EPP5 - IE - Mod8 - Write Me Up!

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

5

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
ICT and Entrepreneurship–Unang Markahan
Modyul 8: “Write Me Up!”
5
Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
ICT and Entrepreneurship–Unang Markahan
Modyul 8: “Write Me Up!”
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
ICT and Entrepreneurship – Modyul 8: “Write Me Up!”
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Gary B. Mosquito
Editor: Wilma S Carreon, Jenita D. Guinoo
Tagasuri: Medarlou A. Genoguin
Tagalapat: Eugene S. Ignacio
Tagapamahala:
Ramir B. Uytico
Arnulfo M. Balane
Rosemarie M. Guino
Joy B. Bihag
Ryan R. Tiu
Judella R. Lumpas
Margarito A. Cadayona, Jr.
Jose B. Mondido
Francisco L. Bayon-on, Jr.
Amer L. Santolorin
Medarlou A. Genoguin

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Regional No. VIII


Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte
Telefax: 053 – 323-3156
E-mail Address: [email protected]
Alamin

Tungkol saan ang modyul na ito:

Ang modyul na ito ay tungkol sa basic encoding o paggawa ng simpleng


dokumento gamit ang Microsoft Word na isang halimbawa ng Word Processing Tools.
Madalas gamitin and mga ito sa paaralan, negosyo, trabaho at maging sa pansariling
gawain. Kapag may mga dokumentong nais gawin, pagpapadala ng mga
mahahalagang mensahe, may mga nais ipaliwanag at ipa-abot na mga
mahahalagang ulat, ang lahat ay napapadali gamit ang tool na ito.

Anu-ano ang mga matutunan mo sa modyul na ito?

Matutuhan mo sa modyul na ito ang mga hakbang sa basic encoding o


paggawa ng simpleng dokumento gamit ang Microsoft Word na isang halimbawa ng
Word Processing Tool.

Matapos ang pag aaral sa modyul na ito, inaasahang kaya mo nang:

 Gumawa ng simpleng dokumento gamit ang Microsoft word.


 Nasusunod ang mga hakbang sa basic encoding o paggawa ng simpleng
dokumento gamit ang Microsoft Word.

Paano gamitin ang modyul?

Ang modyul na ito ay naka-pokus kung paano ang basic encoding o paggawa
ng simpleng dokumento gamit ang Microsoft Word na isang halimbawa ng Word
Processing Tool. (EPP5IE-0j-21)

1
Subukin

Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa basic encoding o paggawa ng


simpleng dokumento gamit ang Microsoft Word na halimbawa ng Word
Processing Tool. Isulat sa patlang ang tamang bilang (1-7).

_______ Hanapin ang Microsoft Word.

_______ I–save ang ginawang dokumento at i-print sa papel upang aktuwal na


magamit.

_______ Hanapin sa menu bar ang lay-out at piliin ang tamang sukat ng papel,
margin at orientation na nais gamitin.

_______ Pagbukas ng Microsoft Word, hanapin at piliin ang blank document para
makag-umpisa sa paggawa ng dokumento.

_______ Kung gusto mong lagyan ng table, object, chart at iba pang disenyo i-click
ang insert sa menu bar at piliin ang mga nais gamitin at kung gusto mong
dagdagan ng border, maaaring i-click ang design sa menu bar at hanapin
ang page borders at malayang pumili ng nais mong disenyo.

_______ Ilagay ang mga datos na gusto mong isulat sa buong dokumento. Maaaring
gumamit ng iba’t-ibang uri ng font, size at i-highlight ang mga mahahalagang
salita na matatagpuan sa Home.

_______ Buksan ang computer o laptop.

2
Aralin

1 Write Me Up!

Ang paggamit ng Word Processing Tools ay malaking bagay para mapabilis at


maging epektibo ang paggawa ng mga dokumento at paglalahad ng mga
mahahalagang impormasyon sa paaralan, trabaho at negosyo. Isa sa mga tanyag at
kilalang halimbawa ngWord Processing Tool na ginagamit sa buong mundo ay ang
Microsoft Word na bahagi ng application ng Microsoft Office. Maraming mga katangian
at kakayahan ang application na ito na nakatutulong sa mga taong nais magbahagi
ng mga ulat na ginagamitan ng visual at iba pa. Napapabilis din nito ang paggawa
ng mga mahahalagang dokumento na kapaki-pakinabang sa sa pang araw-araw na
pamumuhay ng mga tao.

