Antas NG Lipunan-Katayuan NG Kababaihan Sa Panahon NG Espanyol - Pebrero 7, 2022

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

YOBHEL CHRISTIAN ACADEMY INC.

San Vicente Pili Camarines Sur


A/Y: 2021-2022

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa mga


pagbabago sa lipunan ng sinaunang Pilipino kabilang ang pagpupunyagi ng ilang
pangkat na mapanatili ang kalayaan sa Kolonyalismong Espanyol at ang impluwensya
nito sa kasalukuyang panahon.

Pamantayan sa Pagganap: Nakakapagpakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa


pagpupunyagi ng mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Espanyol

I. LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nasusuri ang antas ng katayuan ng mga Pilipino sa lipunan bago dumating
ang mga Espanyol at sa panahon ng kolonyalismo
b. Napaghahambing ang mga tradisyunal at di-tradisyunal na papel ng babae
sa lipunan ng sinaunang Pilipino at sa panahon ng kolonyalismo
c. Naisasabuhay ang kahalagahan ng pagbabago sa antas ng lipunan at
katayuan ng kababaihan sa panahon ng Español
II. NILALAMAN
A. Paksa: Antas ng Lipunan sa Panahon ng Espanyol
Katayuan ng Kababaihan sa Panahon ng Espanyol
B. Sanggunian: Smart Class Araling Panlipunan.Vibal Group, Inc.1253 G.
Araneta Avenue cor.Ma.Clara Street,Talayan,Quezon City.2020,pahina
224
C. Gamit sa Pagtuturo: Powerpoint Presentation at Laptop
D. Konsepto: Ang pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay nagdulot ng
malawak na pagbabago sa mga buhay ng mga Pilipino. Kabilang sa mga
ito ay ang panahanan,antas sa lipunan at edukasyon.
E. Kasanayan: Pagtatala,, Pagsisiyasat at Intepretasyon ng impormasyon,
Pakikinig
F. Values Integration: Skillful and Assertive
G. Subject Integration:
H. Stratehiya sa Pagtuturo: Explicit Teaching
I. Oras: 1 oras

III. PAMAMARAAN

GAM
GAWAIN NG MAG- SA
ORAS TEACHING HINTS GAWAIN NG GURO
AARAL PAGT
UR

3min. A. PANIMULANG
GAWAIN
1. Pagbati Magandang umaga mga bata! Magandang umaga titser!
Maari po bang magsitayo ang
(Tatayo ang mga mag-
2. Panalangin lahat para sa ating panalangin
aaral para sa panalangin)
Bago natin simulan ang ating
aralin mayroon lamang akong
mga paalala para sa ating
3. Pagsasaayos
online class.
ng klase (Makikinig sa guro)
Mayroon ba tayong liban sa
klase?
4. Pagtatala ng
liban sa klase Wala po
May ibinigay po ba akong
5. Pagwawasto takdang aralin sainyo?
sa Takdang- Wala po
Aralin
Bago tayo magpatuloy sa
panibagong aralin ano ang
6. Balik - Aral huling paksang ating
tinalakay?

Maari mo bang ibahagi


Andrei? Tungkol po ito
pagbabago sa
panahanan ng mga
Pilipino sa panahon ng
espanyol
Tama! Tungkol ito
sapagbabago sa panahanan
ng mga Pilipino sa panahon
ng espanyol.

Nang dumating ang mga


espanyol ano-ano kaya ang Nilipat ang ang
nagbago? panahanan ng mga
katutubong Pilipino sa
Magaling! pamayanan kung saan
sila ay tipon

.
Sa pagdating ng mga
espanyol nabago ang pisikal
na kaayusan ng mga
katutubong pamayananan.
Ang dating watak watak at
magkakalayong pamayanan
ng mga Pilipino ay pinag-isa
ng mga espanyol sa iisang
pamayanan. Nagtatag rin sila
ng iba’t ibang estruktura tulad
ng plaza mayor, simbahan,
munisipyo, himpilang militar at
iba pa.

Pagdating naman sa kayarian


ng bahay ano ang naging Pinakilala nila sa ating
impluwensya ng mga mga Pilipino ang
espanyol? pagkakaroon ng bahay
na bato.
Tama!

