DAY 3 LP Fil 10

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Mataas na Paralan ng Del Monte

Banghay Aralin sa Filipino


Grade 10
Ikatlong Markahan
(araw ng lunes ika 28 ng octobre 2019)

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay kailangang:


1. Nakapaglalahad ng mga damdamin na naghahari sa tula,
2. Nakapagsalaysay ng isang pangyayari tungkol sa pagmamahal ng kanilang
ina sa anak,at
3. Nabigyang-halaga ang ating ilaw ng tahanan.
II. NILALAMAN

Paksa:Tula (Awit kay Inay ni Carol Banawa)

Sanggunian: Modyul sa Filipino 10 (pp.185-187)

Kagamitan: Larawan, mga kagamitang biswal

Balyu pokus: Pagmamahal sa ina


III. PROSESO NG PAGKATUTO

A. Panimulang Gawain

1. Pagbati

2. Panalangin

3. Pagtala ng mga lumiban

4. Pagbabalik-aral
Ano ang pamagat ng kwentong ating binasa kahapon?
Sino-sino ang mga tauhan kwentong sina Thor at Loki sa Lupain ng
mga higante?
Anu-ano ang mga elemento sa metolohiyang binasa?
5. Pagganyak
Magpakita ng larawan tungkol sa pagmamahal ng anak sa ina.
A B

Ano ang nakikita ninyo sa una at pangalawang larawan?


Ano ang damdamin ang inihayag sa larawan?
Sa papaanong paraan inihayag ang damdamin sa larawan?

6. Paglalahad
a. Papatugtugin ng guro awiting ( “awit ni inay “)ni Carol Banawa”
b. Babasahin ang tula ng sabaysabay
B. Panlinang na Gawain

Mga Gawain

Pangkatang Gawain
Unang pangkat – suriin ang tula kung ilang bilang ng pantig sa
bawat taludtod?

Ikalawang pangkat – gumawa ng maiksing dula na nalalahad ng

pag-ibig ang naghahari sa tula.

Ikatlong pangkat - .anu-anong mga tayutay ang nakapaloob sa tula?


Ikaapat na pangkat – ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng pag-ibig
na inihayag Sa awiting pinakingan at sa tulang binasa.

7. Pagtalakay
Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin
ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay
binubuo ng mga taludtud.
C. Panapos na Gawain

8. Paglalahat
Ano ang naging pangunahing paksa ng tulang ating binasa?
Aling bahagi ng matalinghagang salita ang magpapatunay?
Ano ang mga tayutay ang nakapaloob sa tula?

D. Paglalapat

Para sa inyo sa papaanung paraan nyo naipadama ang pag-ibig nyo sa

iyong ina?

Kung malaman mong umiyak ang iyong ina ano ang iyong mararamdaman?

Ano ang aral ang makukuha natin sa tula?

IV.Ebalwasyon
Panuto: Ilahad ang mga damdaming naghahari sa tulang ating binasa gamit ang
semantic webbing. Kung mirong panyayaring katulad ng pagmamahal nyo sa inyong
ilahad ito at bakit? Isulat ito sa kalahating papel.

DADAMIN

V. Takdang-Aralin
Pag-araln ang susunod na aralin tungkol sa elemento ng tula.
Mataas na Paralan ng Del Monte
Banghay Aralin sa Filipino
Grade 10
Ikatlong Markahan
(araw ng Martes ika 29 ng octobre 2019)

I. LAYUNIN

1. Naiisa-isa ang bawat elemento at anyo ng tula.

2. Nailalahad ang kahalagahan ng tula sa pamamagitan ng paglinang ng

kultura atpanitikan ng isang bansa.

3. Nakabubuo ng isang maikling tulang may sukat at tugma tungkol sa


pag-ibig,pamilya, kaibigan at edukasyon.

II. NILALAMAN

Paksa: Tula at Mga Elemento Nito


Sanggunian: Filipino Modyul para sa mag-aaral pp. 185-193
Kagamitan: PowerPoint Presentation, Kagamitang Biswal, yeso, pisara

III. PROSESO NG PAGKATUTO

A. Panimulang Gawain

1. Pagbati

2. Panalangin

3. Pagtala ng mga lumiban

4. Pagbabalik-aral
Ano ang tula?
Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad sa awit na ating pinakingan
at sa tulang ating binasa kahapon?
5. Pagganyak
Naranasan nyo na bang umibig?

Para kanimo mo inilaan ang pag-ibig mo?

Sa papaanong paraan nyo inihayad ang pag-ibig na inyong nadama?

6. Paglalahad

Pagpapabasa sa tulang “Ang Aking Pag-ibig” (How Do I Love Thee-Sonnet


ni Elizabeth Barret BrowningIsinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

B. Panlinang na Gawain

1. Mga Gawain

Pangkatang Gawain
Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat.
Pangkat –I ano ang elemento ng tula?
Pangkat –II ano ang mga matalinghangang salita ang nakapaloob sa tula?
Pangkat – III ano ang simbolismo sa tula?
Pangkat – IV ilang sukat miron ang tulang binasa?

