Aralin 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

KABANATA 1: ANG MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG

REHIYONG MEDITERRANEAN
PANIMULA AT MGA POKUS NA TANONG
Ang dagat Mediteranean matatagpuan sa pagitan ng Europe na dumadaloy sa tatlong
kontinente: ang Kanlurang bahagi ng Asya, Hilagang Europa at Timog Africa.

Sa modyul na ito,mabibigyan ka ng pagkakataong suyurin ang iba’t ibang bansa at alamin

kung ano nga ba ang mga tagong hiwaga na sa kanila’y makikita. Matutuklasan mo ang kasagutan sa
mahahalagang tanong sa pamamagitan ng iyong malawak na pag-unawa.

 Paano nga ba nagiging daan ang karagatan tungo sa kaunlaran?

 Paano maaaring makatulong sa kabataang tulad mo ang matututuhang uri ng kultura at

pamumuhay ng mga mamamayan mula sa mga akdang babasahin mo?

 Bakit kailangang magkaroon ng kaalaman at kasanayan sa gramatika / retorika?

Saklaw ng Modyul
Sa modyul na ito mabibigyang – tugon ang mga tanong na nabanggit kapag pinag-aralan
mo ang mga sumusunod na aralin.

Aralin Bilang oras

Pamagat Kasanayan Pampagkatuto
blg. ng sesyon
1 Panitikan:  Naipapahayag ang mahahalagang
Mitolohiya: Si Pygmalion at Si kaisipan/pananaw sa napakinggang
Galatea mitolohiya.

Wika:  Nakapag-uugnay ng kahulugan ng salita

Pokus ng Pandiwa batay sa kayarian nito.
 Tagaganap
 Layon  Nakatutukoy sa kasingkahulugan ng mga
 Pinaglalaanan salita gamit ang kontekstwal na
 Kagamitan pamamaraan.

 Naipahahayag ang mahalagang kaisipan

sa nabasa o napakinggan

 Naiuugnay ang mga kaisipang

nakapaloob sa akda sa nangyayari sa:
-sarili,
-pamilya ,
-kaibigan ,
-lipunan at
-daigdig

 Nagagamit nang wasto ang pokus ng

pandiwa (tagaganap, layon,
pinaglalaanan) sa pagsasaad ng aksyon ,
pangyayari at karanasan , sa pagsulat ng
paghahambing, saloobin at sa
paghahambig sa sariling kultura at ng

Page | 1
ibang bansa
 Natutukoy ang mensahe at layunin ng
napanood na cartoon ng isang
mitolohiya.

Panitikan:  Nasusuri ang tiyak na bahagi ng

Parabula napakinggang parabula na naglalahad ng
 Parabula ng Sampung katotohanan, kabutihan at kagandahang
Dalaga asal.
 Nasusuri ang nilalaman , elemento at
Wika: kakanyahan ng binasang akda gamit ang
 Pang – ugnay mga ibinigay na tanong
 Pang – ukol  Nagagamit ang angkop na mga piling
2  Pangatnig pang-ugnay sa pagsasalaysay
Uri ng Pakikipagtalastasan (Pagsisimula, pagpapadaloy ng mga
pangyayari at pagwawakas )
 Nahihinuha ang nilalaman , elemento at
kakanyahan ng pinanood na maikling
pelikula gamit ang mga binuong
estratehiya

Panitikan:  Natutukoy ang mga salitang

Sanaysay:Ang Apat na Buwan magkakapareho o magkakasalungat
ko sa Espanya  Nabibigyang – reaksyon ang mga
kaisipan o ideya sa tinatalakay na akda,
Wika: pangunahing paksa at ang pagiging makatotohanan/ di
pantulong na nga ideya makatotohanan na mga pangyayari sa
Pahayag sa pagbibigay ng maikling kwento
3 sariling pananaw  Nagagamit ang angkop na pahayag sa
pagbibigay ng sariling pananaw
 Natatalakay ng mga bahagi ng pinanuod
na nagpapakita ng mga isyung
pandaigdig
 Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at
pantulong na mga ideya sa napakinggan
/ nabasang impormasyon
4 Panitikan:  Nabibigyang – puna ang bisa ng
Epiko paggamit na mga salitang
Ang Pagbibinyag sa Savica nagpapahayag ng matinding damdamin
 Naibibigay ang sariling interpretasyon sa
Wika: Mga Salitang Hudyat sa mga kinaharap na suliranin ng
Pagsusunod-sunod ng sangkatauhan
Pangyayari  Napangangatwiranan ang kahalagahanng
epiko bilang akdang pandaigdig na
sumasalamin ng isang bansa
 Nahihinuha ang katangian ng tauhan sa
napakinggang epiko
 Naipaliliwanag ang mga alegoryang
ginamit sa binasang akda
 Natutukoy ang mga bahaging napanood
na tiyakang nagpapakita ng ugnayan ng
mga tauhan sa puwersa ng kalikasan
 Naisusulat ng wasto ang pananaw

