Modyul 6 Prosidyural

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Filipino 11
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik
Tekstong Prosidyural
Ikatlong Kuwarter - Modyul 6

Junalyn C. Mayo
Manunulat

John Albert B. Colle


Tagasuri

Marissa S. Muldong
Quality Assurance Chair

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

1
Sa araling ito ay higit na magiging malalim ang pagtingin mo sa
kahalagahan ng pagbabasa sa ating buhay. Mas maipamamalas mo pa ang
iyong kakayahan sa pamamagitan ng pagbasa na maaaring dalhin ka nito
sa realidad ng buhay. Sa pamamagitan ng mga gawain, bukod sa
maipapahayag mo ang iyong sarili ay mahahasa mo pa ang iba mo pang
kasanayan. Nawa’y lagi mong tingnan ito bilang bagong paraan ng
pagkatuto at maging masaya ka sa bawat bahagi.
Sa araling ito, hindi lamang mahahasa ang iyong isipan sa pagbabasa.
Inaasahang magagamit mo ang kabatirang ito sa iyong pagsulong sa
susunod na aralin.

a. Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag


1. Kalinawan
2. Kaugnayan
3. Bisa
sa reaksyong papel na isinulat F11PU-lllfg-90

Isalin ang sumusunod na salita. May mga clue na inilaan para sa mga
kasagutan. Isulat ang sagot sa bawat tapat na numero.

_______1. Step by step = 11letra


_______2. Goal = 7 letra
_______3. Equipment = 9 letra
_______4. Procedure = 10 letra
_______5. Rules = 10 letra

2
Ayusin ang mga pangungusap batay sa natutuhan sa nakaraang aralin.

Isang isyu ng kaugnay paniniwala at


kongklusyon, panig kanyang ng manunulat
paglalahad ng paraan ng lohikal na at
makatwiran

Tesis sa malinaw na dapat maipaliwanag na ang


nauugnay bakit kung ebidensiya

Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng paglalahad na kadalasan ay


nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paano isasagawa ang mga
tiyak na bagay. Nagagamit ang pag-unawa sa mga tekstong prosidyural sa
halos lahat ng larang sa pagkatuto.

Ang layunin ng tekstong prosidyural ay makapagbigay ng sunod-


sunod na direksyon at impormasyon sa mga tao upang tagumpay na
maisagawa ang gawain sa ligtas, episyente, at angkop na paraan. Sa unang
taon ng pagkatuto, ipinapaunawa ang mga karaniwang teksto sa mga mag-
aaral upang makatulong sa pagbasa, pagsulat, at pag-unawa nila sa mga
batayang aralin.

Nilalaman ng Tekstong Prosidyural

1. Layunin o target na awtput. Nilalaman ng bahaging ito kung ano ang


kalalabasan o kahahantungan ng proyekto o prosidyur. Maaaring
ilarawan ang mga tiyak na katangian ng isang bagay o kaya ay
katangian ng isang uri ng trabaho o ugaling inaasahan sa isang
empleyado o mag-aaral kung susundin ang mga gabay.

3
2. Kagamitan. Nakapaloob dito ang mga kasangkapan at kagamitang
kakailanganin upang makompleto ang isang isasagawang proyekto.
Nakalista ito sa pamamagitan ng pagkasunod-sunod kung kailan ito
gagamitin. Maaaring hindi makita ang bahaging ito sa mga uri ng
tekstong prosidyural na hindi gagamit ng anumang kasangkapan.

3. Metodo. Serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang


proyekto

4. Ebalwasyon. Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano


masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa. Maaaring sa
pamamagitan ito ng mahusay na paggawa ng isang bagay, kagamitan,
o makina o di kaya ay mga pagtatasa kung nakamit ang kaayusan ng
layunin ng prosidyur.

Bukod sa mga nabanggit na pangkalahatang nilalaman ng isang


tekstong prosidyural, mahalagang ang paggamit ng mga heading,
subheading, numero, dayagram, at mga larawan upang mas maging
malinaw ang pagpapahayag ng mga instruksiyon.

Mahalagang maging tiyak ang gamit ng wika sa mga tekstong


prosidyural at kung paanong gagamitin ito sa kabuuang estruktura upang
makamit ang mga layunin. Mahalagang alamin at unawain kung sino ang
makikinig o magbabasa ng teksto upang mapagdesisyunan kung anong uri
at antas ng wika ang gagamitin. Narito ang mga tiyak na katangian ng
wikang madalas gamitn sa mga tekstong prosidyural.

- Nasusulat sa kasalukuyang panauhan;

- Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao


lamang;

- Tinutukoy ang mambabasa sa pangkalahatang pamamaraan sa


pamamagitan ng paggamit ng mga panghalip;

- Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa instruksyon;

- Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive devices upang


ipakita ang pagkasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng
teksto; at

- Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsyon (hugis, laki, kulay,


at dami).

