Ap10 - Q1 - Mod1 - Ang Pag-Aaral NG Kontemporaryong Isyu

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Pag-aaral ng
Kontemporaryong Isyu
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong
Isyu Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marra C. Pacheco (Master Teacher, Tondo High School) Editor:
Amalia C. Solis (Education Program Supervisor, Social Studies) Tagasuri:
Grace P. Gilo (Head, Social Studies - Tondo High School)
Allan F. Del Rosario (Head, Social Studies – Recto High School)
Tagapamahala: Malcolm S. Garma (Regional Director, DepEd NCR)
Genia V. Santos (CLMD Chief)
Dennis M. Mendoza (Regional EPS In Charge of LRMS
and Regional ADM Coordinator)
Maria Magdalena M. Lim, CESO V (Schools Division Superintendent) Aida
H. Rondilla (CID Chief)
Lucky S. Carpio (Division EPS In Charge of LRMS
and Division ADM Coordinator)

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – National Capital Region (NCR)


Office Address:

Telefax:
E-mail Address:
10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Pag-aaral ng
Kontemporaryong Isyu
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan, Kontemporaryong


Isyu, – Baitang 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o


estratehiyang magagamit sa paggabay sa mga mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan, Kontemporaryong


Isyu, – Baitang 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang
Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagan Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
g Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat ng naaangkop sa pangangailangan at


interes ng mga mag-aaral sa baitang 10. Binibigyang – pansin dito ang mga Isyu at
Hamong kinakaharap ng bansa at mundo. Ang bawat detalye na matatagpuan sa
modyul na ito ay kinilatis at masusing sinuri ng mga mahuhusay o espesyalista sa
larangan ng asignaturang Araling Panlipunan upang masiguro na madali mo itong
muunawaan.
Batid ng guro na hindi magkakapareho ang antas at bilis ng pagkatuto ng bawat
mag-aaral, kaya naman ang mga gawain at iba pang materyal na ginamit sa modyul
na ito ay hango sa iba’t ibang primarya at sekundaryang sanggunian. Ang mga
mahahalagang detalye, gawain, at iba pang materyal na matatagpuan dito ay
nilapatan ng iba’t ibang estratehiya at grapikong pantulong para sa maayos na
daloy ng iyong pagkatuto.

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


 Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu
sa lipunan at daigdig

Mga paksa sa modyul na ito:


Ang Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu
 Kahulugan at Katangian ng Kontemporaryong Isyu
 Paraan ng Pagsusuri Batay sa Iba’t ibang Aspeto Nito
 Mga Kasanayang Kailangan sa Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu
 Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu

Matapos ang talakayan sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang makakamait ang mga
sumusunod na layunin:

 Naipaliliwanag ang konsepto ng Kontemporaryong Isyu;


 Natatalakay ang mga katangian ng Kontemporaryong Isyu;
 Nakikilala at nasusuri ang iba’t ibang primarya at sekundaryang
sanggunian;
 Nasusuri ang iba’t ibang uri ng pahayag bilang batayan sa pagsusuri ng
kontemporaryong isyu;
 Nabibigyang – halaga ang Kontemporaryong Isyu;
 Nakapagbibigay – halimbawa ng mga Kontemporaryong Isyu na
nakakaapekto sa lipunan; at
 Nakalilikha ng isang makabuluhang sining na nagpapamulat sa kaisipan
ng mga mag-aaral hinggil sa mga isyung kinakaharap ng lipunan

1
Subukin

Ilahad ang iyong sariling kaalaman kaugnay sa mga paksang bibigyang – pansin
sa modyul na ito. Ihanda ang iyong panulat at sagutang papel para sa gawaing ito.

SURI-RAWAN (Suri Larawan)


Panuto: Suriin ang mga sumusunod na editorial cartoon sa ibaba. Tukuyin kung
ang mga ito ay halimbawa ng isyung: PANGKAPALIGIRAN, PANG-EKONOMIYA,
PANGKASARIAN, at PAMPOLITIKA.

