Name: - Score: - Grade & Section: - 4-Maya Date
Name: - Score: - Grade & Section: - 4-Maya Date
Name: - Score: - Grade & Section: - 4-Maya Date
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV – A CALABARZON
Division of Rizal
District of Tanay II-A
III. PAGTALAKAY:
Mga Gampanin ng Pamahalaan Para sa Kanyang Mamamayan
Ang pamahalaan ay itinatag para sa kapakanan ng lahat ng mga taong sakop nito. Kung wala nito,
walang kapanatagan sa bawat lipunan dahil walang susupil sa masasamang gawain at kaguluhan at walang
tutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan. Ito ang sandigan ng pag-unlad ng sambayanan.
Napakahalaga nito dahil sa pagbibigay halaga nito sa edukasyon, kalusugan, kaligtasan, at iba pang
pangangailangan ng taong bayan. Kailangan ng isang bansa ang pamahalaan dahil sa iba’t ibang gampanin
nito para sa kanyang mamamayan. Tungkulin ng pamahalaan na gumawa ng batas, magpatupad ng batas
at bigyan ng pagpapakahulugan ito. Maliban dito, pinagtutuunan din nito ang iba pang gawain na ang ilan ay
iniatas pa ng Saligang Batas katulad ng gawaing panseguridad, kaayusang panlipunan at pang-ekonomiya
at katarungang panlipunan. Pinapangalagaan ng pamahalaan ang bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon
ng sariling Hukbong Sandatahan na magtatanggol sa bansa at magpapanatili ng katatagan nito.
Sa pamamagitan din nito nagkakaroon ng ugnayang diplomatiko ang bansa na kung saan ito ay
nakikipagtulungan upang mapabuti ang kabuhayan ng bawat mamamayan. Ito din ay nagtatakda ng mga
batas upang maiwasan ang pang-aabuso ng mga tao sa mga tinatamasang karapatan. Sa katarungang
panlipunan may programa din ang pamahalaan upang mabigyan ng proteksyon ang karapatan ng biktima at
akusado tulad halimbawa ng Witness Protection Program ng Kagawaran ng Katarungan na nagbibigay
seguridad sa mamamayang testigo laban sa akusado sa pagkakasalang kriminal.
Itinataguyod din ng pamahalaan ang kaunlaran ng bansa sa pamamagitan ng pagtulong sa maliliit na
industriya at pagbibigay ng iba’t ibang tulong at pondo upang ang mga ito ay umunlad. Binibigyang
prayoridad din ng pamahalaan ang edukasyon sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga paaralan at
pagbibigay ng libreng pag-aaral sa mga pampublikong paaralan mula elementarya hanggang sa kolehiyo.
Ang pamahalaan din ang nagbibigay ng babala sa mga mamamayan kung may kalamidad tulad ng bagyo,
lindol, baha, pagputok ng bulkan at epidemya. Tinutulungan ng pamahalaan ang pangangailangan ng
mamamayang katulad ng nasalanta ng mga kalamidad, bagyo, pagbaha, lindol at pagputok ng bulkan at
iba pang sakunang dulot ng kalikasan at gawa ng tao. Sa kagalingang panlipunan, may pabahay na
inaalok ang pamahalaan sa abot kayang halaga para sa mga iskwater sa kalunsuran. Ang proyektong
pangkabuhayan ang nauuna sa mga listahan upang makapagtrabaho ng maayos sa pamilya at sa bansa.
Pinangangasiwaan din ng pamahalaan ang pisikal, pangkabuhayan, panlipunan, at pangkulturang
kaunlaran ng bawat mamamayan, isa na dito ay ang pagpapagawa ng mga kalsada, mga tulay at mga
gusaling pampubliko para sa kaunlaran ng buong bansa.
Ang Newborn Screening Program ay programa ng DOH para sa mga bagong silang na sanggol. Ito ay
isang mahalagang paraan sa kalusugan ng publiko na nagbibigay daan sa maagang pagtuklas at
pamamahala ng mga karamdaman ng mga bagong silang na sanggol.
pg. 3
Ang National Safe Motherhood Program ay programa para sa mga ina. Kasama rito ang regular na
pagpapatingin sa health center ng mga nagdadalang tao, libreng bitamina para sa kanila, at libreng bakuna
laban sa sakit gaya ng neo tetanus.
