BATA Bata Pano Ka Ginawa
BATA Bata Pano Ka Ginawa
BATA Bata Pano Ka Ginawa
Buod ng Nobela
Nagsimula ang kuwento sa pagtatapos ni Maya ng Kinder, alas siyete ang usapang
pag-uumpisa ng programa pero pasado alas otso na ay hindi pa nag-uumpisa ang
seremonya sa araw na iyon. Sa araw na iyon nakita ni Lea si Ding na umatend ng
Graduation ni Maya at nasabi nalang niya na ngayon niya lang nakita ulit si Ding. Sa
hindi malaman na dahilan kung bakit nandun si Ding at naisip nalang niya na simpleng
tao lang si Ding at simpleng karaniwang ama sa kanyang anak.Nang matapos na ang
seremonya agad umuwi sina Lea at anak na si Maya upang ipagdiwang ang pagtatapos
ni Maya ng Kinder at nagpahanda ng kaunting handaan si Lea na dinaluhan ng mga
kaklase ni Maya na naging dahilan ng pagkakulang nang kanilang inihanda, at laki
nalang ng pagtataka ni Lea kung bakit marami ang pumunta sa kanlang bahay pati na
rin si Pilar upang kausapin si Lea na pasalihin ulit si Maya sa isang patimpalak pero
hindi na pumayag si Lea at payabang na sinabi iyon. Sa maraming buwan at taong
lumipas ay nalaman ni Lea na dumating na pala si Raffy, ang kanyang dating asawa.
Nakipagkita si Lea sa kanya, sa pag-asa na baka manumbalik pa ang kanilang dating
relasyon. Pero sa kabiguan ni Lea, makikipagkita lang si Raffy sa kanyang anak na si
Ojie at nalaman rin niya na may bagong asawa na ito. Ang kanyang asawa ay si Elinor
na buntis sa anak nila ni Raffy, sa mga pinag-usapan din nila’y iminungkahi ni Raffy na
dalhin na lang ang anak sa State kasama niya ngunit hindi agad sumagot si Lea sa
gustong mangyari ni Raffy at kakusapin muna ang anak para hindi ito magulat na
isasama ni Raffy ito sa Amerika upang doon na mag-aral at nang magkita ang mag-
ama. Ipinagtapat ni Raffy iyon sa anak ng nagbabakasyon si 0jie sa kanya. Nagpasiya
rin si Lea na pabayaan na lang ang anak na magdesisyon para sa kanyang sarili kahit
na mabigat sa loob niya, dahil si 0jie ang may hawak sa buhay niya. Nagkaroon ng PTA
miting noon, dumalo si Lea. Nagkaroon ng malaking pagtatalo doon ng inisulto si Lea
ng isang lalaki. Napunta sa miting ng isang pag-aalitan ng guro nila 0jie at Maya tungkol
sa apelyido ni Lea. Nalaman ito ni 0jie at halata na rin na naapektuhan siya nito. Hindi
na siya pumapasok sa paaralan. Isang araw, nakita ni Lea at sa matinding galit niya,
nasampal niya si 0jie. Unti-unting nahulog ang loob ni Lea sa kaibigan niyang si Johnny.
Nang makikita siya ng pagkakatoon na pumunta sa Bagiuo at mapag-isa kasama si
Johnny, ibinigay niya kaagad ang mga bata sa pag-aalaga ni Raffy. Pero hindi sumipot
si Johnny sa halip ay nagpapalit ito kay Sister Ann upang may makasama si Lea
papuntang Baguio. Lumipas ang isang linggo ay umuwi na si Lea ngunit hindi niya agad
nakuha ang kanyang mga anak dahil sa labis na pagod at gabi na. Isang umaga ay
nabalitaan na lamang niya na naaksidente ang dalawang bata sa kanilang bisikleta at
dinala sa ospital. Binintangan ng dalawang ama si Lea dahil sa nangyari. Sinasabi nila
na wala nang panahon si Lea para sa anak niya dahil palagi na lang siyang nasa
trabaho. Galit na galit si Lea, dahil dito iniwan niya ang dalawang ama para mag-alaga
sa kanilang mga anak. Umuwi na rin ang mga bata sa bahay. Lumipas ang Pasko at
Bagong Taon na hindi kapiling si Ding. Umuwi si Ding kay Lea na dala-dala ang
balitang kasal na pala siya sa iba niyang nabuntis. Sana lang bago siya umalis
madadala niya si Maya. Kagaya ni 0jie, ibinigay ni Lea kay Maya ang pagpasya. Sa
wakas, umiral pa rin ang pagmamahal ng dalawa sa kanilang nanay, sa halip ng
pakasabik sa tatay. Nagpasya ang dalawa na manatili kapiling si Lea. Bago umalis si
Raffy, humingi siya ng isang gabi para manumbalik sa dating tamis ng kanilang
pagmamahalan. Nagtatapos ang kuwento sa pag graduate ni 0jie. Nagbigay ng isang
inspirasyonal na talumpati si Lea, dala ang kanyang inosenteng tanong; “Bata, bata...
pano ka ginawa?”