7. Pagtalakay

ANG TULA -ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng


isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo
ng mga taludtud.
SUKAT – bilang ng pantig sa bawat talutod
KARIKTAN- kailangang magtataglay ang tula ng maririkit na salaita
upang masiyahan ang mambabasa gayun din mapukaw ang damdamin
at kawilihan.(hal. Maganda-Marikit, Mahirap- Dukha)
TALINGHAGA- ito ay isang sangkap ng tula na may kinalaman sa
nakatagong kahulugan ng tula. (Hal. Nag-agaw buhay, Nagbabanat ng buto)
TUGMA – sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling
salita ng bawat taludtod ay magkasingtunog.
C. Panapos na Gawain

8. Paglalahat

Sino ang nagsasalita sa tula?

Ano ang mensahe ng tula?

Ano ang iyong naramdaman matapos mabasa ang tula?

Ano ang pag-ibig ang tinutukoy sa tula?

D. Paglalapat

Ano angkaibahan ng pag-ibig na inihayag nyo sa inyong mga magulalang at


inyong mga kaibigan?
Sa papaanong paraan nyo naman inihayag ang inyong damdamin sa inyong
kasintahan.

IV.Ebalwasyon

Panuto: Sumulat ng isang isang maikling tulang may sukat at tugma tungkol sa

pag-ibig,pamilya, kaibigan At edukasyon. Isulat ito sa isang buong papel. Gagawin ito

sa loob ng labinlimang minuto.

Mga pamantayan sa pagsulat ng tula.

Nilalaman …………………………………………………….. 10 puntos

Estilo ……………………………………………………………..5 puntos

Kaayusan ng tula ( sukat at Tugma) ………………..20 puntos


____________
35 puntos

V. Takdang-Aralin
Pag-araln ang susunod na aralin tungkol sa tayutay.
Mataas na Paralan ng Del Monte
Banghay Aralin sa Filipino
Grade 10
Ikatlong Markahan
(araw ng Martes ika 30 ng octobre 2019)

I. LAYUNIN
1. Nabibigyang- kahulugan ang mga piling salita sa tula na may malalalim na
kahulugan.
2. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan, saloobin, paniniwala, kuro- kuro o ideya
na may kaugnayan sa tula.
3. Naksusulat ng tula gamit ang iba’t ibang elemento nito.

II. NILALAMAN

Paksa: Tula at Mga Elemento Nito


Sanggunian: Filipino Modyul para sa mag-aaral pp. 185-193
Kagamitan:PowerPoint Presentation, Kagamitang Biswal, yeso, pisara

III. PROSESO NG PAGKATUTO

A. Panimulang Gawain
1. Pagbati

2. Panalangin

3. Pagtala ng mga lumiban

4. Pagbabalik-aral
5. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng dalawang flashcard (FACT O BLUFF) mamimili ngayon ang
Mga mag-aaral batay sa tanong na ibinigay ng guro kung ito nagagawa pa nila sa
kasalukuyan.
a. Pagmamano sa magulang bago umalis ng bahay at pagkauwi ng bahay.
b. Pagalang sa mas nakakatanda.
c. Pagtulong sa mga gawaing bahay.
d. Pagiging tapat sa mga magulang.
e. Pagyakap sa magulang lalo na kung may kailangan.

6. Paglalahad

Basahin ng sabaysabay ang tulang “Ang Pamana” ni Jose Corazon De Jesus


B. Panlinang na Gawain

Mga Gawain

Pangkatang Gawain
Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat.
Pangkat –I ano ang elemento ng tula?
Pangkat –II ano ang mga matalinghangang salita ang nakapaloob sa tula?
Pangkat – III ano ang simbolismo sa tula?
Pangkat – IV ilang sukat miron ang tulang binasa?
7. Pagtalakay
Ang tulang Ang Pamana na isinulat ni Jose Corazon De Jesus ay may paksa kung
saan pinapahiwatig ng isang ina ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak at dahil
sa pagmamahal nyang ito, at sya ay matanda na, siya ay nagiiwan ng kanyang mga
habilin sa kanyang anak. Sa tulang ito mo rin maiisip ang labis na pagmamahal ng bata
sa kanyang ina, masakit sa kaniyang nagpapahiwatig ng pagpapaalam ang kaniyang
ina.
C. Panapos na Gawain

8. Paglalahat

1. sino ang nagsasalita sa tula?

2. Ano ang mensahe ng tula?

3. Ano ang iyong naramdaman matapos mabasa ang tula?

4. ano ang pag-ibig ang tinutukoy sa tula?