Kahalagahan ng prosidyural.
1. Nagsisilbing gabay sa paggawa ng gawain o bagay.
2. Nasusunod sa tamang proseso.

4
3. Nagdudulot nang maayos na pag-unawa o komprehensiyon sa bawat
proseso.
4. Nakapagdaragdag ng kaalaman.
5. Nagiging kapaki-pakinabang sa buhay ang gawain o bagay na
isinasagawa.

Ang Paggawa ng Blog

Isa sa pinakasikat na porma ng babasahin at sulatin sa internet ang


blog. Ang blog ay isang diskusyon o sulating may iba’t ibang diskurso gaya
ng pagbibigay-impormasyon, pangangatuwiran, o simpleng paglalabas lang
ng mga iniisip o damdamin tungkol sa isang paksa. Madalas na tinatawag
na online at pampublikong talaarawan o blog. Isinasapubliko ito gamit ang
World Wide Web (www) at madalas na kronolohikal ang pagkakaayos.
Nauunang lumitaw ang mas bagong entry ng isang manunulat sa isang
website. Sa kasalukuyan, uso na rin ang multi-author blogs (MABs) o
yaong mga blog site kung saan maaaring magsulat ng blog ang iba’t ibang
awtor na inedit ng mga propesyunal. Kadalasang MABs ang ginagamit ng
mga institusyon gaya ng diyaryo at iba pang media outlet, unibersidad, mga
grupong may adbokasiya, at iba pa.

Ang pagsisimula at pagsikat ng blogging noong katapusan ng


dekada ’90 ay sumabay sa pag-unlad ng web publishing tools o yaong mga
website sa internet na nagpapadaloy at tumatanggap ng mga kontribusyon
mula sa iba’t ibang gumagamit nito na hindi naman propesyunal sa
larangan ng kompyuter. Sa panahong ito, binuksan sa publiko ang
pagdaragdag ng kaalaman at pag-eedit nito sa internet. Noong una kasi ay
kailangang maalam sa teknolohiya ng Hyper Text Markup Language (HTML)
o File Transfer Protocol (FTP) bago makapaglagay ng anumang nilalaman o
teksto ng internet.

Karamihan sa mga web publishing tools ay interaktibo ang katangian,


na nagbibigay ng pagkakataon sa mga bumibisita na maglagay ng komento
o mensahe gamit ang graphical user interface (GUI) sa mga blog. Ang
pagiging interaktibo nito ang nag-iiba rito sa mga istatikong website. Sa
ganitong paraan, nakikita rin ang blogging bilang porma ng social
networking sapagkat hindi lamang nagsusulat ang isang blogging bilang
porma ng social networking sapagkat hindi lamang nagsusulat ang isang
blogger ng nilalaman para sa i-post as internet, bagkus ay bumubuo rin sila
ng panlipunang relasyon sa kanilang mga mambabasa at iba pang bloggers.

5
Iba’t iba ang uri ng blog depende sa layunin nito. Maraming blog ang
nagbibigay ng komentaryo o mga pananaw sa iba’t ibang paksa o isyu
habang ang karamihan ay mas ginagamit bilang online na talaarawan. Ang
iba naman ay ginagamit ito sa pagbebenta o online advertising. Sa isang
tipikal na blog, madalas na pinagsasama ang teksto, mga larawan, at link
sa iba pang blog o webpage na may kaugnayan sa paksa. Ang iba’t ibang
blog ay may pokus sa mga sining na tinatawag na art blogs, potograpiya
(photoblogs), videos (video blogs o vlogs), musika (music blogs), at tunog o
audio (podcasts). Microblogging naman ang tawag sa uri ng blogging na
nagpapakita ng maikling paskil gaya ng sa twitter o facebook. Sa edukasyon
gingagmit din ang blog bilang sanggunian o batis ng mga modyul at iba
pang kagamitang panturo. Tinatawag itong edublogs.

1. Tanungin ang sarili kung ano ang pinakainterisanteng paksa para sa


iyo na nais mong ibahagi sa iba. Ang ilan sa mga posibleng paksa ay:

 Politika. Maaaring maglaman ito ng mga opinyon mo tungkol sa


politika ng bansa. Marami nang komento ang mga
mamamahayag o kaya ay mga kilalang tao ngunit interesante at
mahalaga pa ring marinig kung ano ang pananaw ng mga
karaniwang mamamayan.

 Pagkain. Maaaring magsimula sa pagbabahagi mo ng mga


sariling recipe. Maaari ka ring magbigay ng rebyu at
rekomendasyon batay sa mga restawran na napuntahan mo na.
Patok na rin ang food blogging sa kasalukuyan.

