Assignment 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Barayti at Baryasyon ng Wika,

Ibat’t – Ibang Rehistro at Kasaysayan ng Wika


Johnner James G. Betero
AMA Computer College
Ang ponolohiya o palatunugan ay pag-aaral sa mgaponema (tunog),
paghinto(juncture), pagtaas-pagbaba ngtinig(pitch), diin(stress) at pagpapahaba ng
tunog(prolonging/lengthening)

Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog. Maydalawang uri ng ponema: 1


segmental at suprasegmental.

Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinigat patinig.a) Labing-lima


ang orihinal na kasama sa palabaybayanngunit isinama ang impit na tunog o glottal
stop (?) sapagkatito ay itinuturing na isang ponemang katinig dahilnapagbabago nito
ang kahulugan ng isang salita. Ang datingbigkas nito ay malumi o maragsa.

b) /p, b, m, w, d, t, l, s, n, r, y, k, g, ng, h, ?/ ang bumubuo saponemang katinig

Halimbawa:
ba: tah – housedress tub: boh – pipe
ba: ta? - child tub: bo? – profit

c) Ang ponemang patinig ay lima : a, e, i, o, u.

d) May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/,gayundin ang /i/ at /e/ ngunit
hindi nagbabago angkahulugan ng salita.

Halimbawa:

Babae - babai
Kalapati - kalapate
Lalaki - lalake
noon – nuon

e) Mayroon din namang mga salitang itinuturing na hiwalayna ponema ang /u/, /o/, /i/, at
/e/ dahil nagbibigay ito ngmagkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin.

Halimbawa:

uso - modern
mesa - table
oso - bear
misa – mass

Ponolohiya (Phonology) -
Tatlong Salik sa Pagsasalita(Three factors in Speaking)1. Enerhiya (Energy) - nilikhang
presyon ng papalabas nahiningang galing sa baga (pressure created when exhaling)2.
Artikulador (Articulator) - nagpapakatal sa mgababagtingang pantinig (Vocal)3.
Resonador (Resonator) - nagmomodipika ng tunog. Angbibig at guwang ng ilong ang
itinuturing na resonador (modifies the sound. The mouth and nasal passageway are
considered as resonators.)

Ponolohiya ng Filipino PONEMA (Phoneme) - isang makabuluhang tunog. Ang Filipino


ay may 20 ponema. 15 ang katinig at 5 angpatinig"katinig means consonant and
patinig means vowel"

Mga katinig:
Panlabi (sounds produced by the lips) - B, P, M
Pangipin (sounds produced by the teeth) - D, N, T
Panggilagid (sounds produced by the gums) - L, R, S

Pangngalangala (sounds produced by the throat) - K, G, Ng,W

Pasutsot (sounds produced by exhaling) – H


Mga Patinig: A, E, I, O, U

Diptonggo (Dipthong) - alin man patinig na sinusundan ngmalapatinig na w at y.

Halimbawa (Example):aw, iw, ay, ey, iy, oy at uy.Halimbawang salita (Example


word):bahaw, bahay, okoy, baliw
Morpolohiya (Morphology)
- pag-aaral ng mga morpemang isang wika at ng pagsasama-sama ng mga ito
upangmakabuo ng salita.

Morpema

- pinakamaliit na yunit ng isang salita nanagtataglay ng kahulugan. Ito ay maaaring


salitang ugat opanlapi.

Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko (Types of Morphophonemic Change)

1. Asimilasyon (Assimilation) - pagbabagong nagaganapsa huling posisyon


dahil sa impluwensiya ng kasunod naponema. Kung ang ponemang pang ay
ikinakabit sasalitang-ugat na nagsisimula sa b, p ang n ay nagiging m.

Halimbawa:pang + balabal = pambalabalpang + panitikan = pampanitikanpang +


kuha = panguhapang + tabas = pantabas

2. Metasis - ang salitang ugat na nagsisimula sa L, O, Y pagnilagyan ng panliping


(in) ay nagkakapalit ng posisyon.

Halimbawa:in + layo = nilayoin + yakap = niyakap

3. Pagpapalit ng ponema- kapag ang ponema ay nasaunahan ng salitang (d) ito


ay karaniwang napapalitan ngponemang (r) kapag ang huling ponema ngunlapi
ay patinig.