Page | 2
tungkol sa : pagkakaiba – iba at
pagkakatulad ng mga epikong
pandaigdig na iniuugnay sa buhay ng
mga Pilipino
 Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa
pagsusunod – sunod ng mga pangyayari

Panitikan:  Naipapaliwanag ang ilang pangyayaring

Maikling Kuwento napakinggan na may kaugnayan sa
Ang Munting Bariles kasalukuyang mga pangyayari sa
Daigdig
Wika:  Nakapagbibigay ng mga Halimbawang
pangyayari sa tunay na buhay kaugnay
Bahagi ng Pananalita ng binasa.
5 (Panghalip)  Nabibigyang kahulugan ang mahihirap
na salita o eskspresyong ginamit sa akda
batay sa konteksto ng pangungusap
 Nagagamit ang angkop na panghalip
bilang panuring sa mga tauhan
 Nagagamit ang angkop na mga hudyat
sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari
Panitikan:  Naibibigay ang katangian ng isang
tauhan batay sa napakinggang diyalago
Ang Munting Prinsipe  Nasusuri ang binasang kabanata ng
(Nobela) nobela bilang isang akdang
pampanitikan sa pananaw Humanismo o
Wika: alinmang angkop na Pananaw
 Nakikilala ang pagkakaugnay-ugnay ng
Pagsasagawa ng isang mga salita ayon sa antas o tindi ng
Simposyum kahulugang ipapahayag nito (clining)
 Naihahambing ang ilang pangyayari sa
napanood na dula sa mga pangyayari sa
binasang kabanata ng Nobela
 Nailalarawan ang kultura ng mga tauhan
na masasalamin sa kabanata

CONCEPT MAP NG MODYUL

PAGPAPAHALAGA SA AKDANG
PAMPANITIKAN NG REHIYONG
MEDITERRANEAN.

PANITIKAN:
MITOLOHIYA
PARABULA KULTURA
SANAYSAY TRADISYON AT
KASANAYANG
EPIKO SARILING
PANGWIKA
MAIKLING KUWENTO PANANAW
NOBELA

PAGGAWA NG ISANG CRITIQUE

Page | 3
PANIMULANG PAGTATAYA

Bago mo simulan ang pagsasagawa ng mga makabuluhang gawain sa mga nakalatag na

aralin. Susukatin sa pagsusulit na ito kung ano na nga ba ang nalalaman mo tungkol sa mga
araling kahaharapin mo.Sagutin ang lahat ng aytem.

Pagkatapos masagot ang panimulang pagtatayang ito, malalaman mo ang iyong iskor
pagkatapos maiwasto ang lahat ng iyong kasagutan. Isaalang – alang ang mga naging kamalian
at tuklasin ang tamang sagot sa mga ito habang pinag – aaralan ang mga aralin sa modyul na
ito.

SIMULA

Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa patlang ang iyong kasagutan.

___ 1. Si Pygmalion ay walang interes sa sinumang babae sa kanilang bayan dahil ang
karamihan dito ay mga bayaran. Para sa kaniya’y aksaya lamang ng oras ang pakikisalamuha sa
mga ito. Anong pag-uugali ang mayroon si Pygmalion?
a. maarte c. masipag
b. mapanghusga d. takot sa babae

____2. “Hindi ko matitiis ang isang nilalang na umiibig nang tapat subalit hindi nasusuklian ang
kaniyang pag-ibig,” sambit ng diyosang si Aphrodite. Anong pag-uugali ang mayroon ang
diyosa?
a. maawain c. mapanghusga
b. mapanlinlang d. maunawain

____3. Ang mitolohiyang Griyego ay koleksiyon ng mga kuwentong kinatatampukan ng ______

a. babaylan c. engkantada
b. diyos at diyosa d. hayop

____4. Ang salitang mito/myth ay galing salitang Latin na ________, na nangangahulugang

kuwento.
a. mithis c. mythos
b. muthos d. muthos

____5. “Sige gawin mo ang iyong nais subalit parang hinahanap mo ang sarili mong
kapahamakan.” Anong gamit ng mitolohiya ang makikita sa linya?
a. Ipaliwanag ang pagkakalikha sa daigdig.
b. Ipaliwanag ang puwersa ng daigdig.
c. Magturo ng mabuting aral.
d. Maipahayag ang marubdob takot.

