Filipino 10 q2 Episode 1 8 Parallel Assessment

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

TVBI- Quarter 2-Episode 1 Filipino 10

Learning Competency: Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan
(kolokasyon). F10PT-IIa-b-71

ACTIVITY SHEET
Pangalan: ______________________________ Paaralan: ________________________Iskor:_____

Pangunahing Konsepto:

Ang kolokasyon ay ang pag-iisip ng iba pang salita na isasama sa isang salita o talasalitaan upang
makabuo ng iba pang kahulugan. Maaaring magkapareha o magkasalungat ang dalawang salita. Higit na
mapapalitaw ang kahulugan ng isang salita kung ito ay kasama pa ng ibang salita.
Halimbawa:
Kapit + bahay – na ang ibig sabihin ay nakatira sa malapit sa iyong bahay
Lipat + bahay – na ang ibig sabihin ay lilipat ng tinitirhan
Kasambahay – na nangangahulugang katulong sa bahay
Panuto: Pagsamahin ang dalawang salita sa una at ikalawang hanay. Pagkatapos bigyang kahulugan ang
salitang mabubuo mula sa dalawang salitang pinagsama. Maaaring gumamit ng mga pang-angkop sa
pagbubuo. Sundin ang nasa halimbawa.

Unang Salita Ikalawang Salita Salitang Nabuo Kahulugan

1. asal hudas asal-hudas

2. bago tao bagong tao

3. sali pusa saling-pusa

4. basag ulo basag-ulo

5. puso mamon pusong mamon

*posibleng sagot
1. masamang ugali
2. nagbago ng pananaw sa buhay
3. kahit saan napupunta
4. laging naghahanap ng gulo
5. sensitibo
TVBI- Quarter 2-Episode 2 Filipino 10
Learning Competency: Naihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa
alinmang bansa sa daigdig. (F10PB-IIa-b-75)

ACTIVITY SHEET
Pangalan: ____________________________ Paaralan: _____________________Iskor:___
Pangunahing Konsepto:
Ang dulang Sintahang Romeo at Juliet na isinulat ng isang tanyag na manunulat na si William
Shakespeare at isinalin sa Filipino ni Gregorio C. Borlaza.
Ang dula ay tungkol sa magkasintahang labis ang pagmamahal sa isa’t isa. Sila ay kapwa nagmula sa
maharlikang angkan na nagkaroon ng alitan. Dahil dito naging hadlang sa pag-ibig sa isa’t isa ang sigalot sa
pagitan ng kanilang mga pamilya kaya’t humantong sa trahedya ang kanilang pag-iibigan.
Sa araling ito ay ihahambing natin ang kultura ng England na siyang pingmulan ng dula at kultura ng
ating sariling bansa.

Gawain 1: Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na linya tungkol sa pag-ibig. Isulat ang sagot sa
isang buong papel.

Oh Pagsintang labis na makapangyarihan


Sampung mag-ama’y iyong nasasaklaw
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman
Hamaking lahat masunod ka lamang.
Halaw sa Florante at Laura
Ni Francisco Baltazar
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Nilundag ko yaong pader sa pakpak ng pagmamahal;


Pagkat ang pag-ibig ay di mapipigil ni’ yong batong humahadlang.
Ginawa ng pag-ibig ang bawat kaya niyang gawin
Kaya’t ang mga pinsan mo’y hindi sagabal sa akin
Halaw sa Romeo at Juliet
Salin ni Gregorio Borlaza
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Tanong:
1. Ano ang nagagawa ng tao sa ngalan ng pag-ibig?
___________________________________________________________
2. May pagkakatulad ba sa paniniwala tungkol sa pag-ibig ang dalawang bansang pinagmulan
ng akda? Ipaliwanag.
___________________________________________________________
Gawain 2: Panuto: Ihambing mo ang kultura ng bansang England na tagpuan ng dulang Romeo at
Juliet sa kultura ng ating bansa. Gamiting pamantayan sa paghahambing ang mga gabay sa unang
hanay.
Paghahambing base sa Bansang Tagpuan ng Bansang Pilipinas
Dula ( England)
Pagpapahalaga sa Pamilya
Alitan sa pagitan ng mga
angkan
Pagtatakda ng Kasal na
walang pag-ibig
Paggamit sa kapangyarihan
ng mga magulang na
magdesisyon para sa mga
anak
Pagkapit sa simbahan sa
panahon ng suliranin

