Pamahalaang Sentral - Enero 17, 2022

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Baytang 5
Panahunang Markahan Ikatlong Markahan
I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Masusuri ang mga pagbabagong pampolitikal at ekonomiya nanipinatupad ng kolonyal na
pamahalaan
 Makapagbibihay ng sariling pananaw tungkol sa naging epekto ng kolonyalismo sa lipunan ng
sinaunang Pilipino

II. NILALAMAN
Paksa: Pagbabagong Pampolitika sa Kolonisasyon ng Espanya
Sanggunian: Smart Class Araling Panlipunan.Vibal Group, Inc.1253 G. Araneta Avenue
cor.Ma.Clara Street,Talayan,Quezon City.2020,pahina 202-2019
Gamit sa Pagtuturo: Visuald aids larawan, video, at laptop
Konsepto: Ang hiwa-hiwalay na mga estrukturang political ng mga sinaunang Pilipino ay binago
ng mga Espanyol upang mapasailalim tayo sa panahon ng kanilang pamumunong
kolonyal. Itinatag ng mga Espanyol ang pamahalaang sentral at pamahalaang local
upang ganap na maisulong ang kanilang hangarin sa Pilipinas bilang isang kolonya.
Kasanayan: Paglalagom, Pagtatala, Pagsisiyasat at Intepretasyon ng impormasyon, Pakikinig
Values Integration: Responsibility, Discipline, Nationalism
Subject Integration: Edukasyon sa Pagpapakatao
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
I. Panimulang Gawain 1. Panalangin
Maaari po bang tumayo ang lahat para sa (Tatayo ang mga mag-aaral at
ating panalangin mananalangin)
.
2. Pagbati
Magandang umaga mga mag-aaral! Magandang umaga titser!

3. Pagsasaayos ng klase
Bago natin simulan ang ating aralin
mayroon lamang akong mga paalala (Makikinig sa guro)

4. Pagtatala ng liban sa klase


Mayroon ba tayong liban sa klase? Wala po!

5. Pagwawasto takdang-aralin
May ibinigay po bang takdang aralin si Wala po!
teacher ally sainyo?
6. Balik-aral
Bago tayo magpatuloy sa panibagong Ang paksang tinalakay namin ay
aralin ano ang huling paksang inyong tungkol sa ..
tinalakay?
Maari mo bang ibahagi ang iyong natutunan (Magbabahagi ang mag aaral sa
sa nakaraang aralin? kanyang natutunan)

Magaling!

II. Panlinang na Gawain


1. Pagganyak Bago tayo dumako sa panibagong aralin,
may ipapakita ako sa inyong mga scrambled
letter.

GNAALAHAMAP TRALSEN
LOYAR AICNEIDUA
IACNEDI
ATISIV
ENMIENDACOM

(Magtatawag ang guro ng mag-aaral para (Sasagot sa guro kapag tinawag


sumagot) ang pangalan)

2. Paglalahad Sa tingin niyo ano kayang tatalakayin natin Pamahalaang Sentral titser!
sa araw na ito?

Magaling!

Ang panibagong aralin na ating tatalakayin ay Opo titser


ang Pamahalaang Sentral na itinatag ng
espanyol
Ngayon ay nais konh panoorin niyo ang
bidyung ito.

Handa na po ba ang lahat makining at Opo titser!


matuto?

Ano nga ba ang pamahalaang sentral?

Maari mo bang ibahagi ang iyong natutunan Ang pamahalaang sentral po ay


sa bidyu carlo? itinatag ng mga Espanyol sa
Pilipinas
Tama!

Pamahalaang sentral (Makikinig sa guro)

Matatagpuan sa Maynila ang Pamahalaang


Sentral ng Pilipinas na pinangungunahan ng
isang Gobernador-Heneral
Batay sa bidyung napanood ninyo anong Ehekutibo at Hudisyal titser!
sangay ang napakaloob sa pamahalaang
sentral?

Tama!

Pamahalaang sentral

Ehekutibo
Ang gobernador heneral ang may hawak ng
ehekutibong sangay sapagkat siya ang
nagpapatupad ng mga batas mula sa spain

Hudisyal
Ang royal audiencia naman ang may
kapangyarihang hudsyal bilang
pinakamataas na hukuman sa kolonya

Alam niyo ba kung ano ang gobernador Ang gobernador-heneral po ang


heneral? itinalaga ng hari ng spain upang
mamuno sa pamahalaang sentral
na itinatag sa Pilipinas.
Magaling!

Gobernador Heneral
 Kinatawan ng hari ng spain at
pinakamataas na pinuno ng pamahalaang
sentral na nakatalaga sa pilipinas.
3 gampanin sa pamamahala ng
Gobernador Heneral
 Gebernador-Heneral
 Pangulo ng royal audiencia
 Vice real patron

Bilang pinakamataas na pinunong espanyol
na saklaw niya ang mga gawaing
tagapaganap, tagapagbatas, at
panrelihiyon sa Pilipinas.

Tagapagpaganap
 Pagpapatakbo ng buong burukasyang
kolonyal
 Pagpapatupad ng mga patakarang
pang-ekonomiya
 Paghirang at pagtanggal sa puwesto
ng mga opisyal sa kolonya
 Pagsisilbi bilang pinuno ng hukbong
sandatahan
 Pagdedeklara ng digmaan

Tagapagbatas
 May kapangyarihan siyang gumawa
ng dekreto na halos katumbas ng mga
batas ng hari.
 Ang kapangyarihang cumplase ay
ipinagkaloob din ng hari.
Tagapaghukom
 Pagpataw ng hatol at kaparasuhan sa
isang nagkasala at pagpapawalang
sala nasasakdal

Kapangyarihan pangrelihiyon
 Pagpili o pagtanggal sa puwesto ng
mga opisyal ng simbahan tulad ng
arsobispo at Obispo
 Panghihimasok sa mga isyung
kinasasangkutan ng relihiyoso at mga
samahang panrelihiyon.
 Tagapamagitan sa mga pagtatalo o
hidwaan ng mga nagsisilbi sa
simbahan.