Balikan

Ano ang pagbabagong dala ng modernong teknolohiya sa larangan ng


edukasyon, komunikasyon at pagnenegosyo? Ano-ano ang mga mahahalagang
bagay na naidudulot nito sa pang araw-araw na kilos ng mga tao?

Upang sukatin ang ang mga bagay na natutunan mo sa nakaraang aralin,


maaaring sagutin ang sumusunod na pagsubok.
Panuto: Kunin ang tamang sagot mula sa kahon na inilalarawan sa bawat pahayag.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Sum Function Min Function Column

Average Function Count Function Row

Max Function Spreadsheet Workbook


Table

1. Kinukuha nito ang kabuuang numerical na datos sa mga piniling cells.


2. Hanay ng mga cells sa worksheet ng spreadsheet na nakahilira ng pababa.
Ito ay may titik sa itaas.
3. Ibinibigay nito ang bilang ng mga naitalang halaga sa mga piniling cells.
4. Ibinibigay nito ang pinakamalaking bilang mula sa mga piniling numerical
na datos.

3
5. Isang grupo ng spreadsheet na nakasave sa isang file, kadalasan ito ay
may tatlong workbook.
6. Kinukuha nito ang kabuuang bilang ng mga numerical na datos sa mga
piniling cells.
7. Ibinibigay nito ang pinakamaliit na bilang mula sa mga piniling numerical
na datos.
8. Hanay ng mga cells sa worksheet ng spreadsheet na nakahilira ng
pahalang. Ito ay may numero kaliwang bahagi nito.
9. Isang computer application program para sa maayos na presentasyon ng
impormasyon; nakatutulong din sa pagsusuri ng nakalap na
impormasyon.
10. Ang tawag sa pagkakaroon ng mga hanay at hilera ay nakatutulong upang
maging mas madali at mabilis gawin ang pagsusuri ng impormasyon lalo
na kung kadalasan nito ay mga numero.

Tuklasin

Panuto: Punan ng tamang salita ang bawat patlang upang mabuo ang isinasaad ng
bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Gawin ito
sa iyong kwaderno.

Microsoft Word
Diagram Fishbone Diagram

Flowchart Cycle diagram

1. Ang _______________ ay isang uri ng plano o balangkas sa paggawa ng isang


dokumento para maging mas malinaw at maliwanag ang relasyon sa pagitan
ng binubuong dokumento.
2. Madalas na ginagamit ang _________________ para tukuyin ang mga sanhi ng
mga pangyayari. Malaki ang naitutulong nito sa pagsusuri ng iba’t-ibang
problema.
3. Ang _________________ ay isang halimbawa ng Word Processing Tool na bahagi
ng Microsoft Word na madalas na ginagamit ng mga tao sa buong mundo.
4. Ginagamit ang _________________ sa pagdidisenyo o pagsusuri sa pamamahala
ng mga proseso sa iba’t-ibang larangan. Ito ay isang uri ng diagram na
gumagabay sa pagkakasunod-sunod ng mga gawain batay sa uri ng
programa.
5. Ang _________________ ay ginagamit sa pag-uugnay ng mga bagay-bagay sa
isang paulit-ulit na proseso.

4
Suriin

Ang paggawa ng isang dokumento gamit ang Microsoft Word ay halimbawa ng


Word Processing Tool na may kasamang mahahalagang impormasyon na ginamitan
ng iba’t-ibang commands na matatagpuan sa menu bar tulad ng lay-out, design,
insert at marami pang iba para maging epektibo ang paglalahad ng mga konsepto o
impormasyon tungkol sa pag-aaral, negosyo o trabaho.

Pagmasdan ang mga sumusunod.

 Ano ang mga nakikita mo?


 Ano sa tingin mo ang kahalagahan ng paggamit ng Microsoft word sa
paggawa ng mga dokumento?

Ang nakikita mo ay isang halimbawa ng Word Processing Tool na ginagamit


ng mga tao sa buong mundo. Ito ang Microsoft Word na bahagi ng application na
Microsoft Office. Kasama rito ang ilan pang mga halimbawa na matatagpuan sa
internet gaya ng Word Perfect, Text Maker, CorelWrite, Google Docs, Kingsoft Writer,
Ability Write at Ragtime. Ang mga nabanggit na Word Processing Tools ay may mga
katangian at kakayahan na pagandahin, ayusin at maging malinaw ang isang
dokumento sa pamamagitan ng pag highlight sa mga text, pag-layout ng pahina,
paglalagay ng watermark, pag-outline, paglalagay ng mga kulay at marami pang iba.
Ang paggamit ng word processing tools ay nakatutulong sa mga tao sa paggawa ng
anumang dokumento na pwedeng maging mas makahulugan sa pamamgitan ng
pagdadagdag ng Diagram.

