Bata Bata Paano Ka Ginawa

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

BALANGKAS

Bata, Bata, Paano ka Ginawa?


Ni Lualhati Bautista

I. Buod:

Nagsimula ang nobela sa pagmamartsa ng magtatapos sa kinder, isa si Maya, ang anak ni
Lea kay Ding ay gragradwayt ng oras ng iyon. Bago simulan ang pagbibigay ng honors ay may inilatag na
isang programa ang paaralan, yung ay ang Ms. Kinder ’83, kasali si Maya sa mga kalahok. Hindi hinayaan
ni Lea na lagyan ng kahit na anong panretoke sa mukha o kahit lipstick man lang si Maya dahil
naniniwala si Lea na ang ganda ng isang bata ay wala sa mayk-up o kung anong kolorete sa mukha.
Tumulo ang luha ni Lea nang tanghaling Ms. Kinder ang anak, dali-dali niya itong pinicturan ngunit ubos
na ang kaniyang film. Ginawaran din si Maya bilang third honors. Nagkaroon ng konting salo-salo sa
bahay ni Lea na kung saan ang karamihan sa kanilang bisita ay mga bata, dumating naman si Pilar sa
kanilang bahay at inalok si Lea na isali si Maya sa contest ng Johnsons Johnsons at iisponsoran nito ang
bata ngunit ayaw na itong isali ni Lea sa kahit na anong contest. Nasa trabaho si Lea nang mga oras na
iyon nang tumawag si Raffy sa kaniya upang sila’y muling magkita at magka-usap. Humingi si Raffy ng
pabor kung maaaring makasama niya si Ojie, pumayag naman si Lea at agad na sinabi ito kay Ojie, ngunit
hindi sang-ayon dito si Ding, nagpumilit namang sumama si Maya, at mahigpit na binilinan ito ni Ding na
alamin ang bawat kilos ni Lea at Raffy. Nang magkitang muli ang mag-amang Ojie at Raffy ay masayang-
masaya ang dalawa, pumunta sila sa isang karnibal at doon nagkaroon ng pagkakataon na magka-usap
muli ng masinsinan sina Raffy at Lea, dito na umiyak nang umiyak si Lea sa paglalabas ng sama ng loob
nito kay Raffy, nalaman ni Lea na mayroon na palang bagong asawa si Raffy at tatlong buwang buntis na
ito. Tumira si Ojie sa kaniyang ama sa loob ng isang buwan at pinayagan naman ito ni Lea ngunit ayaw
itong paalisin ni Ding dahil wala raw makakasama si Maya sa bahay pero wala nang magagawa pa si
Ding. Nang makabalik na si Ojie sa bahay ni Lea ay nagpatuli naman na ito, bagamang onse ayos pa lang
ay gusto na nitong magpatuli. Nagka-usap muli sina Lea at Raffy at sinabi ni Raffy na gusto niyang isama
si Ojie sa Amerika. Araw na nang pasukan at sinamahan na ni Lea si Maya sa silid nito, nalito pa ang guro
sapagkat akala nito ay De lara din ang apelyido ni Maya. Nagkaroon ng isang miting ang lahat ng
magulang sa eskuwelahan at nagpakilala ang bawat magulang. Nainis si Lea at nung siya na ang
magsasalita ay sinabi nito na huwag nang sayangin pa ang kanilang oras. Nagbotohan naman sila ng
officers at may isang lalaki doon na laging isinasali ang pangalan ni Lea sa mga kandidato, muli ay nainis
siya at saka nagsalita nang nagsalita. Nang mabasa ni Lea ang balita ay dali-dali itong pumunta ng
kaniyang opisina upang malaman ang nangyaring pagkamatay ni Ninoy Aquino, laman ito ng balita at
libo-libong tao ang nagprotesta dahil sa nangyari.Natapos na ang unang kuwarter ng pasukan at ibinigay
na sa mga bata ang kanilang report card at dahil sa malalim na pag-iisip ni Lea ay nagkapalit nang pirma
ito sa report card ng mga bata, kaya naman nagbigay siya ng sulat sa guro nito na kung maaari ay
baguhin na lang at magbabayad na lamang siya, pero ang sabi ng mga guro ng mga bata ay kanilan
siyang kausapin ng principal. Nang magka-usap ang principal at si Lea ay nalaman ng principal ang
trabaho ni Lea at humanga ito sakaniya dahil kaya niyang ipaglaban ang karapatan ng tao. Naging
magkaibigan si Lea si Mrs. Zalamea. Nasa trabaho si Lea nang tumawag ang kaniyang kapitbahay at
ibinalita rito na naospital ang kaniyang mga anak. Pagdating niya sa ospital ay bukol sa ulo ang natamo ni
Ojie at gasgas naman ang kay Maya, galit na galit na dumating sina Ding at Raffy, nanermon nang
nanermon ang dalawa na para bang siya lahat ang ay kasalanan sa nangyari, dahil din sa galit ni Lea ay
iniwan niya ang mga bata sa kani-kanilang ama. Dahil sa inis ay tinawagan ni Lea si Johnny ay niyayang
manood ng sine, pagkatapos nito ay inalok ni Lea si Johnny na makipag-anohan sa kaniya, nung una ay
ayaw nito pero kalaunan ay pumayag na rin. Nang makalabas na ng ospital ang kaniyang mga anak ay
naghanda siya ng kaunti upang makabawi sa mga ito dahil sa hindi niya pagdalaw. Pagkaraan naman ng
gabi ay tumawag ang asawa ni Johnny kay Lea at ibinalita rito ang pagkakakulong ni Johnny sa salang
PDA. Sumapit ang pasko at bagong taon, walang Ding na umuwi sa bahay ni Lea ngunit nang umuwi ito
ay sinabi ni Ding na may asawa na siya at nagpakasal sila noong pasko, at gusto nitong isama si Maya.
Natapos ang nobela sa pagpili ng kaniyang mga anak na sumama na lamang sa kaniya kaysa sa kanilang
mga ama at ang paggradwayt ni Ojie ng elementarya.