Maaaring pumunta sa mga sentrong pangkalusugan (health center) sa inyong pamayanan para sa mga
pangangailangang medikal.
GAWAIN:
Panuto: Suriing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang / kung tama ang isinasaad nito at X naman kung
mali. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
_____1. Tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan ang mga tao at ang kanilang mga ari-arian.
_____2. Ang pamahalaan ay may tungkuling pagyamanin ang kabuhayan ng mga mamamayan at
kaunlaran ng bansa.
_____3. Ang mga namumuno sa pamahalaan ay dapat pagsilbihan ng mga mamamayan.
_____4. Ang pamahalaan ay isang simbolo lamang ng kapangyarihan at walang anumang gampanin sa
sambayanan.
_____5. Ang pangangalaga sa ating teritoryo ay isa sa mga tungkulin ng pamahalaan.
Panuto: Isulat ang Tama kung ito ay tumutukoy sa mga programang pangkalusugan at Mali naman kung
hindi. Isulat ito sa isang malinis na papel.
_____1. Maaari kang makahingi ng libreng gamot sa mga health center sa iyong pamayanan.
_____2. Ang mga sanggol at mga bata ay may libreng bakuna para sa tigdas, polio at diphtheria.
_____3. Sa pamamagitan ng PhilHealth, maraming mga mamamayan ang nakapagpapagamot.
_____4. Nagpapagawa ng mga tulay at kalsada.
_____5. Nagbibigay ng kumpletong gamot sa mga pinakamahihirap na mamamayan ng bansa.
pg. 4
Ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas o Philippine National Police (PNP) ay ang lakas ng
hanay ng kapulisan ng bansa. Sila ang kaakibat ng mga lokal na pamahalaan sa pagsugpo sa mga
krimen at sa paghuli sa mga taong lumalabag sa batas.
Isa na rito ang Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA). Ang PAMANA ay isang
programa sa kapayapaan at pag-unlad sa mga lugar na apektado ng kaguluhan at mga lugar na sakop
ng umiiral na mga kasunduang kapayapaan. Bilang tugon, ang gobyerno ay walang tigil sa paghahanap
ng kapayapaan sa pamamagitan ng mga peace building initiatives kagaya ng usapang
pangkapayapaan (peace talks) at kasunduan sa kapayapaan (peace agreements) sa mga rebelde at
iba pang grupo na sumasalungat sa pamahalaan.
Mga Programang Pang-ekonomiya
Ang ekonomiya ay sitwasyong pangkabuhayan ng isang bansa. Ang pamahalaan ay mayroong
mga patakarang pangekonomiya na nagsisilbing gabay sa pagtataguyod ng mga programang
pangkaunlaran ng bansa. Ang agrikultura ay isa sa mahahalagang industriya sa bansa. Binubuo ito ng
panggugubat (forestry), pag-aani (crop production), pagsasaka ng hayop (livestock farming), at
pangingisda (fisheries). Kaya naman bilang pagpapaunlad ng sektor na ito, binibigyan ng suporta ang
mga magsasaka gaya ng pagtuturo at pagsasanay hinggil sa makabagong mga paraan sa pagsasaka.
Naging malaki ang tulong ng Comprehensive Agrarian Reform (CARP) sa mga magsasaka. Ang
layunin ng CARP ay mabigyan ang mga magsasaka ng sarili nilang lupang sasakahin at sisinupin.
Ang una ay ang reforestation o ang muling pagtatanim sa mga lugar na pinuputulan ng puno. At
ang ikalawa ay ang pagbabawal ng mga trosong panluwas. Ang kabundukan ng Pilipinas ay sagana sa
iba’t ibang uri ng mineral. Ngunit ang paglinang dito ay hindi ganap. upang mapaunlad ito, binigyan ng
pamahalaan ng permiso ang ilang korporasyong pag-aari ng dayuhan na mamuhunan sa paglinang ng
mga mineral sa bansa. Upang maging ganap ang partisipasyon ng mamamayan sa pagtugon sa
pambansang ekonomiya, hinihikayat ng pamahalaan ang pagtatayo ng mga korporasyon, kooperatiba,
samahan, at mga negosyong pag-aari ng pribadong mamamayan. Ang pagkakaroon ng monopolyo ay
iniiwasan ng pamahalaan dahil naghahatid ito ng hindi makatarungang kompetisyon. Ang monopolyo
ay isang klase ng sistemang pangangalakal kung saan ang pagkontrol at pagtustos ng iisang
kompanya ng isang uri ng produkto. Ang lingkurangbayan ay mga pampublikong pasilidad na bukas sa
sinumang mamamayan ng bansa na may kaalaman at kakayahang magpatakbo ng negosyo. Ang
ganitong patakaran sa pangangalakal ay nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas bilang proteksiyon
sa mga Pilipinong mangangalakal.