Ano ang Diagram?


Ito ay isang uri ng plano o balangkas sa paggawa ng isang dokumento para
maging mas malinaw at maliwanag ang relasyon sa pagitan ng binubuong
dokumento.

5
Mga Uri ng Diagram Gamit ang Word Processor?

 Flowchart – ito ay ginagamit sa pagdidisenyo o pagsusuri sa


pamamahala ng mga proseso sa iba’t-ibang larangan. Ito ay isang uri
ng diagram na gumagabay sa pagkakasunod-sunod ng mga gawain
batay sa uri ng programa.
 Venn Diagram – ito ay nagpapahayag ng pagkakaiba-iba at
pagkakatulad ng iba’t-ibang uri ng mga bagay.
 Fishbone Diagram – ito ay madalas na ginagamit para tukuyin ang
mga sanhi ng mga pangyayari. Malaki ang naitutulong nito sa
pagsusuri ng iba’t-ibang problema.
 Cycle Diagram – ito ay ginagamit sap ag-uugnay ng mga bagay-bagay
sa isang paulit-ulit na proseso.

Ang isang dokumento ay nagiging mas epektibo ang pagpapahayag ng mga


impormasyon kung ginagamitan ng iba’t-ibang konsepto o proseso gamit ang iba’t-
ibang command na matatagpuan sa menu bar. Ang lahat ng ito ay makikita sa
Microsoft Word na isang halimbawa ng word processing tool na may mga features
kagaya ng shapes, smartchart at charts na nasa Insert, maaari din gamitin ang iba
pang mga command sa menu bar gaya ng design, Lay-out at iba pa upang mabuo ang
isang maliwanag at mahusay na dokumento.

Sa paggawa ng isang simpleng dokumento na naglalaman ng iba’t-ibang


impormasyon gamit ang Microsoft word na isang halimbawa ng Word Processing Tool
ay nakatutilong upang mapadali at maging malinaw ang mga impormasyon na
matatagpuan dito. Gamit ang iba’t-ibang katangian na matatagpuan sa menu bar,
maaari nang mapaganda at malagyan ng mga disenyo ang isang dokumento.

Para hindi mahirapan sa paggamit ng Microsoft Word, mainam na sundin ang


mga hakbang nito;

1. Buksan ang computer o laptop.


2. Hanapin ang Microsoft Word.
3. Pagbukas ng Microsoft Word, hanapin at piliin ang blank document para
makag-umpisa sa paggawa ng dokumento.
4. Hanapin sa menu bar ang lay-out at piliin ang tamang sukat ng papel,
margin at orientation na nais gamitin.
5. Ilagay ang mga datos na gusto mong isulat sa buong dokumento. Maaaring
gumamit ng iba’t-ibang uri ng font, size at i-highlight ang mga
mahahalagang salita na matatagpuan sa Home.
6. Kung gusto mong lagyan ng table, object, chart at iba pang disenyo i-click
ang insert sa menu bar at piliin ang mga nais gamitin at kung gusto mong
dagdagan ng border, maaaring i-click ang design sa menu bar at hanapin
ang page borders at malayang pumili ng nais mong disenyo.
7. I–save ang ginawang dokumento at i-print sa papel upang aktuwal na
magamit.

6
Pagyamanin

Panuto: Gawin ang mga sumusunod na mga hakbang sa paggawa ng simpleng


dokumento gamit ang Microsoft Word.

1. Buksan ang Microsoft Word.

2. Pagbukas ng Microsoft Word, hanapin ang blank document at i- click ito.

3. Pagkatapos i-click ang blank document, hanapin sa menu bar ang lay-out
at piliin ang tamang sukat ng papel, margin at orientation na nais
gamitin

7
4. Ngayon, pwede mo nang i-type o isulat ang mga datos o impormasyon na
gusto mong ilagay sa dokumento.

5. Kung gusto mong laygan ng table, object, chart at iba pang disenyo i-
click ang insert sa menu bar at piliin ang mga nais gamitin at kung
border naman ang nais ilagay i-click ang design at piliin ang border
design.

8
6. Kung gusto mong lagyan ng photo o drawing ang iyong dokumento, i-click
ang insert sa menu bar at i-click ang picture. Pumili ng picture na ilalagay mo.

