EPP4 - Agriculture - Modyul 7 - Paggawa NG Organikong Pataba at Paglalagay NG Abono

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

4

EPP Agriculture
Modyul 7:
Paggawa ng Organikong
Pataba at Paglalagay ng Abono
Alamin
Bukod sa pagdidilig at sikat ng araw, isa sa mga kailangan pang ibigay
sa mga halaman ang mga organikong pataba.

Ang organikong pataba ay maganda sa lupa at halaman. Ito ay


nakapagdadagdag ng water holding capacity ng lupa at
nakapagpapataba ng halaman, kaya mainam na sa ating
paghahalaman tayo ay magkaroong kaalaman sa paggawa ng
organikong pataba sa pamamagitan ng compost.

Sa paghahalaman kailangan ang abono upang maging mataba at


malago ang mga pananim. Sa pamamagitan ng composting, ang
mga sariwa o nabubulok na mga basura tulad ng mga balat ng
prutas at gulay, dahon ng halaman at mga dumi ng mga hayop
ay pwedeng gawing abono.Tinatawag din itong organikong
pataba.

Ang abono ay mahalaga sa mga pananim. Malaki ang


maitutulong nito para mapabilis ang kanilang paglaki at
mapataas ang pagkakataong makapamunga agad ito.

Kailangan ng masusing kaalaman sa pagpili ng wastong abono,


paano ito ilalagay sa halaman at kailan ang panahon ng paglalagay
nito ay dapat isaalang-alang.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang:

Maisasagawa ang masistemang pangangalaga ng


halaman tulad ng paggawa ng organikong pataba
at paglalagay ng abono. (EPP4AG-Oe-8)

1
Paggawa ng Organikong Pataba at Paglalagay
Aralin 1
ng Abono
Tuklasin
Basahin natin ang akrostik
Ang pag-aalaga ng halaman
Bitamina ay kailangan
Organikong pataba, dapat nating ihanda
Ng halaman ay lumaki
Oh ang aanihin natin, tiyak na dadami!!!
Tungkol saan ang akrostik?
Paano nga ba inilalagay ang abono?
Kailan ang tamang panahon upang maglagay nito sa pananim?

Suriin
May dalawang uri ng paggawa ng organikong pataba. Pareho silang gumagamit ng mga
nabubulok na basura, ang pagkakaiba lamang ay ang paraan ng paghahanda nito.

PAMAMARAAN SA PAGGAWA NG COMPOST


PIT
1. Humanap ng medyo mataas na luga

2. Hukayin ito ng 2 metro ang haba, luwang at lalim.

3. Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo, basurang nabubulok at


mga pinagbalatan ng gulay at prutas.

2
4. Patungan ito ng dumi ng hayop tulad ng baboy, manok, at baka.

5. Sabugan ito ng abo at patungan ito ng lupa.

6. Ulitin ang ganitong pagkasunod-sunod ng damo, nabubulok na basura,


dumi ng hayop, abo, at lupa hanggang sa mapuno ang hukay.

7. Patagalin ng 3 buwan o higit pa upang mabulok. Kunin ang mga compost


sa pamamagitan ng pagsasalandra gamit ang metal screen na maliliit ang
mga butas.

BASKET COMPOSTING
Ito ang mga paraan sa paggawa ng basket composting.
1. Pumili ng lalagyan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba.
May isang metro ang lalim.

3
2. Ikalat ng pantay ang mga pinagpatong-patong na dahon, dayami, at
pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng mga hayop, at lupa tulad din ng
compost pit hanggang mapuno ang lalagyan.

3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawyan upang


mabulok kaagad ang basura.

4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang


hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang peste.

5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan


para magsama ang lupa at ang nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang
buwan.

PAGLALAGAY NG PATABA
Ang abono o pataba ay mahalaga sa mga pananim.Pinagyayaman nito ang
lupa upang maging sapat ang sustansiyang taglay ng lupa na kailangan ng
ng mga ugat ng pananim.Bagamat may di-organikong abono na madaling
mabili sa mga tindahan, ang paggamit ng organikong pataba ay
iminumungkahi dahil ligtas at mura.
Ngunit hindi lamang basta maglalagay ng abono ang kailangan upang lumaki
ng malulusog ang mga halaman.Kailangan din ng wastong kaalaman sa
pagpili ng pataba at paggamit nito.

4
Paglalagay ng pataba
1. Paano?
Ang patabang galing sa mga bagay na may buhay ay inihahalo sa lupa. Ang
paraan ng paglalagay ng patabang galing sa mga bagay na walang buhay ay
nakasulat sa ballot ng mga ito.
2. Kailan?
Ang pataba ay maaaring ilagay bago magtanim, habang nagtatanim, o
pagkatapos magtanim. Ngunit ang pinakamagandang panahon ng paglalagay
ng pataba ay habang maliit pa ang pananim bago ito mamunga. Sa panahong
ito, kailangangkailangan ng tanim ang sustansya mula sa lupa.

