ANG PROSESO NG PAGSULAT NG TESIS - Kabanata 1 - Laleth Ojales

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG PROSESO NG PAGSULAT NG TESIS

Kabanata 1 Ang Suliranin at Kaligiran Nito

a. Panimula
Ito ang panimulang bahagi ng pag-aaral na nagtataglay ng kaalaman tungkol
sa kung ano suliranin. Nagbibigay ito ng kabuuang pananaw at pagpapaliwanag
ukol sa pag-aaral ng paksa. Ang kabuuang kahulugan ng pangunahing problema ay
siyang tinatalakay. Maaaring dumampot ng kaisipan ang mananaliksik sa sinabi ng
ibang manunulat na may relasyon sa pangkalahatang kaalaman na siyang sangkot
sa suliranin. Pinalalawak nito ang ideyang kaniyang dinampot batay sa sariling
pangkaunawa.

b. Paglalahad ng Suliranin
Ito ay ang mga katanungang bubuo sa sagot ng isang pananaliksik.
Ipinapahayag dito ang mga tiyak o tuwirang pakay sa pananaliksik na nasusukat,
nakakamit, naoobserbahan at tinaguriang makatotohanan. Ito ay dapat na may
kasamang paglalarawan o pagpapaliwanag sa kaligiran ng problema.

c. Pagbuo ng Palagay o haypotesis


Ang mga suliranin ng pag-aaral ay karaniwang ibinibigay nang patanong at
malimit ay bilang haypotesis. Ito ay isang prediksyon kung ano ang maaaring
maging bunga ng pag-aaral o ang kalalabasan ng mga sagot sa isang pag-aaral.
Dapat ay malinaw na maipakita ng haypotesis ang inaasahang pag-uugnayan sa
pagitan ng mga baryabol na iniimbestiga.

d. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral


Ang saklaw at lawak ng pag-aaral ang nagsasaad kung saan makakakuha ng
sapat na impormasyon at ang lugar na pagdarausan, kasama rin ang magiging
kalahok. Maaari naman gawing limitasyon ang sakop ng panahon, edad, lugar,
kasarian at iba pa.
e. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang bahaging ito ay kinapapalooban ng mga kahalagahan kung paano
mapakikinabangan ang pananaliksik at kung sino ang makikinabang at kung paano
maging inspirasyon ito upang maging batayan ng mga susunod na mag-aaral.
f. Kahulugan ng mga Termino
Ito ang huling bahagi ng unang kabanata kung saan inilalahad dito ang
termino na ginamit sa pag-aaral na dapat mabigyan ng kahulugan. Ang pagbibigay
kahulugan ay may dalawang paraan, maaaring konseptwal kung saan ang
kahulugan ay nakukuha sa diksyunaryo at operasyonal naman ay batay sa kung
paano nagamit sa pag-aaral.

You might also like