1._ 6. _

https://www.philstar.com/pilipino-star- https://www.philstar.com/opinion/2019/04/24/1912033/editorial-wakeup-
ngayon/opinyon/2019/09/04/1948916/editoryal-pinapatay-ang-mga- call
magsasaka

2. _ _ 7._ _

https://www.philstar.com/opinion/2018/09/11/1850407/editorial-preparing- https://gallery.sunstar.com.ph/Editorial-Cartoons/i-F8t2tpm/
disaster

2
3. _ 8._ _

https://tribune.net.ph/index.php/2019/08/24/discrimination/ https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2017/02/11/1670949/metro

4. _ _ 9. _ _

https://www.philstar.com/the-
freeman/opinion/2017/07/27/1722154/editorial-criticism-and-human-rights https://www.unwomen.org/en/digital-library/multimedia/
2018/3/photo-gender-equality-through-cartoonists-eyes

5. _ _ 10.

https://bladimer.wordpress.com/2016/07/18/endo-or-end-of-contract-scheme- https://www.philstar.com/pilipino-star-
editorial-cartoon-by-bladimer-usi/ ngayon/opinyon/2017/04/19/1687119/editoryal-sakripisyo-ng-ofws

3
Aralin
Kontemporaryong Isyu: Mga
1 Batayang Konsepto at Kasanayan

Magbalik – tanaw hinggil sa mga kaalamang natutuhan mo noong ikaw ay nasa


baitang 9 ng iyong pag-aaral. Ano ang iyong nalalaman hinggil sa mga isyu at
hamong kinakaharap ng sektor ng agrikultura ng ating bansa?

Balikan

Panuto: Tayain ang maaaring maging BUNGA ng mga sumusunod na


SULIRANING kinakaharap ng sektor ng agrikultura. Isulat lamang ang titik ng
pinakaangkop na sagot sa sagutang papel.

SULIRANIN BUNGA
1. Marami sa mga magsasaka ang a. Malaking bilang ng magsasaka ang
tumatanda na at kulang ang mga walang sariling lupang binubungkal
kabataang pumapalait at tumatanggap lamang sila ng
maliit
na suweldo.
2. Mataas na gastusin b. Nasisira ang produksyon ng sektor
ng agrikultura tuwing may tag-
tuyot, malakas na ulan at mga
bagyo. Nagiging dahilan ito ng
mataas na
presyo ng pagkain.
3. Problema sa kapital c. Pagkaubos ng mga magsasaka at
bumababa ang bilang ng
produksyon ng mga produktong
agrikultural.
4. Masamang panahon d. Nalulugi ang mga magsasaka
sapagkat napakalaki ng kanilang
gastusin kung ihahambing sa
kanilang kinikita.
5. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal e. Nababaon ang mga magsasaka sa
pagkakautang at hindi na tuluyang
nakaaahon.
6. Kakulangan sa pananaliksik at f. Hindi patas na kompetisyon na
makabagong teknolohiya nagbubunga ng pagkalugi ng
maraming magsasaka.

4
7. Monopolyo sa pagmamay-ari ng lupa g. Iilan lamang ang may kakayahan sa
makabagong paraan at hindi pa nga
halos inaabot ng modernong
kagamitan sa pagsasaka. Nagiging
dahilan ito ng mababang
produksyon at kalidad ng produkto.

Ang pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu ay tunay nga namang


mapanghamon. Bilang isang mag-aaral, handa ka na ba sa mga hamong ito? Kung
gayon, ano pa ang hinihintay mo? Halina at tuklasin ang mga mahahalagang
konseptong lubos na makakatulong upang higit na mapaunlad ang iyong kaalaman
sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu! Inaasahan ko na sa pagtatapos ng
modyul na ito, masasagot mo ng buong husay ang katanungang:

Paano natin higit na mauunawaan at matitimbang ang mga kaisipan at pahayag


tungkol sa mga kontemporaryong isyu sa ating bansa at sa buong mundo?

Mga Tala para sa Guro


Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at maunawaan ng mga
mag- aaral ang mahahalagang kasanayan sa pagkatututo. Binigyang pansin
din sa mga Gawain ang paglinang ng 5Cs na kasanayan: pakikipagtalastasan
(Communication); pagtutulungan (Collaboration); malikhain (Creativity);
mapanuring pag-iisip (Critical Thinking); at pagbuo ng pagkatao (Character
Building). Makikita rin ang aralin na ito online. Bilang tagapagpadaloy ng
modyul na ito inaasahang:
1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa progreso ng mga mag-
aaral sa bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat linggo sa gawa ng mag-aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang /guardian upang
matiyak na nagagawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing itinakda sa
modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa pamamagitan ng
pagbibigay nang malinaw na instrukyon sa pagkatuto.

