FILIPINO
FILIPINO
FILIPINO
Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang
tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabyluhang siwens ay makakalikha ng
mga salita(morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo
ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay isang istraktyur (sintaks) na nagiging basehan
sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.
PONOLOHIYA
/Palatunugan
Ang “pono” ay galing sa Ingles na “phone” na nangangahulugang tunog at ang “lohiya”
ay nangangahulugang pag-aaral.
Pag-aaral ng mga tunog ng wika.
Ang mga tunog ay tinatawag na ponema bilang yunit ng tunog na nagpapaiba ng
kahulugan.
HALIMBAWA NG PONEMA
o Ang /p/ at /b/ ng mga tunog:
*Pasa
*Basa
o Ang /o/ at /a/
*Maestro
*Maestra
Sa madaling sabi, ang isang ponema ay masasabing makahulugan kapag nag-iiba ang
kahulugan ng isang salitang kinabibilangan nito sa pagkakataong mapapalitan ng ibang
ponema.
Ponemang Segmental
a. Ponemang katinig- iba’t ibang punto ng artikulasyon.
Ponemang Suprasegmental
a. Diin- pagbibigay ng pansin sa pagbigkas ng isang salita.
Hal. /bu.hay/- life /buhay/- alive
MORPOLOHIYA
/Palabuuan
Isang pag-aaral o pagsusuri sa mga morpema ng isang wika at pagsasama- sama nito
upang makabuo ng isang salita.
Ang morpema ay pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan.
MGA ANYO NG MORPEMA
Morpemang Ponema
Malayang Morpema
Di-malayang Morpema
TINDERO TINDERA
Ang morpemang ponema o makabuluhang tunog ay binubuo lamang ng ponemang /o/ at
/a/ na may kahulugang taglay na nagpapakita ng kasarian.
MA.GANDA
(Ma.) - di malayang morpema (panlapi)
(.Ganda) - malayang morpema (salitang-ugat)
URI NG MORPEMA
Ayon sa kahulugan
1. Morpemang may kahulugang Pangnilalaman o Leksikal
- binubuo ng pangngalan at panghalip bilang nominal, pandiwa at mga panuring na
pang-abay at pang-uri.
Hal. aso- pangalan, maganda - pang-uri, kahapon - pang- abay, tumatakbo - pandiwa,
siya – panghalip
ALOMORP NA MORPEMA
Hal.
pang+bahay= pambahay
pang+sayaw=pansayaw
pang+opera=pang-opera
pang+ilaw=pang-ilaw
pang+radyo=panradyo
PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
- tumutukoy sa anumang pagbabagong nagaganap sa isang morpema dahil sa impluwensiya ng
kaligiran
1. Asimilasyon
2. Pagkaltas o Pagkawala ng Ponema
3. Pagpapalit ng Ponema
4. Paglilipat o Metatesis
5. Paglilipat ng diin
6.Pagdaragdag o Reduplikasyon
7. Pang-aangkop o Reduksyon