D. Paglalapat

Naramdaman nyo baa ng pagmamahal ng inyong mga magulang?

Kung” oo” ipaliwanag ang inyong sagot

Kung “hindi “ bakit?

IV.Ebalwasyon

1. Tungkol saan ang tulang pinapamagatang “ ang pamana”?

2. Gumawa ng tula gamit iba’t ibang element ng tula.

V. Takdang-Aralin
Pag-araln ang susunod na aralin tungkol sa tayutay.
Mataas na Paralan ng Del Monte
Banghay Aralin sa Filipino 10
Ikatlong Markahan
(araw ng lunes ika 31 ng octobre 2019)

I LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


1. Nailalahad ang mga uri ng tayutay
2. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng pangungusap ayon sa mga uri nito
3. Napangangatwiranan kung saang uri ng tayutay naaangkop ang pahayag o
pangungusap

II. NILALAMAN

Paksa:Tula (Ang pamana)

Sanggunian: Modyul sa Filipino 10 (pp.185-187)

Kagamitan: Larawan, mga kagamitang biswal

Balyu pokus: Pagmamahal sa Kapwa

III. PROSESO NG PAGKATUTO

A. Panimulang Gawain
1. Pagbati

2. Panalangin

3. Pagtala ng mga lumiban

4. Pagbabalik-aral

Sino ang sumulat ng tulang ang pamana?


Ang ang paksa ng tulang ang pamana?
5. Pagganyak
Bago tayo tuluyang pumalaot sa ating aralin, nais ko
munang sagutin ninyo ang mga sumusunod na
Trivia na inihanda ko para sa inyo.
Sagot:
T- Tumatayong haligi ng tahanan -Tatay
A- Siya ang bayaning namuno sa Rebolusyon ng
ating bansa laban sa Espanya. Siya ay may sagisag
na “Magdiwang.” -Andres Bonifacio
T- Ito ay makikita sa India, inialay ni Emperor Shah
Jahan para sa kaniyang asawang si Mumtaz Mahal. -Taj Mahal
A- Siya ang manunulat na sumulat ng tulang
“Isang Dipang Langit”. Kilala rin siya sa bansag na
“Ang Manunulat ng mga Manggagawa”. -Amado V. Hernandez
Y- Ito ay isa sa mga larong kontribusyon ng mga
Pilipino sa buong mundo. -Yoyo
U- Ang elementong mayroong simbolong U. -Uranium
Y- Siya ang kauna-unahang taong nakapaglakbay -Yuri Gagarin
sa kalawakan.

6. Paglalaghad

Ilahad ang mga tungkol sa mga tayutay.

Pagtutulad, Pagwawangis, Pagtatao, Pagmamalabis, Pagpapalit-saklaw


Pagpapalit-tawag, Paglilipat wika, Pagtatanong, Pag-uyam,Pagtawag atbp.

B. Panlinang na Gawain
1. Mga Gawain
Pangkatang Gawain
Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat.
Pangkat –I magsadula ng maikling dula gamit ang matatalinghagang salita.
Pangkat –II Gamawa ng pangugusap gamit ang pagwawangis ng tao sa halaman o tao
sa ibang bagay.
Pangkat – III Gumawa ng mga tanong na hindi nangangailang ng kasagutan.
Pangkat – IV Gumawa ng pangungusap gamit ang kariktan at talinghaga?
7. Pagtalakay

Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.


Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-,
magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa ingles.
Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga
katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan
ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-
diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles.
Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o
kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian,
kalagayan o katayuan.
Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong
nakakasakit ng damdamin.

8. Paglalahat

Ano nga ulit ang Tayutay?

Anu-ano ang mga uri ng Tayutay?


IV.Ebalwasyon
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang mga
sumusunod. Isulat ang inyong mga sagot sa patlang bago ang bilang.

__________1. Sariwang hangin ang banayad na humahalik


sa kanyang mala-rosas na pisngi.

a. Pagtatao b. Pagtutulad c. Pagtawag d. pagwawangis

__________2. Tuwing eleksyon, umuulan ng salapi.


a. Pagtatao b. Pagtutulad c. Pagtawag d. Pagmamalabis
__________3. Kandila siya saaking paningin na unti-unting
nalulusaw.
a. Pagtatao b. Pagtutulad c. pagwawangis d. Pagmamalabis

__________4. Ang luha sa kanyang mga mata ay tulad sa


batis na umaagos.
a. Pagtatao b. Pagtutulad c. Pagtutulad d. Pagmamalabis

__________5. O, maawaing langit! Bakit ang buhay ko ay


puno ng sakit?
a. Pagtatao b. Pagtutulad c. Pagtawag d. Pagmamalabis

V. Takdang-Aralin
Gumawa ng tulang may sukat at tugma gamit ang mga tayutay na nabangit.

You might also like