5
Tuklasin

GAWAIN 1. Think, Pair and Share (Dyad Dapat)


Panuto: Humanap ng kapareha sa inyong tahanan (maaaring ito ay isa sa
iyong magulang o nakakatatandang kapatid) at suriin ang larawang nasa ibaba.
Bigyang paglilinaw ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan na
matatagpuan sa loob ng bawat kahon gamit ang panulat at sagutang papel.

INQUIRE – Ibahagi ang mga


mahahalagang katanungan na naiisip mo
LIST – Itala ang mga simbolong pagkatapos makita ang mga simbolo
nakikita sa itaas.

Ano ang pangunahing


kahulugan ng mga simbolo?

KNOW – Ibahagi ang iyong nalalaman


NOTE – Ibahagi ang iyong naging reaksyon o
saloobin pagkatapos masuri ang mga kaugnay sa mga simbolong ipinakita.
simbolo

Pamprosesong Tanong:
1. Anu-anong mga isyu ang binibigyang – pansin ng mga simbolo sa itaas?
2. Alin sa sumusunod na isyu ang lubhang nakapukaw ng iyong atensyon? Bakit? Ipaliwanag
3. Bakit mahalagang bigyang-pansin ang mga isyung nasa larawan?

6
Suriin

Ang pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu ay lubhang makabuluhan. Maliit


man o malaki ang isyung pinag-uusapan, mahalaga na maunawaan at masuri natin
ang epekto nito sa bawat tao sa lipunan. Ito ay nangangailangan ng isang malalim
na pagsusuri sapagkat malawak ang saklaw nito.Bilang isang responsableng mag-
aaral, karapat-dapat lamang na maunawaan mo ang mga konseptong napapaloob
dito. Mahalagang maunawaan mo na ang bawat isyu ay hindi basta pinag-uusapan
kundi ito ay inuunawa , matalinong sinusuri at pinagtatalunan.

Batid ko na maraming mga katanungan sa iyong isipan kaugnay sa pag-aaral


ng mga kontemporaryong isyu. Kaya naman sa pagkakataong ito, nais kong
huminga ka ng maluwag ngumiti, pag-aralan at unawaing mabuti ang mga
mahahalagang impormasyon na maibabahagi ng modyul na ito. Inaasahan ko na sa
pamamagitan ng grapikong pantulong na aking inihanda ay mauunawaan mo ang
mahahalagang konsepto, katangian, iba’t ibang aspeto ng pagsusuri, at mga
kasanayan na dapat malinang para sa isang masusing pag-unawa sa mga
Kontemporaryong Isyu sa lipunan at daigdig.

KAHULUGAN NG KONTEMPORARYONG ISYU

KONTEMPORARYO – ibig
sabihin ay kasalukuyang
panahon (Almario, 2001
p.431)
- Tumutukoy sa panahon KONTEMPORARYONG
mula sa pagitan ng ika- ISYU -Ang tawag sa
20 dantaon hanggang sa pangyayari o ilang
kasalukuyan. suliraning
(K to 12 Kayamanan, p.5) bumabagabag o
gumagambala at
nagpapabago sa
KONTEMPORARYONG ISYU kalagayan ng ating
ISYU - ay pamayanan, bansa, o
nagangahulugan ng mga paksa, mundo sa
tema o suliraning nakaaapekto sa kasalukuyang
lipunan. panahon.
- anumang paksa na kailangan ng
paglilinaw, pagdedebate, o
litigasyon. (Almario 2001, p.385)

7
Mahalaga at makabuluhang pangyayari sa lipunang ginagalawan

May malinaw na epekto o impluwensya sa lipunan o sa


mamamayan
KATANGIAN NG
KONTEMPORARYONG Nagaganap sa kasalukuyang panahon o may matinding epekto
ISYU o impluwensya sa takbo ng kasalukuyang panahon.

May mga temang napag-uusapan at maaaring may maganda o


positibong impluwensya o epekto sa lipunan.