Halimbawa:
ma + damot = maramot
ma + dungis = marungis

4. Paglilipat-diin - ang mga salita ay nagbabago ng diinkapag nilalapian.

Halimbawa:
basa + hin = basahin
laro + an = laruan

5. Pagkakaltas ng ponema - nagaganap kung ang hulingponemang patinig ng


salitang-ugat ay nawala kapagnilalagyan ng hulapi.

Halimbawa: takip + an = takipan – takpan


sara + han = sarahan - sarhan
Ang sintaks ay ang pag-aaral o pag-uugnay-ugnay ng mga salita para makabuo ng
mga parirala, sugnay at mga pangungusap.

Ang tawag sa lipon ng mga salita na walang buong diwa, walang panaguri at paksa ay
parirala.

halimbawa: para sa amin, bilhan ng bahay, mabait na guro, mahinang magsalita.

Maituturing na sugnay ang kalipunan ng mga salita na may panaguri at paksa,may


buong diwa at maaari rin namang wala. Ito ay maaaring

1. Malaya/punong sugnay/ makapag-iisa/ independente at

2. Pantulong/ di-makapag-iisa/ dependente.

Ang pangungusap ay isang sambitlang may patapos na himig sa dulo.

May mga pangungusap na binubuo ng dalawang panlahat na sangkap:

1. Paksa ang bahaging pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Ito ay


maaaring tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari na gumaganap ng kilos o
pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa.

hal: Nag-aalaga si Inang ng mga baboy at manok.

Mayroon din naming paksa na sa kahulugan ay siyang layon ng kilos na isinasaad sa


pandiwa.

hal: Inaalagaan ni Inang ang mga baboy at manok na iyan.

2. Panaguri ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon


tungkol sa paksa.
Mga Uri ng Panaguri

Mayroon tayong iba’t ibang uri ng panaguri:

1. Panaguring pangalan

hal: Luntiang Rebolusyon ang paksa ng pulong.

2. Panaguring panghalip

hal: Siya ang puno ng barangay.

a.) panghalip na panao yaong inihahalili sa pangangalang pantangi.

hal: Siya ang puno ng barangay.

b.) panghalip na pamatlig yaong panghalip na nagtuturo ng isang tao o bagay.

hal: Ito ang babuyan ni Mang Jose.

3. Panaguring pang-uri ay maaaring isang salita o isang parirala

hal: Malinamnam ang manggang hinog.

4. Panaguring pandiwa ay yaong ang pinakamahalagang salita ay pandiwa.

Dalawa ang uri ng panguring pandiwa

a.)Yaong may komplemento o layon at

b.) Yaong walang komplemento o layon.

Ang pag-uuring ito ay batay sa mga uri ng pandiwa.


5. Panaguring pang-abay

hal: Bukas ang alis ng mga turista.

6. Panaguring pawatas

hal: Manggamot ang naging trabaho niya sa nayon.

Ang mga uri ng pandiwa

a. Pandiwang katawanin likas na di nangangailangan o di malalagyan ng tuwirang


layon.

hal: Gumising siya nang maaga kanina.

b. Pandiwang ganap na palipat yaong pandiwang laging may kasamang tuwirang


layon.

hal: Nagpatay ng baboy si Mang Gusting.

c. Di sapilitang palipat yaong maaaring mayroon o walang kasamang tuwirang


layon.

hal: kumain siya.

Mga pangungusap na walang paksa

Pangungusap na existensyal- ito ay nagpapahayag ng pagkakaroon ng isa o mahigit


pang tao, bagay,at iba pa. pinangungunahan ito ng may o mayroon.

Pangungusap na pahanga- nagpapahayag ng damdamin ng paghanga ang ganitong


pangungusap.

Mga maikling sambitla- tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na


nagpapahayag ng matinding damdamin.
Mga pangungusap na pamanahon- nagsasaad ng oras o uri ng panahon.

Formulasyong panlipunan- mga pagbati, pagbibigay galang, at iba pa na nakagawian


na sa lipunang Pilipino.

Dalawang uri ng pangungusap

1. karaniwan

2.Di- karaniwan

halimbawa:

a.) Taunang pagdiriwang sa Bagiuo, ang Flower festival.

b.) Ang Flower Festival ay taunang pagdiriwang sa bagiuo.

-Ang paksa ay ang pinag-uusapan sa pangungusap.