II. Pagtalakay

A. Tauhan

· Si Lea Bustamante ay isang mapag-aruga at mapagmahal na ina kay Ojie at Maya. Nagtratrabaho
siya sa isang organisasyon na kung saan ipinaglalaban ang karapatan ng tao o isang human rights
organization. Nagkaroon ng dalawang asawa at matiyagang binubuhay ang kaniyang dalawang anak.
Naniniwala siya na mas mainam na sabihin na agad ang totoo sa mga bata kaysa malaman pa nito sa iba.
Siya ay maituturing na isang uri ng tauhang lapad sapagkat mula umpisa ay hindi nagbago ang ugali at
pananaw niya sa kaniyang buhay. Pinakita rin sa nobela kung gaano siya katatag na ina sa kaniyang mga
anak.

· Si Raffy ang naging unang asawa ni Lea at iniwan niya nang magkaroon ng trabaho sa Surigao. Siya
ang ama ni Ojie. Bumalik sa Maynila upang makasama ang kaniyang anak. Mayroon na rin itong asawa at
magtatatlong buwan na itong buntis. Gusto niyang isama si Ojie sa Amerika upang makapiling na niya
ito. Siya ay isang uri ng tauhang lapad dahil hindi nagbago ang pakitungo nito kay Lea at ang
pagmamahal nit okay Ojie, nandoon pa rin ang kaniyang paglalaban na alagaan na lamang ni Lea ang
mga bata kaysa sa magtrabaho pa ito sa organisasyon.

· Si Ding naman ang pangalawang asawa ni Lea. Siya ang ama ni Maya. Naging karamay ni Lea sa
mga panahong hindi nabibigay ang nais ni Lea kay Raffy. Laging naroon sa kaniyang nanay. Siya ay isang
uri ng tauhang bilog sapagkat sa huli ay nagbago ang kaniyang pag-ibig kay Lea at nagpakasal sa iba.

· Si Ojie ang panganay na anak ni Lea na nais sanang dalhin ni Raffy sa Amerika. Kahit na kinaiinisan
si Maya ay mahal na mahal niya ito at nais niyang ipakilala sa kaniyang tatay. Siya ay isang uri ng tauhang
bilog sapagkat noong una ay sumusunod ito kay Lea pero kalaunan ay naging pabaya ito sa pag-aaral at
nakita na lamang ni Lea na nagsusugal ng pool kasama ang matatanda.

· Si Maya ang bunsong anak ni Lea. Masayin at madadal . Nanalo ng Ms. Kinder sa kanilang paaralan.
Isang uri ng tauhang lapad si Maya dahil hanggang sa huli ay ang pagmamahal niya kay Lea ang naging
dahilan sa pagpili niya rito kaysa sa pagsama sa kaniyang ama.
· Si Johnny Deogracias ang katrabaho ni Lea at kung minsan ay tumutulong ito sa kaniya at may
nangyari sa kanila. Dinakip siya ng mga pulis at kinasuhan ng PDA. Isang uri ng tauhang lapad si Johnny
dahil hanggang sa huli ay hindi nagbago ang kaniyang pananaw at pinaglalaban niya pa rin ang
karapatan ng tao kahit na siya ay nakulong na.