7. I-save ang ginawang dokumento at I-print ito sa papel upang aktuwal na


magamit.

9
Isaisip

Panuto: Punan ng tamang salita ang patlang para mabuo ang kaisipan. Gawin ito
sa inyong kuwaderno.

Ang _____________________ ay isang halimbawa ng Word Processing Tool na


bahagi ng application ng Microsoft Office na madalas na ginagamit sa paaralan,
trabaho at negosyo upang mapabilis at maging epektibo ang paglalahad ng mga
mahahalagang impromasyon.

Isagawa

Gumawa ng isang simpleng dokumento gamit ang Microsoft Word batay sa


mga naging karanasan mo ngayong panahon ng Covid-19 pandemic. Lagyan ito ng
iba’t-ibang disenyo at larawan para maging epektibo ang paglalahad nito.

10
Tayahin

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang salitang tutugon sa patlang sa bawat


pangungusap.

Microsoft Word Word Processing Tool

Fishbone Diagram Flowchart Diagram

1. Ang ________________ ay nakatutulong sa mga tao sa paggawa ng mga


dokumento o ulat. Mayroon itong mga halimbawa na matatagpuan sa internet
gaya ng MS Word, Word Perfect, Text Maker at iba pa.
2. Kilala at tanyag ang __________________ sa buong mundo bilang isang tool at
bahagi ng Microsoft Office sa paggawa ng isang dokumento na maaaring
gamitan iba’t-ibang mga katangian at disenyo.
3. Ang ________________________ isang uri ng plano o balangkas sa paggawa ng
isang dokumento para maging mas malinaw at maliwanag ang relasyon sa
pagitan ng binubuong dokumento.
4. Ginagamit ang ___________________ sa pagdidisenyo o pagsusuri sa
pamamahala ng mga proseso sa iba’t-ibang larangan.
5. Madalas na ginagamit ang _____________________ para tukuyin ang mga sanhi
ng mga pangyayari.

11
Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutan ng Tama o Mali ang mga sumusunod na pahayag. Gawin ito sa
inyong kuwaderno.

____ 1. Ang isang dokumento ay maaring gawin sa Microsoft Word.

____ 2. Ang Microsoft Word ay isang halimbawa ng Word Processig Tools.

____ 3. Ang paggamit ng iba’t-ibang disenyo sa paggawa ng dokumento ay hindi


pinapayagan sa Microsoft Office.

____ 4. Sa pamamgitan ng Diagram nasisira ang plano o balangkas ng isang


dokumento.

____5. Ang paggamit ng Microsoft Word ay nakatutulong para mapadali ang paggawa
ng isang dokumento.

____6. Ang Fishbone Diagram ay nagpapakita ng sanhi at epekto ng mga pangyayari.

____7. Gumamit ng Word Processing Tools para makalikha ng isang makahulugan at


maliwanag na mga datos sa isang dokumento.

____8. Makikita sa menu bar ang mga command na maaaring gamitin sa


pagpapaganda at paglalagay ng mga disenyo sa ginagawang dokumento.

____9. Ang Design sa Menu Bar ay naglalaman ng page borders at watermark.

____10. Matatgpuan sa Insert ang sukat ng papel, margin at orientation na maaaring


gamitin sa paggawa ng dokumento.

12
13
Balikan: Tuklasin: Isaisip:
1. Sum Function 1. Diagram
2. Column 2. Fishbone diagram
3. Count Function 3. Microsoft Word 1. Microsoft Word
4. Max Function 4. Flowchart
5. Workbook 5. Cycle diagram
6. Average Function
7. Min Function
8. Row
9. Spreadsheet
10. Table
Tayahin: Karagdagang Gawain Subukin
1. TAMA 1. 7
2. TAMA 2. 1
1. Word Processing Tools 3. MALI 3. 4
2. Microsoft Word 4. MALI 4. 3
3. Diagram 5. TAMA 5. 6
4. Flow Chart 6. TAMA 6. 5
5. Fishbone Diagram 7. TAMA 7. 2
8. TAMA
9. TAMA
10. MALI
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Peralta, Gloria A., Arsenue, Ruth A., Ipolan, Catalina R., Quiambao, Yolanda
L., de Guzman, Jeffrey D., Kaalaman at Kasayan Tungo sa Kaunlaran
Batayang Aklat sa Grade 5 p 29,52.

Curriculum Guide EPP5IE-0g-21 p 18-19

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like