Ap 10 Q1 M3

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Araling Panlipunan – Ika-Sampung Baitang

Unang Markahan – Modyul 3: Kahalagahan ng Kamulatan sa


Kontemporaryong Isyu sa Lipunan

Unang Edisyon, 2020


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Lorena B. Vega
Editor: Lorena B. Vega
Tagasuri: Lerma L. Villamarin
Tagaguhit: Lorena B. Vega
Tagalapat: Vernette R. Ortiz
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 10
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Modyul 3: Kahalagahan ng Kamulatan
sa Kontemporaryong Isyu sa Lipunan
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Araling Panlipunan Ika-Sampung
Baitang) ng Modyul para sa araling Kahalagahan ng Kamulatan sa
Kontemporaryong Isyu sa Lipunan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Araling Panlipunan Ika-Sampung Baitang) Modyul ukol


sa Kahalagahan ng Kamulatan sa Kontemporaryong Isyu sa Lipunan!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
Tungkol saan ang modyul na ito?

Sa tulong ng makabagong agham at teknolohiya, malaki na ang naging


pagbabago sa pamumuhay ng mga mamamayan. Halos araw-araw ay may mga
bago tayong kaalaman na natututunan gayundin ang mga kaalaman ukol sa mga
kontemporaryong isyu ng bansa.
Sinasabing ANG KARUNUNGAN AY KAYAMANAN! Kaya’t mahalagang
maging mulat ang ating kaisipan sa mga usapin hinggil sa mga isyung kinakaharap
ng bansa sapagka’t nakaaapekto ito sa ating mga gawain, opinyon at mga desisyon
sa buhay.

Sa bahaging ito ng modyul tatalakayin natin ang kahalagahan ng kamulatan sa


kontemporaryong isyu sa lipunan.

Paano mo gagamitin ang modyul na


ito?

Gabay sa pansariling pagkatutuo ang modyul na ito. Gamitin mo ito bilang


patnubay sa tulong ng mga tuntunin. Upang maging makabuluhan at wasto ang
iyong paggamit. Kailangan maging malinaw sa iyo ang mga nararapat gawin.Huwag
kang mag-alala, sundin mo lang ang mga sumusunod.
1. Sagutin mo ang Panimulang Pagsubok , gabay ito upang masukat ang lawak ng
iyong kaalaman sa paksa.
2. Kung magkakaroon ka man ng maraming mali, huwag mag-alala. Matutulungan
ka ng mga gawaing inihanda ko.
3. Pag-aralan mo na ang paksang-aralin. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain
sa tulong ng iyong magulang o guardian. Mababasa mo ang mga dapat mong
gawin.
4. Tingnan mo kung nadagdagan ang iyong kaalaman. Sagutin ang pangwakas na
pagsusulit o ang bahaging “Gaano ka na Kahusay?”
5. Gamitin mo nang wasto ang modyul. Kaibigan mo ito. Sagutan ng mabuti.
Gumamit ka ng hiwalay na papel o kaya ay notebook.
MGA INAASAHAN

Matapos mapag-aralan ang aralin ito, inaasahang matamo mo ang mga


sumusunod na kasanayan:
A. Nasuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa kontemporaryong isyu.
B. Maging proaktibong mamamayan na nakikibahagi sa mga isyung panlipunan.
C. Napahalagahan ang kamulatan sa mga kontemporaryong isyu.

PAUNANG PAGSUBOK

Huwag kang matakot sa pagsusulit na ito. Layunin lamang nito na mataya ang dati
mong kaalaman tungkol sa paksa.Handa ka na ba? Magsimula ka na!

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Lagyan ng (tsek)


ang mga pahayag na nagsasaad ng kahalagahan ng kamulatan sa
kontemporaryong isyu at (exis) ang hindi .

1.Paggamit ng malinaw at makabuluhan ang kaalaman tungkol sa


mahahalagang kaganapan na nakaiimpluwensiya sa mga tao,
pamayanan, bansa at mundo.
2.Paggamit ng kaalaman sa kontemporaryong isyu upang higit na
maging mapanuri sa sanhi o epekto ng mga pangyayari.
3. Paggamit ng kaalaman sa kontemporaryong isyu upang maging
bias sa isang usapin o isyu.
4.Pagpapahalaga sa pagkakaiba-iba ng mga tao sa kanilang kultura,
3 paniniwala, at paggalang sa kanilang dignidad at karapatang tao.
5.Pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t-ibang sanggunian at
pagsasaliksik.
BALIK-ARAL
Bago tayo tumungo sa bagong paksa, halika’t balikan muna natin ang nakaraang
aralin. Sagutan ito sa iyong notebook o anumang malinis na papel.
Panuto: Isulat kung isyung pangkapaligiran, isyung pangkalusugan, isyung pang-
ekonomiya, at isyung panlipunan ang mga sumusunod na inilalarawan ng mga
pahayag.