Mga Programang Pang-imprastraktura
Ang pagpapaunlad ng imprastraktura ay kabilang sa mga nangungunang prayoridad ng
pamahalaan upang mapanatili ang paglago ng ekonomiya, makabuo ng mga bagong trabaho at
mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan sa bansa. Ang imprastraktura ay tumutukoy sa
mga pangunahing sistema at serbisyo na kailangan ng isang bansa o organisasyon upang mapatakbo
nang maayos. Para sa isang buong bansa, kasama dito ang lahat ng mga sistemang pisikal tulad ng
mga network ng kalsada at riles, mga gusali, mga linya ng telepono, kuryente at tubig, mga cell tower,
mga air control tower, tulay, tunnel, daungan, paliparan, at iba pa, kasama ang mga serbisyo kabilang
ang pagpapatupad ng batas, pangangalaga ng kalusugan, edukasyon, at iba pa.
Ang Kagawaran ng Pagawaing Pambayan at Lansangan o Department of Public Works and
Highways (DPWH) ay ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na responsable sa pagpapatayo at
pagpapanatili ng mga imprastraktura. Ang Public-Private Partnership (PPP) ay isang kasunduang
kontraktwal sa pagitan ng pamahalaan at isang pribadong kompanya na nakatutok sa pamumunuhan,
pagpaplano, pagpapatupad at pagpapatakbo ng mga pasilidad sa imprastraktura at serbisyo.
Ang Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education (DepEd) ay may programang
tinatawag na School Building Program. Ang programang ito ay may layunin na pabutihin at panatilihin
ang mga pasilidad sa paaralan. Saklaw nito ang pagpaptayo, pagkukumpuni at pagpapanatili ng mga
pasilidad sa paaralan. Maraming bata ang nakakapag-aral dahil halos lahat ng barangay ay may
paaralan.
pg. 5
Ang Kagawaran ng Transportasyon o Department of Transportation (DoTr) ay may tungkuling
mangalaga at magpalawak ng maaasahang sistema ng transportasyon sa bansa.
Pinangangasiwaan naman ng Department of Information and Communications Technology
(DICT) ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya upang mapabilis ang komunikasyon ng mga
tao. Nilalayon ng National Broadband Plan na mapabilis ang paglawak ng paggamit ng fiber optics
cables at wireless na teknolohiya upang mapagbuti ang bilis ng internet.
Ang Kagawaran ng Agrikultura o Department of Agriculture (DA) at Kagawaran ng
Repormang Pansakahan o Department of Agrarian Reform (DAR) ay responsable sa pagtatayo ng
farm-to-market roads, post-harvest facilities, at mga pasilidad na patubig o irrigation.
GAWAIN: Panuto: Lagyan ng markang tsek ( / ) kung nakatutulong sa pagpapanatili ng
kapayapaan at ekis ( X ) naman kung hindi.
______ 1. Pagpapatupad ng mga polisiya hinggil sa kapayapaan .
_______2. Pakikipagsabwatan sa mga magnanakaw.
_______3. Paglaganap ng krimen sa bansa
_______4. Kaguluhan sa pagitan ng mga hukbong-pandagat at banyagang mangingisda sa loob at labas
ng dagat ng Pilipinas.
______ 5. Pagsunod sa pinaiiral na batas ng bansa.
Sagutin kung Tama o Mali ang mga sumusunod na pangungusap.
______ 1. Ang mga paliparan at daungan ay ginagamit upang mabilis na makapaglakbay at makapaghatid
ng mga kalakal sa iba’t ibang panig ng mundo.