-Ang prediktibo o panaguri naman ay ang nagbibigay-kabatiran sa paksa.

-Mga uri ng pangungusap ayon sa tungkulin o gamit

>Pasalaysay/paturol/ declarativ

>Pautos / imperativ

>Patanong/ Interogativ at padamdam/Exclamatori

Ayon sa anyo ang pangungusap ay

>Payak

>Tambalan

>Hugnayan at

>langkapan
Payak na pangungusap- Ang payak na pangungusap ay isang ganap na sugnay
sapagkat ito’y binubuo ng isang malayang sugnay na maaaring may isang simuno at
isang panaguri, dalawang simuno at isang panaguri, isang simuno at dalawang
panaguri o dalawang simuno at dalawang panaguri.

Hal: Nagtanim ng palay ang magsasaka.

Ang magsasaka at ang kanyang anak ay nagtanim ng palay.

Tambalang pangungusap- Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawang


Malaya o makapagiisang sugnay.

Hal: Tumakbo ang bata at ang kanyang aso ay tumatahol.

Si pangulong Estrada ay nagtatalumpati at ang unang ginang ay nakaupo’t nakangiti.

Hugnayang pangungusap- Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang


malayang sugnay at isang sugnay na di-makapagiisa.

Hal: Ang buhay ay parang gulong kung umiikot ito nang pailalim at paibabaw.

Ang ina ay namamaypay habang ang ama ay nananabako

Langkapang pangungusap- Ang langkapang Pangungusap ay binubuo ng isa o


mahigit pang sugnay na makapag-iisa at dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-
iisa at dalawa o mahigit pang sugnay na di-makapag-iisa.

Hal: Nangangahig ang tandang, nanunuka ang dumalaga habang ang inahin ay
pumuputak at ang mga sisiw ay nagsisisiyap sa di-malamang takot.
Ang wikang Filipino ay puno ng mga matatalinghagang pahayag. Ang
mga matatalinhagang pahayag ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin
ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino.
Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi
komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga
kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita
ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
Bilang karagdagan, Ang Idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi
kompusisyonal. Sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-
kanyang salita na nabuo.
Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa

1. idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.


2. moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.
3. salawikain, mga kasabihan o kawikaan

Mga halimbawa ng Idyoma o Sawikain


1. butas ang bulsa - walang pera
Halimbawa:
Palagi nalang butas ang bulsa mo dahil palagi ka nagsusugal.

2. ilaw ng tahanan – ina


Halimbawa:
Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa pagluluto.

3. alog na ng baba - tanda na


Halimbawa:
Alog na ng baba na kayo para magbuhat ng mabigat.

4. alimuom – mabaho
Halimbawa:
Alimuom niyo naman po.

5. bahag ang buntot – duwag


Halimbawa:
Bakit ba bahag ang buntot ka?

6.ikurus sa noo – tandaan


Halimbawa:
Ikurus sa noo mo na akong bahala sa iyo.

7. bukas ang palad – matulungin


Halimbawa:
Napakabukas ang palad mo.

8. kapilas ng buhay – asawa


Halimbawa:
Ang aking ina ay may kapilas ng buhay.

9. nagbibilang ng poste - walang trabaho


Halimbawa:
Bakit siya ay nagbibilang ng poste?

10. basag ang pula - luko-luko


Halimbawa:
Napaka basag ang pula mo .

11. ibaon sa hukay – kalimutan


Halimbawa:
Huwag mo ako ibaon sa hukay.

12. Ahas - taksil; traidor


Halimbawa:
Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas.

13. anak-dalita - mahirap


Halimbawa:
Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.

14. alilang-kanin - utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang
suweldo.
Halimbawa:
"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam
naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang."

15. balitang-kutsero - balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.


Halimbawa:
Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-
kutsero.
(2017). Sintaks, sintaksis o palaugnayan. Gasfilipinok17. Retrieved from
https://gasfilipinok17.blogspot.com/2017/09/sintaks-sintaksis-o-palaugnayan.html
Garcia, W.A. (2007) Ponolohiya. Scribd. Retrieved from
https://www.scribd.com/doc/33620312/PONOLOHIYA
Antonio L. F. (2009). Idyoma. Batayang Kalaaman sa Retorika. Retrieved from
http://maestroaeious.blogspot.com/2015/05/pagpapahayag-ng-ideya-sa-
matalinghagang_44.html

You might also like