iyong mga natutuhan upang
matugunan ang mga serbisyong nagbibigay tulong at tumutugon sa
pangangailangan ng bawat mamamayan.

1
Subukin

Panuto: Iangkop ang bawat produkto at serbisyo ayon sa taong nangangailangan


nito. Pagtambalin ang mga salitang nasa Hanay A na tumutugon sa
pangangailangan sa Hanay B. Isulat ang titik nang tamang sagot sa iyong
kuwaderno.

Hanay A Hanay B
______ 1. Gatas at pampers a. Mag-aaral
______ 2. Sinulid at karayom b. Taong nag-aalaga at nag-aayos
ng ngipin
______ 3. Lapis at papel c. Taong maglilinis ng kuko
______ 4. Gamot o Medisina d. Tagasugpo ng sunog
______ 5. Lambat at bangka e. Nag-aayos ng bahay
______ 6. Dentista f. Tagagawa ng damit
______ 7. Bumbero g. Sanggol
______ 8. Manikyurista h. Mangingisda
______ 9. Sastre i. Taong may sakit
______10. Karpentero j. Mananahi
k. Nagtitinda ng isda

2
Aralin

1 Angkop Ba Ang Negosyo Mo?

Ang pagnenegosyo ay nangangailangan ng sipag at tiyaga para umasenso at


makamit ang minimithing tagumpay. Mahalagang unawain ang mga kaalaman at
kasanayan sa pagpili ng uri ng negosyo at isaalang-alang ang mga pangunahing
pangangailangan ng mga tao. Pahalagahan ang personal na katangian tulad ng
pakikihalubilo at pagpapalawak ng karanasan sa pagpapatakbo ng negosyo.

Balikan

Sa nakaraang modyul tinalakay ang kahulugan at pagkakaiba ng produkto at


serbisyo. Ang produkto ay ang mga bagay na maaaring iniaalok sa merkado na
nakapagbibigay ng kasiyahan sa pangunahing pangangailangan o kagustuhan ng
isang mamimili. Samantalang ang serbisyo ay tumutukoy sa paglilingkod na iniaalok
ng taong nagtatrabaho o ng isang uri ng negosyo sa mga konsyumer o mamimili.

Para lubusang maunawaan ang aralin at magkaroon ng malawak na


kaalaman, subukang sagutin ang sumusunod na pagsasanay.

Panuto: Isulat sa patlang kung Sebisyo o Produkto ang tinutukoy sa bawata bilang.
Gawin ito sa kwaderno.

_________ 1. Telebisyon

_________ 2. Mekaniko

_________ 3. Accountant

_________ 4. Hamburger

_________ 5. Aklat

_________ 6. Vulcanizing Shop

_________ 7. Dress shop

_________ 8. Damit

_________ 9. Relo

_________10. Internet cafe

3
Tuklasin

Gawin ang sumusunod na simpleng pagsasanay upang malaman kung


gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa paksang ating tatalakayin.

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng bawat pahayag ay wasto at MALI
kung hindi.

_________ 1. Mahalagang isaalang-alang ang tamang pagpili ng angkop na negosyo


na maaaring itayo upang makasiguro na ito ay magtatagumpay.
_________ 2. Iwasang alamin ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao sa
pagpili ng negosyo o serbisyo na nais pagkakitaan.
_________ 3. Suportahan ang kostumer sa pagpili ng mga produkto na nais bilhin o
tangkilikin.
_________ 4. Siguraduhing mapapakinabangan ng matagal ang produktong napili ng
kostumer upang maiwasan nito ang magtampo o magalit.
_________ 5. Huwag making sa paliwanag ng mga kostumer lalo na kung ito ay
nagagalit at maraming mga sinasabi tungkol sa napiling produkto.
_________ 6. Ugaliing magbigay ng tamang payo sa mga kostumer sa pagpili ng mga
produkto.
_________ 7. Mahalagang tugunan ang mga pangangailangan ng mga kostumer
kasama rito ang produktong may rasonableng presyo, mataas na
kalidad at serbisyong nagbibigay ng tulong, respeto at tumutugon sa
pangangailangan.
_________ 8. Huwag harapin ang mga kostumer na nais magtanong lamang tungkol
produkto at walang intensiyong bumili.
_________ 9. Pumili ng mga produkto o serbisyong maaaring gamitin nang walang
pangamba at ito ay hindi magiging mapanganib sa kalusugan o
kaligtasan.
________ 10. Isaalang-alang ang mga produkto o serbisyong magaan sa bulsa.