Tulong Kaalaman!
Palacio Del Gobernador
Pagdating sa tirahan opisyal na nagin
tahanan ng gibernador heneral ang palacio
del gobernador

Sa intramuros Maynila. Dito nanuluyan at nag


opisina ang mga gobernador Heneral.

Noong 1863, matapos masira ang Palacio


del Gobernador dahil sa lindol, opisyal na
inilipat ang tirahan ng Gobernador Heneral sa
Palacio de Malacañan, San Miguel Maynila.

Ang Malacañang Palace o Palacio de


Malacañan ay opisyal na tirahan ng Pangulo
ng Republika ng Pilipinas.

Miguel Lopez de Lagaspi


Ang pinakaunang gobernador heneral ng
Pilipinas (1571-1572)

Samantala ang huling gobernador-heneral ng


pilipinas ay si diego de los rias mula 1898-
1899

Dumako naman tayo sa royal audiencia.

Royal Audiencia kataas taasang hukuman sa


Pilipinas noong panahong kolonyal

Itinatag ang Royal Audiencia upang


magsilbing tagalitis sa iba’t ibang kaso at
pagpgil sa katiwalian. Nabuo ito noong 1584
sa pagsusulong ni Domingo de Salazar ang
unang Obispo ng maynila.

Bnubuo ang royal aaudiencia ng gobernador


heneral bilang pangulo. At 3 oidores o mga
kasaping nagpapasya sa mga bagay tungkol
sa audiencia, isang piskal o tagausig, at
isang alguacil mayor.

Layon ng hukom na ito na


 Saklolohan ang gobernadof henrral sa
pamamahala
 Pangalaagaan ang mga mamayan
mula sa mga mapangabusong
pinunong espanyol

Royal auduencia
6 sakop o hurisdiksyon
•sibil
•pamahalaan
•pamgmilitar
•eklesiyastika
•oangedukasyon
•pandistrito

Residencia
Lupong tagasiyasat sa uri ng papaalis na
gobernador heneral.

Bakit kaya isinasagawa ang pagsisiyasat? (sasagot ang mga mag-aaral)

Isinasagawa ang pagsisiyasat upang


maiwasan ang katiwalaan at at mapabuti ang
paglilingkod sa panahon ng panunung kulan
ng gobernador-heneral

Mga gobernador na naparusahan Guido de


Lavezares , Sebastian de Curcueara at
Berenguer de Lavezares

Visita
Layunin din ng Visita na mabawasan ang
katiwalian. Visitador ang opisyal na taga
pagsiyasat sa katiwalian ng gobernador
heneral at nakakababang opisyal.

III. Pangwakas na Gawain


1. Paglalahat Naunawaan po ba ang ating aralin?

Tungkol nga po saan ang paksang ating


Tungkol sa pamahalaang sentral
tinalakay? titser

Magaling!

Anong mga sangay ang bumubuo sa


pamahalaang sentral? Ehekutibo at Hudisyal

Tama!

Sino ang ang namumuno sa ehekutibong


sangay ng pamahalaang sentral? Gobernador-Heneral
Sino naman sa hudisyal na sangay? Royal Audiencia

Pangalaagaan ang mga mamayan


Ano kaya ang layunin ng Royal Audiencia?
mula sa mga mapangabusong
Magbigay ng isa pinunong espanyol

Magaling!

Sino naman ang nakatalaga upang siyasatin Residencia


ang gobernador heneral na papaalis na sa
kanyang termino

Kagaya ng Residencia tungkulin rin nilang Visita


siyasatin ang gobernador heneral at iba pang
opisyal sino sa ilalim ng pamahalaang sentral
at pamahalaang lalawigan

Mahusay mga mag-aaral!


Paglalapat Ngayon kung kayo ay mabibigyan ng
pagkakataong maging isang gobernador
heneral ano ang gagawin niyo? Gagawin niyo
rin ba ang pang-aabuso at pagpapahirap na
ilang opisyal sa panahon ng espanyol?

(Magtatawag ang guro ng mag-aaral) (sasagot ang mga mag-aaral)

Pagpapahalaaga Bakit kaya mahalagang pag aralan natin ang (sasagot ang mga mag-aaral)
pamahalaang itinatag ng espanyol?

Mahusay

Mahalagang malaman natin ito upang


magkaroon tayo ng ideya kung saan at paano
nagsimula ang pamahalaan natin sa
kasalukuyan Sa pamamagitan rin nito maaari
natin maikumpara ang kasalukuyang
pamahalaan sa mga sinauna pang
pamahalaan na itinatag sa ating bansa.

IV. Pagtataya
Isulat kung ano ang tungkulin ng mga
sumusunod na opisyal sa pamahalaang
tinatag ng espanyol:
1. Gobernador-Heneral
2. Royal Audiencia
3. Residencia
4. Visita o Visitador
V. KASUNDUAN

Takdang Aralin:

1. Basahin at unawain ang nasa pahina 207-211 (Smart Class Araling Panlipunan 5).
2. Isulat ang mga importanteng impormasyon sa inyong kwaderno.

Inihanda ni:
ACABADO, MA. THERESA
Student Teacher

You might also like