B. Tagpuan

· Sa bahay ni Lea nangyari ang halos lahat ng pangyayari sa nobela.

· Sa mall at karnibal nagkita muling si Lea at Raffy at nagbonding kasama ang mga bata.

· Sa eskuwelahan nagsimula ang nobela sa paggradwayt ni Maya sa Kinder at dito rin nagtapos ang
nobela sa paggradwayt ni Ojie at ang pagbigay ni Lea ng talumpati.

· Sa loob ng kuwarto ng principal nagkasagutan si Lea at ni Mrs. Zalamea na kalaunan ay naging


mabuting magkaibigan.

· Sa trabaho ni Lea inilahad sa nobela ang ginagawa ng isang miyembro ng organisation kung paano
nila ipinaglalaban ang karapatan ng bawat tao.

· Manila ang pinanggaganapan ng kuwento sapagkat naisaad dito ang nangyari sa pagkamatay,
paglibing kay Ninoy Aquino at pagprotesta ng mga tao laban sa gobyerno.

B. Tagpuan

· Sa bahay ni Lea nangyari ang halos lahat ng pangyayari sa nobela.

· Sa mall at karnibal nagkita muling si Lea at Raffy at nagbonding kasama ang mga bata.

· Sa eskuwelahan nagsimula ang nobela sa paggradwayt ni Maya sa Kinder at dito rin nagtapos ang
nobela sa paggradwayt ni Ojie at ang pagbigay ni Lea ng talumpati.

· Sa loob ng kuwarto ng principal nagkasagutan si Lea at ni Mrs. Zalamea na kalaunan ay naging


mabuting magkaibigan.

· Sa trabaho ni Lea inilahad sa nobela ang ginagawa ng isang miyembro ng organisation kung paano
nila ipinaglalaban ang karapatan ng bawat tao.

· Manila ang pinanggaganapan ng kuwento sapagkat naisaad dito ang nangyari sa pagkamatay,
paglibing kay Ninoy Aquino at pagprotesta ng mga tao laban sa gobyerno.

C. Panahon

· Ang nobela ay isinulat sa panahon ng Martial Law na kung saan ipinahayag sa nobela ang patayang
nagaganap sa bansa, ang pagpatay kay Aquino sa airport at ang pagprotesta ng mamamayan.
D. Punto de vista

· 3rd Person point of view dahil nakabatay ito sa obserbasyon at pananaw ng may-akda.

E. Tunggalian

· Tao laban sa Tao. Bagaman walang nangyaring labanan o suntukan sa mga karakter, makikita pa
rin ang tunggalian sa tao laban sa tao. Si Lea laban sa dalawa niyang asawa at ng lipunan. Si Lea laban sa
kaniyang dalawang asawa na sina Raffy at Ding, pinakita ni Lea sa nobela ang kaniyang katatagan na
kahit pilit na siyang pinaaalis sa kaniyang trabaho ay mas pinili niya ang kaniyang trabaho at kahit na
iniwan na siya ng dalawa ay nananitili pa rin siyang matatag para sa kaniyang mga anak. Si Lea laban sa
lipunan, sa ganitong panahon, marami ang mga taong mahilig manghusga at dahil sa kalagayan ni Lea,
dalawa ang kaniyang anak at magkaiba ang ama hindi na maiiwasan ang mahusgahan ng mga taong
nagmamalinis katulad na lamang noong umatend siya ng miting sa paaralan nina Ojie at ang mga tingin
sa kaniya ng mga tao ay parang madaliang babae na kung sino-sino lang nagpapaano.

· Tao laban sa sarili sapagkat ipinakita ni Lea na kahit iniwan na siya nina Raffy at Ding ay nanatili
siyang matatag para sa kaniyang mga anak, nagpatuloy pa rin siya sa kaniyang buhay kahit wala ang mga
ito.

F. Paksang-diwa

· Ang paksang-diwang binibigyang diin sa nobela ay ang pagmamahal ni Lea sa kaniyang mga anak,
ang paninindigan ni Lea sa karapatan ng tao at pagiging pantay-pantay ng babae sa lalaki at ang mga
nangyayari sa lipunan katulad na lamang ng kaliwa’t kanang pagpatay, pagprotesta ng mga mangagawa
at ang pagpatay ay Ninoy Aquino.

· Ang paksang umiiral sa nobela ay ang kasaysayang pag-ibig na kung saan ipinakita rito ang
pagmamahal ni Lea sa kaniyang mga anak at sa dalawang lalaking naging parte ng kaniyang buhay.