Ipinakilala nila sa ating mga


Pilipino ang pagkakaroon ng
bahay na bato na gawa sa
bato at ladrilyo. Kung saan
agad naming naengganyo o
nahikayat ang ilang Pilipino
na magpagawa nito lalong
lalo na ang mga Pilipinong
mayayaman.

Naunawaan po ba ang
talakayan natin tungkol dito?

5min B. Panlinang na
Gawain

Pagganyak Ngayon bago tayo magsimula Powe


sa panibagong aralin may nt
mga larawan at salita akong Prese
ipapakita sainyo. io
Ang nais kung gawin niyo ay
hulaan ang mga salitang
inyong mabubuo kung
pagsasamahin ang ang mga
ideyang nasa larawan at mga
letra. Ang mga salitang inyong
mauunawaan ay mayroong
kinalaman sa ating aralin.

Opo titser
Naunawaan po ba?

AS ANTAS

LIPUNAN

Magaling!
Antas sa Lipunan
Ngayon ay pagsama-samahin
niyo ang salitang nabuo ano
kaya ito?

Mahusay!

Dito kaya sa mga susunod na


larawan at salita ano kayang
mabubuo?
Katayuan

KA AN
Kababaihan

KA IHAN Katayuan ng Kababaihan

Ngayon ay
pagsama-samahin niyo ang
salitang nabuo ano kaya ito?

Magaling!

2min Paglalahad ng aralin Sa araw na ito, ang aralin na PPT


tatalakayin natin ay tungkol sa
Antas ng Lipunan sa panahon
ng Español at Katayuan ng
Kababaihan sa Panahon ng
Espanyol

Handa na bang makinig ang Opo titser!


lahat?

30min Pagtalakay Una nating talakayin ang (Makikinig sa guro)


Antas ng Lipunan sa Panahon
ng Espanyol

Antas sa Lipunan

Nakabatay ang bagong pag-


aantas sa lipunan sa
konsepto ng superyor-
imperyor at sibilisado-
primitibo na ugnayan kung
saan ang mga Espanyol at
may dugong Espanyol ang
superyor at ang mga katutubo
ang imperyor.

Nagpapakita ito ng
diskriminasyon sa lahi at uring
panlipunan . Ang nabuong
pagpapangkat ay ang mga
espanyol, magkahalong lahi,
at mga katutubong Pilipino.

Ang
pinakamataas na antas ay
ang mga Espanyol. Binubuo
ito ng dalawang pangkat: ang
mga peninsulares at
insulares.

Ang peninsulares ay ang mga


Espanyol na ipinanganak sa
Spain .

Ang mga insulares naman


ay mga Espanyol na
ipinanganak sa Pilipinas.
Mababa ang pagtingin sa
kanila ng mga peninsulares at
ang tawag sa kanila noon ay

mga Pilipino.

Ang mga mestizos at


mestizas naman ay may
dalawang uri: ang mga
mestizos de sangley at may
mga magulang na espanyol at
tsino, samantalang ang mga
mestizos de español ay may
mga magulang na Espanyol
at Pilipino.

Samantala, para sa mga


Espanyol, lahat ng mga
pilipinong naging kristyano
maging ano man ang kanilang
katayuan sa lipunan ng mga
katutubong Pilipino ay
tinawag na indos naturales o
indios.

Itinuring naman ng mga


espanyol na higit na mababa
o primitibo ang mga Pilipinong
hindi naging kristyano. Sila ay Opo titser!
ang mga Moros-ang tawag ng
mga kolonyalistang Espanyol
sa mga Pilipinong Muslim at
ang mga infeles o katutubong
pilipino na hindi kristyano na
matatagpuan sa mga
kagubatan

Naunawaan po ba ang ating


talakayan tungkol sa Antas ng
Lipunan?

Ngayon bago tayo dumako sa


ating talakayan tungkol sa
katayuan ng kababaihan sa
panahon ng Espanyol. May
ipapakita ako sa inyong
larawan

Mga kasuotan po ng
kababaihan sa panahon
ng Espanyol.

Ano ang naaalala niyo kapag


nakakakita kayo ng mga
babaing ganito ang
kasuotan?

Magaling!

Ito ay nagpapakita ng
tradisyunal na kasuotan ng
mga kababaihan sa panahon
ng Espanyol

Sa aralin na to tatalakayin
natin

Katayuan ng kababaihan

Namayani ang patriyarkal na


lipunan sa ilalim ng
pananakop ng mga Espanyol.
Bumaba ang katayuan ng
mga babae kumpara sa
kalagayan nila sa sinaunang
lipunang Pilipino. Ang mga
karapatan nila ay nalimitahan.

