PAGTATAYA 4th-4
PAGTATAYA 4th-4
PAGTATAYA 4th-4
Pangalan: Iskor:
Seksyon: Petsa:
A. Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salita sa Hanay A. Isulat ang letra ng sagot bago ang bilang. Pagkatapos ay
gamitin ang mga salita sa pangungusap.
A B
1. Panimdim a. kaharian
2. Sukab b. taksil
3. Trigo c. nalugmok
4. Nakalugami d. pangamba
5. Reyno e. halamang butil
C. Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang letra ng wastong sagot.
1. Sinong makata at manunulat ang kinilala bilang “Ama ng Balagtasan”?
a. Francisco Baltazar b. Jose Dela Cruz c. Juan Miguel d. Mariano Ponce
2. Anong uri ng anyong panitikan ang “Florante at Laura” ni Francisco Balagtas?
a. Awit b. Korido c. Dula d. Sanaysay
3. Ayon kay Epifanio de los Santos, isang mananalaysay, anong taon nalimbag ang unang edisyon ng “Florante at Laura”?
a. 1788 b.1835 c. 1838 d. 1862
4. Sa akdang Florante at Laura ano ang nais ipabatid ng may akda sa mga mababasa?
a. pakaliriiping mabuti ang babasahin
b. ingatan ang bawat pahina at suriing mabuti ang nilalaman nito
c. gamitin sa tunay na buhay ang aral na napupulot dito
d. tularan ang gawi ng mga tauhan
5. Sino ang mapagkandiling ama ni Florante na pribadong tanungan ng hari?
a. Konde Silano b. Duke Briseo c. Haring Linseo d. Heneral Osmalik
6. Ano ang wastongpagkakasunod-sunod ng wakas ng awit?
I. Pinana ni Flerida si Adolfo
II. Nagkita-kita ang apat sa gubat
III. Dumating sa gubat si Menandro kasama ang hukbo
IV. Isinalaysay ni Laura kina Florante, Aladin at Flerida ang nangyari sa Albanya
a. IV-II-III-I b. I-II-III-IV c. I-II-IV-III d. III-I-IV-II
7. Kanino inialay ni Francisco Baltazar ang kaniyang Florante at Laura? a. Selya b. Leonora c. Luciana d. Maria
8. Bakit kailangang basahin at pag-aralan ang Florante at Laura?
a. nakakatawa b. nakakalungkot c. nagbibigay-aral d. nagbibigay-saya
9. “Oh pag-ibig na makapangyarihan, pag pumasok sa puso ninuman hahamakin ang lahat makamtan ka
Lamang”. Kaisipang nakapaloob sa teksto.
a. ang pag-ibig ay mapagparaya
b. hindi matutumbasan ang wagas na pag-ibig
c. gagawin ang lahat makamit lamang ang ninanais
d. Sa hirap at ginhawa sila’y magkasama
10. Kung kayo si Florante at nasa harap ninyo ang mga mababangis na nakahandang silain o lapain kayo, ano
ang Inyong magiging damdamin?
a. maaawa b. magagalit c. malulumbay d. manghihina at matatakot
11. Anong uri ng kabaitan ang kinamulatan ni Florante sa kanyang ama?
a. bait na umakay sa pusong suyui’t igalang c. bait na hindi paimbabaw
b. bait na namunga ng kaligayahan d. bait na walang humpay
12. Ano ang nais ipahiwatig ni Aladin sa pahayag, “ Ngunit ang nanahang maralitang tubig sa mukhat’t dibdib
kong laging dumidilig.”
a. maraming tubig ang nasa dibdib niya c. may tubig na dumidilig sa kanyang mukha
b. labis siyang nanghihinayang kaya siya umiiyak d. namalagi sa kanyang mukha’t dibdib sang luha
13. “Ngayong malakas na ako, ako naman.” Ano ang kahulugan ng pahayag na nasa ibaba?
a. paghihiganti c. pagliligtas sa nagigipit
b. pasasalamat d. pagbabayad ng utang na loob
14. Piliin ang angkop na pagpapakahulugan sa taludturan. “Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad, sa bait at
muni’t sa hatol ay salat.”
a. Ang madalas na isinasama ng anak ay pagpapalayaw.
b. Lalaking maawain ang anak kung maawain ang magulang.
c. Karaniwang hindi lumalaki nang mabait ang pinalaki sa layaw.
d. Kulang sa pang-unawa upang makagawa nang maayos na pasya ang taong laki sa layaw.
15. “Ipinagtatapat ko sa iyong ang aking mga kalungkutan ay naragdagan pa at naipaibayuhan magbuhat ng
ikaw ay aking mamalas”: Paghanga; Lumakad ka na at papatnubayan kita ng aking mga Dalangin”: ______
a. pagtanggi b. pagsuyo c. pagdadalamhati d. pagmamalasakit