____________________1. Paglaganap ng sakit na dulot ng COVID 19 sa buong mundo


____________________2. Katiwalian sa pamahalaan
____________________3. Brain Drain
____________________4. Pagbabago ng klima sa buong mundo
____________________5. Pagtaas ng kaso ng Teenage Pregnancy
____________________6. Prostitusyon
____________________7. Pagsasara ng mga kompanya bunsod ng COVID19 Pandemic
____________________8. Hindi pagbabayad ng buwis ng mga Philippine Offshore
Gaming Operator (POGO)
____________________9. Patuloy na pagtaas ng bilang ng may COVID19 sa bansa
_____________________10. Pamamahagi ng pamahaang Duterte ng Social Amelioration
Program para sa mahihirap na pamilya sa bansa
ARALIN

(Paalala: Talakayin ang paksa/kasanayang pampagkatuto sa abahaging ito)

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporayong Isyu

Ang Pilipinas at ang daigdig ay humaharap ngayon sa iba’t-ibang isyu. Halina at


tuklasin natin kung anu-ano ang kahalagahan ng kamulatan sa mga isyung panlipunan.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU

1.Paggamit ng malinaw at makabuluhan na kaalaman tungkol sa mahahalagang kaganapan


na nakakakimpluwensiya sa mga tao, pamayanan, bansa at mundo.
2.Pagsusuri at pagtataya ng mga ugnayan ng sanhi at epekto ng mga pangyayari.
3.Paggamit ng mga kagamitang teknolohikal at iba’t-ibang sanggunian para makakalap ng
mga impormasyon.
4.Paggamit ng pamamaraang estadistika sa pagsuri ng kwantitatibong datos tungkol sa mga
pangyayari sa lipunan.
5.Pagsisiyasat, pagsusuri ng mga datos at iba’t-ibang sanggunian at pagsasaliksik.
6.Mapanuring pag-iisip, matalinong pagapasya, mabisang komunikasyon, pagkamalikhain,
at pagpapalawak ng pandaigidigang pananaw.
7.Malalim na pang-unawa at pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos at pagtugon sa mga
pandaigdigang suliranin.
8.Paggalang sa iba’t-ibang paniniwala, pananaw, o punto de bista kahit ito ay naiiba o
salungat sa sariling paniniwala o pananaw.
9.Pagpapahalaga sa mga pagkakaiba ng mga tao sa kanilang kultura, paniniwala,
at paggalang sa kanilang dignidad at karapatang pantao.
10.Pag-iingat sa sariling kagustuhan at pagsasaalang-alang sa kagustuhan ng iba.
Sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu , nalilinang tayo bilang isang mabuting
mamamayan. Nalilinang nito ang:
1.Kaalaman sa sariling mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan upang makalahok
sa mga makabuluhang gawain para sa ikabubuti ng pamumuhay ng pamayanan, bansa,
at daigdig.
2.Pang-unawa at paggalang sa mga batas at alituntunin upang maitaguyod ang pagkakaisa
, pag-unlad, at pagkakaroon ng kapayapaan sa ating bansa at sa buong daigdig.
3.Pang-unawa sa iba’t-ibang aspekto ng mga suliranin at isyu ng lipunan: heograpiya,
ekonomiya, kultura, pamahalaan, at pansibiko gamit ang kasanayang nalinang sa pag-
aaral ng iba’t-ibang disiplina.
4.Pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos bilang isang bansa at pagtugon sa mga
pambansa at pandaigidig na suliranin.
5.Masidhing damdaming makabayan, makatao, makakalikasan at makasandaigdigan na
nag-uudyok upang maging produktibo at makatulong sa paglutas ng mga suliranin sa
kasalukuyan at pagpapanday ng maunlad at mapayapang pamayanan, bansa at mundo.
6. Aktibong pagganap sa mga gawain at tungkuling dapat gampanan sa tahanan, paaralan
at pamayanan.

MGA PAGSASANAY

(Paalala: Maglaan ng tatlong gawain.)

Pagsasanay #1: Tama o Mali!

Panuto:. Isaad kung tama o mali ang isinasaad ng mga sumusunod na


pangungusap..

______1. Ang kamulatan sa kontemporaryong isyu ay daan upang ikaw ay maging isang
mabuting mamamayan ng bansa.

______2. Ang kaalaman sa kontemporaryong isyu ay daan upang ikaw ay maging


kabahagi ng paglutas sa mga suliraning kinakaharap ng pamayanan at bansa.