PAGSUSURI NG KONTEMPORARYONG ISYU


Maaaring pag-aralan ang isang isyu sa pamamagitan ng pagsusuri sa ilang
aspekto. Ilan sa mga gabay na tanong ang magagamit upang masuri ng mabuti ang
isang kontemporaryong isyu ay ang sumusunod:

 Kahalagahan
Bakit mahalaga ang isyu? Paano ito nakakaapekto sa pamumuhay ng tao?
Sino ang tumuturing na mahalaga ang mga ito?

Sinu-sino ang naapektuhan ng mga isyu? Sinu-s ino ang mga


nakikinabang sa isyu?
Sinu-sino ang napipinsala sa isyu? Kailan/Saan/Paano nagsimula ang mga isyu?
 Pinagmulan
Gumamit ba ng iba't ibang sanggunian upang pag-aralan ang isyu?
Mapakakatiwalaan ba ang nagpaliwanag?
Paano ba tinututuring ng media ang isyu?
 Perspektibo o Pananaw
Paano nagkakaiba ang mga pananaw sa isyung ito?
Aling mga pananaw ang maipaglalaban sa isyu? Bakit?
Kaninong mga pananaw ang hindi napakinggan?
Ano ang papel ng media sa isyung nabanggit?
 Mga Pagkakaugnay
Paano nabago ang isyu sa paglipas ng panahon?
Anu-ano ang mga maaring konsiderasyon sa hinaharap?
Ang isyu bang ito ay bahagi ng isa pang mas malawak na isyu o suliranin?
Paano naaapektuhan ng isyung ito ang kapaligiran, ekonomiya, lipunan,
kalidad ng buhay?
 Personal na Damdamin
Ano ang pakiramdam mo tungkol sa isyu matapos ang pagsusuri tungkol
dito?
Paano kaya naiwasan o napigilan ang isyung ito? Anu-ano ang maaaring
ibang nagawa?
Anu-ano pang tanong ang kailangang masagot?
8
9
 Epekto (Pangkapaligiran, Panlipunan, Politikal, Pang-Ekonomiya)
Ano ang mga nagaganap sa lokal, pambansa, pandaigdigang lebel tungkol sa
isyu?
Anu-anong pagkilos ang isinasagawa ng mga mamamayan, negosyante, at
iba pang mga pangkat tungkol sa isyu?
Anu-ano ang posibleng pangmadalian at pangmatagalang epekto ng mga
pagkilos tungkol sa isyu?
 Maaaring Gawin
Ano ang magagawa o dapat gawin tungkol sa isyu?
Sino ang dapat kumilos tungkol sa isyu?
Anu-ano ang balakid o pagtataya sa pagkilos tungkol sa isyu? Anu- ano ang
maitataya tungkol sa isyu?
Paano kikilos tungkol sa isyu?
Paano mahihikayat ang ibang tao na kumilos tungkol sa isyu?

MGA KASANAYAN NA KAILANGAN SA PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU

PAGKILALA SA PRIMARYA AT
SEKUNDARYANG SANGGUNIAN PAGTUKOY SA IBA’T IBANG
URI NG PAHAYAG
 Katotohanan (Fact) - ay mga
totoong pahayag o pangyayari na
pinatutunayan sa tulong ng mga
aktuwal na datos.
PRIMARYANG SEKUNDARYANG  Opinyon (Opinion) - isang kuro-
SANGGUNIAN SANGGUNIAN kuro o palagay, impresyon, o haka-
Ito ay tumutukoy sa mga haka. Ito ay nagpapahiwatig ng
Pinagkukunan ng orihinal impormasyon o saloobin at kaisipan ng tao tungkol
na tala ng mga interpretasyon batay sa sa inilahad na katotohanan.
pangyayari o maaaring  Pagkiling (Bias) - ito ay mga
primaryang pinagkunan o
ginawa ng taong pahayag na may kinikilingan o
ibang sekondaryang kinakampihan.
nakaranas sa mga ito sanggunian na inihanda  Hinuha (Inferences) - isang
o isinulat ng taong walang pinag- isipang hula o educated
kinalaman sa mga guess tungkol sa isang bagay.
pangyayaring tinala.  Paglalahat (Generalization)- ay
ang hakbang kung saan binubo ang
mga ugnayan ng mga hindi
magkakaugnay na impormasyon
bago makagawa ng kongklusyon.
 Kongklusyon (Conclusion) -
desisyon o kaalaman o ideyang
nabuo pagkatapos ng pag-aaral,
obserbasyon at pagsusuri ng
pagkakaugnay ng mahahalagang
ebidensya o kaalaman.

