Aralin 4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Saint James High School

Curato St., Brgy. 5, Buenavista, Agusan del Norte


SEC Reg. No. PW00001134
Telefax (085) 343-4332 343-4834

MODYUL PARA SA FILIPINO 11


(Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik)
MELC’S
Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa (F11PB – IIIa – 98)
Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto (F11PU – IIIb – 89)
Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig (F11PB – IIId – 99)
Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa (F11PS – IIIf – 92)
Paksa: ARALIN 4
Tekstong Prosidyural

 Ang Tekstong Prosidyural


 Halimbawa ng isang Tekstong Prosidyural
Ano ang matututunan mo?
Ang layuning pagkatuto ng modyul na ito ay:
1. makapagtatalakay sa mga katangian ng tekstong Prosidyural;
2. makasusuri sa iba’t ibang halimbawa ng tekstong Prosidyural; at
3. makasusulat ng isang paksa sa pamamagitan ng tekstong Prosidyural.

Paano mo gagamitin ang modyul na ito?


Ang modyul na ito ay magsisilbing gabay mo sa pansariling pagkatuto at pag-unlad.
Gamitin mo ito bilang patnubay sa tulong ng mga tuntunin. Upang maging makabuluhan
at wasto sa iyo ang paggamit, kailangang maging malinaw sa iyo ang mga nararapat
gawin at sundin. Huwag kang mag-alala, madali lamang ang paggamit nito basta’t
sagutan ang mga gawaing nakahanda at basahin at intindihing mabuti ang panuto.
Tungkol saan ang Modyul na ito?
Ang ating magiging asignatura sa semestre na ito ay nakatuon sa pagbabasa at
pagsusuri ng mga akdang makatutulong upang makabuo kayo sa huli ng isang
makabuluhang pananaliksik. Ang inyong pananaliksik na gagawin ay siyang
makakatulong upang sa gayon ay mapapaunlad at mapapanatili ninyo ang wika at
kulturang ating kinalakihan. Upang matamo ito, nararapat lamang na matuto kayo na
sumulat ng iba’t ibang uri ng teksto. Ang ikaapat teksto na inyong matututonang isulat ay
ang TEKSTONG PROSIDYURAL.
Tuklasin natin!
PAG-IBIG ALINSUNOD SA PAKETE NG TIDE ULTRA
Ni Gilbert M. Sape

Sabi ko sa mantsa ni Eros


Ayaw kong maglaba sa gabi 4. Banlawan
Hindi ko alam kung bakit Maraming banlaw
Siguro’y ayaw kong makitang At tiyaking maisama sa tubig
Nakasungaw ang bituin sa ulap Ang mga sentimiyento
At pinapanood ang bawat kong kusot At panghihinayang

Pero hindi kagabi… 5. Ibuhos sa kanal ang tubig


Ang totoo Upang makapagtago sa burak
Naglaba ako Ang mga pagsinta
Sinamantala ko ang pangungulimlim
Ng bituin sa nangingilid na ulap 6. Isampay sa mahanging lugar
At natitiyak ko Ang nilabhang damdamin
Maputi ang aking nilabhan Pabayaan itong makahinga
Sinunod ko yata ang ang bawat Matagal rin naming
Instruksyon Naikubli ito sa baul
Sa likod ng pakete ng tide ultra: Pagmumuni pagkatapos
1. Kunin ang timba ng damdaming Napigaan ko na ang damit
matagal nang ibinabad
Mariin
2. Kusutin nang mabuti
Nakalimutan ko nga lamang
pabulain
Pigaan ang tubig sa aking mga mata
pabulain upang matiyak na
Paalam muna
natatakpan na ng bula
Samantala’y magpapatuyo muna ako---
ang mga salitang noon pa sana
Ng damit
sinabi
Ng mata
3. At dahil nahuli na sa sikat ng araw
Sana’y walang makakita
na siyang pagkukulahan,
Salamat sa pakete ng tide ultra.
lagyan na lamang ng Clorox
upang kumupas at walang
makakita
Linangin natin!
Ano ang napapansin mo sa paraan ng paglalahad ng may akda sa kanyang tula?
Mayroon bang pagkakasunod-sunod ng proseso batay sa kanyang paglalahad?

Talakayin natin!
Tekstong PROSIDYURAL

 Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang Gawain upang
matamo ang inaasahan.
 Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa ang isang bagay.
 Layunin nitong maipabatid ang mga wastong hakbang na dapat isagawa.
 Hindi lang dapat marunong tayong umanawa sa mga tekstong ito ngunit kaya rin
nating sumulat na mauunawaan ng iba.
 Kailangang malawak ang kaalaman sa paksang tatalakayin.
 Nararapat na malinaw at tama ang pagkakasunod-sunod upang hindi mailto ang
gagawa nito.
 Dapat tandaan na payak ngunit angkop ang mga salita ang gagamitin.
 Makakatulong din ang paggamit ng mga larawan na may kasamang captions.