*ang mga sagot ay nakadepende sa pasya ng guro


RBI- Quarter 2-Episode 3 Filipino 10
Learning Competency: Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng kwentong-bayan sa napakinggang
usapan ng mga tauhan. F10PN-IIa-b-71

ACTIVITY SHEET
Pangalan: _____________________________ Paaralan: ____________________Iskor:___
Pangunahing Konsepto:
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin
nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa
mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at
malayang kaisipan.
Ang trahedya ay isang dulang ang bida ay hahantong sa malungkot na wakas o sa kabiguan. Mayroon
ding mga uri ng ganitong dulang may malungkot na wakas o sa kabiguan. Mayroon ding mga uri ng ganitong
dulang may malungkot ngunit makabuluhang wakas.
Karaniwang ang paksa ng mga dula ay nakabatay sa tunay na karanasan at kasaysayan ng isang
lugar sapagkat isang paraan din ng pagpapahayag ng damdamin at kuro-kuro ang isang dula.

Panuto: Ilahad ang kulturang masasalamin sa usapan o dayalogo ng mga tauhan mula sa akdang
Sintahang Romeo at Juliet.

A. Baltazar: Wala po, mabuti kong panginoon.


Romeo: Ano ang dapat kong gawin? May naalala akong isang butikaryo.
Paglalahad: ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

B. Juliet: Pagmamapuring mayaman


Kaysa sabi-sabi,
Ipinagmamalaki ay laman, hindi palamuti
Pulubi lamang ang kayang bilangin ang yaman
Ngunit pag-ibig kong tapat ay labis ang kayamanan
Kahit kalahati ay hindi ko mabilang.
Paglalahad: ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

C. Romeo: Ang pag-ibig na nagturo sa aking magmatyag,


Bigyan ako ng payo’t binigyan siya ng pangmalas
Juliet: O mabait na Romeo, kung ikaw ay umiibig
tapatin mo
Maniwala ka ginoo, magiging lalong matapat ako.
Paglalahad: ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
*Ang mga sagot at sa pagbibigay ng puntos ay nakadepende sa pasya ng guro.
TVBI- Quarter 2-Episode 4 Filipino 10

Learning Competency: Nakabubuo ng sistematikong panunuri sa mitolohiyang


napanood.

ACTIVITY SHEET 4

Pangalan: ___________________________Paaralan: ______________________ Iskor:___


Pangunahing Konsepto:
Ang mitolohiya ay isang tradisyunal na oral na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng tradisyong
oral.
Hango sa salitang Griyego na mythos ang salitang mitolohiya na nangangahulugang “kuwento.”
Ang mitolohiya ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos at
diyosa, bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.

Elemento ng Mitolohiya
1. TAUHAN.
Ang mga tauhan sa mitolohiya ay ang diyos at diyosa, makulay at puno ng imahinasyon ang pagganap ng
mga tauhan, may taglay na kapangyarihan at lahat ay kanilang magagawa.

2. TAGPUAN.
Sa tagpuan nasusuri ang kalagayan ng bansa noon at sa kasalukuyan. Nalalaman kung anong uri mayroon
ang kanilang ninuno at maiuugnay sa paraan ng kanilang pamumuhay ngayon at pagpapahalaga sa
kapaligiran sa kasalukuyan. Nasasalamin ang sinaunang lugar at kalagayan ng bansa kung saan ito
umusbong at may kaugnayan sa batis, ilog, parang, triguhan, palayan, kabundukan at iba pa.
3. BANGHAY.
Naglalahad naman ng mahahalagang pangyayari ang banghay, pakikipagsapalaran ng isang tao upang
ipagtanggol ang kanyang bansa. Ito ay ang nagpapaliwanag ng mga pangyayari at kalagayan ng mga tao sa
bansang inilalarawan ng mitolohiya noon at sa kasalukuyan.
Sa elemento ring ito makikita ang sunod-sunod na pangyayari at kaganapan at dito masusuri ang pagiging
makatotohanan o di-makatotohanan ng akda.
4. TEMA.
Naglalahad at nagpapaliwanag ang sa natural na mga pangyayari at ng ugali ng tao, mga kahinaan at
kalakasan ng tauhan at mga aral sa buhay.
Gawain
Panuto: Basahin ang mitolohiyang Sina Thor at Loki. Suriin ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng
mitolohiya sa pamamagitan ng pagpupuno sa mga kahon ng tamang sagot. Isulat sa A4 bond
paper ang inyong sagot.

Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante


ni Snorri Sturluson
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Mga Tauhan:
Diyos:
Thor- diyos ng kulog at kidlat at pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir
Loki- kasama ni Thor sa paglalakbay at may kapiyuhan

Higante:
Skrymir – naninirahan sa kakahuyan
Utgaro-Loki – hari ng mga higante
Logi, Hugi, at Elli – kabilang sa kuta ni Utgaro-Loki
Mga Tao:
Thjalfi at Rosvka – anak na lalaki at babae ng magsasaka

Pumunta sina Thor at Loki sa lupain ng mga higante dahil ang mga higante ay kalaban ng mga diyos
sa Norse. Nang abutin ng gabi sa paglalakbay, nagpahinga sila sa bahay ng isang magsasaka na may
dalawang anak isang lalaki at isang babae. Kinatay ni Thor ang dala nitong kambing para sa kanilang
hapunan. Nagalit si Thor sa 8 magsasaka nang hindi sinunod nito ang kanyang iniutos na paghiwalayin ang
buto ng kambing sa balat nito kaya ginawa niyang alipin ang dalawang anak na sina Thjalfi at Roskva bilang
kapalit. Naglakbay sila hanggang sa makita ang natutulog na si Skrymir, isang uri ng higante. Umiinit ang ulo
ni Thor pag natutulog si Skrymir at naghihilik nang malakas kaya pinupukpok niya ng kanyang maso ang ulo ni
Skymir upang ito ay magising, ngunit akala ni Skrymir ay may nalaglag lamang na dahon sa kanyang ulo.

Dinala ni Skrymir sina Thor at Loki kay Utgaro-Loki ang hari ng mga higante. Bago sila umalis ay
binigyan sila ni Skrymir ng mabuting payo na huwag silang magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro-Loki.

Nakipagpaligsahan sila dito upang malaman kung gaano kalakas sina Thor.Ginamit nina Thor at mga
kasamahan ang kanilang galing at lakas. Si Loki ay may kakayahang pinakamabilis sa pagkain. Naglaban sila
ni Logi sa pabilisan ng pagkain ngunit siya ay natalo. Pabilisan sa pagtakbo naman ang sinalihan ni Thjalfi
laban sa batang si Hugi. Inulit ng tatlong beses ang labanan ngunit hindi talaga inabutan ni Thjalfi ang batang
si Hugi. Sumabak naman si Thor sa pabilisan ng pag-inom. Kaya’t tinawag ni Utgaro-Loki ang cupbearer na
dala-dala ang tambuli na madalas inuman ng mga panauhin. Sa tatlong pagkakataon ay hindi naubos ni Thor
ang laman ng tambuli. Nagalit si Thor nang matalo siya sa paligsahang ito. Isang laro pa ang sinubukan ni
Thor upang masubok ang kanyang lakas, ang buhatin sa lupa ang pusa ni Utgaro-Loki. Hinawakan ni Thor
ang palibot ng tiyan nito at sinubok na itaas gamit ang kanyang lakas ngunit paa lamang ng pusa ang naiangat
ni Thor. Lalong nagalit si Thor nang matalo sa labanang ito. Hinamon ulit niya si Utgaro-Loki kaya itinapat ni
Utgaro ang kanyang inang si Elli sa labanang wrestling.Tulad ng mga nagdaang laban, natalo pa rin si Thor.

Ipinagtapat ni Utgaro-Loki kay Thor na nilinlang lang sila ni Utgaro-Loki, ginamitan sila nito ng mahika
upang sila ay talunin dahil alam ng hari ng higante na walang kapantay ang lakas ni Thor at ayaw nito na may
makatalo sa kanyang lakas.
Pamagat ng Akda

Pangunahing Tauhan

Iba pang mga Tauhan

Tagpuan
(Saan at Kailan)

Mahahalagang aral na
taglay ng akda Nilalaman

Simula:

Papataas na Pangyayari:

Kasukdulan:

Wakas:

*Ang mga sagot at sa pagbibigay ng puntos ay nakadepende sa pasya ng guro.