Pinagkunan: Antonio, Eleonor D., Et.al, Kayamanan: Mga Kontemporaryong Isyu, Rex
Bookstore Inc, 2017 pahina 6-12

10
Pagyamanin

Gaano kamulat ang iyong kaisipan kaugnay sa mga isyung kinakaharap ng mundo
sa kasalukuyan? Ang mundo ay dumadanas ng isang malaking hamon sa
kasalukuyan, ang hamong ito ay ang ating pakikipaglaban sa gitna ng digmaan
kontra COVID-19.

Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan mo susuriin ang isyung ito?

GAWAIN 2. VIDEO-SURI
Panuto: Panoorin at suriin ang nilalaman ng video. Isaalang-alang ang
pamantayan sa panonood upang higit na maunawaan ang mensaheng nais ipabatid
nito. Pagkatapos, suriin ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mahahalagang
katanungan na matatagpuan sa mga speech balloons sa ibaba. (kung walang
kakayahang maka-access sa internet, maaaring gamitin ang teksto sa ibaba). Ihanda
ang iyong panulat at sagutang papel para sa gawaing ito.

Title: Family of Pinoy nurse in UK watches him flatlined in video call as he succumbs to COVID -19
Sanggunian: Video:https://www.youtube.com/watch?v=BLejdG1BQ5g&feature=youtu.be&fbclid=IwAR0Bql-oqD1-
aPRu4TUNnOMu4xUhmCJ0N8vKgf4NvisJSKf74_UQiKo104

11
Family of Pinoy nurse in UK watches him flatline in video call as he succumbs to
COVID-19

"This is Kenneth. I'm in Saint George's ICU now. They will intubate me now."
These are Kenneth Lambatan's final words, before he was intubated in a hospital in
United Kingdom, where he worked as a nurse. And when he finally succumbed to the coronavirus
disease 2019 (COVID-19), his family watched helpless from a tiny screen, halfway around the
world, as he flatlined.

A nurse based in the UK, Kenneth fought in the frontlines amid the COVID-19 pandemic.

His mother had encouraged him to pursue nursing so he'll have opportunities to go abroad,
and in 2017, their dreams came true. He and his batchmates found jobs in St. George's Hospital in
London. Among them was Via Salinasal, the only friend who was able to see him when he died.
She was also the one to hear Kenneth's final words.

Via said that while they named each other as next-of-kin amid the pandemic, they never
considered the possibility of any of them being a casualty. "Hindi namin akalain na isa samin will
fall victim," she said in an episode of GMA Public Affairs' "Frontliners." Kenneth, who worked as a
cardiac research nurse in the hospital, was deployed in the frontlines in the first week of April.
Later, he started to have colds and a fever.

His brother Ezel recalled a conversation he heard between Kenneth and their mom. "Ma, I
have fever...Ma, inuubo ako. Please pray for me," Kenneth had said.

Little did they know that would be their last conversation. When Kenneth's symptoms
worsened, he was intubated in the hospital's ICU. Late April, Via was told that, "Kenneth is dying.
It would be in his best interest na we'll let him go." And his family made the difficult decision of
turning off his life support. Through a video call, they watched Kenneth's final hour until he
passed away.

Their final goodbyes were caught on video, and the mother could be heard weeping and
saying her final thanks. "You are such a blessing to me and to our family, 'Nak," she said as she
wept. "Thank you for everything 'Nak, thank you."

When he finally flatlined and the video call ended, Ezel said the whole family just cried.

Via, in full personal protective equipment (PPE) was allowed to enter Kenneth's room for a final
goodbye.

"Nung hawak ko 'yung kamay niya, iniisip ko lang 'yung pamilya niya, 'yung mga kaibigan
niya. I'm sure they're all wishing na nandun sila, na they were all able to say goodbye. Pero ako
'yung nandun. Parang naisip ko lang na, Ken, kahit sa huli, nandito lang ako," she said, turning
emotional.

Kenneth passed away on April 27.