G. Pamamaraan

· Ang istilong ginamit ng may-akda ay pinaghalo niya ang wikang Ingles at Filipino. Karamihan sa
parte ng kaniyang nobela ay ang kasalukuyang kaganapan ng mga panahon na iyon. Mas umiiral din ang
pagiging ina ng may-akda dahil mararamdaman ito ng mambabasa sa katauhan ni Lea, na kahit anong
mangyari ang kaniyang anak at sarili pa rin ang kaniyang pipiliin.

H. Pananalita
· Ang diyalogo ng bawat tauhan sa nobela ay makikita sa kanilang edad. Halimbawa na lang nito ay
kay Maya na kung saan makikita ang kainosentehan nito sapagkat tanong ito nang tanong na nangyayari
naman talaga sa ibang batang katulad niya. Si Lea na kung saan ang pananalita niya ay makikita ang
pagiging isang ina nito.

III. Dulog

Ang nobelang Bata, Bata…Pa’no ka Ginawa ni Lualhati Bautista ay gumamit ng dulog na Feminismo
sapagkat babae ang pangunahing tauhan ng nobela, ipinakita sa nobela kung gaano katatag si Lea sa
mga pagsubok na dumating sa kaniya, naipakita rin ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang dalawang
anak na kung saan na kahit na may posibilidad na sumama ang kaniyang mga anak sa kani-kanilang ama
pero hinayaan niya pa rin ang mga ito na sila mismo ang pumili at magdesisyon kung kanino sila sasama.
Pinakita rin sa nobela ang pakikipagsabayan ng mga kababaihan sa mga kalalakihan na kung saan mas
pinili ni Lea na kaniyang trabaho kaysa kay Raffy, naisaad din sa nobela ang mga palaban na kababaihan
sa paglalaban nila sa kanilang karapatan. Naipahayag din ang pagsali ng mga kababaihan sa protesta
laban sa nagaganap na Martial Law sa bansa.

IV. Bisang Pampanitikan

a. Bisa sa Kaisipan

Sa pagbabasa ng isang nobela ay kinakailangan ng maraming panahon para basahin ito, lalo na kung ang
nobelang binasa makaluma. Ang nobelang Bata, Bata…Pa’no ka Ginawa ay maituturing kong isang
napakagandang nobela sa panahon ng Martial Law. Bagaman nakapokus ang nobela sa karapatan ng
mga kababaihan sa mundong ibabaw, ipinahayag din sa nobela ang mga pangyayaring naganap ng
Martial Law. Hindi man ganap na isinaad sa nobela kung sino ang taong nasa likod ng Martial Law,
malalaman kaagad na tungkol ito sa Martial Law sapagkat nabanggit ang pagkamatay ni Ninoy sa airport
at ang protesta ng napakaraming tao. Para saakin, mas mainam pa rin ang magbasa ng mga makalumang
nobela sapagkat may malalaman kang impormasyon tungkol sa nangyari sa lipunan noong panahon,
kaysa sa mga nobelang nababasa ngayon tulad ng sa wattpad, puro pag-ibig at nakatuon lamang sa
tauhan ang kuwento, pero ang nobela talaga ay naglalaman ng mga pangyayari sa lipunan.

b. Bisa sa Damdamin

Ang pagiging isang babae ay mahirap, hindi lang dahil sa buwan-buwan itong dinadatnan o kaya ay
nanganganak. Noong panahon, ang mga babae ay ang tanging papel sa buhay ay maging karamay ng
mga lalaki, sila ay nasa bahay lang at nag-aalaga ng anak’t asawa. Walang karapatan na gawin ang gusto
niyang gawin sa buhay. Pero pagdaan ng panahon, dahil na rin sa pagbabago sa lipunan, nagkaroon na
nang karapatan ang mga kababaihan, hindi na lamang pambahay kundi panlabas pa. Si Lea ay
maituturing na kababaihan sa modernong panahon dahil sa ipinaglalaban niya ang kaniyang karapatan
bilang babae sa lipunan. Maraming parte sa nobela ang isinaad ang pakikipaglaban ni Lea sa karapatan
ng bawat tao sa lipunan, kung gaano kasaklap ang mga nangyayari sa isang pamilyang iniwan ng ama, o
di kaya’y nakulong o pinatay. Kahit pa na babae ang isang tao, makakaya niyang gawin ang isang bagay
kung gugustuhin niya at kaya na nitong makipagsabayan sa mga kalalakihan, hindi na lamang ito
pambahay. Mahirap din ang maging isang ina sapagkat lahat ay kaniyang ginagawa para lamang sa
kaniyang mga anak, si Lea ay isang halimbawa ng babaeng matapang at mapagmahal. Lahat ng ina ay
gagawin ang ikakabuti sa kanilang anak.

