Alamin: Filipino Ikaapat Na Markahan - Modyul 5 El Filibusterismo: Kabanata 11-18
Alamin: Filipino Ikaapat Na Markahan - Modyul 5 El Filibusterismo: Kabanata 11-18
Alamin: Filipino Ikaapat Na Markahan - Modyul 5 El Filibusterismo: Kabanata 11-18
Alamin
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng
unawa at pagpapahalaga sa nobelang El makabuluhang photo/video documentary
Filibusterismo bilang isang obra na magmumungkahi ng solusyon sa isang
maestrang pampanitikan suliraning panlipunan sa kasalukuyan
1
Balikan
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangyayari. Isulat ang TAMA kung ang mga
pangyayari ay naganap sa mga nakaraang kabanata at MALI kung hindi.
Magaling! Tunay ngang ikaw ang may natutunan sa mga pangyayari ng mga
nakaraang kabanata ng nobela. Ngayon ihanda mo na naman ang iyong sarili para sa
bagong araling ating tatalakayin.
Tuklasin
Alam mo ba?
Ang pagpapahayag ng opinion at sariling paniniwala ay maaaring pasalita o
pasulat. Sa pagbibigay ng opinion o saloobin, kinakailangan ang kasiguraduhan na
mailahad ang mga ideya nang may kaayusan.
May mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin.
Ito ang sumusunod:
Gawain
2
Panuto: Basahin nang mabuti ang gintong kasabihan sa loob ng kahon. Gamit ang
graphic organizer sa susunod na pahina, ilahad mo ang iyong ideya, saloobin o
damdamin tungkol sa kahalagahan ng edukasyon. Gamitin ang mga salitang
naghuhudyat sa pagpapahayag ng saloobin o damdamin.
KAHALAGAHAN NG EDUKASYON
Para sa akin, __________
_________________________
_________________________
_____________________.
Suriin
Basahin ang mga sumusunod na sipi sa bawat bahagi ng kabanata. Unawain nang
mabuti ang mga kaisipang tinalakay rito.
May utang si Quiroga kay Simoun dahil kumuha ito ng tatlong pulseras para
pansuhol niya sa isang magandang babae na ang lakas ay lubhang kailangan niya sa
❶
isang uri ng kalakal at pagtutubuan niya ng P6,000. Ang utang niya kay Simoun ay
P9,000. Sinabi ng mag-aalahas na ang utang niya ay gagawin na lamang niyang P6,000
kung papayag siyang itago sa kanyang tindahan ang mga armas niyang dumating.
Pumayag si Quiroga.
Sipi mula sa Kabanata 16: Ang Mga Kapighatian ng Isang Tsino
3
Ang tinalakay na bahagi ay nagpapakita kung gaano ka makapangyarihan
ang salapi. Gaya ng ginawa ni Simoun kay Quiroga na kung saan
nagkaroon ng utang si Quiroga kay Simoun ng 9,000. Ngunit sinabi ni
Simoun na gagawin na lamang niyang 6,000
sa isang kondisyon, kung papayag si Quiroga na itago sa kanyang tindahan
ang mga armas ni Simoun. Ito ay nagpapatunay na lahat ay magiging
posible at maisasakatuparan ang iyong mga sariling interes kung ikaw ay
may maraming pera.
❷
Dahil sa kagustuhan ng mga kabataang mag-aaral na maisakatuparan ang planong
pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila, gusto nilang mapalapit kay Don Custodio.
Nagmungkahi si Pecson na lapitan si Pepay, isang mananayaw na malapit kay Don
Custodio. Hindi sumang-ayon si Isagani sapagkat mahalay tingnan kung pati kay Pepay ay
lalapit pa sila. “May iba pa namang paraan, gawin muna natin ang paraang hindi
mahalay”, sambit ni Isagani.
Sipi mula sa Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Mag-aaral
Ang bahaging ito ay isang halimbawa ng taong may paninindigan sa
sariling prinsipyo. Pinapatunayan ito ni Isagani nang hindi siya sumang-
ayon sa mungkahi ni Pecson na gamitin si Pepay para mapalapit kay Don
Custudio para sa kanilang hangarin na makapagpatayo ng Akademya ng
Wikang Kastila. Nais niyang gumawa ng marangal at iwasan ang
masagwang paraan upang makamit ang kahilingan.
❸
“Ang gumawa ng isang panukala bagama’t may mabuting layunin kung laban naman
sa alituntunin ng pamahalaan ay nakakasugat. Ang magtangka ng ng pagkilos na
salungat sa mataas na layunin ay isang krimen na dapat parusahan”, ani G. Pasta
Sipi mula sa Kabanata 15 : Si G. Pasta
Pagyamanin
Gawain 1
Isa sa kaisipang lutang sa nobela ay ang paggamit ng kapangyarihan.
