EsP 4-Q4-Module 11 PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Edukasyon sa

Pagpapakatao
4
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 11: Naisasaalang-alang ang kahalagahan ng
tamang pag-aalaga ng halaman.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Lorina M. Foronda
Editor: Nida C. Francisco
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC, Ph.D., Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Edison P. Clet

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio RGC PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 4
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 11
.

Naisasaalang-alang ang kahalagahan ng


tamang pag-aalaga ng halaman.
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Edukasyon sa Pagpapakatao 4)
Modyul para sa araling Naisasaalang-alang ang kahalagahan ng tamang pag-aalaga
ng halaman.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Edukasyon sa Pagpapakatao 4) Modyul ukol


sa Naisasaalang-alang ang kahalagahan ng tamang pag-aalaga ng halaman.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
INAASAHAN
Pagkatapos ng modyul na ito kayo ay inaasahang
maisasaalang-alang ang kahalagahan ng tamang pag-aalaga ng
halaman.

PAUNANG PAGSUBOK
PANUTO: Isulat ang T kung tama ang pahayag at M naman
kung mali ang pahayag.
_____1. Ang pagsasaluntian ng kapaligiran ay pagtatanim ng mga
halaman o punongkahoy upang madagdagan o mapalitan
ang mga nabuwal na mga puno’t halaman.
_____2. Naipakikita ang pagmamahal sa Poong Maykapal kung
pinahahalagahan at inaalagaan ang mga halaman.
_____3. Nagtatapos ang pag-aalaga ng halaman sa sikat ng araw
at tubig lamang.
_____4. Dapat bungkalin ang lupa sa paligid ng mga halaman
upang lalong tumaba ito.
_____5. Dapat nating balewalain ang pagkakataong gawing luntian
ang ating kapaligiran,

BALIK-ARAL
Isulat ang salitang MASAYA kung ang larawan ay
nagpapakita ng pagpapahalaga at pangangalaga sa ating mga
halaman at kapaligiran at MALUNGKOT naman kung hindi.
_____1. _____2.
_____3. _____4.

_____5.

ARALIN

Basahin ang tula:


“Halaman ay Alagaan”
Ang halaman ay karugtong ng buhay,
Ito ay kasabihang tunay.
Kaya dapat ito ay alagaan nang tama,
Upang sa ganoon ito ay hindi mapinsala.

Halaman ay diligin araw-araw,


Upang mapawi ang kanyang uhaw.
Diligin sa hapon o sa umaga,
Lagi itong tandaan sa tuwi-tuwina.

Iwasang malunod ang halamang alaga,


Lalo na yaong mga bagong lipat na punla.
Ang pagbuhos ng tubig ay hindi dapat malakas,
Gumamit ng rigadera na maliliit ang butas.

Kailangan ding bungkalin ang lupa,


Habang ito ay mamasa-masa.
Ito ay ginagawa sa hapon o kaya sa umaga,
Upang ito ay sumaya at sipaging mamunga.

Ang paglalagay ng pataba ay huwag kalimutan,


Kailangan din ito ng mga halaman.
Habang maliliit pa ang mga tanim ito ay abonohan,
Upang sa tag-ani ikaw ay kanilang gagantimpalaan.

Sagutin ang sumusunod na tanong:


Mga tanong Sagot

1. Ano ang sinasabi ng


may akda tungkol sa
halaman?

2. Bakit dapat alagaan


nang tama ang mga
halaman?
3. Paano aalagaan
nang tama ang mga
halaman ayon sa
nabanggit sa tula?

4. Maliban sa mga
nabanggit sa tula, ano
ano pa ang ibang
paraan ng tamang
pag-aalaga sa mga
halaman?

5. Kung naalagaan nang


tama ang mga
halaman, ano sa
palagay mo ang
magiging
kahihinatnan?
MGA PAGSASANAY

Gawain 1
PANUTO: Suriin ang larawan. Lagyan ng tsek ( √ ) kung
nagpapakita ito ng tamang pag-aalaga sa halaman at ekis ( X )
kung hindi.
1.___ 2. ____ 3. ____

4.______ 5. _____

Gawain 2
PANUTO: Iguhit ang masayang mukha kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng tamang pag-aalaga sa halaman
at malungkot na mukha kapag hindi.
_____1. Kusa kong dinidiligan ang aming mga pananim na
halaman.
_____2. Ibinubuwal ko ang mga halaman sa aming bakuran.
_____3. Inilalagay ko ang mga tuyong dahon ng mga halaman sa
compost pit upang gawing organikong pataba.
_____4. Pinipitas ko ang mga bulaklak na aking nakikita.
_____5. Tumutulong ako sa pagkakalat ng impormasyon tungkol
sa kahalagahan ng mga halaman.