c. Bisa sa Kaasalan

May nabasa akong isang pahayag mula sa facebook na ang mga kabataan ngayong panahon ay maagang
nabubuntis, hindi katulad noong panahon na kapag may asawa na saka mabubuntis. May nagkomento
sa pahayag na iyon na nakapukaw ng aking pansin, ganito ang kaniyang sinabi “Sadyang matapat na kasi
ang mga kabataan ngayon kaysa noon, lola ko nga pinagbuntis si mama na 17 pa lang siya, tapos ngayon
sasabihin niyo na mas mabuti pa ang kababaihan noon kaysa ngayon” para saakin, may nabasa na akong
ilang akda na nagsasaad na kapag nagustuhan ang isang babae ng isang lalaki noong panahon na kahit
na ang babae ay bata pa, ay ikinakasal na ito, kaya para nagmumukhang mas mabuti ang ginawa ng mga
babae noon kaysa ngayon. Sa lagay ni Lea na dalawa ang naging anak sa magkaibang lalaki, hindi na ito
bago sa panahon ngayon, mayroon pa nga na iba’t ibang lalaki ang ama ng isang anak dahil sa kung sino-
sino lang ito nagpapaano. Malungkot man isipin pero ganito na ang nangyayari sa lipunan ngayon, mas
pinapairal ang puso kaysa utak. Sarap bago hirap. Kapag nagbunga ang ginawa, iiyak, pagkatapos kapag
hindi pinanagutan ng lalaki, ipapalaglag ang bata o di kaya ay magsu-sucide. Malikot na mag-isip ang
mga kabataan ngayon, lahat gustong maranasan agad-agad, hindi iniisip ang mga mangyayari.
Pagkatapos, ano? Iiyak sa magulang at hihingi ng tawad. Hindi masama na gawin ang gustong gawin,
pero kung maaari lamang ay isipin ang mga posibleng mangyari bago gawin ang gusto. Ipairal muna ang
utak bago puso. Masasaktan ka lang pagnagkataon.

V. Mensahe

Ang “Bata, Bata.. Pa’no ka Ginawa” ay isang nobelang isinulat ng batikang manunulat na si Lualhati
Bautista. Tungkol ito sa mga dating Filipinong babae na asawa lang dapat ng kalalakihan.
Napakagandang nobela na kung saan malalaman ang mga nangyari sa lipunan ng panahong isinulat ito
at ang katatagan ng isang ina na may dalawang anak sa magkaibang lalaki. Noong panahon sunud-
sunuran lamang ang mga kababaihan sa Pilipinas sa kanilang mga asawang lalaki at mga kaibigang
kalalakihan. Gumaganap lamang ang mga babae bilang ina na gumagawa lamang ng mga gawaing bahay,
taga pag-alaga ng mga pangangailangan ng asawa o kaya ng mga bata, wala silang karapatan at hindi
nararapat na makielam ayon sa nakaugalian hinggil sa paksa at usaping panghanap-buhay at larangan ng
politika. Subalit nabago ang gawi at anyo ng katauhan ng mga kababaihan sa lipunang kanilang
ginagalawan sapagkat nagbago rin ang lipunan. Nabuksan ang mga pintuan ng tanggapan para sa mga
babaeng manggagawa, nagkaroon ng lugar sa pakikibaka para mapakinggan ang kanilang mga daing
hinggil sa kanilang mga karapatan, na buhay ang kanilang kaisipan na may tinig sila sa loob at labas man
ng tahanan. Sinalaysay sa nobelang ito ang buhay ni Lea, isang nagtatrabahong ina na may dalawang
anak, -isang lalaki at isang babae. Kung kaya’t makikita rito ang paglalarawan ng pananaw ng lipunan
tungkol sa kababaihan, pagiging ina at kung paano gaganapin ng ina ang kaniyang pagiging magulang sa
makabagong panahon. Sa pamamagitan ni Lea, ipinakita ng manunulat na hindi sa lahat ng panahon
magiging tahimik ang buhay ng isang tao, kailangang magpasya at makibaka sa agos ng buhay. Patuloy
tayong naghahanap ng kalayaan, tulad ni Lea na ayaw manatili sa kaniyang maliit na papel na pagiging
asawa lang ng kalalakihan mas mainam na sa kaniya ang magkaroon ng silbi sa lipunang kaniyang
ginagalawan. Ngayong modernong panahon, ang mga kababaihan ay masasabi nang karamay ng
kalalakihan sa lahat ng bagay, kaya na nitong gawin ang kahit na anong trabaho ng isang lalaki.

You might also like