Mapapansin ang pagwawalang-bahala ng pamahalaan sa kanilang tungkulin o posisyon.
Dahil dito, di nila namamalayang umaabuso na sila sa kanilang katungkulan at
4
nawawalan ng tiwala sa kanila ang taong bayan. Pansinin ang talatang nasa loob ng
kahon sa ibaba:
Paggamit ng Kapangyarihan
Isaisip
6
Tayahin
Binabati kita kaibigan! Walang katulad ang iyong ipinamalas na sikap at tiyaga
upang iyong matamo ang kasanayan sa modyul na ito. Napakahusay mo! Ngayon ito na
ang huling pagsubok na aking ibibigay sa iyo. Galingan mo pa. Alam kong kayang-kaya
mo ito. Sige na, gawin mo!
Panuto: Basahin at unawain ang mga nakasulat na pahayag o talata. Isulat sa sagutang
papel ang titik ng tamang sagot.
3.
Nahuli ng guro si Placido na tinuruan nito ng sagot si Juanito kaya siya pinatayo. Sinabi
pa ng guro na labinlima na raw ang kanyang liban sa klase at isang liban na lang ay
bagsak na siya. Nangatwiran si Placido na apat na araw lang daw ang kaniyang liban,
subalit ng sagot ng guro bihira lang daw siyang magcheck ng attendance kaya tuwing
magchecheck siya ay minamarkahan niya ng limang liban si Placido at at binigyan pa siya
ng markang sero sa araw na iyon. Muling nangatwiran si Placido ngunit hinamak siya ng
guro.
Ano ang katangiang taglay ng guro sa binasang talata?
a. makapangyarihan bilang isang guro
b. malupit at mapagsamantala sa kapwa
c. mapanghusga sa kanyang mag-aaral
d. mapang-api at walang pakialam sa mag-aaral
4.
Naalala ni Placido ang isang mag-aaral na pumasa lamang sa asignatura dahil sa
pagreregalo ng kanaryo sabay bigay ng tatlong piso.
Ang kaisipang nais ipahiwatig sa binasa ay –
a. kawanggawa b. kapangyarihan ng salapi
c. pagsasamantala sa kapwa d. paninindigan sa sariling prinsipyo
7
5.
Dahil sa mga reklamo at daing ng mga manggagawa sa kanilang trabaho, tinanggal
agad sila ng Kapitan Heneral.
6.
Ibinukas ni Macaraeg ang kaniyang tahanan sa kapwa niya mag-aaral upang dito
magtipon para sa isang mabuting layunin.
Ano ang kaisipang nangingibabaw sa binasa?
a. karuwagan c. kapangyarihan ng salapi
b. kawanggawa d. paninindigan sa sariling prinsipyo
7.
Kinumbinsi ni Isagani si G. Pasta na tulungan sila sa pagpapatayo ng Akademya
ng Wikang Kastila, subalit, napagdesisyunan ng abogado na ayaw niyang isawsaw
ang kaniyang daliri sa gayong kaselan na bagay. Kailangan din niyang ingatan ang
kanyang posisyon at pag-aari.
8.
Tuwing pista, napakaganda at kaakit-akit ang gabi sa liwasan ng Quiapo.
Napakaraming tao na nais magpakasaya sa perya. Ang musika, kosmorama at mga
ilaw ng mga parol ay nagdudulot ng kasiyahan sa lahat.
8
10.
Bilang pinuno sa isang grupo ng mag-aaral, hiniling ni Isagani na magtayo ng
Akademyang Kastila. Siya ay dumulog kay Senyor Pasta na isang
pinagkakatiwalaang abogado ng pamahalaan. Pinayuhan ng abogado si Isagani
na hayaan na lang ang pamahalaan na ibigay kung ano ang makabubuti para
sa kanila.
Karagdagang Gawain
Marami nang pelikula sa kasalukuyan ang tumatak sa puso ng bawat Pilipino
dahil sa tumatalakay ito sa ating kasaysayan at umani ng papuri mula sa mamamayan
dahil sa taglay nitong istorya at kaisipang ibinabahagi sa mga manonood. Panoorin ang
video clip mula sa link sa ibaba, pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.
https://www.youtube.com/watch?v=PBT-qSm-gJs
kabuluhan ng edukasyon
pamamalakad sa pamahalaan
pagmamahal sa Diyos, bayan, kapwa-tao, pamilya
kabayanihan
karuwagan
paggamit ng kapangyarihan
kapangyarihan ng salapi
kalupitan at pagsasamantala sa kapwa
kahirapan , paglilibang, kawanggawa at paninindigan sa
sariling prinsipyo.