4
Suriin

Bago pag-isipan ang uri ng itatayong negosyo, kailangang tukuyin muna kung
ano ang mga pangunahing produkto at serbisyo na kailangan ng mga tao.
Mahalagang tugunan ang mga pangangailangan nila, kasama rito ang produktong
may rasonableng presyo, mataas na kalidad at serbisyong nagbibigay ng tulong,
respeto at tumutugon sa pangangailangan. Iilan sa mga taong nangangailangan ng
angkop na produkto at serbisyo ay ang mga mamimili, bawat kasapi ng pamilya,
bata o mag- aaral, pasyente o may sakit, mga manggagawa, mga taong biktima ng
sakuna at kalamidad at iba pang mga konsyumer sa pangkalahatan. Dapat alamin
kung matutugunan ba ang mga pangangailangan nila tulad ng sumusunod:
1. Maaasahang produkto at serbisyo.
2. Produktong mapapakinabangan nang matagal.
3. Mga produkto o serbisyong makatutulong sa pang-araw-araw na
trabaho, katulad ng paglalaba, pagluluto, paglilinis ng bahay, at iba
pa.
4. Mga produkto o serbisyong maaaring gamitin nang walang pangamba
na ito’y magiging mapanganib sa kalusugan o kaligtasan.
5. Serbisyong nariyan lagi sa oras na kailangan.
6. Produkto o serbisyong magaan sa bulsa.

Mayroon pa rin tayong tinatawag na emosyonal na pangangailangan ng


kostumer na kung minsan siguro ay nakalilimutan nating ibigay sa kanila.
Nangangailangan ang kostumer ng:

Suporta May mga pagkakataon na nangangailangan ng suporta ang


kostumer tungkol sa mga produktong hindi alam kung paano
gamitin.
Pagtugon Pagbibigay reaksyon sa mga hinaing ng mga kostumer.
Simpatiya Maaaring magtampo at magalit ang kostumer na hindi natugunan
ang inaasahan sa isang produkto o serbisyo.
Ginhawa Upang hindi mainip o mahirapan ang mga kostumer, kailangan ay
may wastong upuan, hindi masyadong mainit, malinis, may
mapaglilibangang magasin, diyaryo o TV habang sila ay
naghihintay.
Respeto Igalang ang desisyon ng kostumer, kahit alam mong mali ito ngunit
ayaw pa ring makinig sa paliwanag mo.
Tulong May mga kostumer na hindi alam kung ano ang maganda o
nababagay na produkto sa kanila kaya nangangailangan sila ng
payo mo.

5
Pagyamanin

Gawain A
Panuto: Pagtambalin sa Hanay B ang mga larawan ng taong nangangailangan ng
angkop na produkto at serbisyo na tumutugon sa Hanay A.

Hanay A Hanay B

_______ 1. Nars a.

_______ 2. Plumber b.

_______ 3. Pagkain c.

_______4. Fire fighter d.

_______ 5. Mag-aaral e.

6
Gawain B

Panuto: Alamin ang mga emosyunal na pangangailangan ng bawat konsyumer


upang mabuo ang crossword puzzle sa ibaba.

Pababa

1. May mga kostumer na hindi alam kung ano ang maganda o nababagay
na produkto sa kanila. Nangangailangan sila ng payo mo.

2. Pagbibigay galang sa desisyon ng bawat kostumer.

3. Ito ay kadalasang ipinakikita sa mga ekspresyong dalamhati o awa.

4. Maaaring magtampo at magalit ang kostumer na hindi natugunan ang


inaasahan sa isang produkto o serbisyo.

Pahalang

5. Pagbibigay nang agarang reaksyon sa mga hinaing ng mga kostumer.

6. Pagbibigay ng lakas ng loob sa mga tao tungkol sa mga produktong hindi


alam kung paano gamitin.