______3. Ang kamulatan sa kontemporaryong isyu ay daan upang higit na magkaroon ng


diwa ng pagkakaisa, pagtutulungan tungo sa pagtatamo ng isang maunlad na
pamayanan at bansa.

______4. Magiging daan ang kaalaman sa mga isyung panlipunan upang magkaroon ng
pagkiling sa isang pangkat ukol sa isyu.

______5. Ang kamulatan sa kontemporaryong isyu ay daan upang higit kang mahubog
bilang isang taong may pakialam sa nangyayari sa kanyang pamayanan at
bansa.
Pagsasanay #2:Ako at Kontemporaryong Isyu!

Panuto: Punan ng datos ang graphic organizer. Magsaad ng mga


katangiang hinubog sa iyo ng kaalaman mo sa kontemporaryong isyu.
Pagsasanay #3:

Panuto: Pumili ng isang (1) emoticon na maglalarawan ng iyong emosyon


kaugnay ng iyong natutunang kaalaman ukol sa kahalagahan ng
kaalaman sa kontemporaryong isyu, isaad ang iyong pansariling
damdamin sa tapat nito.
PAGLALAHAT

(Paalala: Ang bahaging ito ay gawain na dapat sagutin ng mag-aaral.)

Muling alalahanin ang iyong mga kaalamang natutunan mula sa ating paksang
tinalakay, mangyaring magtala ng iyong mga napag-alaman mula sa paksang ito
gamit ang blank chart.

PAGPAPAHALAGA
(Paalala: Ito ay gawain na kailangang sagutan ng mag-aaral hinggil sa paglalapat ng kanyang
natutuhan.)

Mahalagang maunawaan mo sa yugtong ito na napakahalaga ang


pagkakaroon ng higit na kaalaman sa mga kontemporayong isyu na kinakaharap
ng bansa. Mula sa iyong mga natutuhan ilahad ang iyong mga pansariling
naramdaman mula sa paksang ito gamit ang heart chart.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

GAANO KA NA KAHUSAY?

Ngayon natapos mo na ang buong aralin, alamin natin kung nadagdagan ang
iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa pagsusulit na ito. Magsimula
ka na!

Panuto: Lagyan ng tsek ang mga gawaing sa iyong palagay ay


higit na lilinang sa iyong kakayahan upang maging mulat sa
kontemporaryong isyu sa lipunan.

1.Pagbabasa ng mga pahayagan, magazine na naglalaman ng mga


balita at impormasyon sa mga kaganapan sa bansa.
2.Maghapong paglalaro ng mga video games gamit ang tablet o
laptop.
3.Panonood ng balita sa telebisyon
4.Maagap na pakikinig ng mga balita sa radyo.
5.Pagkuha ng mga impormasyon sa mga mapagkakatiwalang
source upang makaiwas sa mga fake news.
6.Pagbabasa ng mga komiks at pocket books
7.Malimit na pagtambay at paglalakwatsa
8.Pakikiisa sa mga makabuluhang diskusyon ukol sa mga isyung
panlipunan.
9. Pagdalo sa mga seminar at workshops na tumatalakay sa mga
makabuluhang isyu.
10. Pakikipagtsismisan sa kapitbahay.
PAUNANG PAGSUBOK BALIK-ARAL
1. 1.Pangkalusugan
2. 2. Pang-ekonomiya
3. 3. Pang-ekonomiya
4. 4. Pagkapaligiran
5. 5. Pangkalusugan
6. Panlipunan
7. Pang-ekonomiya
8. Pang-ekonomiya
9. Pagkalusugan
10. Pang-ekonomiya
kalusugan PpPPanlipunan 5.
5. 66 5.
5. 4 3.
MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
1.Tama 1. Pagiging mapanuri sa mga isyung panlipunan
2.Tama 2.Pagiging mulat sa mga napapanahong isyu
3.Tama 3.Higit na hinubog nito kabutihan ng aking mga pagkatao
4. Mali 4.Binuhay nito ang aking pagiging makabayan
5.Tama 5. Naging daan ito upang ako ay maging aktibo sa
pakikilahok sa mga isyung panlipunan
Pagsasanay 3 .
1. Malungkot- dahil sa mga di kanais-nais na pangyayari sa bansa
2. Masaya-dahil marami akong kaalamang natututunan
PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. 6.
2 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Pasig City Public Information Office Facebook Page

Para sa mga larawan


Missosology.into
https://www.bing.com
bioenergyconsult.com.
pinterest
bing images

Para sa mga teksto


Wiktionary
Kayamanan: Kontemporaryong Isyu, Eleanor D. Antonio et al.
Bagong Edisyon Pahina 12-15

Bitmoji apps

You might also like