2nd Quarter - Summative - Test - 1 - 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 2
Division of Cagayan
Buguey South District
Buguey South Central School

2nd

SUMMATIVE
Test

Name of Learner: ____________________________


Grade & Section: ____________________________
Name: _________________________ Grade & Section: _______________

Araling Panlipunan 4

SUMMATIVE TEST #1
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

___ 1. Bagong lipat lang sa lugar ang mag-anak na Reyes. Napansin nila na
malapit sa dagat ang kanilang lugar at ang mga tao doon ay halos
lahat ay may bangka. Ano ang posibleng
maging hanapbuhay ng mag-anak doon?
A. magsasaka B. maghahabi C. mangingisda D. tubero

___ 2. Alin sa mga sumusunod ang mga produkto sa pagsasaka?


A. paghahabi ng tela C. palay, mais at gulay
B. pilak at ginto D. perlas at kabibe

___ 3. Ang mga lugar na maraming bato at luwad ay may hanapbuhay na


A. pangingisda B. pagkakaingin C. pangangaso D.paglililok

Tukuyin kung anong uri ng kapakinabangan ang tinutukoy sa bawat bilang.


Hanapin sa loob ng kahon ang sagot.
A. Kalakal at Produkto B. Turismo C. Enerhiya
___ 4. Bulkang Mayon
___ 5. ginto, pilak at tanso
___ 6. Bangui Windmill

___ 7. Ang tawag sa pag-iiba-iba ng klima ng mundo?


A. Global Warming C. Climate Change
B. Polusyon D. Pagkakaingin

___ 8. Ano ang nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga yamang tubig?


A. Paliligo sa dagat
B. Paghuli ng isda sa dagat
C. Pagbebenta ng mga yamang dagat
D. Pagtatapon ng mga basura at langis sa katubigan

___ 9. Ano ang mangyayari kung hindi natin pangangalagaan nang maayos
ang ating likas na yaman?
A. Magiging mas maunlad ang ekonomiya.
B. Magiging maayos pa ang kabuhayan ng mga tao
C. Mapapakinabangan pa natin ang ating likas na yaman.
D. Masisira ang ating paligid at mawawalan ng yaman ang susunod na
salinlahi.

___ 10. Ang iyong kapatid ay mahilig magtapon ng mga bagay na alam mong
maaari pang gamiting muli.
Ano ang gagawin mo para maiwasto ang ginagawa ng kapatid mo?
A. Isusumbong ko siya sa aming mga magulang.
B. Kukunin ko ang mga itinatapon niya na pwede ko pang
mapakinabangan.
C. Sasabihin ko sa guro niya na turuan ang kapatid ko tungkol sa 3Rs
(reduce, reuse at recycle).
D. Tuturuan ko siya kung paano muling mapakinabangan ang mga
bagay na akala niya ay basura

SUMMATIVE TEST #2
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

___ 11. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng matalinong paggamit ng


likas na yaman?
A. Pagsusunog ng basura C. Paggamit ng dinamita sa pangingisda
B. Bio-intensive gardening D. Pagtatayo ng pabrika malapit sa ilog

___ 2. Kanino pananagutan ang magbigay ng kaalaman sa mga mag-aaral


ukol sa tamang paraan ng pangangasiwa ng likas na yaman?
A. Pamahalaan B. Paaralan C. Simbahan D. Pamilya

___ 3. Tungkulin ng _________________ na hubugin ang mga anak nang


may pagpapahalaga sa kalikasan.
A. Pamahalaan B. Paaralan C. Simbahan D. Pamilya

__ 4. Ito ay batas na naglalayong protektahan ang mga yamang koral sa


katubigan ng Pilipinas.
A. PD 705 C. PD 1219/1698
B. Republic Act 428 D.Republic Act 6678

___ 5. Habang ikaw ay nasa daan pauwi sa inyong tahanan, nakita mong
sinisira ng isang bata ang mga halaman ng inyong kapitbahay. Ano
ang iyong gagawin?
A. Hayaan mo na lang siya.
B. Tularan ang kanyang ginagawa.
C. Isusumbong at ipapahiya sa kapitbahay.
D. Sabihin na hindi dapat paglaruan ang mga halaman, nararapat itong
alagaan.
___ 6. Alin ang HINDI wastong mungkahing paraan ng pangangasiwa ng likas
na yaman?
A. Paggawa ng compost pit
B. Alagaan ang mga halaman sa paligid.
C. Pagtatayo ng bahay sa ibabaw at tabi ng ilog o estero.
D. Pag-iwas sa paggamit ng mga nakasasamang kemikal sa pananim.

___ 7. Ang Marikina ay tanyag sa paggawa ng __________.


A. bagoong B. muebles C. sumbrero D. bag at sapatos

___ 8. Bakit kailangan ang sustainable development o ang likas kayang pag-
unlad?
A. Upang magkaroon ng isang alternatibong kaunlaran sa harap ng
lumalalang krisis pangkalikasan
B. Upang maiwasan ang tuluyang pagkasira at pagkawasak ng
kalikasan
C. Pagsaalang-alang sa kakayahan ng susunod na henerasyon na
makamit din ang kanilang mga pangangailangan
D. Lahat ng nabanggit ay tamang sagot

___ 9. Ang pamahalaan ay nagsasagawa ng iba’t ibang istratehiya upang


matugunan ang mga pangangailangan ng tao. Alin ang hindi kabilang
dito:
A. Pagsama ng mga usaping pangkalikasan sa paggawa ng desisyon
B. Pagsama ng mga isyung pampopulasyon at kapakanan
ng nakararami sa pagpaplano ng pag unlad
C. Pagbabawas ng paglaki ng mga rural na lugar,
D. Hindi pagpapaigting ng edukasyong pangkalikasan

___ 10. Ano ang tawag sa pagtugon sa pangangailangan at mithiin ng mga


tao nang may pagsaalang-alang sa kakayahan ng susunod na henerasyon na
makamit din ang kanilang pangangailangan.