Sanggunian:
https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/familyandrelationships/737541/family-of-
pinoy-nurse-in-uk-watches-him-flatline-in-video-call-as-he-succumbs-to-covid-1/story/

12
Paano naaapektuhan ng
Anu-anong mga Ano ang papel isyung ito ang
sanggunian ang ng media sa kapaligiran, ekonomiya,
pangunahing paglikha at lipunan at kalidad ng
ginamit upang pag- pagpapalaganap buhay?
aralan ang isyu? ng isyung
nabanggit?

Ano ang iyong


Bakit mahalaga ang Paano reaksyon at personal
isyu at paano ito mahihikayat ang na damdamin
nakakaapekto sa ibang tao na kaugnay ng isyung
kumilos tungkol napanood?
pamumuhay ng tao?
sa isyu?

13
14
GAWAIN 3. Humayo’t Ihayag at Isulat! (Mapanuring Pag-iisip)
Panuto: Magbigay ng tig-isang (1) pangungusap na nagsasaad ng iba’t ibang uri ng
pahayag. Gawing batayan ang isyung tinalakay sa itaas. (Gayahin ang pormat sa
ibaba)

HALIMBAWA NG HALIMBAWA NG
PANGUNGUSAP PANGUNGUSAP

OPINYON KATOTOHANAN

PAGKILING PAGLALAHAT

HALIMBAWA NG HALIMBAWA NG
PANGUNGUSAP PANGUNGUSAP

GAWAIN 4. 3-2-1 Ibahagi mo!

Panuto: Ibahagi ang iyong mga mahahalagang natutunan kaugnay sa mga


paksang tinalakay sa modyul na ito gamit ang 3-2-1 method.

Ang tatlong mahahalagang bagay na natutunan ko sa modyul na ito.

3 1.
2.
3.

Ang dalawang kaalamang lubhang nakapukaw sa akin ng atensyon sa

2 modyul na ito.
1.
2.
Ang isang gawain na natutunan ko sa modyul na ito at nais ko pang

1 malinang para sa mas epektibong pagsasakatuparan nito.


1.

15
Isaisip

 Ang mga isyung nakakapagpabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa,


o mundo ay maaaring may kaugnayan sa mga temang panlipunan, sibil,
relihiyon, ekonomiya, pulitika, kapaligiran, edukasyon o pananagutang
pansibiko at pagkamamamayan.

 Kailangang malaman ang mga aspektong kaugnay ng pagsusuri at mga


kasanayan sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu dahil makatutulong
ito sa malalim at tamang pag-unawa sa mga isyung bibigyan ng pansin.

 Mahalagang maging mulat sa mga kontemporaryong isyu upang makatulong


sa pagpapayabong ng kaalaman at paghubog ng pagkatao bilang
responsableng mamamayan.

 Ang pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu ay nakatutulong na malinang


ang replektibong pag-iisip (reflective thinking) na makakatulong upang higit
na matamo (attain) ang pangunahing hangarin tungo sa pagkamamayan ng
bawat mag-aaral

 Dapat palaging tiyakin ang pinakamahalagang benepisyong makukuha sa


pag-aaral ng kontemporaryong isyu para sa iyong sarili at sa bansa.

16
Isagawa

Ang pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu ay lubos na makatutulong


hindi lamang sa pansariling kapakinabangan gayundin sa pambansang kaunlaran.
Nakatutulong ito upang malinang ang pag-iisip ng bawat kabataan hinggil sa
kanilang kontribusyon sa paglutas ng mga isyung kinakaharap ng lipunang
kanilang kinabibilangan. Sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu, mas higit na
nalilinang ang damdaming nasyonalismo sapagkat naipapamalas ng bawat
mamamayan ang pagmamahal at pagmamalasakit sa bansa.

GAWAIN 5: Usap Tayo!


Panuto: Bilang isang responsableng mag-aaral, sa paanong paraan mo hihikayatin
ang iyong kapwa mag-aaral na magkaroon ng interes sa pag-aaral ng mga
kontemporaryong isyu? Ipakita ito sa pamamagitan ng paglikha ng isang
dayalogo/usapan gamit ang mga ilustrasyon sa ibaba. Bigyang – diin sa
dayalogo/usapan ang mga benepisyo na makukuha sa pag-aaral ng
kontemporaryong isyu sa mga sumusunod:
a. Para sa sarili (bilang isang mag-aaral)
b. Para sa komunidad
c. Para sa bansa
d. Para sa mundo

17
GAWAIN 6. Hagdan ng Pag-unlad
Panuto: Bilang isang mapanuring mag-aaral, sa paanong paraan mo (titimbangin
at) susuriin ang mga pahayag tungkol sa mga kontemporaryong isyu sa ating bansa
at sa buong mundo? Itala ang iyong mga mungkahing hakbang na makakatulong
upang masiguro na ang bawat pahayag ay mahusay na matitimbang na magiging
daan sa pagiging isang mapanuring mag-aaral.