Ibat-ibang paraan ng Paglalagay ng Abono o Pataba:


1. Broadcasting Method- Ang pataba ay ikinakalat sa ibabaw ng lupa.
Kadalasang ginagawa ito sa mga palayan at maisan.

2. Side-dressing Method
a. Ang pataba ay inilalagay sa lupa na hindi gaanong malapit sa ugat ng
halaman sa pamamagitan ng kagamitang nakalaan para rito.
b. Ito ay ginagawa sa mga halamang nakatanim na pahilera at hindi paisa-
isa.
c. Ang pataba ay ilalagay sa lupa na hindi gaanong malapit sa ugat ay
halaman sa amamagitan ng isang kagamitang nakalaan para rito.
d. Ginagamit ito sa pamamagitan ng pagdidilig o pag-iispray ng solusyong
abono sa mga dahon ng halaman.
e. Ang abono ay inilalagay sa paligid ng tanim na may layong kalahati
hanggang isang pulgada mula sa puno o tangkay.
f. Ikinakalat sa ibabaw ng lupa ang pataba.

5
3. Foliar Application Method- ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagdidilig o
pagiispray ng sulusyong abono sa mga dahon ng halaman.

4. Ring Method (Paraang pabilog)


a. Humukay nang pabilog sa tanim na may layong kalahati hanggang isang
pulgada mula sa puno o tangkay.
b. Ilagay ang pataba sa lugar na hinukay.
c. Takpan ng lupa ang pataba.

\
5. Basal Application Method- Paglalagay ng abono sa paraang paghahalo ng
pataba sa lupa bago itanim ang halaman. Kapag ang halaman naman ay itatanim
sa paso, ang pataba ay inihahalo nuna sa lupa bago itanim ang halaman.
Ang mga organikong pataba ay mga pataba na katulad ng compost pit na galing
sa mga binulok na dahon ng mga halaman at dumi ng hayop.Samantalang ang
diorganikong pataba tulad ng urea at complete fertilizer ay inihanda sa prosesong
kemikal at mekanikal.
Mahalagang alamin ang tamang uri ng sustansiya na kailangan ng inyong
halaman.Alamin din ang tamang amount o dami ng patabang gagamitin. Ang sobra
o kulang ay hindi mabuti.
At higit sa lahat kailangan ang tamang timing upang masulit ang ginastos sa abono
at makuha ng halaman ang kapakinabangan mula rito.

6
Pagyamanin
Panuto A: Isulat kung ang paraang nabanggit ay sinusunod sa basket
composting o compost pit.
__________1. Gumawa ng hukay na may 2 metro ang haba,luwang, at
lalim. __________2. Lagyan ito ng pasingawang kawayan upang
mabulok kaagad ang basura.
__________3. Pumili ng lagayan ng yari sa kahoy, o yero na sapat ang
laki at haba.
__________4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisilan
upang hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang peste.
__________5. Mas matagal na proseso ng pagpapabulok ang
pinagdaraan ng paraang ito.

B. Tukuyin kung anong uri ito ng pamamaraan ng paglalagay abono ang


inilalarawan sa bawat bilang.
1. Inilagay ang abono sa pamamagitan ng paghahalo ng pataba sa lupa
bago itanim ang halaman.
2. Ang pataba ay ilalagay sa lupa na hindi gaanong malapit sa ugat ay
halaman sa amamagitan ng isang kagamitang nakalaan para rito.
3. Ginagamit ito sa pamamagitan ng pagdidilig o pag-iispray ng
solusyong abono sa mga dahon ng halaman.
4. Ang abono ay inilalagay sa paligid ng tanim na may layong kalahati
hanggang isang pulgada mula sa puno o tangkay.
5. Ikinakalat sa ibabaw ng lupa ang pataba.

Isaisip
➢ Ano ang pagkakaiba ng basket composting at compost pit?
➢ Ano-ano ang mga paraan sa paggawa ng compost pit? basket
compost?
➢ Bakit dapat sundin nang wasto ang mga pamamaraan sa
paggawa ng compost pit ant basket composting?
➢ Ano ang ibat-ibang pamamaraan ng paglalagay ng abono?
➢ Bakit mahalagang malaman kung kailan dapat lagyan ng
pataba ang mga halaman.

7
Isagawa
Panuto A: Isa-sahin ang mga hakbang sa paggawa ng organikong pataba sa
pamamaraang:
a. Compost pit
b. Basket composting

B. Isa-isahin ang iba’t- ibang pamamaraan ng paglalagay ng abono.

Tayahin
Panuto: Pag-aralan ang mga sumusunod na hakbang sa paggawa ng organikong
pataba. Iguhit ang masayang mukha (☺) kung wasto at malungkot ()kung hindi.
_______1. Pumili ng lalagyan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at hanba. May isang
metro ang lalim.

_______2. Patungan ito ng dumi ng hayop tulad ng baboy, manok at baka.

_______3. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi
pamahayan ng langaw at iba pang peste.

_______4. Pagsamahin ang mga nabubulok at di-nabubulok na basura sa isang hukay.

_______5. Ikalat ng pantay ang mga pinagpatong-patong na tuyong dahon,

dayami, pinagbalatan ng prutas, gulay atbp.

8
Susi sa Pagwawasto

9
Sanggunian
DepEd (2015). Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan. Patnubay ng Guro
(Tagalog). First Edition.

DepEd (2015). Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan. Kagamitan ng Magaaral (Tagalog).

First Edition.

DepEd (2015). K to 12 Curriculum Guide. Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: [email protected]

You might also like