Sangkap ng Nobela
1. Tauhan- Isang taong likha ng imahinasyon na gumagalaw o gumaganap sa kwento. Sila ay may
motibasyon o sapat na dahilan upang kumilos ayon sa dapat nilang gampanan.
Uri ng Tauhan
a. Tauhang lapad (Flat)- Ang tauhang lapad ay walang pagbabago. Stereotype o karaniwan ang
kanyang karakter.
b. Bilugang Tauhan (Round)- Ang tauhang bilog ay may kalaliman ang pag-iisip na
ipinahihiwatig ng kilos o pagsasalita niya.May iba’t iba siyang mga katangian na mahirap makilala.
Kailangang tuklasin di tulad ng lapad na tauhan na may katangiang litaw na litaw.
B. Gitna- katawan ng kwento. Dito nangyayari ang mas matinding eksena nang mga tauhan.
Kung saan nagkasagutan si Maya at Ojie na naging sanhi ng pagkabuhat ng kamay ni Lea kay Ojie sa
madaling salita nasampal niya ito sa harap ni Maya.
Nang humingi si Raffy ng isang gabi para manumbalik sa dating tamis ng kanilang pagmamahalan.
Tunggalian- ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili
at kapana-panabik ang mga pangyayari kaya’t sinasabing ito ang sandigan ng akda.
Talasalitaan
1. Gerona- lugar ng mga nagda-drugs
2. Libido- kati
Tradisyong Feminismo
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang
pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.
Tradisyong Klasismo
Ang layunin ng panitikan ay naglalahad ng mga pangyayaring payak,ukol sa
pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan karaniwan ang daloy ng
pangyayari,matipid at piling –pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang
may kaayusan.
Tradisyong Kultura
Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi
nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon
minana at ipasa sa mga sunod na salin lahi.Ipakita rin ditto na bawat lipi ay natatangi.
Tradisyong Romantisismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipalabas ang ibat ibang paraan ng tao o sumssagisag sa tao sa pag-
aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa,bansa at mundong kinalakhan.
Tradisyong Humanismo
Ang layunin ng panitikang ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay
binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento
atbp.
Tradisyong Realismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-
akda sa kanyang lipunan.Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay
ngunit hindi tuwirang totoosapagkat isaalang-alng ng may-akda ang kasiningan at
pagkaifektibo ng kanyang sinulat.
Tradisyong Moralistiko:
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa
moralidad ng isang tao ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga
pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali
ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay
napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
Pagsusuri Tradisyong Feminismo
Ang pagpapahalaga ni chona sa anak. Patunay: “uuwi ako. May bata rin ako
do’n.” sa pagkakataon ito, hindi na mahalaga na kagabi lang ay nagpaanu siya sa
asawa nito.
(pahina 201, talata 26)
Pagpapaliwanag: Sa pagiging matapang ni chona sa nangyari sa kanyang asawa.
matatawag siyang isang mabuting ina sa kanyang mga anak na naiwan sa kanilang
bahay.
Patunay: Kilala niya si Raffy, “ma-pride” ito. At hindi ito patatalo sa kanya. Hindi nito
iiwan ang trabaho, hindi babalik sa kanya... kung para man lang pangatawan ang pride
nito’t paglalaki.
Pagpapaliwanag: Ang pagiging mapride ni raffy hindi agad sila nagkaunawaan ni Lea
sa kanilang naudlot na relasyon.
(pahina 39, talata 5) “Si Maya nalang ang ihatid mo” sabi sa kanya ni 0jie na may
kasama pang banta. “Pagsinaahan mo ko sa pila ko, magdadabog ako!”
Pagpapaliwanag: Dito na nagbibinata si Ojie kaya niyang kinakarga pa nang kanyang
Mama Lea na naging dahilan ng pag-iwas at pagtatakwil sa ina niyang si Lea. (Pahina
115, talata 15)
Patunay: “Lea ka, oo!”Hinalikan. Pero do’n naman siya nagkamali. Dahil pagkatapos
niyang halikan si Lea, ang tanong niya. “talaga bang gusto mo?” sa hotel sila
bumagsak. Babae si Lea... at lalaki si Johnny, mga kaibigan! (Pahina 194, talata 25)
Pagpapaliwanag: Sa kagustuhan ni Lea na may mangyari sa kanila ni Jhonny hindi na
niya naisip na mali pala ang kanilang ginawa.