TVBI- Quarter 2-Episode 5 Filipino 10
Learning Competency: Naisusulat ang isang talumpati tungkol sa isang kontrobersyal na isyu. (F10PU-
IIg-h-71)

ACTIVITY SHEET 5

Pangalan: ___________________________ Paaralan: _____________________Iskor:____


Pangunahing Konsepto:
Ang talumpati ay kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng
publiko. Ang kaisipang ito ay maaaring magmula sa pananaliksik, pagbabasa, pakikinayam, pagmamasid, at
mga karanasan.
May paksang pinagtutuunan ng pansin at isinaalang-alang din ang tagapakinig o bumabasa , pook,
pagdiriwang at iba pa. Maaaring isaulo ng bumibigkas nito ang nilalaman ng talumpati at maaari ring biglaan
na kung tawagin sa Ingles ay extemporaneous.
Gawain
Panuto: Bumuo ng sariling talumpati kung saan ang pinapaksa ay tungkol sa pagpapahalaga sa
kaligtasan ng mamamayan higit sa lahat ng mga kabataang tulad mo laban sa nakamamatay
na COVID-19. Paano mo hihikayatin ang kapwa mo kabataan na maging ligtas sa nasabing
sakit? Bumuo ng pamagat na angkop sa nilalaman ng iyong talumpati. Isulat ito sa A4 bond
paper.

Pamantayan sa Paggawa

Nararapat na ang talumpati ay nagtataglay ng:


A. Panimula 20 puntos
● Pagpapaliwanag sa layunin

B. Katawan/Gitna 40 puntos
● Kalinawan ng argumento
● Tibay/lakas ng argumento

C. Wakas 20 puntos
● Pagbibigay lagom o kongklusyon

D. Kaisahan at Kasanayan sa pagpapalawak 20 puntos


ng pangungusap _________

Kabuuan 100 puntos


TVBI- Quarter 2- Episode 6 Filipino 10

Learning Competency: Natutukoy at nabibigyang-kahulugan ang mga salitang karaniwang


nakikita sa social media. (F10PT-IIg-h-750)

ACTIVITY SHEET 6

Pangalan: ____________________________ Paaralan: ____________________ Iskor:___


Pangunahing Konsepto;
Ang social media ay tumutukoy sa Sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan ay
lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at
mga network.
Itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideolohikal at
teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na
binuo ng gumagamit.
Ilan sa mga halimbawa ng social media ay ang:
● Facebook
● Instagram
● Twitter
● Youtube
● at marami pang iba

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng ilang mga salitang nakikita sa social media at gamitin ito sa makabuluhang
pangungusap sa iyong sagutang papel.

1. YOLO - ____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Ghosting - __________________________________________________________
____________________________________________________________

3. Seenzone - _________________________________________________________
____________________________________________________________

4. Pa-fall - ____________________________________________________________
____________________________________________________________

5. Pabebe - __________________________________________________________
____________________________________________________________

Key Answer

1. YOLO- You Only Live Once


2. Ghosting – taong biglang nawawala at biglang nagpaparamdam
3. Seenzone – nabasa/nakita na ang mensahe pero hindi nirereplyan
4. Pa-fall – nagpapakita ng senyales na gusto ang tao ngunit hindi naman talaga
5. Pabebe – tawag sa babaeng maarte o may kaartehang kumilos

*ang puntos sa bawat pangungusap ay nakadepende sa pagpapasya ng guro


TVBI- Quarter 2- Episode 7 Filipino 10
Learning Competency: Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na maikling
kuwento. F10PS-IIe-75

ACTIVITY SHEET 7
Pangalan: ____________________________Paaralan: ____________________ Iskor:___
Pangunahing Konsepto:
Ang maikling kuwento ay nasilayan na noong panahon bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating
kapuluan. Ito ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang-isip na hango sa isang tunay na
pangyayari sa buhay. Ito ay nababasa sa isang tagpuan, upuan at nakapupukaw ng damdamin. May
kapayakan at kakaunting mga tauhan.
Mga Elemento ng Maikling Kuwento
1. Panimula – dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa, dito rin kadalasang pinakikilala ang
mga tauahan
2. Saglit na Kasiglahan – naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin
3. Suliranin – problemang haharapin ng tauhan
4. Kasukdulan – makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
pinaglalaban
5. Kakalasan – tulay sa wakas

Gawain 1
Panuto: Sumulat ka ng sarili mong maikling kuwento. Nasa iyo na kung ano ang magiging paksa ng iyong
kuwento. Maaari mong paghugutan ang mga pangyayari sa kasalukuyan. (15 puntos)
__________________________

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
___________________________________
Gawain 2
Panuto: Pag-aralan mo ang iyong sinulat na maikling kuwento. Pagkatapos mong mapag-aralan ang kuwento,
isalaysay mo ito nang masining at may damdamin. Maaari mong i-rekord sa iyong cellphone ang gagawin
mong pagkukuwento. (15 puntos)
PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS

Pamantayan Puntos

Kasiningan – orihinalidad at estilo ng pagsasalaysay 9 puntos

Kawastuan – wasto at angkop na gamit ng mga salita 3 puntos

Kawilihan – hikayat sa mga manonood o tagapakinig 3 puntos

KABUUAN 15 puntos
TVBI- Quarter 2- Episode 8 Filipino 10
Learning Competency: Naibibigay ang sariling pananaw o opinion batay sa binasang anyo ng sanaysay
(talumpati o editorial)
F10PB-IIi-j-71

ACTIVITY SHEET 8

Pangalan: ____________________________ Paaralan: _____________________Iskor:___


Pangunahing Konsepto:
Ang opinyon ay sariling palagay, pananaw o saloobin tungkol sa isang akda, isyu o usapan.
Sa pagbibigay ng opinyon o pananaw, malimit na ginagamitan ng sumusunod:
sa tingin ko, kung ako ang tatanungin, sige, tunay nga, sumasang-ayon ako, talaga, tumututol ako sa,
ikinalulungkot ko, sumasalungat ako sa, hindi ako sang-ayon sapagkat/dahil at iba pa.
Gawain I.
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangyayaring matatagpuan sa ibaba. Ang mga ito ay nagmula sa
editoryal na artikulo ng Philstar. Magbigay ng iyong opinyon o pananaw hinggil dito gamit ang
mga kataga o pararilang angkop sa pagbibigay ng opinyon.

1.
Ilang education officials at pati mga guro ang nagmumungkahi na ibalik na ang
face-to-face-classes sa mga lugar na walang transmission ng COVID-19 o
‘yung mababa ang kaso ng virus infection. Hihilingin umano nila ito at kung
papayagan ng COVID-19 inter-agency task force, posibleng maibalik ang face-
to-face classes. Pero daraan umano ito sa mabusising pag-aaral kung dapat na
nga ba na bumalik na sa face-to-face classes.

Sariling opinyon o pananaw:

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
____________________________
2.
Kabilang sa mga nararanasang problema ng mga estudyante ay ang
kakulangan ng gadgets at ang mahinang koneksiyon ng internet o WiFi
connection. Kabilang din sa problemang nakita ay ang pagiging masikip sa loob
ng bahay. Makipot ang lugar para sa mga mag-aaral.

Nakita rin na hindi nagagabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak
habang nasa blended learning. Maraming magulang din ang hindi preparado at
walang nalalaman para turuan ang anak sa mga aralin nito. Karamihan sa mga
magulang ay naghahanapbuhay para may makain ang pamilya. Nakita ring
problema na may mga magulang na hindi alam ang gagawin para sa nag-aaral
nilang mga anak. Hindi umano abot ng mga magulang kung ano ang tamang
gagawin.

Sariling opinyon o pananaw:

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
____

3.
Sinabi noon ni President Duterte na kung siya ang masusunod, gusto niya
ay kapag may bakuna na saka ipagpatuloy ang pasok sa school. Pero
tutol ang DepEd. Kailangan daw ay tuluy-tuloy ang pag-aaral ng mga bata.

Sariling opinyon o pananaw:

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
____

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2020/12/03/2061037/editoryal-face-face-classes-hwag-
muna-sirmam

*ang puntos sa bawat sagot ay nakadepende sa pagpapasya ng guro


TANGUB CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
FILIPINO 10
IKALAWANG MARKAHAN
PARALLEL ASSESSMENT

Sagutin ang bawat tanong:

1. Ibigay ang kahulugan ng kolokasyon?

2. Sino ang may-akda sa dulang Sintahang Romeo at Juliet?

3. Isalaysay ang dulang Sintahang Romeo at Juliet.

4. Basi sa dulang “Sintahang Romeo at Juliet” , ano ang nagagawa ng tao sa ngalan ng pag-ibig?

5. Ibigay ang kahulugan sa akdang pampanitikan na “Dula”?

6. Ibigay ang kahulugan ng mitolohiya?

7. Ibigay ang elemento ng mitolihiya?

8. Ano ang talumpati?

9. Ano ang Social Media?

10. Magbigay ng limang halimbawa sa social media?

11. Ibigay ang kahulugan ng maikling kuwento?

12. Ibigay ang elemento ng maikling kuwento?

You might also like