A. Kayamanang likas
B. Likas kayang pag-unlad
C. Kakayahang manakop ng ibang bansa
D. Likas na kakayahang mag-angkin ng yaman ng iba

GOOD LUCK!

Prepared by: Checked:


RENATO U. IGNACIO, JR. GERALDINE G. CRISTAL
AP Teacher School Principal II
Name: ______________________________ Grade & Section: _____________

MAPEH 4
SUMMATIVE TEST #1 & #2
PANUTO: Basahin ang bawat pangungusap o tanong. Isulat ang letra/titik ng
iyong sagot sa espasyo bago sa numero.

Sa bilang 1 -5, suriin ang daloy ng melody sa bawat measure. Piliin ang titik
ng iyong sagot sa sumusunod na pagpipilian.
A. Pataas na palaktaw C. Pataas na pahakbang
B. Pababang pahakbang D. Pantay o Inuulit

___ 1.
___ 2.
___ 3.
___ 4.
___ 5.

___ 6. Ang pintor na naglalagay ng foreground, middle ground at background


upang maipakita ang tamang espasyo ng mga bagay sa larawan. Alin sa mga
ito ang tumutukoy sa mga bagay na nasa likod at kadalasang maliliit?
A. Foreground C. Background
B. Middle ground D. Center ground

___ 7. Anong elemento ng sining ang binibigyang buhay sa isang obra?


A. linya B. hugis C. kulay D. espasyo

___ 8. Sa water color painting, paano nagiging mapusyaw ang isang kulay?
A. dagdagan ng tubig ang pintura
B. dagdagan ng matingkad na kulay ang tubig
C. dagdagan ng dilaw ang isang kulay
D. dagdagan ng itim ang isang kulay
___ 9. Ang kulay berde ay karaniwang ginagamit sa aling sumusunod na mga
bagay?
A. araw, puno, tubig C. langit, lupa, puno
B. bundok, damo, dahon D. dahon, prutas, dagat

___ 10. Anong kulay ang mabubuo kapag pinagsama ang kulay pula at dilaw?
A. berde B. lila C. kahel D. kayumanggi

___ 11. Alin ang sanhi ng dengue?


A. Virus na dala ng lamok C. Kontaminadong pagkain
B. Ihi ng dagang sumama sa tubig D. Bacteria na nagmumula sa bulate

___ 12. Anong sakit ang may impeksiyon sa atay?


A. Alipunga B. Hepatitis C. Pulmonya D. Tuberculosis

___ 13. May ubo’t sipon ang iyong kaklase. Ano ang dapat mong gawin upang
upang hindi ka makahawa?
A. Pahiramin siya ng panyo.
B. Payuhan siyang umuwi na.
C. Magtakip ng ilong at bibig kapag kausap siya.
D. Sabihan siyang lumipat ng upuang malayo sa iyo.

___ 14. Maiiwasan ang paglaganap ng Dengue sa isang pamayanan sa


pamamagitan ng
A. pagkain ng masusustansiyang pagakin
B. paglilinis ng kanal at paligid
C. pagdidilig ng mga halaman
D. pagsusunog ng plastik

___ 15. Alin ang HINDI nagpapakita ng pag-iingat sa pagkakaroon ng sakit?


A. pagpapabakuna
B. pagsalo sa kinakain ng may sakit
C. paggamit ng ‘mask’ at ‘gloves’ kapag nag-aalaga ng may sakit
D. pagkonsulta nang regular sa doktor

___ 16. Alin ang dapat mong ugaliin upang hindi magkasakit?
A. Pagliligo ng dalawang beses isang linggo.
B. Pagkain ng masasarap at matatamis
C. Paghuhugas ng kamay
D. Pagtulog maghapon

___ 17. Ito ang lugar kung saan nagpaparami ang mikrobyo. Anong elemento
ng kadena ng impeksiyon ang tinutukoy dito ?
A. Imfectious Agent C. Portal of Exit
B. Portal of Entry D. Reservoir

___ 18. Pinakamaliit na mikrobyo na makikita lamang sa pamamagitan ng


mikroskopyo.
A. Virus B. Bacteria C. Fungi D. Bulate

___ 19. Nakita mong nilalangaw at walang takip ang inyong basurahan, ano
ang iyong gagawin?
A. sisigan ito C. hindi papansinin
B. tatakpan ko ito D. patatakpan ko sa ate ko

___ 20. Alin ang tagapagdala ng sakit na Leptospirosis?


A. dugo C. tuwalya
B. daga D. heringgilya (injection)

GOOD LUCK!

Prepared by: Checked:


RENATO U. IGNACIO, JR. GERALDINE G. CRISTAL
AP Teacher School Principal II

You might also like