Aralin 1 Panitikan: SI PYGMALION AT SI GALATEA

Page | 4
Gramatika/Retorika: PANDIWA (URI, ASPEKTO, AT POKUS)

PAGTUKLAS

Mababatid mo sa bahaging ito ng modyul ang mga aral sa buhay patungkol sa kahalagahan ng pag-ibig.
Na ang wagas na pag-ibig ay tunay na makapangyarihan.

Gawain 1: PusoLiriko
Likas sa mga Pilipino ang hilig sa musika. Ito’y marahil sa ganda ng tono o nais ipabatid
ng kompositor. Ngayon, mag-isip ng isang liriko ng kanta na kung saan pag naririnig mo’y
pawang pagmamahal ang makikita. Isulat ito nang malinaw sa loob ng puso.

__________________________
Pamagat

Bakit ito ang iyong napili?

_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________

GAWAIN 2: WEBBING

Punan ang mga kahon ng salitang may kaugnayan sa Mitolohiyang Griyego.

MITOLOHIYANG
GRIYEGO

Page | 5
TANDAAN

Ang mitolohiya ay kalipunan ng iba’t ibang paniniwala at mga tradisyonal na kuwento

tungkol sa mga diyos at diyosa na may taglay na kapangyarihan at nagpapaliwanag tungkol sa
mga likas na kaganapan. Hindi matukoy ang tiyak na panahon kung kailan umusbong at
lumaganap ang mitolohiya subalit ito’y pinaniniwalaang nangyari nang ang mundo ay musmos
pa at ang mga tao’y may bukas na paniniwala sa mga bagay na mahirap ipaliwanag.

KATAPUSAN NG PAGTUKLAS:
Ang iyong mga sagot sa ginawang mga gawain ay tutulong sa iyo upang maunawaan
mo ang araling tatalakayin mula rito, masasagot mo ang mga mahahalagang tanong na: Bakit
mahalagang panghawakan ang pag-asa? Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan ng
Rehiyong Mediterranean?

PAGLINANG

Ang modyul na ito ang siyang gagabay sa iyo upang maunawaan, mapahalagahan at
masuri ang panitikang Mediterranean.
Upang malaman ang mga butil ng kaalaman na maaaring gamitin sa kasalukuyan, basahin
at unawain ang mitolohiyang Si Pygmalion at Si Galatea. (pahina 6 Aklat 1)

GAWAIN 3: TALASALITAAN
Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng kayariang payak, maylapi, inuulit, at
tambalan. Ibigay ang kasingkahulugan ng salita batay sa kayarian at sa iba pang katangian nito.
Isulat sa patlang ang iyong kasagutan.

1. Anong salita ang kasingkahulugan ng tambalang salitang pag-iisang- dibdib? Ang isa
pang kahulugan nito’y pag-aasawa. ____________________________

2. Alin sa mga salitang maylaping minamahal, iniibig, sinisinta, hinahangaan ang may
naiibang kasingkahulugan? ______________________

3. Anong payak na salita ang kasingkahulugan ng salitang galak sa pangungusap na:

“Ligaya ang dulot ng muli naming pagtatagpo ng dati kong kaibigan.”
_________________________

4. Anong inuulit na salita ang puwedeng gamiting pamalit sa pariralang sobrang

minamahal o labis na iniibig? ________________________

5. Alin sa mga salitang lilok, ukit, guhit ang may naiibang kahulugan? ________________

PANITIKAN
Page | 6
SI PYGMALION AT SI GALATEA

Mga Pamprosesong Katanungan

1. Anong klase ng lalaki si Pygmalion?

________________________________________________________________________

2. Bakit kaya babae ang nagging obra maestro niya?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Paano niya naipakita ang tunay na pagmamahal sa babae?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Paano naisakatuparan ang kanilang pagmamahalan? Kung ika’y nabubuhay na may
paniniwalang Griyego makatarungan ba ang kanilang pasasalamat?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Sa totoong buhay, ano ang sinisimbolo ng estatwang si Galatea? Ipaliwanag.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

