Guide1 Output PDF
Guide1 Output PDF
Guide1 Output PDF
Pagsubok
Para sa akin, ang panitikan ay marapat lamang na pag-aralan sa mga paaralan dahil
makakatulong ito sa pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa nating mga Pilipino. Sinasalamin ng
Panitikang Pilipino ang tradisyon, kaugalian, paraan ng pamumuhay, mga problema sa panahon kung
kailan ito naisulat, at kung minsan ay mayroon rin itong mga hindi kapani-paniwalang pangyayari. Ang
panitikang Pilipino ay biyaya ng Diyos sa ating mga ninuno. Ipinamana naman ng ating mga ninuno sa
atin ang panitikang Pilipino upang ito ay ating malaman, palawakin at pagyamanin. Marapat lamang na
tayong mga Pilipino ang maunang tumangkilik o magbasa ng mga akda na mula sa ating bansa para oras
na ipagmalaki o ibahagi natin ito sa iba, alam na natin ang nilalaman nito. Makakatulong din ang mga ito
sa atin na makisama sa ibang tao lalo na kung nakapagbasa na tayo ng akda na mula sa lugar kung saan
tayo naroroon.
3. Patunayang ang tabak ng panitik ni Rizal ang gumising sa mga Pilipino sa pang-aalipin ng mga kastila.
Inumpisahan ni Jose Rizal ang pakikipaglaban sa mga dayuhang Espanyol na noon ay sumakop sa
Pilipinas sa pamamagitan ng kaniyang panulat. Ginamit niya ang kaniyang talino at pagkamalikhain
upang makasulat ng isang nobelang magpapakita ng baluktot na paghahari ng mga Espanyol sa bansa—
ang Noli Me Tangere. Kaya naman ay iminulat niya ang mga mata ng kapwa Pilipino sa pamamagitan ng
kaniyang panulat. Ginawa niya ang kanyang nobelang Noli Me Tangere bilang salamin ng lipunan noong
panahong iyon. Bawat tauhan at pangyayari ay mayroong simbolismo na kumakatawan sa mapang-
aping gawi ng mga dayuhan lalo na ang mga prayle. Isinulat ni Rizal ang nobela sa wikang Kastila upang
lubusang maunawaan ng mga Kastila ang mensahe nito.
Ang pantikan ay mahalaga sa bawat bansa dahil ito ang naglalarawan sa mga karanasan, kultura,
at tradisyon isang bansa. Dahil dito, maaari nating pag-aralan ang mga pangyayari sa ating kasaysayan at
magamit ang mga aral sa kasalukuyang buhay natin. Dahil sa panitikan, ang mga tao ay nabibigyan ng
tulay sa nakaraan na maaari ring isalamin sa kasalukuyang panahon. Kaya, mas maiintindihan natin ang
ating kultura at tradisyon at mas mabibigyan ito nang halaga.
This study source was downloaded by 100000800827949 from CourseHero.com on 03-03-2022 02:56:46 GMT -06:00
https://www.coursehero.com/file/130051744/Guide1-outputpdf/
5. Bakit may malaking impluwensiyang pandaigidg ang panitikan?
Ang panitikan ay may malaking impluwensya sa daigdig. Sa iba’t- ibang panig nito, may
matutukoy na isa o ilang tanging akda na naghatid ng malaking impluwensya sa kultura, tradisyon,
paniniwala, pamumuhay at kabihasnan ng tao.
This study source was downloaded by 100000800827949 from CourseHero.com on 03-03-2022 02:56:46 GMT -06:00
https://www.coursehero.com/file/130051744/Guide1-outputpdf/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)