Las Filipino 2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Filipino IV

Ikatlong Markahan
LEARNING ACTIVITY SHEET
Pangalan: ______________________________________________ Petsa:_________ Score: __________

Gawaing Pagkatuto

Pagsulat ng Simpleng Resipi at Patalastas Panimula (Susing Konsepto)

Araw-araw madalas tayong nakakarinig ng patalastas at nakakakita ng simpleng


resipi sa pagluluto ng ating nanay. Nakakapanood din tayo ng patalastas at pagluluto
gamit ang simpleng resipi sa telebisyon.
Kung ikaw ang susulat ng patalastas at gagawa ng resipi paano mo ito isusulat?
May mga tuntunibn tayong dapat sundin sa pagsulat ng patalastas o anunsyo at resipi.
Pagsulat ng Patalastas o Anunsyo
1. Kailangang tiyak ang paksa ng isang babala.

2. Ang patalastas ay isang mensahe na nagpapahatid ng mahalagang


impormasyon
tungkol sa:
- gaganaping palatuntunan/iba pang gawain
- panawagan sa madla
-kautusan ng bayan/pamahalaan
- pangangailangan sa hanapbuhay
- nawawala
3. kailangang maikli ang patalastas at maliwanag ang mensaheng sumasagot sa
mga na
Ano, Sino, Saan, at Kailan
4. Sa maayos na pagsulat ng patalastas, gamitin nang wasto ang mga sangkap sa
pagsulat
gaya ng malaking titik, bantas, pasok, at palugit.
Pagsulat ng Simpleng Resipi
- Mag-isip ng pamagat ng iyong resipi.
- Ano ang layunin mo sa pagsulat ng resiping ito.
- Ilista muna lahat ng mga kinakailangang sangkap.
- Isulat ang pamamaraan o mga hakbang kung paano ito ihanda.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Nakasusulat ng simpleng resipi at patalastas
1
Gawain 1
Panuto: Basahing mabuti ang talata, at sagutin ang mga tanong tungkol
dito.

Nakakain ka na ba ng banana cue? Ito ang gustong-gustong


meryenda ng kabataan sa ngayon. Sa lahat ng panulukan ng daan ay may
makikita kang nagluluto ng banana cue, ang malambot, malinamnam at
matamis na pagkaing Pilipino.
Maaari ka ring gumawa ng banana cue sa iyong tahanan.
Maghanda ka ng isang boteng langis o mantika isang piling na saging na
sabang hinog, isang tasang asukal o panutsa at ilang patpat na panunog.
Talupan mo ang mga saging na saba. Pakuluan mo ang mantika sa
kawali, ihulog mo ang ilang saging. Hulugan mo ng asukal o panutsa ang
kumukulong mantika. Makikita mo na ang natutunaw na asukal o panutsa
ay kakapit sa piniprito mong saging. Pagkaluto ay saka mo tuhugin sa
mga patpat na panahog.
1. Ano-ano ang mga sangkap sa pagluluto ng
banana cue? 2. Isulat ng sunod-sunod ang
paraan ng pagluluto ng banana cue.

Gawain 2
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang nakalatag na patalastas, at
sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Nabibilang ba kayo o ang kapamilya ninyo sa


mga

2
Kung gayon magparehistro na sa Nobyembre 17 hanggang 21

SINO ANG MGA TAONG MAY KAPANSANAN?


• Bulag ang isa o dalawang mata
• Bingi
• Pipi
• Mahina’t paralisadong braso/kamay
• Mahina’t paralisadongbinti/paa
• May learning disability
• Wala sa sarili
• Autistic
• Mahina ang mata
• Mahina ang pandinig
• Hindi nakakapagsalita ng malinaw
• Putol ang braso/kamay
• Putol ang binti/paa
• Bulol
• Retardate
• Epileptic
• Iba pa

BAKIT KAYO DAPAT MAGPAREHISTRO?


Sa ngayon, may mga programa’t serbisyo ang iba’t ibang sangay ng
pamahalaan at pribadong sektor na kumikilala sa kakayahan ng mga taong may
kapansanan. Subalit kulang pa ito, isisnasagawa ang pagrerehistrong ito upang alamin
ang bilang ninyo at makagawa ang pamahalaan nang masusi pang pag-aaral at
nagpaplano ng mga programa at serbisyo para sa inyo.

3
SAAN KAYO DAPAT PUMUNTA?
Bukas lahat ng barangay hall, barangay health center at barangay
school sa limang araw na ito. Kung wala ang mga ito sa lugar ninyo, may
itatalagang isang registartion center sa pangunguna ng inyong barangay
kapitan, kasama ang mga guro, nars, midwives, at volunteers.

Suportahan ang National Registration Week for Persons with Disabilities

Para sa karagdagang kaalaman tumawag sa Non-Communicable Disease


Control Service
Department of Health, Manila
Tel. 711-62-97. 743-83-01 local 2325-27 sa DOH Regional Office sa inyong
lugar.