Ang mahahalagang desisyon


sa loob ng pamilya, gawaing
pang-ekonomiya, pamahalaan
at relihiyon ay nasa kamay ng
mga lalaki. Ang pagtratong ito
sa kababaihan ay nagmula sa
paniniwalang hindi nila
kayang gampanan ang mga
mahahalagang posisyon sa
pamilya at lipunan.

Natuon din ang kanilang


gawain sa relihiyong
kristyanismon at pagtupad sa
mga gawaing pambahay tulad
ng mga pagaasikaso sa
kanilang asawa. Inaasahan
din na ang kababaihan ay
mahinhin ang pagkilos,
relihiyosa at matiisin.

Pinagsikapan ng kababaihan
na muling bawiin ang mga
karapatan at katayuang
tinatamasa nila sa lipunan
bago ang pagdating ng mga
Espanyol.

Gayunpaman, sa kabila ng
pagbaba ng kanilang
kalagayan sa lipunan,
maraming babae pa rin ang
nagpakita ng di-tradisyunal na
gawain tulad ng pagtatrabaho
sa pabrika. Nakilahok din ang
kababaihan sa katipunan, ang Opo titser!
kilusang nagtaguyod ng
pakikipaglaban upang
matamo ang kalayaan mula
sa mga mananakop. Ang mga
gawain nila ay nagtagong
dokumento,manggamot ng
mga nasugatan at at
nagkasakit ng mga katipunero
at magpuslit ng mga armas
mula samga gwardiya sibil.

Ilan s mga kababaihan


nagpakita ng di-tradisyunal na
gampanin ng babae sa
lipunan ay ang mga

sumusunod

Naintindihan po ba ang ating


talakayan?

10min C. Panglinang na Para malaman kung talagang


kasanayan may natutunan kayo sa ating
aralin may aktibiti tayong
gagawin.

Handa na po ba ang lahat? Opo titser!


Para sa unang bahagi n A. Panuto: Tukuyin
gating aktibiti narito ang kung anong antas
panuto. o uri ng lipunan
ang inilararawan
sa bawat
pangungusap.

Ako ay
Espanyol na
ipinananganak
sa Espanya,
sino ako?

Peninsulares

Ang mga
magulang ko
ay Espanyol at
Tsino, sino
ako?

Mestizo de sangley

Ako ay
Espanyol na
ipinanganak
sa Pilipinas,
sino ako?

Insulares

Ang mga
magulang ko
ay Espanyol
at Pilipino,
sino ako?

Mestiza de Espanyol

Ako ay purong
Pilipino na
nagging
kristyano, sino
ako?

Indio naturales o indios

Gawain B.
Panuto: Suriin ang mga
larawan . Tukuyin kung

ang ipinapakita sa
larawan ay tradisyunal na
gampanin ng kababaihan
o di-tradisyunal na
gampanin ng kababaihan
pagkatapos ay
paghambingin ito.

5min D. Indibidwal na Ngayon para mas maunawan


Pags asanay niyo ang paksang ating
tinalakay. May ibibigay akong
karagdagang Gawain.

Handa na ba ang lahat? Opo titser!

Panuto: Tumayo sa
inyong upuan at sabihin
ang salitang FACT
kapag ang konsepto ng
aking pahayag ay tama at
BLUFF naman ang
inyong sasabihin at
mananatili kayong
nakaupo kung ang
konsepto ng aking
pahayag ay mali.

1. Isa lang ang uri ng


mestizas at mestizos.

2. Ang mga peninsulares


ay mga Espanyol na
ipinanganak sa Spain.

3. Namayani ang
patriyarkal na lipunan sa
ilalim ng pananakop ng
Espanyol.

4. Sa panahon ng
espanyol, ang
mahahalagang desisyon
sa pamilya,gawaing
pang-ekonomiya,
pamahalaan at relihiyon
ay nasa kmay ng mga
babae.

5. Lahat ng mga
Pilipinong nagging
Kristyano maging
anoman ang kanilang
katayuan sa lipunan ng
mga katutubong Pilipino
ay tinawag na Insulares.