GAWAIN 4 OPINYON MO’TO

May mga pag-iibigang kakaiba, tulad na lamang ng kina Pygmalion at Galatea. Ano ang
masasabi mo sa mga larawang na sa ibaba? Magpahayag ng sariling opinyon hinggil sa mga
larawang makikita sa ibaba.

https://images.app.goo.gl/ABQt8xjZsGHLUdbZ9 https://images.app.goo.gl/kvRALSvbFfAqFW9N9 https://images.app.goo.gl/HFYSMsfHdxVgxJND6

Page | 7
payo sa mga magkasintahan
opinyonpayo sa mga mapanghusga
unang naiisip

GAWAIN 5: TUGON NG PUSO MO!

Basahin sa ibaba ang ginintuang aral mula sa 1 Corinto 13: 4-7 mula sa Banal na Aklat.
“Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang–loob, hindi mainggitin, hindi mayabang, ni
mapagmataas, may hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin o
mapagtanim sa kapwa. Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang
katotohanan. Ang pag – ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag –asa at mapagtiis
hanggang wakas.”

Mula sa binasang ginintuang salita paano mo maipakikita ang tunay na pag-ibig sa mga
sumusunod na sitwasyon?

SARILI: Lagi kang napupuyat sa paglalaro ng video games at panonood sa youtube.

Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa iyong sarili?
 _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

KAIBIGAN: Hindi ka nabati sa iyong kaarawan ng iyong matalik na kaibigan dahil kanyang
nakalimutan. Paano mo ipapakita sa kanya ang iyong pagmamahal?
 _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

PAMAYANAN O BANSA: Gustong-gusto mong lumabas kasama ang iyong mga kaibigan sa
mall pero bawal dahil may kumakalat na sakit at mahigpit ang pagbabantay ng mga pulis
Paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa iyong pamayanan o bansa sa sitwasyong
ito?
 _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Page | 8
DAIGDIG: Nakararanas ng kahirapan at delubyo ang buong mundo dahil sa samu’t-saring
kaguluhan at sakuna.
Ano-ano ang maaari mong gawin upang maipakita mo ang pagmamalasakit sa
mundo?
 _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Katapusang Bahagi ng Paglinang

Pagbati sa iyo sa patuloy na pagsagot sa modyul na ito. Natapos mo ito dahil sa iyong
dedikasyong matuto at patuloy na pag-unawa sa kung anong realidad patungkol sa pag-ibig.
Sa puntong ito ating isanib ang pagtalakay sa gramatiko, partikular na ang apat na uri ng pokus
ng pandiwa: ang pokus ng tagaganap, pokus ng layon , pokus ng kagamitan at pokus ng
pinaglalaanan.

PAGPAPALALIM

GRAMATIKA POKUS NG PANDIWA

Basahin at unawain mong mabuti ang kaalaman ukol sa limang uri ng pokus ng pandiwa: ang
pokus sa tagaganap, pokus sa layon, pokus sa kagamitan at pokus sa pinaglalaanan.

Pokus ng pandiwa – tumutukoy sa relasyon o ugnayan ng paksa at pandiwa.

1. Tagaganap o aktor nasa bahaging paksa ang gumaganap ng kilos.

Halimbawa: Si Pandora ay nagsisi sa kanyang ginawa

2. Layon o Gol kung ang layon ay siyang paksa o binibigyang diin sa pangungusap.

Halimbawa:
Ang kasal nina Epimetheus at Pandora ay ikinatuwa ni Zeus.

3. Tagatanggap o Benepaktib nasa paksa ang tagatanggap sa kilos.

Halimbawa:
Ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam ang tatay.

4. Gamit o Instrumental ang pokus ng pandiwa kung ang bagay na ginamit upang
maisagawaang kilos ng pandiwa upang maisagawa ang kilos ng pandiwa kung ang
paksa ng pangungusap.

Halimbawa:
Ginamit ni Pygmalion ang paet at martilyo sap ag-ukit ng estatwa.