Gawain 3
PANUTO: Ano-ano ang mga tamang gawain sa pag-aalaga sa
mga halaman? Magtala ng lima.
1. ________________________________________________
2. ________________________________________________
3. ________________________________________________
4. ________________________________________________
5. ________________________________________________

PAGLALAHAT

PANUTO: Buuin ang mga pangungusap.


Ang pinag-aralan namin sa araw na ito ay tungkol sa
paksang _________________________________________.
Ang mga natutunan ko ngayon ay ___________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
.

PAGPAPAHALAGA

Gumawa ng isang slogan tungkol sa tamang pag-aalaga sa


mga halaman.
SLOGAN TUNGKOL SA TAMANG PAG-ALAGA SA
HALAMAN

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Pumili ng tamang salita sa loob ng kahon upang


mabuo ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang iyong
sagot.

bakod malakas palaguin araw-araw


lingo-linggo malalim alisin mababaw payong

Mga paraan ng tamang pag-aalaga sa mga halaman:


1. Ang mga halaman ay dapat diligan _____.
2. Iwasan ang _____na pagbuhos ng tubig.
3. Dapat bungkalin nang _____lamang ang mga halamang
gulay.
4. Mahalagang lagyan ng _____ang mga bagong tanim na
halaman.
5. _____ang mga damo sa paligid ng mga halaman.
SUSI SA PAGWAWASTO

5. alisin 5. 5. M
5. X 5. MASAYA
4. bakod 4. 4. T
4. X 4. MALUNGKOT
3. mababaw 3. 3. M
3. / 3. MASAYA
2. malakas 2. T
2.
2. / 2. MALUNGKOT
1. araw-araw 1. T
1. 1. / 1. MASAYA
Pagsubok Pagsubok
Panapos na Gawain2 Gawain 1 Balik-aral Paunang

Sanggunian
Mga imahe o larawan

https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fkabataansakalikasan.blogspot.com%2F2018
%2F&psig=AOvVaw1oKORjKsMBe-
I2L4Lq5zAP&ust=1600351984902000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCOiz4_Xt7esCF
QAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.slideshare.net%2FElaineEstacio2%2F
pangangalaga-ng-halaman&psig=AOvVaw1oKORjKsMBe-
I2L4Lq5zAP&ust=1600351984902000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCOiz4_Xt7esCF
QAAAAAdAAAAABAJ

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fassz.ru%2Ftl%2Froza-floribunda-
obilnocvetushchaya-koroleva-sada-posadka-i-uhod%2F&psig=AOvVaw1oKORjKsMBe-
I2L4Lq5zAP&ust=1600351984902000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCOiz4_Xt7esCF
QAAAAAdAAAAABAN

https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fganhosonline2015.blogspot.com%2F2016%
2F04%2Fpag-aalaga-para-sa-mga-halaman-sa.html&psig=AOvVaw0Wf090H9-
CIkNyb0lUkYpv&ust=1600356846033000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJCB7IGA7u
sCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.philstar.com%2Fpilipino-star-
ngayon%2Fbansa%2F2019%2F12%2F27%2F1980031%2Fdenr-nagpaalala-sa-lilikhaing-basura-sa-
pagpasok-ng-bagong-
taon&psig=AOvVaw0KxM1UhaHGpp4XXL_zBmJ1&ust=1600352440335000&source=images&cd=vfe
&ved=0CAIQjRxqFwoTCLjm7czv7esCFQAAAAAdAAAAABAJ

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.slideshare.net%2Fmirasolcortanrollu
qui%2Fang-bunga-ng-kapinsalaan-sa-
kapaligiran&psig=AOvVaw0KxM1UhaHGpp4XXL_zBmJ1&ust=1600352440335000&source=images&c
d=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCLjm7czv7esCFQAAAAAdAAAAABAP

https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fprofermu.com%2Fogorod%2Fpomidory%2F
mochevina-dlya-rassady.html&psig=AOvVaw0Wf090H9-
CIkNyb0lUkYpv&ust=1600356846033000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJCB7IGA7u
sCFQAAAAAdAAAAABAJ

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fpole39.ru%2Fpomidor%2Fpravila-
podkormki-pomidor-mochevinoj.html&psig=AOvVaw0Wf090H9-
CIkNyb0lUkYpv&ust=1600356846033000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJCB7IGA7u
sCFQAAAAAdAAAAABAO

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.shutterstock.com%2Fvideo%2Fsearc
h%2Fchico-
mendes&psig=AOvVaw2DsJYi2uBs5NOVr0makgDT&ust=1600357489225000&source=images&cd=vf
e&ved=0CAIQjRxqFwoTCMCJksCC7usCFQAAAAAdAAAAABAK

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fdom-dacha-sad.ru%2Fkak-zashhitit-
pomidory-ot-zamorozkov-v-otkrytom-grunte.html&psig=AOvVaw3TBOovPwaHabkgkSHJNaA-
&ust=1600357678412000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCMie-
J2D7usCFQAAAAAdAAAAABAi

You might also like