Sagot:

1. BLUFF (manatiling
nakaupo)

2. FACT (tatayo)

3. FACT (tatayo)

4. BLUFF (manatiling
nakaupo)

5. BLUFF (mananatiling
nakaupo)

5 E. Paglalahat Naunawaan ba ang ating Opo titser! PPT


talakayan tungkol sa Antas
ng Lipunan at Katayuan ng
Kababaihan sa Panahon ng
Espanyol?

Magaling!

Nagkaroon ba ng pagbabago Opo ,maraming nagbago


sa antas ng lipunan ng mga sa antas ng lipunan ng
Pilipino sa panahon ng mga Pilipino sa panahon
Espanyol? Ano ano ang ng Espanyol. Una na
nagbago sa antas ng lipunan nga po jan ang
sa panahon ng espanyol? pagkakahati hati po ng
iba’t ibang pangkat o uri
ng mamamayan mula sa
iba’t ibang lahi.
Tama!

Sa panahon ng espanyol
maraming nag bago sa antas
ng ating lipunan. Dito nabuo
ang pagpapangkat ng mga
.
espanyol, magkakaibang lahi
at mga katutubong Pilipino.
Nanatili makapangyarihan
ang mga Espanyol dahil
pinanatili nilang nasa
pinakataas na uri o superyor
ang kanila lahi. Samantalang
nananatili namang imperyor o
nasa mababang uriang iba
pang lahi lalo na ang mga
Pilipino

Naunawaan po ba? Opo titser!

Pagdating naman sa
katayuan ng kababaihan ano
ano kaya ang nagbago? Mas bumaba ang
kanilang katayuan
kumpara sasinaunang
Tama! lipunan.

Pagdating naman sa
katayuan ng kababihan sa
panahon ng espanyol mas
bumaba ito. Nanaig ang
patriyarkal na katayuan ng
Lipunan sa panahon ng
espanyol kung saan mas
nagging makapangyarihan
ang mga lalaki nawalan ng
karapatan ang mga
kababaihan sa maraming
aspeto at nabuo ang konsepto
ng tradisyunal na gampanin
ng mga kababaihan. Ngunit
sa kabila nito marami paring
kababihan ang nagpakita ng
di-tradisyunal na gampanin sa
lipunan.

Bakit kaya mahalagang


malaman natin ito? Dahil maaari natin
maikumpara ang
kasalakuyuang lipunan
sa nakaraang lipunan.

Magaling!

Mahalagang maunawaan
natin ito dahil makakatulong
ito sa atin upang mas
maunawaan ang mga
pagbabago sa antas ng ating
lipunan at katayuan ng mga
kabbaihan. Maaari natin
maikumpara ang
kasalukuyang lipunan sa
nakaraang lipunan at
mauunawaan natin kung ano
ang pinagbasehan ng lipunan
natin sa kasalukuyan.

Naunawaan po ba ang
paksang ating tinalakay? Opo titser

Ngayon handa na ba ang


lahat para sa pagsusulit? Opo titser

IV. PAGTATAYA (5 minutes)

Panuto: Iguhit ang  kung tama ang sinasaad ng pangungusap at  kung


mali.

_____1. Walang diskriminasyon sa lahi at uring panlipunan sa panahon ng


espanyol.
_____ 2. Ang mahahalagang desisyon sa loob ng pamilya, gawaing pang-
ekonomiya, pamahalaan at relihiyon ay nasa kamay ng mga lalaki.
______3. Namayani ang matriyarkal na lipunan sa ilalim ng pananakop ng
Espanyol.
_______4. Ang mga peninsulares ay mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas.
_______5. Magkapantay ang pribilehiyo ng mga babae at lalaki sa panahon ng
Espanyol.
V. TAKDANG ARALIN

1.Sa iyong palagay, may pagkakaiba ba ang antas ng katayuan ng mga Pilipino sa
lipunan bago dumating ang mga Espanyol sa sa antas ng lipunan naitatag sa panahon
Espanyol? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Magsaliksik ka tungkol sa kasuotan ng mga kababaihan sa panahon ng Español.


Ihambing mo ito sa kasuotan ng mga babae sa kasalukuyan.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

VI. REMARKS

VII. REPLEKSYON

Inihanda ni by:

MA. THERESA P. ACABADO


Pre-Service Teacher

You might also like