1. Ano ang paksa ng patalastas?


2. Saan magpaparehistro ang mga may kapansanan?
3. Kailan sila magpaparehistro?
4. Pansinin ang pagkakasulat ng patalastas, ano-anong mga tanong
ang sinasagot dito?
5. Paano ginamit ang malaking titik at mga bantas tulad ng tuldok
at tandang pananong sa paggawa ng patalastas?

Gawain 3
Panuto: Sumulat ng patalastas ukol sa sumusunod na
sitwasyon.Gamitin ang mga tanong sa ibaba bilang gabay sa
pagsulat nito.
May mga bisitang galing sa kagawaran ng edukasyon na
pinangungunahan ng ating magiting na Kalihim Leonor Briones na
dadalaw sa inyong paaralan. Maglilibot sila sa mga silid-aralan.

 Ano ang isusulat mong paksa?


 Saan dadalaw ang mga bisita?
 Kailan sila dadalaw?

4
Patalastas!

Ano:

Saan:

Kailan:

Gawain 4

Panuto: Bumuo ng isang patalastas gamit ang sumusunod na


parirala.

1. ito ay magsisimula sa ganap na ika-10:00 ng umaga.


2. Ang lahat ay inaasahang dumalo
3. sa Bulwagang Lucio San Pedro ng Meralco Arts Coliseum,
4. para sa isang pagpupulong na may patungkol sa nalalapit na
“Konsiyer,tong Bayanihan”
5. Tinatawagan ang lahat ng miyembro ng Samahang Rondalya,
6. na gaganapin sa ika-2 ng Agosto

5
Gawain 5
Panuto: Sumipi ng isang patalastas.Tiyakin na ang nilalaman nito
ay nakapaloob ang mga sumusunod na katanungan.

• Sino:
• Saan:
• Paano:
• Kailan:
• Bakit:

Gawain 6
Panuto: Sumulat ng isang simpleng resipi ng paborito ninyong ulam.

Rubrics:
Rubriks sa Paggawa ng Patalastas
Dimensyon : Iskor
1. Nakakahikayat at kaagad na nakakuha ng atensyon ang ads.
2. Maikli ngunit malinaw ang pagkakalahad ng mensahe.
3. Mahusay, praktikal at kaakit-akit ang adbertisment.
4. Matapat nitong nailahad ang mga benipisyo ng ads.
5. Sa kabuuan, mahusay na nakapaglahad ng impormasyon.
4- napakahusay
3 mahusay
2- katamtaman
1-nangangailangan ng pagsasanay
6
Rubriks sa Pagsulat ng Resipi

Dimensyon : Iskor
May pamagat ang resipi
Kumpleto ang isinulat na sangkap para sa pagluluto
Detalyado ang isinulat na pamamaraan sa pagluto ng resipi.
4- napakagaling
3 magaling
2- katamtaman
1- nangangailangan ng pagsasanay

Mga Sanggunian

Hiyas sa Wika 5, pp. 193-195


Yaman ng Lahi 4 Kagamitan ng Mag-aaral pp.105-106
http://dayangdunya.blogspot.com/2011/10/unang-gawain-pagbuo-ng.html

7
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. Isang boteng langis o mantika, isang piling na saging na sabang hinog, isang
tasang asukal o panutsa at ilang patpat na panunog
2. Una, ihanda ang mga kinakailangang sangkap. (isang boteng langis o mantika
isang piling na saging na sabang hinog, isang tasang asukal o panutsa at ilang
patpat na panunog)
Pangalawa, talupan o balatan ang mga saging na saba.
Pangatlo, pakuluan ang mantika sa kawali, ihulog ang ilang saging.
Pang-apat, hulugan ng asukal o panutsa ang kumukulong mantika. Panglima,
kapag makikita mo na ang natutunaw na asukal o panutsa ay kakapit sa piniprito
mong saging hanguin na ito, at saka mo tuhugin sa mga patpat na panahog.

Gawain 2
1. Tungkol sa pagpaparehistro may Kapansanan.
2. Sa barangay hall, barangay health center at barangay school
3. Nobyembre 17 hanggang 21
4. Ano, saan at kailan
5. Ginagamit ang malaking titik sa tiyak na ngalan ng tao at lugar, ginagamit ang
tuldok at tandang pananong sa hulihan ng pangungusap.

Gawain 3, 5 at 6.
Maaring magkakaiba ng sagot ang mga bata gamitin ang rubrics sa pagwasto ng
ng kanilang mga sagot.

Gawain 4
Tinatawagan ang lahat ng miyembro ng Samahang Rondalya, para sa isang
pagpupulong na may patungkol sa nalalapit na “Konsiyertong Bayanihan” na gaganapin
sa ika-2 ng Agosto sa Bulwagang Lucio San Pedro ng Meralco Arts Coliseum, ito ay
magsisimula sa ganap na ika- 10:00 ng umaga. Ang lahat ay inaasahang dumalo.

Inihanda ni:
Gng. REBECCA R. ABEDES, T3
Calaoagan Dackel Elementary School

You might also like