Esp 8 Week 27

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ridgewood School of Caloocan, Inc.

31 L27, Acacia St., Rainbow 5, Ph.2 Bagumbong


Caloocan City

LESSON PLAN – EsP 8

Topic: Ang Katapatan sa Salita at Gawa Day/s: 1 DAY


Reference: Net/MODULE Expected Date: MARCH 15, 2022
Learning Competency:
EsP8PBIIIg-12.1 Naipamamalas ng mag - aaral ang pag -unawa sa katapatan sa salita at gawa.
EsP8PBIIIg - 12.2 Nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan

Strategy: Inquiry based Instruction/REFLECTIVE APPROACH


I. LEARNING OBJECTIVES
Naisasagawa ng mag - aaral ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa salita at gawa.
Naisasagawa ang mga mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa salita at gawa
II. LEARNING EXPERIENCE
A. PRELIMINARY ACTIVITY

B. DISCUSSION / CONTENT
Ang katapatan sa salita at gawa ay isang birtud na nangangailangan ng kolektibong pagkilos upang mapanatiling
buhay at nag-aalab. Ang pagkakaroon mo ng malawak na kaalaman at sapat na kakayahan ang iyong magiging sandata
upang maging kaisa ka sa pagpapanatili ng buhay at kinang nito.

Ang katapatan sa salita at gawa ay isang birtud na nangangailangan ng kolektibong pagkilos upang mapanatiling buhay
at nag-aalab. Ang pagkakaroon mo ng malawak na kaalaman at sapat na kakayahan ang iyong magiging sandata upang
maging kaisa ka sa pagpapanatili ng buhay at kinang nito.

KATAPATAN SA SALITA

Ang salita ng tao na tumutulong sa atin upang maging ganap ay ginagamit at madalas na inaabuso; ang
pagsisinungaling ay isang paraan ng pag-abuso rito. Ang pagsisinungaling ay pagbaluktot sa katotohanan, isang
panlilinlang. Ang pagsisinungaling ay ang pagtatago ng isang bagay na totoo sa isang taong may karapatan naman dito.

Iba’t ibang uri ng pagsisinungaling.


• Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao (Prosocial Lying).
• Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan (Self-enhancement
Lying).
• Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao (Selfish Lying)
• Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (Antisocial Lying)

Ang pagsisinungaling sa edad na anim na taon ay kailangang bigyan ng tuon. Sa edad na ito, ang isang bata ay
marunong nang kumilala ng kasinungalingan at katotohanan.
Narito ang pitong pinakamahalagang dahilan sa pagsasabi ng totoo.

1. Ang pagsasabi ng totoo ang natatanging paraan upang malaman ng lahat ang tunay na mga pangyayari.
2. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksiyon para sa mga inosenteng tao upang hindi masisi o maparusahan.
3. Ang pagsasabi ng totoo ang magtutulak sa tao upang matuto ng aral sa mga pangyayari.
4. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa.
5. Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang mapanindigan ang iyong
nilikhang kuwento.
6. Inaani mo ang reputasyon bilang isang taong yumayakap sa katotohanan – isang birtud na pinahahalagahan ng
maraming tao.
7. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at kapayapaan ng kalooban.

Apat na Pamamaraan ayon sa aklat ni Vitaliano Gorospe (1974) ng pagtatago ng katotohanan

1. Pananahimik (silence). Ito ay nangangahulugang pagtanggi sa pagsagot sa anumang tanong na maaaring magtulak sa
kaniya upang ilabas ang katotohanan.
2. Pag-iwas (evasion). Ito ay nangangahulugan ng pagliligaw sa sinumang humihingi ng impormasyon sa pamamagitan
ng hindi pagsagot sa kaniyang mga tanong.
3. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan (equivocation). Ito ay pagsasabi ng totoo ngunit ang
katotohanan ay maaaring mayroong dalawang kahulugan o interpretasyon.
4. Pagtitimping Pandiwa (Mental Reservation). Ito ay nangangahulugang paglalagay ng limitasyon sa tunay na esensiya
ng impormasyon.