______ 2. Maraming bata ang nakapag-aaral dahil halos lahat ng barangay ay may paaralan.
______3. Sa paggamit ng makabagong teknolohiya napapabilis ang komunikasyon sa buong bansa.
______4. Ang Department of Public Works and Highways ang nangangasiwa sa mga pagawaing bayan at
lansangan.
______5. Hindi tinutugunan ng pamahalaan ang mga pangangailangan ng mamamayan.
III. PAGTALAKAY
Balita: Pagpapaunlad ng mga barangay patuloy na itinataguyod sa Oriental Mindoro”
Calapan City (6 August)—Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga barangay sa pag-
unlad ng lalawigan kung kaya’t pinag-iibayo ng pamunuan ni Gobernador Arnan ang
pagsusulong ng kagalingan ng mga mamamayan sa ibat ibang barangay sa lalawigan. Noong
Hulyo 22, naging panauhing pandangal si Gobernador Arnan sa barangay assembly ng Brgy.
Balete sa bayan ng Gloria. Naging tampok na gawain sa pagpupulong ang pagkakaloob ng
gobernador ng Php500,000 counterpart fund para sa elektripikasyon ng Sitio Corehousing sa
barangay. Ang pagpapailaw sa nabanggit na sitio ay napakalaking tulong ayon kay Mayor
pg. 6
Romeo Alvarez ng Gloria. Ayon sa gobernador, ito ay naipaabot sa kaniyang kaalaman noong
nakaraang taon, kaya siya bumisita sa barangay ay bilang pagtupad sa kaniyang pangako.
Ayon sa kaniya, mapabibilis ang pagpapatupad ng magagandang proyekto at programa sa mga
barangay kung matibay ang pagkakaisa at pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan,
Pamahalaang Bayan at ng Pamahalaang Barangay. Kongkretong halimbawa ang nabanggit na
programa kung saan nagkaloob din ng Php400,000 si Mayor Alvarez samantalang Php100,000
naman ang kay Kapitan Mosquera para mabuo ang halos Php1M gugugulin sa proyekto, ayon
pa sa gobernador. Tinanggap din ni Kapitan Mosquera mula sa gobernador ang Philhealth ID
cards ng mga pamilyang benepisyaryo sa kanilang barangay. Buong suporta at pagkilala sa
mahusay na pagtutulungan ng Sangguniang Barangay at ng mamamayan ang pahatid ng
kanilang Vice Mayor at Board Members. Samantala, pinuntahan din ng gobernador ang ilang
barangay sa bayan ng Naujan upang personal na maghatid ng programa ng Pamahalaang
Panlalawigan at alamin ang kalagayan ng mga mamamayan dito. Nagkaloob siya ng ID cards
para sa kanilang 238 pamilyang benepisyaryo ng libreng health insurance at dalawang yunit ng
computer para sa Sangguniang Barangay. Tinugon din ng gobernador ang kahilingan ng
paaralang elementarya na magkaroon ng dagdag na guro sa ilalim ng programang PPSKA, mga
sports equipment at computer set. Ipinangako rin niya na dudugtungan ang naipatapos nang
road concreting project sa barangay. Pasasalamat ang paabot ng mga kapitan na kahit
malawak ang responsibilidad ng kanilang gobernador ay hindi kailanman tumanggi sa mga
kahilingan ng kanilang barangay.
(PIA) news.pia.gov.ph/index.php?article=741400467474
GAWAIN:
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagbibigay ng pagpapahalaga sa mga papel na
ginagampanan ng pamahalaan at MALI naman kung hindi.
_____1. Tinugunan ng gobernador ang kahilingan ng paaralang na magkaroon ng dagdag na kaguruan.
_____2. Nabibigyan proteksyon ang bawat namamahala sa pamahalaan.
_____3. Nagkaroon ng programang pangkalusugan para sa mga batang limang taon pababa.
_____4. Nagbabayad ng tamang buwis ang mamamayang may mga negosyo sa ating barangay o bayan.
_____5. Nagpupulong ang mga kasapi ng barangay para sa pakikipagtulungan sa mga nangyayari sa
ating bayan.
pg. 7
_________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________
pg. 8