 Pelikula o Nobela. Kung mahilig kang manood ng pelikula o


kaya ay magbasa ng nobela, maaari mo ring ilagay sa blog ang
rebyu mo sa mga ito.

 Negosyo. Magagamit din ang blog bilang paraan ng pakikipag-


ugnayan at pagbebenta ng produkto o serbisyo sa mga
posibleng customer. Makatutulong din ang iyong blog kung
mabibigyan mo sila ng impormasyon tungkol sa produkto.

2. Isipin mo kung paano makatutulong ang iyong blog sa ibang tao.


Kailangang ituon mo ang iyong blog sa tiyak na layunin at sa target
na mambabasa. Narito ang ilang ideya:

 Magturo ka! Kung mahilig ka sa isang partikular na bagay at


malawak ang karanasan mo rito, maaari mong matulungan
ang ibang tao na nahihirapan o bago rito.

6
 Magbigay ng pinakabagong mga balita at kalakaran. Magbigay
ng mga bagong pag-unlad na may kinalaman sa iyong paksa
mahalagang manaliksik din nang mabuti upang maging
kapani-paniwala ang iyong blog.

 Magpatawa ka! Magaling ka bang magpatawa? Maaari mong


gamitin ang blog upang maging balon ng kaligayahan at
katatawanan para sa ibang tao.

 Maging inspirasyon sa iba. Nagkaroon ka na ba ng mabibigat


na pagsubok sa buhay gaya ng magkasakit o matinding
problema na nalagpasan mo? Maaaring magamit mo ang mga
paksang ito tungkol sa iyong sarili para magbigay ng
inspirasyon at palakasin ang loob ng mga taong dumaan din sa
parehong mga pagsubok.

3. Magbasa ng iba pang blog tungkol sa partikular na paksang gusto


mong isulat. Ito ay upang hindi na maging duplikasyon lamang ang
iyong blog ng mga nauna nang ginawa.

4. Mag-isip ng magandang titulo at pangalan sa iyong blog. Kailangang


malikhain ito at nakakukuha ng interes ang mambabasa.

5. Pag-isipan kung anong website ang gagamitin mo sa iyong blog. Ang


pinakapopular na ginagamit sa kasalukuyan ay WordPress at Blogger.
Maaari mo ring gamitin ang Facebook upang gumawa ng note.

Gabay na Tanong:

Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa naunawaan sa tekstong


nabasa.

1. Magbigay ng tatlong mahalagang kaisipang nais ipahatid ng


tekstong prosidyural.

__________________________________________________________________

_________________________________________________________________

__________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, mayroon bang kaugnayan ang tekstong


prosidyural sa iyong pamumuhay? Ipaliwanag.

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

_________________________________________________________________

7
3. Matapos mabasa ang tekstong prosidyural, anong pagbabago ang
maaaring mangyari sa iyong sarili?
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________

 Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng mga sunod-sunod na


hakbangin upang magawa nang maayos ang isang bagay.

 Layunin ng tekstong ito na makamit ang layuning nais matupad sa


pamamagitan ng pagsunod sa mga tamang pamamaraan, tamang
gamit na aangkop sa iyong pangangailangan, at magabayan sa tamang
pagkilos na siyang magdadala sa atin sa tamang gawain.

Mula sa kahon sa ibaba, maari mo bang idetalye ang iyong mga


proseso kung paano ka nakapag-enroll ngayong taon sa iyong sintang
paaralan. Maaari kang gumamit ng ilang mga hugis at iba’t ibang kulay
upang maging masining ang iyong presentasyon. Ilagay sa kahon ang iyong
proseso at detalye. Maaari kang gumamit ng bukod na papel.

8
Isulat ang TAMA kung wasto ang kaisipan ng sumusunod na pahayag
at MALI kung hindi wasto.
__________1. Mahalaga ang mahusay na pagbibigay ng deskripsyon at
narasyon sa paggawa ng tekstong prosidyural.
__________2. Ang protokol ay naglalaman ng mga gabay kung paanong
isasagawa ang isang bagay at kailangang may pagkasunod-
sunod.
__________3. Ang gamit ng wika ay nakabatay sa kung anong larangan
kabilang ang teksto, kung sa siyensiya at medesina, hindi
maiiwasan ang paggamit ng mabigat na wika.
_________4. Mahalaga ang malawak na bokabularyo ng mambabasa sa
komprehensiyon ng mga tekstong prosidyural.
_________5. Mahalaga ang mahusay na pagkasunod-sunod at ugnayan ng
mga bahagi ng tekstong prosidyural.

Mga Sanggunian
Sicat- De Laza, Crizel. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Tekto Tungo sa
Pananaliksik: Manila: Rex Book Store., 2016

Bernardino, Elyria C. et al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Tekto Tungo


sa Pananaliksik: Malabon City: Mutya Publishing House., 2016

9
10

You might also like