5. Sanhi o Kosatib ang pokus ng pandiwa kung ang paksa ng panugungusap ay ang
dahilan o sanhi ng kilos.

Halimbawa:
Page | 9
Ikinatuwa ni Aphrodite ang patuloy na pag-aalay ni Pygmalion.
GAWAIN 6 POKUS!
Tukuyin kung anong pokus ang pandiwa. Isulat ang AKTOR, GOL, LOKATIB,
BENEPAKTIB, INSTRUMENTAL, at KOSATIB.

___________________1. Ipinamutol ng karpintero ang itak.

___________________2. Ipagluluto niya ng lugaw ang maysakit.
___________________3. Ikinalungkot niya ang pag-aalis mo.
___________________4. Sinulatan niya ang kaniyang mga magulang.
___________________5. Isinungkit niya ang kaniyang kasintahan ng mga bituin.

Katapusang Bahagi ng Pagpapalalim

Hanga ako sa ipinakita mong tiyaga sa pagsagot mo sa mga gawaing makikita sa modyul.
Naniniwala akong ang mga aral na natutuhan mo sa araling ito ay magagamit mo sa pagkamit ng
iyong mga naisin. Ipagpatuloy ang angking kagalingan dahil ika’y nag-iisa lang, walang kapara
dahil kamahal-mahal ka.

PAGLILIPAT

GAWAIN 7
Saliksikin mo ang isang maikling video na higit na magpapakilala sa iyo sa mga diyos at diyosa
ng bundok Olimpus. Makikita ang video sa link na ito: http://www.youtube.com/watch?
v=eJCm8W5RZes

Sagutin :
1. Paano mo higit na nakilala ang mga Diyos at Diyosa ng mga mitolohiyang Griyego sa
tulong ng pinanood mong maikling video?
_____________________________________________________________________

2. Sino sa kanila ang nanaisin mong maging mga tauhan? Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Katapusang Bahagi ng Paglilipat

Pagbati. Ang iyong pagsisikhay na matapos ang gawain sa itaas ay nagpapakita na ika’y di
lang isang mag-aaral na kapaki-pakinabang sa paaralan kundi nagsisilbing liwanag din ng iyong
mundong kinagagalawan.

MGA SANGGUNIAN
Dayag, Alma M. et al. 2017. Pinagyamang Pluma Aklat 1. Quezon City: Philippines, Phoenix
Publishing House
Panitikang Pandaigdig (Modyul Para sa Mag-aaral)
Private Eduacation Assistance Committee (PEAC)

Page | 10
PANIMULANG PAGTATAYA

Bago mo simulan ang pagsasagawa ng mga makabuluhang gawain sa mga nakalatag na

aralin. Susukatin sa pagsusulit na ito kung ano na nga ba ang nalalaman mo tungkol sa mga
araling kahaharapin mo.Sagutin ang lahat ng aytem.

Pagkatapos masagot ang panimulang pagtatayang ito, malalaman mo ang iyong iskor
pagkatapos maiwasto ang lahat ng iyong kasagutan. Isaalang – alang ang mga naging kamalian
at tuklasin ang tamang sagot sa mga ito habang pinag – aaralan ang mga aralin sa modyul na
ito.

ARALIN 2 PANITIKAN: ANG PARABULA NG SAMPUNG DALAGA

WIKA/RETORIKA: MGA PANG-UGNAY, PANG-UKOL, AT
PANGATNIG

SIMULA

Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa patlang ang titik ng iyong kasagutan.

____1. Ang Parabula ng Sampung Dalaga ay matatagpuan sa aklat ng ________________.

a. Lukas c. Mateo

Page | 11
b. Juan d. Ruth

____2. Ang limang dalaga ay nagbaon ng sobrang langis para sa kasalan. Ito ay
nangangahulugang
a. mayaman sila c. masunurin sila
b. masipag sila d. matatalino sila

____3. Anong aral ang lumulutang sa Parabula ng Sampung Dalaga?

a. maging handa c. matutong maghintay
b. maging liwanag sa iba d. lahat ng nabanggit

____4. “At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo
ng talagang para sa inyo?” Anong damdamin ang angkop sa pahayag?
a. pag-aalinlangan c. pangkagalit
b. pagkaawa d. panghihinayang

____5. Ang mga sumusunod na parirala ay patungkol sa parabula maliban sa _______________.

a. maikling salaysay c. mapagmungkahi

b. lantad ang kahulugan d. na sa Banal na Kasulutan

Page | 12

You might also like