3.
2.
1.

Tayahin
Sa pagkakataong ito, nais ko namang subukin ang lalim ng iyong pag-unawa sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga pangwakas na gawaing inihanda ko para sa iyo.

A. Panuto: Basahin at suriin ang bawat pangungusap. Isulat lamang ang titik ng
pinakaangkop na sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod na aspekto ng pagsusuri ng kontemporaryong isyu
ang binibigyang – diin ang mga primaryang sanggunian upang mapag-aralan
ang isang isyu?
A. Kahalagahan C. Pinagmulan
Pagkakaugnay
B. D. Perspektibo at Pananaw
2. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa halimbawa ng primaryang
sanggunian?
A. Aklat C. Talambuhay
B. Sariling Talaarawan D. Ulat ng nakasaksi
3. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng kontemporaryong isyu?
A. kabuhayan ng isang maliit na komunidad
B. kasalukuyang sitwasyong politikal ng bansa
C. pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas
D. uri ng pamumuhay ng ating mga ninuno

18
4. Alin sa sumusunod na halimbawa ng sanggunian ang hindi
nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga kontemporaryong isyu?
A. internet C. pelikula
B. pahayagan D. telebisyon
5. Ito ay tumutukoy sa totoong pahayag o pangyayari na pinatutunayan sa
tulong ng mga aktwal na datos?
A. hinuha C. kongklusyon
B. katotohanan D. opinyon
6. Ito ay isang pinag-isipang hula o educated guess tungkol sa isang bagay.
A. hinuha C. kongklusyon
B. katotohanan D. opinyon

B. Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin


kung ito ay katotohanan, opinyon, pagkiling (bias), hinuha, at kongklusyon.

1. Malaking pinsala sa mga aria-arian ang idinudulot ng mga bagyo at pagbaha.


2. Ang bawat administrasyon ay matapat sa pagpapatupad ng mga
programang makakatulong upang mabigyang – solusyon ang isyung
pangkalusugan ng kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan.
3. Sa pag-aaral sa datos ng DOH, tumataas ang bilang ng mga kaso ng COVID sa National
Capital Region.
4. Ang kawalan ng disiplina ay itinuturing na isa sa dahilan kung bakit maraming tao ang
tinatamaan ng sakit.
5. Ang malalang isyu sa droga sa Pilipinas ay may malaking epekto sa mga
kabataang Pilipino sa kasalukuyan.
6. Mula buwan ng Hulyo hanggang Oktubre, nagaganap ang matinding bagyo
sa Pilipinas
7. Sa kasalukuyan, walang pinipiling edad ang tinatamaan ng sakit na COVID.
8. Tinatayang umabot sa milyon ang halaga ng pinsalang dulot ng bagyong
Yolanda
9. Nararapat lamang na ipaubaya sa lokal na pamahalaan ang pamimigay ng
ayuda sa mga nasalanta ng bagyo
10. Maraming mga Pilipino ang nangingibang bansa sapagkat mas higit na malaki ang kita
roon at mas maraming oportunidad kaysa sa Pilipinas.

Karagdagang Gawain

Binabati kita!

Sa pagkatataong ito, inaasahan ko na ang pagtupad sa karagdagang gawaing


inihanda ko para sa iyo ay lubos na makakatulong upang higit na malinang ang
iyong kaalaman at pag-unawa hinggil sa mga isyung kinakaharap ng lipunan.

19
GAWAIN 7 I-Collage Mo!
Panuto: Maghanap ng mga larawan ng mga isyu at hamong panlipunan at
ipaliwanag ang kaugnayan ng mga ito sa elemento ng istrukturang panlipunan.
Maaaring gumupit ng mga larawan sa magazine, pahayagan o kumuha ng mga ito sa
internet. Idikit ito sa isang oslo paper sa anyong collage. (Paalala: Huwag kalimutan
itala kung saan kinuha ang mga larawan mula sa internet)

Ang mga isyu ay maaaring may kaugnayan sa karapatang pantao, relihiyon,


ekonomiya, politika, kapaligiran, edukasyon, at pagkamamamayan. Sa ilalim ng
naisagawang collage, lagyan ito ng pamagat halimbawa Ang KULTURA AT ANG
MGA ISYUNG PANLIPUNAN lagyan ito ng maikling paliwanag.