Do It Yourself
 Ang DoItYourself.com ay isa sa mga nangungunang website na
tumutulong sa mga nais magkumpuni at magpaganda ng sariling bahay.
 Ito ay pinangaralan ng Time Magazine bilang “One of the Top 50 Sites in
the World”.

HALIMBAWA NG TEKSTONG PROSIDYURAL

1. PAGAWA NG PAROL
MGA KAKAILANGANIN:
• 10 patpat ng kawayan
(1/4 x 10”)
• 4 na patpat ng kawayan
(1/4 x 3 ½‘”)
• Papel de hapon o cellophane
• tali

Unang Hakbang:
• Bumuo ng dalawang bituin gamit ang
mga patpat ng kawayan.
Ikalawang Hakbang:
• Pagkabitin ang mga dulo ng kawayan
gamit ang mga inihandang tali.

Ikatlong Hakbang:
• Ilagay sa gitna ng pinagkabit na kawayan
ang apat na patpat ng kawayan para
lumubo ang balangkas ng iyong parol.
• Gayahin ang nasa larawan.

Ikaapat na Hakbang:
• Balutin ng papel de hapon o cellophane
ang balangkas ng parol.
• Kung nais mong gumamit ng iba’t ibang
kulay ay pwede.
• Maaari mong gamitin ang iyong
pagiging malikhain.

Ikalimang Hakbang:
• Maaari mong palamutian ang
iyong parol.
• Maganda rin kung lagyan mo ito ng
buntot na gawa sa papel de hapon.

2. Resipi ng Kare-kare

Mga Sangkap:

1 buntot ng baka
2 pata ng baka
1 taling sitaw
1 taling petsay
2 talong
½ tasang mani
½ tasang bigas
Atsuwete
Asin
Bawang
Sibuyas

Paraan ng pagluluto:

Ihanda ang sumusunod na mga sangkap:

 Dikdikin ang bawang.


 Hiwain ang sibuyas, paggisa.
 Putol putolin ang sitaw.
 Hiwain ang petsay.
 Hiwain nang pahalang ang talong.
 Isangag ang mani at bigas. Dikdikin ito nang Pinong-pino
 Sa isang mangkok, lagyan ng isang kutsarang lihiya ang atsuwete.
 Hiwain ang buntot ng baka at pata sa tamang laki. Palambutin.
Igisa ang bawang at sibuyas. Pagkatapos ay ihalo ang pinalambot na buntot at pata ng
baka. Isunod naman ang sabawna pinaglagaan ng buntot at pata ng baka. Timplahin ng
asin. Pagkulo, ihalo ang pinong bigas at mani. Isunod ang mga hiniwang gulay.
Pagkatapos ay kulayan ng atsuwete upang pumula. Ngayong tapos na ang kare -kare
ay maaari na itong ihain. Gamiting sawsawan ang bagoong.
Gawin at Isumeti!
Gawain #1
PANUTO: Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Sa puwang bago ang bilang,
isulat ang TAMA kung tama ang pahayag ayon sa binasa at kung hindi naman ay isulat
ang MALI.
________1. Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng serye ng Gawain upang matamo
ang inaasahan.
________2. Hindi mahalagang maging malinaw ang pagkakalahad ng mga hakbang na
ito basta’t nasusundan.
________3. Layunin ng tekstong prosidyural na maialok ang produktong itinitinda.
________4. Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, kailangang malawak ang kaalaman ng
sumusulat tungkol sa ipagagawa.
________5. Kailangang maayos at wasto an pagkakasunod-sunod ng mga hakbang nito
upang sa tulong lamang ng pagbabasa kahit walang aktuwal na demonstrasyon ay
maisagawa ito.
Gawain #2
PANUTO: Gumawa ng sariling tekstong prosidyurnal gamit ang DIY ( Do it Yourself) na
mga paraan. Sundin ito at kunan ng mga larawan ang bawat hakbang na inyong
ginawa.
Siguraduhing kayo ay nakasunod sa format na nasa ibaba kung gusto niyong I print ang
inyong output. . Maaari namang gumamit ng sulat kamay ngunit siguraduhing malinis at
madaling maintindihan ang pagkakasulat.
FORMAT: SHORTBONDPAPER FONT SIZE: 11 FONT STYLE: ARIAL

Criteria: Nilalaman at tamang impormasyon- 15


Orihinalidad- 15
Tamang paggamit ng wika at bantas- 10
Kabuohan 40 puntos

You might also like