7
Isagawa

Bakit kinakailangang tukuyin ang mga taong nangangailangan ng angkop na produkto


at serbisyo?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________.

Isaisip

Maraming mga bagay ang dapat tandaan kung magtatayo ng negosyo o


maghahatid ng serbisyo. Maliit man o Malaki ang mahalaga ito ay kumikita at
nakapagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga tao. Upang lubusang
maunawaan ang kabuuan ng aralin, maaaring sagutin ang mga sumusunod na
pagsasanay.

Analohiya
Panuto: Batay sa ugnayan ng unang pares sa bawat bilang, pumili ng wastong pares
para sa pangatlong salita. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Guro: Mag – aaral : : Doktor : ____________


a. pasyente b. albularyo c. kustomer d. hospital

2. Bola: Manlalaro : : Basket : ____________


a. isda b. tindahan c. mamimili d. paninda

3. Barber: ____________ : : Carpenter : Nagpapagawa ng Bahay


a. mamimili sa palengke c. nagpapaayos ng sirang gripo
b. nagpapagupit ng buhok d. nagpapakumpuni ng sasakyan

4. Papel at Bolpen : Mag – aaral : : ____________ : ____________


a. prutas at gulay : palengke c. laptop at Printer : Internet Cafe
b. pisara at chalk : guro d. damit at pagkain: pamilya

5. ____________: ____________: : Tsuper : Pasahero


a. doktor : dentista c. sastre : Manikurista
b. panadero : mamimili ng tinapay d. Electrician : Cable Wires

8
Karagdagang Gawain

Panuto: Tukuyin kung saan naaangkop ang bawat produkto at serbisyong


nakalahad sa tsart. Piliin sa loob ng kahon ang mga taong nangangailangan nito

taong nasasakdal may nasunugan pasyente o maysaki t

sanggol o bata mamimili may sirang ngipin

may kapansanan pasahero mag-aaral

nagkukumpuni ng bahay nagkukumpuni ng sirang damit

Produkto o Nagbibigay na Taong Nangangailangan ng Angkop na


Serbisyo Produkto at Serbisyo
1. bumbero

2. school bag
3. dentista

4. wheelchair

5. abogado

6. doktor

7. bus driver

8. karpentero
9. paninda

10. andador at duyan

9
Tayahin

Gamit ang “Bubble Map”, kilalanin o tukuyin ang mga taong nangangailangan
ng angkop na produkto at serbisyo. Isulat sa kuwaderno kung ano-ano ang kanyang
mga pangangailangan.

Taong
Nangangailangan ng
Angkop na Produkto
at Serbisyo

10
11
Karagdagang Isagawa Isaisip Pagyamanin
Gawiin
Tiyak na mahirap 1. A Gawain A
1. may nasunugan mag-isip ng mga
2. C 1. E
produkto at
2. mag- aaral 2. C
serbisyong maaaring 3. B 3. D
3. may sirang ngipin pagkakitaan, kaya 4. A
nararapat lamang 4. D 5. B
4. may kapansanan iayon sa tugon ng mga
5. B
konsyumer upang Gawain B
5. taong nasasakdal
matugunan ang mga
1. Tulong
6. pasyente pangangailangan nila.
2. Respeto
(Paalala: Maaaring 3. Ginhawa
7. pasahero tanggapin ang iba 4. Simpatiya
8. nagkukumpuni ng pang katulad na 5. Pagtugon
bahay kasagutan.) 6. Suporta
9. mamimili
10. sanggol
Tuklasin Subukin
1. Tama 1. G
2. Mali 2. J
3. Tama 3. A
4. Tama 4. I
5. Mali 5. H
6. Tama 6. B
7. Tama 7. D
8. Mali 8. C
9. Tama 9. F
10. Tama 10. E
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

K to 12 Curriculum Guide, Grade 5, EPP5IE–0a-3, p. 16

https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/produkto-at- serbisyo.pdf

Peralta, Gloria A., et.al., (2016), Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran


5, Vibal Group Inc.

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like