Gawing batayan ang rubric sa pagmamarka bilang gabay sa pagtupad ng gawaing


ito.

PAMANTAYAN NG PAGMAMARKA SA PAGLIKHA NG COLLAGE

Pamantayan 1 2 3
Pagkamalikhain Hindi naging Naging malikhain sa Lubusang
malikhain sa pagbuo pagbuo ng collage nagpamalas ng
ng collage. pagiging malikahain
sa pagbuo ng collage.
Kaangkupan sa Hindi angkop ang Angkop ang ilang Lubusang
paksa nabuong collage. (kalahati) bahagi ng napakaangkop ng
collage. nabuong collage.
Presentasyon Hindi naging malinaw Naging malinaw ang Lubusang malinaw
ang intensyon o intension o detalyeng ang intension o
detalyeng ipinahayag ipinahahayag ng detalyeng
ng collage. collage. ipinahahayag ng
collage.
Mensahe Hindi angkop ang Angkop ang Lubusang angkop na
mensaheng mensaheng angkop ang mensahe
ipinahahatid ng ipinahahatid ng ng collage.
collage. collage.
Kalinisan at Di malinis at maayos Naging malinis at Lubusang napakalinis
kaayusan ang pagkakabuo ng maayos ang at maayos ang
collage. pagkakabuo ng pagkakaguhit ng
collage. collage.
Kabuuang Puntos
Susi

INTERPRETASYON NG ISKOR
12-15- KATANGI-TANGI
8-11- MAHUSAY

5-7- KATAMTAMAN

1-4 – KAILANGANG MAGBAGO

20
Susi sa Pagwawasto
Balikan Tayahin
1. C A. B
2. D 1. C 1. Kongklusyon
3. E 2. A 2. Hinuha
4. B 3. B 3. Katotohanan
5. F 4. C 4. Kongklusyon
6. G 5. B 5. Hinuha
7. A 6. A 6. Katotohanan
7. Kongklusyon
8. Katotohanan
9. Kongklusyon
10. Bias

Sanggunian
Aklat:

Antonio, Eleonor D., Et.al, Kayamanan: Mga Kontemporaryong Isyu, Rex Bookstore
Inc, 2007 pahina 4-18

Learners’ Module:

Kontemporaryong Isyu; Learners Module (LM) ph. 7-34

Internet Site:
https://manilatoday.net/top-10-isyu-na-hinihintay-natin-ang-pagbabago/
Video:https://www.youtube.com/watch?v=BLejdG1BQ5g&feature=youtu.be&fbclid
=IwAR0Bql-oqD1-aPRu4TUNnOMu4xUhmCJ0N8vKgf4NvisJSKf74_UQiKo104k

Article: https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/familyandrelationships/737
541/family-of-pinoy-nurse-in-uk-watches-him-flatline-in-video-call-as-he-
succumbs-to-covid-1/story/

https://gallery.sunstar.com.ph/Editorial-Cartoons/i-F8t2tpm/

https://www.sunstar.com.ph/article/410830

https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2017/04/19/1687119/editoryal-sakripisyo-ng-ofws

https://www.philstar.com/pang-masa/punto-
mo/2020/05/19/2014988/editoryal-hindi-nakapaghanda-kay-ambo

https://www.philstar.com/opinion/2018/09/11/1850407/editorial-preparing-
disaster

https://tribune.net.ph/index.php/2019/08/24/discrimination/

https://www.philstar.com/the-freeman/opinion/2017/07/27/1722154/editorial-
criticism-and-human-rights

https://bladimer.wordpress.com/2016/07/18/endo-or-end-of-contract-scheme-
editorial-cartoon-by-bladimer-usi/

https://www.philstar.com/opinion/2019/04/24/1912033/editorial-wakeup-call

https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2019/09/04/1948916/editoryal-pinapatay-ang-mga-magsasaka

1
9
20

You might also like