Ang hindi mapanagutang paggamit ng pamamaraan sa pagtatago ng katotohanan ay maituturing na rin na


pagsisinungaling na maaaring makasira ng panlipunang kaayusan at ng tiwala ng kapwa.

KATAPATAN SA GAWA

May kasabihan na “action speaks louder than words”. Patunay ito na mas binibigyan ng halaga ang gawa kaysa sa
salita. Sa usapin ng katapatan, minsan ay natutuon lamang ang pansin ng marami sa kasinungalingan bilang paglabag sa
katotohanan. Nakaliligtaan na ang kilos din ng tao ay may kakayahang lumabag sa katapatan.

Ang matapat na tao ay hindi kailanman magsisinungaling, hindi kukuha ng bagay na hindi niya pag-aari, at hindi
manlilinlang o manloloko ng kaniyang kapwa sa anumang paraan. Ito ay ang pagkakaayon ng isip sa katotohanan.

Mahalaga na sa lahat ng ating iniisip, sinasabi, at ginagawa, malaking bagay man ito o maliit, tinitiyak natin na ito ay
yumayakap sa katotohanan. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng pagsisimula sa maliliit na bagay. Katulad na
lamang ng tatlong maliliit na huwaran ng asal (behaviour patterns) na nagpapakita ng tatlong malalaki at
magkakaugnay na birtud:

Una, Gumagawa ka ba ng tama at mabuting mga pagpapasiya at naninindigan para rito? (decisiveness)

Ikalawa, Ikaw ba ay bukas sa iyong kapwa? Sa pagbabahagi mo ba ng iyong sarili sinisiguro mo na ito ay may kalakip
na moral na awtoridad (moral authority)? Ikaw ba ay marunong tumanggap ng pagkakamali (openness and humility)?

Ikatlo, Ang lahat ba ng iyong iniisip at ginagawa ay sinisiguro mo na yumayakap sa katotohanan (sincerity or honesty)?

Ang desisyong yumakap sa katotohanan o pagiging matapat ay bunga ng sarili nating pagpapasiya. Wala itong
katumbas na halaga ngunit hindi kailanman mabibili ng salapi. Makakaya nating palaguin ang birtud na ito kung tunay
na sinusubukan nating matapat na maisabuhay ito sa araw-araw. Katulad ng anumang birtud, kailangan ang paulit-ulit
na pagsasabuhay nito upang ito ay ganap na maangkin.

Upang mahubog ang karangalan, katapatan, at integridad, kailangang mamuhay sa katotohanan at ipanig mo ang iyong
sarili sa kung ano ang tama. Mas magiging madali para sa iyo ang sumunod sa batas ng pamahalaan, ng iyong
pananampalataya at ng iyong pamayanan kung iyong mauunawaan na ang mga ito ay nariyan para sa iyong proteksiyon
at para sa kaayusang pansarili (well-being).

Mga katangian ng taong may katapatan sa gawa:


• Hindi siya manloloko, manlilinlang o magsisinungaling upang makakuha lamang ang kanyang gusto sa kapwa.
• Hindi siya nabubulag sa pera upang gumawa ng bawal o mali na lalong ikahihirap ng nakararami
• Hindi niya binabaluktot ang katotohanan upang hangaan at tanggapin ng mga taong kanyang nasasakupan.
• Hindi siya kukuha ng mga bagay na hindi kaniya kahit na may pagkakataon siyang gawin ito para sa sariling
kapakanan.
• Sisikapin niyang gawin ang kanyang mga sinasabi o ipinapangako bilang patunay ng kaniyang katapatan.

C. MAIN ACTIVITY / APPLICATION


III. ASSESSMENT

Performance Task:
REMARKS
SUBJECT TEACHER: HEAD TEACHER:

HAZEL MAE M. HERRERA JOHN PAUL PAGUIA

You might also like